• Thirty Three
Gabi gabi pa rin akong umiiyak simula nung nailibing si Jamie. Miss na miss ko pa rin siya.
Hindi ako iniwan ni Dax sa mga panahong halos bumagsak ang mundo ko. Lagi lang siya nakaalalay sakin. Siya lahat ng gumagawa ng chores dito sa condo.
Bumabangon lang ako pag mag c-cr. Nagpupunta din dito si mama at pinipilit niya kong lumipat sa bahay niya. Pero tumanggi ako.
"Sigurado ka ba Jelly? That's also your home. Mabuti pang lumipat na kayo ni Dax sa bahay."
Umiling ako at tipid siyang nginitian. Maybe I will consider that. Pero sa ngayon, gusto ko dito muna ko. Dahil na rin sa mga memories ni Jamie. I can still feel her presence here.
"Hindi na muna kita pipilitin sa ngayon. Pero next time, iuuwi din kita sa bahay. Hindi pwedeng habang buhay na ganito ka."
Tumango na lang ako para mapanatag na ang loob niya.
Lagi akong inaasikaso ni Dax. Hindi siya napapagod na dalhan ako ng pagkain dito sa kwarto. Alam kong hindi dapat ganito yung magiging set up namin. Hindi na rin kasi siya lumalabas ng unit dahil lagi siya nakabantay sakin.
Minsan pa nga ay naaabutan ko siyang natutulog sa sofa dito sa kwarto. Hindi niya ko pinapabayaan. Hindi niya ko iniiwan..
Nagising ako na umiiyak. I saw Jamie in my dreams. Napakaganda niya sa soot niyang puting bestida. Tumatakbo siya habang palayo sakin. Nung nilingon niya ko ay tumatawa siya at kinakawayan ako. Sobrang aliwalas ng mukha niya. Tapos naglakad na ulit siya palayo sakin... papunta sa puting liwanag.
Napangiti ako habang umaagos ang luha sa mga mata ko. Alam ko na maganda na yung kalagayan niya sa langit. Maayos na siya dun at masaya. Kung noong nabubuhay pa siya, kundi siya nakahiga, eh nasa wheelchair lang siya.
Sobrang gumaan yung pakiramdam ko. Parang pinarating niya sakin na I should be happy too kung nasan man siya ngayon.
Bumangon na ko at nagpuntang cr. Naligo na rin ako at nag ayos na. Alas singko pa lang naman kaya paniguradong tulog pa si Dax. Binuksan ko yung glassdoor patungong terrace at malamig na hangin ang dumampi sa mga balat ko.
Tinignan ko kung ano yung pwede kong lutuin sa kusina. Babawi ako kay Dax. This time, ako naman yung magsisilbi sa kanya.
Isinangag ko yung natirang kanin na nakita ko sa rice cooker. Nagluto din ako ng bacon and scrambled egg at inayos na sa mesa.
Nagulat ako ng merong kamay na pumulupot sakin galing sa likuran ko. Naamoy ko na yung scent ng sabon na ginagamit niya. Kakaligo niya lang panigurado. Ibinaon niya yung mukha niya sa leeg ko at naramdaman ko na parang merong ipo ipo sa tiyan ko.
He planted a small kisses on my shoulders at mas lalo niya kong hinigit palapit sa kanya.
"I am so happy." Tuluyan na niya kong niyakap mula sa likuran. "Finally, lumabas ka na rin ng kwarto."
His husky voice made my whole body shiver.
Hinawakan ko ng mahigpit yung braso niya na nakapulupot sakin. Medyo niluwagan ko yung pag kakayakap niya sakin at saka ako humarap sa kanya.
Tinitigan ko ng mabuti ang mukha niya. Ngayon ko na lang ulit siya nakita ng ganito. Simula kasi nung isinugod si Jamie sa hospital. Hindi ko na masyadong pinag tuunan ng pansin si Dax dahil sobrang sumama ng husto ang loob ko. Pero hindi naman niya ko iniwan. Nanatili pa rin siya sa tabi ko kahit na minsan, hindi ko siya kinakausap o nililingon man lang.
Kitang kita ko sa mga mata niya yung pagsusumamo. Napalunok ako ng bumaba yung tingin ko sa mga labi niya na mapupula.
Hindi ko alam kung anong namamagitan saming dalawa... alam ko na nagsimula kami sa pag pipretend. Pero nalaman ko na nga na hindi naman talaga totoo yun. Ginawa niya lang yun para mapunta ako sa puder niya... kami ni Jamie.
"Umm... nakakapagod na din kasing humiga. Baka magising na lang ako na hindi na ko makabangon."
Ngumiti siya at pinisil ang tungki ng ilong ko. Pinagdikit niya yung mga noo namin.
"Pinaplano ko pa lang kung pano kita mapapalabas ng kwarto, pero heto ka. Pinagluluto ako." Mainit at mabangong hininga niya ang dumampi sa mukha ko. Naconcious tuloy ako sa amoy ko kaya bahagya akong lumayo pero pinigilan niya ko. "Aalis tayo mamaya pagkakain." Napapikit ako ng inilapat niya yung labi niya sa noo ko.
Nasa loob na kami ng sasakyan niya. Hindi niya sinasabi sakin kung saan kami pupunta.
Sinusulyapan ko siya paminsan minsan at sasalubungin niya yun at ngingitian ako.
"Do you wanna continue your studies?"
"Why did you ask?"
"Wala naman. Para meron ka ring mapag abalahan. Maybe it's time na sarili mo naman yung isipin mo."
"I don't know.. hindi naman kasi sumagi sa isip ko yan."
"Two years na lang naman db?"
"Umm.. kaso syempre, matagal na yun. Nag iba na siguro yun curriculum ngayon. Baka wala na kong macredit kung sakaling mag aral ulit ako."
"Eh di, simulan ulit natin."
Nakangiti siya sakin at inabot niya yung kamay ko. Pinisil niya ito saka binitawan.
"Hindi ba masyado na kong matanda para bumalik sa pagiging freshman?"
"Of course no. Mag inquire tayo kung meron pang makicredit sa mga subjects mo before. Kung wala naman, you can start anew."
Tumango tango ako sa kanya. Maganda din naman yun. Makakapagtapos ako ng college. Iba pa rin naman talaga yung meron kang natapos.
"We're here."
Napangiti ako ng nakita ko kung saan huminto si Dax. Pangalawang punta ko pa lang dito ngayon kaya naexcite ako na makikita ko na ulit ang mga bata.
Hinawakan ni Dax ang kamay ko at sabay kaming naglakad papasok ng orphanage.
Tahimik sa labas at walang mga tao. Iginiya ako ni Dax papasok sa dining area.
Nagkakasiyahan ang mga bata kasama sila Mother Rita. Napalingon silang lahat samin dahil sa tunog ng pagsara namin sa pinto.
Mas lalong nagsigawan yung mga bata ng makita kami sabay nagtakbuhan sila palapit samin. At nakita ko din na nandun pala si Mama.
"Dax, Jelly. Akala ko hindi na kayo makakapunta eh."
Sinalubong kami ni Mama kasama sila Mother Rita, Mother Ana, at si Mother Sally.
Hinalikan ako ni mama sa pisngi at niyakap niya ko. Kita ko ang pamumuo ng luha niya sa gilid ng mga mata niya. Nagmano din kami ni Dax sa mga madre.
"Ate Jelly! Ate Jelly!"
Napatingin ako sa batang humihila sa damit ko.
"Marie!" Kinarga ko siya tulad noong una naming pagkikita. "Bumigat ka na ah."
"Opo. Sabi niyo kasi kumain ako ng madami."
Nung una kasing punta ko dito ay napakapayat niya pero ngayon eh nagkalaman siya ng husto.
"Mabuti kung ganon. Diba sabi mo kasi gusto mong maging katulad ko?"
"Oo ate. Ang ganda ganda mo talaga." Tinatanguan niya ko at pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit.
Nakaramdam ako ng pangungulila kay Jaime.
"Ate, kumusta na pala yung kapatid mo?"
Napangiti ako ng payak sa tanong niya. Pumilig ako at inayos ko ang pagkakabuhat ko sa kanya.
"Si Jamie... ayun, masayang masaya na siya. Hindi na siya mahihirapan pa."
"Talaga ate? Yun kasi yung pinagpipray ko. Yung maging maayos na yun lagay ni ate Jamie para sumaya na siya."
Hinaplos ni Marie ang mukha ko at dumausdos na siya pababa kaya tuluyan ko na siyang inilapag.
Naramdaman kong hinawakan ako ni Dax sa bewang ko at iniharap niya ko sa kanya.
Napailing siya ng makita ang mata kong may namumuong luha.
"I will make you happy for the rest of our lives, Jel." Inilagay niya ang kamay niya sa batok ko at marahan akong hinila palapit sa kanya para mayakap ako.
Masyadong naooverwhelm yung buong pagkatao ko kay Dax. Hindi ko alam yung ibig sabihin ng mga kinikilos niya at pakikitungo niya sakin. Kahit na walang label, nararamdaman ko at ipinaparamdam niya sakin na mahalaga ako sa kanya.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Unti unti ko na rin natatanggap na wala na talaga si Jamie. Minsan napapanaginipan ko si Jamie na unti unting nawawalan ng buhay. Nagigising na lang ako na umiiyak at pinagpapawisan. Nagigising na lang ako na nasa tabi ko na si Dax at hawak hawak ang kamay. Minsan naman, siya na talaga yung gumigising sakin. Kaya madalas siyang matulog sa sofa sa kwarto ko.
"I'll stay here until you fall asleep again." He said while fingercombing my hair. Dinampian niya ko ng halik sa noo kaya pumikit na din ako at hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. I'm in peace now...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top