• Thirty Four

Unti unti ring bumabalik sa dati ang sigla ko. Hindi pinaramdam sakin ni Dax na nag iisa ako. Minsan nagkikita din kami ni Jer sa mall. Minsan naman ay sumasama din samin si Dax. Nitong mga nakaraang araw kasi ay naging busy siya sa business niya na buy and sell. Madalas siyang umaalis at napapadalas din ang pagtawag sa kanya ni Atty. Romero.

Kinuha ko ang cellphone ko sa may mesa ng mag ring ito. Tinignan ko ang screen at nakitang si Arx ang tumatawag kaya agad kong sinagot ito.

"Hi Jel!" Bungad ni Arx.

"Oh Arx?"

"Kamusta ka na? Sorry ah, ngayon lang kita natawagan may mga inasikaso kasi ako sa Batangas. Dinalaw ko na rin si lola."

Kung hindi ako nagkakamali, yun lola na tinutukoy niya eh yung principal namin dati sa Laurente.

"Okay lang Arx. Kamusta na nga pala siya?"

"Okay naman.. kaso sakitin na. Alam mo na, tumatanda na rin kasi. Nakwento nga kita sa kanya eh."

"Ikamusta mo ko sa kanya, Arx. Nakakahiya nga eh... siya kasi yung nag iinterview dati sa mga transferee. Ang bait bait ng lola mo. Tapos hindi man lang ako nakapag paalam dati ng maayos. Bigla na lang kasi kaming lumipat eh."

"Naiintindihan niya. Nabanggit ko din kasi sa kanya yung nangyari sa inyo dati. Nga pala... tumawag din kasi ako sayo ngayon para sana yayain kang lumabas? Kung okay lang naman kay Dax. I mean, friendly date... catching up." Narinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yung gustong ipahiwatig ni Arx.

"Maiintindihan naman siguro ni Dax yun, if ever. Kaya nga lang, susunduin kasi ako ni mama ngayon. Gusto niya sanang mag pa-spa kami."

"Hmm ganon ba? Pwede naman siguro sa susunod?"

"I'll inform Dax first... pero for sure okay lang yun."

Nagkuwentuhan pa kami sandali ni Arx bago ako nag paalam sa kanya. May nag doorbell kasi at baka si mama na yun.

Nagmadali akong lumapit sa pinto at binuksan yun. Kaya lang ay wala naman tao. Nakita ko sa di kalayuan ang isang lalaki na naglalakad palayo. Naka itim na jacket siya at itim na cap.

Hahabulin ko sana siya pero pag hakbang ko meron akong nasagi sa lapag. Tinignan ko yun at nanghilakbot ako ng makita ko ang isang bouquet ng white rose. Pinulot ko yun at nanghilakbot ako nung makita ko na parang merong bloodstains dun sa roses pati na rin sa cover at sa note.

Nanginginig ang mga kamay ko ng kunin ko ang note na nakasiksik dun.

"Jelly, kanina ka pa ba diyan?" Nakangiti siya sakin at pabalik balik ang tingin niya sakin at sa bouquet na hawak ko.

Napatingin ako kay mama habang palapit siya sakin. Meron siyang kasamang isang bodyguard na nakasoot ng light blue na polo.

"Kanino galing yan?" Unti unting nawala ang ngiti niya at napahawak siya sa bibig niya.

"Oh my goodness!" Binalingan niya yung bodyguard na kasama niya. "Let's go inside Jelly..." inalalayan ako ni mama na makapasok sa loob at pinaupo niya ko sa sofa.

"Magnos tawagan mo si Dax!" Bumaling si mama sa bodyguard na kasama niya. "Ngayon na! Alert the security! Inform Gary!!"

Inilapag ko center table ang pulumpon ng rosas na may mga dugo. Huminga muna ko ng malalim bago ko binasa ang nakasulat sa card. Napapikit ako ng mariin para subukang iabsorb ang nabasa.

'Ikaw ang unti unting magdudusa kung hindi niyo iaatras ang kaso.'

Kaso.. anong kaso? Mali lang ba ng pinag iwanang unit yung lalaki.

Inagaw ni mama sa kamay yung card at binasa rin niya. Natutop kagad niya ang kanyang bibig na parang alam na niya kung ano ang nilalaman ng card.

Lumabas si Magnos sa kusina at may bitbit na siyang tray. Kinuha ni mama ang isang baso at iniabot niya sakin.

"Uminom ka na mu—"

"Alam niyo po ba kung anong tinutukoy diyan sa card?"

Bago pa makapagsalita si mama, bumukas na ang pinto at iniluwa nun si Dax. Kasunod niya si Atty. Romero at isa pang babae na halos kasing edad din ni Atty. kung titignan ay isa rin siyang lawyer dahil nakapang corporate attire siya at may dala dalang isang itim na case.

Dumapo ang mga mata ni Dax sa mga roses na nasa ibabaw ng table.

"Oh shit!" Nilapitan niya ko at niyakap ng mahigpit. "Hey... baby, you alright?"

Marahan akong tumango. Naramdaman ko ang mainit niyang palad sa magkabilang pisngi ko at hinalikan niya ko sa noo at sa labi.

Napayuko ako at napanguso dahil sa ginawa niya. Nakakahiya kay mama at sa iba pang kasama namin. Kung hindi siguro ganito ang sitwasyon ay mahahalata nila na sobra kong kinikilig kahit na ganon lang ang ginawa ni Dax. Damn this guy!

Hinawakan niya ang kamay ko at naupo siya ng maupo. Sinenyasan niya rin ang iba pa na maupo.

"Dax, may alam ka ba tungkol dito? Anong ibig sabihin nung kaso? Anong klaseng kaso yun? Sino ba yun? Sino yun para gawin to?" Sa dami ng tanong ko hindi ko alam kung masasagot ba yun lahat ni Dax. Kahit isa lang dun sana masagot niya. Basta mabigyan lang ng kasagutan yung mga tanong na naglalaro sa isip ko.

"It's a message from Danilo Abuel."

Naguguluhan ako sa sinabi ni Dax. Paanong may kinalaman dito si Mr. Abuel?

"Paano? I mean... b-bakit? Anong kaso yung tinutukoy niya?"

"Assault and sexual harassment." Tipid na sagot ni Atty. Romero.

"W-wait... Dax! Tungkol ba to sa pag punta dito ni Mr. Abuel?"

"I told you, I wont let that bastard touch you again."

"Pero diba nag usap na tayo? Sabi ko hayaan na lang natin!"

"Do you think hahayaan ko na lang yung nangyari? He fucking slapped you real hard! At kung hindi ako agad nakalabas nung mga oras na yun, baka hinila ka na niya at kung san ka na dalhin."

"I know! Pero hindi naman nangyari yun eh. Hindi na naman niya ko binalikan. Hindi na siya nanggulo ulit!"

"Because of the TRO, baby. Nag start na yung hearing at alam niya na malakas yung evidence laban sa kanya kaya ganyan."

"Kung hindi ka siguro nag file ng case against him, hindi na siya magpapadala ng ganito."

"No, baby. Kung hindi ako nakapag file ng case against him at ng TRO, baka noon pa lang eh pinadukot ka na."

Tumikhim si mama kaya natauhan ako. Nakalimutan ko na meron nga pala kaming kasamang iba pa. Napayuko na lang ako dahil sa hiyang naramdaman ko sa pagtatalo namin ni Dax.

"Jelly, anak, may point si Dax. He just wanna protect you, that's all."

I sighed in defeat. Alam ko namang kahit tutulan ko yun eh hindi rin naman sila makikinig. On-going na rin naman yung hearing.

Nagsimula silang mag discuss about sa case. Pinicturean din ni Atty. Lorry yung bouquet pati na rin yung card. Nalaman ko na asawa pala siya ni Atty. Joel Romero.

"Kung nag start na yung hearing, bakit pala hindi ko nalaman? I mean, involve ako dun eh, bakit hindi mo ko sinasama?" Ang daming naglalarong mga tanong sa utak ko. Hindi ko naman pwedeng ivoice out na lang bigla yun. Nakakahiya kasi nandito sila Atty. Romero pati na si mama. Pagnakaalis na sila, dun ko na lang siguro tatanungin ko di Dax.

"Ako ang nag file ng case para sayo. Start pa lang naman ng hearing eh. If the court ask you to be there, then I will bring you there. Nakalagay rin naman sa sworn statement ko na ayaw mong magfile ng case against Danilo. And as much as possible, ayaw muna kitang iinvolve... kakaluksa mo lang. Ayokong dagdagan agad yung burden mo."

Kinagat ko lang ang ibabang labi ko dahil sa mga sinabi ni Dax. Talagang nakukuha ko pang kiligin dahil sa sobrang concern na pinapakita niya sakin.

Napatayo ako dahil merong kumatok sa pinto ng unit. Hinawakan ako ni Dax sa kamay para pigilan ang paglakad papunta dun.

"Let Magnos." Napatango na lang ako sa sinabi ni Dax at umupo na ulit sa tabi niya.

"Magandang umaga po Madam Jena, Sir Dax, eto na po pala yung pinaprepare niyong cctv footage." Kung hindi ako nagkakamali, si Gary yung dumating. May hawak hawak siyang usb at iniabot niya agad kay Dax.

"Salamat Gary. Pakihigpitan ang security sa Ez building. Lalong lalo na sa floor at unit na to."

"Opo sir."

"Sige na. Makakaalis ka na."

Hindi ko alam kung bakit laging sinusunod ni Gary si Dax. I mean, given na yung resident dito si Dax. Pero parang laging may special treatment.

Tumayo ako at nagpunta sa kusina para maghanda ng maiinom.

"Anak..." nakasunod pala si mama.

"Po? May gusto po ba kayo? Drinks?"

"Okay lang ako hija... lumipat na kayo ni Dax sa bahay." Napatingin ako sa kanya. Kitang kita sa mga mata niya ang pangungulila. "Tumatanda na rin ako... gusto kong bago ako lumisan eh makasama kita. Para naman makabawi ako sa pagkukulang ko sayo. Isa pa, mas mahigpit ang seguridad dun. Pag umaalis alis si Dax, ikaw na lang ang naiiwang mag isa dito."

"Mama naman! Sige po, sasabihin ko kay Dax na sa inyo na muna kami titira."

"Gusto ko rin naman mag aral ka ulit. Alam kong gustong gusto mo makatapos. Susuportahan kita dun."

"Napag usapan na po namin ni Dax yung tungkol diyan. Sasamahan niya daw po akong mag inquire sa university na pinasukan ko dati."

"Maganda kung ganon..." lumapit sakin si mama at nagulat ako ng yakapin niya ko ng mahigpit. "Masayang masaya ako ngayon anak... alam ko din na masaya ang kakambal ko dahil maayos na ang buhay mo."

Gumanti din ako ng yakap kay mama. Masaya din ako... masaya ko dahil nakapag patawad na ko. Nawala na yung mabigat sa dibdib ko na matagal ko ng dala dala. Ganito pala magkaroon ng isang nanay... hindi ko na kasi matandaan kung kelan ko huling naranasan yun.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top