• Thirteen
"We're here." Huminto kami ni Dax sa tapat ng isang maliit na chapel. Bumaba kaming dalawa at kinuha niya sa trunk yung mga plastic na punung puno ng mga goods. Nag grocery kasi kami kanina bago dumiretso dito. Tinulungan ko siyang bitbitin yung ibang plastic na magagaan.
Sinalubong kami ng mga maraming bata. Napaatras ako ng magtakbuhan sila papunta kay Dax. May mga lumapit na mga madre samin. Nag bless dun si Dax kaya nag bless na din ako.
"Kuya Dax bakit ngayon ka lang nagpunta dito?"
"Kuya Dax, kuya Dax meron ka bang mga candy?"
"Namiss ka namin Kuya Dax."
"Kuya Dax, sino yung kasama mo? Hi po ate!"
Halos sabay sabay na nag salita yung mga bata. Kaya nginingitian ko na lang sila kada tumitingin sila sakin.
"Syempre naman. Hindi lang mga candies ang meron ako. May dala din akong mga biscuits tapos mga vitamins niyo."
"Nako, Dax... mukha nasabik sa'yo tong mga bata."
"Oo nga po eh. Medyo naging busy kasi ako kaya ngayon na lang ulit ako nakadalaw. Ay nga po pala, Mother, si Jillian nga po pala. Jillian, si Mother Rita. Siya yung head ng orphanage na to."
"Hi po Mother Rita." Nagbless ako sa mga madre na sumalubong samin.
"Kaawaan ka ng Diyos, anak."
"Salamat po."
"Oh, mga bata halina kayo sa loob at ibida niyo kay Kuya Dax niyo yung mga ginagawa niyo."
"Opo, Mother Rita." Sabay sabay na sinabi ng mga bata. Hinila nila sa Dax na masayang masaya sa pakikitungo sa mga bata. Medyo nagulat pa ko ng may naramdaman akong humihila sa laylayan ng damit ko... isang batang babae pala. Lumuhod ako para magkatapat kami.
"Hi. Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Marie po."
"Hi Marie. Ilang taon ka na?" Hindi niya ko sinagot, pero ipinakita niya sakin yung kamay niya na nakataas yung apat na daliri. "Four ka lang... pero bakit ang liit liit mo?"
"Maliit po ako eh." Natawa ako sa sagot niya kaya binuhat ko na lang siya at sumunod kami kung saan nagpunta sila Dax.
"Gusto mo ba ng candies and chocolates?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad ako papunta sa loob ng quarters.
"Opo."
"Oh sige... bibigyan kita. Pero dapat magtutoothbrush ka ha? Dapat din iinom ka ng marami tubig, para hindi mamaga yang tonsil mo."
"Marunong na po akong mag toothbrush eh."
"Very good. Kumakain ka ba ng marami at ng mga gulay?"
"Hindi po eh."
"Dapat kakain ka ng gulay. Para maging healthy ka. Para hindi ka magkasakit. Ang payat payat mo eh. Ang gaan mo pa."
"Gusto ko pong maging kasing ganda mo."
"Eh di dapat kakain ka ng marami. Para magkakalaman yang katawan mo. Maganda ka na... wala namang ginawa si God na hindi maganda."
"May kapatid po kayo?"
Napahinto ako sa paglalakad at tinignan ko siya sa mga mata niya.
"Meron... alam mo nung bata pa yun, parang kagaya mo lang. Payat din yun tapos ang liit liit pa."
"Eh ngayon po? Kasing ganda niyo na po?"
"Mas maganda pa siya sakin, Marie. Kaya lang... sa sobrang ganda niya, binigyan siya ng malaking pag subok ni God. Kilala mo ba siya?"
"Opo. Lagi kaming nag pipray nila Mother Rita, ni Mother Sally, ni Mother Ana... lahat po kami nag pipray. Pagkagising sa umaga, bago kumain, pag may mga activities kaming ginagawa, tsaka bago matulog po."
"Very good... dapat kasi habang bata ka pa, kinakausap mo na si God. Nagpapasalamat ka sa kanya sa lahat ng blessings na natatanggap mo. Hindi lang yun, pati dapat yung panibagong araw na pinapahiram Niya sa'yo. Tapos yung pagiging matatag mo sa lahat ng pagsubok niya."
"Ganon po yung ginagawa namin lagi... kaya nga po ang saya saya namin lagi eh. Kasi lagi namin kasama si God."
Sana ako rin... sana kilala pa ko ng Diyos. Sa dami na kasing nangyari sakin, parang hindi ko na alam kung totoo Ka. Bakit ang lupit lupit Mo sakin?!
"Bakit po kayo umiiyak?"
"Ah... wala to. Ganito talaga yung mata ko, bigla na lang may tumutulong luha."
"Akala ko po umiiyak kayo eh."
"Marie..."
"Ano po yun?"
"Pwede ba kong magpatulong sa'yo?"
Tahimik siyang nakatingin sakin at bahagya siyang tumatango.
"Pwede mo bang kausapin si God at sabihin mo sa kanya na kailangan siya ng kapatid ko?"
"Bakit po?"
"May sakit kasi siya, Marie. Malala na yung sakit niya... kailangang kailangan siya ni Jamie. Kaya sana, maiparating mo sa Kanya yun."
"Dapat po kinakausap nyo rin po Siya. Importante pa rin po na kayo mismo ang nagpaparating sa Kanya na kailangan niyo yung tulong Niya..."
Nginitian ko siya at hinawakan ko sa buhok. Nang makarating kami sa kinauupuan nila Dax, ibinaba ko si Marie at niyakap niya ko.
"Kahit anu naman pong mangyari, mahal na mahal pa rin tayo ng Diyos."
Niyakap ko siya ng mahigpit. Umalis siya nakipaglaro sa ibang bata. Pagkatapos namin ni Dax na ipamigay yung mga pinag grocery namin kanina, sabay kaming naupo.
"Matagal mo ng ginagawa to?"
Tinignan niya ko at marahang nakangiti habang tumatango siya.
"Dito na ako lumaki."
"Y-you mean, you're adopted?"
"No... don't get me wrong."
"My stepmom and I used to go here every week when I was a teen. Hanggang sa ako na lang ang nagpupunta dito kasi na depressed siya."
"Akala ko dito ka lumaki eh. Gaya ng mga nasa movie."
"Sira! Puro ka kasi panonood ng teleserye o kaya ng mga kung anu anong movies."
"Malay ko ba. Anyway... nadala mo na ba dito si Lorraine?"
"Umm... nope. Why did you ask?"
"Eh ikaw pala ang sira eh. Dapat dinadala mo siya dito para makita niya yung soft side mo sa mga bata. Hindi yung puro pambababae lang ang pinapakita mo sa kanya."
"Pano yun? Kung kailang may girlfriend na ko saka ko siya dadalhin dito?" Pakiramdam ko namula ako sa sinabi ni Dax. Parang ang sarap nga namang pakinggan na girlfriend niya ko... pero sa kontrata lang pala.
"H-hindi. I mean you can invite her here kahit na nandito rin ako. Dalawa kaming kasama mo. Para at least makita niya na hindi ka lang pala sakin sweet, pati na rin sa mga bata. Dagdag points yun. Kumbaga husband material ang datingan."
"Pwede rin... pag iisipan ko."
"Anong pag iisipan? Tsk. Yan tayo Dax eh. Pano ka magugustuhan nun kung hindi mo pinapakita sa kanya yung totoong ikaw?"
"Ang kulit kulit mo!"
"Nako Dax... Pag tayo nag failed dito. Upakan kita."
"Hindi yan. Wala pa nga tayong isang buwan eh... five months ang contract diba? Easy lang tayo. Dapat slowly but surely."
"Heh! Ewan ko sa'yo. Ang dami mong arte. Playboy kuno, torpe naman. Diyan ka na nga!" Tumayo ako at iniwan siya. Nakihalubilo na lang ako sa mga bata.
Alas otso na rin kami ng gabi nakauwi ni Dax. Masyado akong nag enjoy. Naaalala ko nung bata pa si Jamie. Pag maglalaro kami. Minsan gagawin ko siyang doll. Binibilhan ko siya ng mga dress kahit mumurahin. Mag tiyatiyaga akong hindi makakain para lang may pang bili ng kung anu ano sa kanya.
Hay, Jamie... ate will be strong na lang for you. Papa, iguide niyo naman po ako. Alam ko namang nandito ka lang eh... tulungan niyo naman po ako maging malakas sa pag harap sa mga problema... miss na miss na kita, papa.
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top