• Seven
Maaga akong nagising kaya ako na ang nag prepare ng breakfast namin ni Dax. Buti na lang maraming laman yung fridge niya. At sana nga, tumaba ako. Pero hindi naman ako payatot. Abnormal talaga yung lalaking yun. Kala mo ang seryoso, pero kung kikilalanin mo talaga, parang isip bata. Tsk. Typical playboy.
Habang nagluluto ako, naamoy ko kaagad yung after shave ni Dax, manly. Amoy ko din yung sabon na ginamit niya.
"Good morning!! Nakakagutom yung bacon ah."
"Maupo ka na diyan, patapos na to."
"Yoown. Sakto lang pala."
"Anong oras pala tayo makikipag kita kay Lorraine mo?"
"Nag text siya sakin kanina, dun na daw tayo mag lunch sa bahay niya. Nagpaluto daw siya para satin."
Nagkibit balikat lang ako at inihain yung pagkain namin.
"Nga pala... ilan ba condo unit mo?"
"Hmm... apat? Basta kasama to. Nakalimutan ko na."
"Ah... eto talaga yung personal unit mo?"
"Hindi. Ngayon nga lang nagkatao dito. Yung gunagamit ko talaga, nasa Ortigas pa. Eh tinatamad akong mag drive. Ang hassle pag kailangan kita. Ang traffic pa naman."
"So you mean, hanggang matapos yung contract natin, nandito ka?"
"Oo. Para mas kapanipaniwala."
Inirapan ko na lang siya at kumain na ko.
"Nga pala... bukas na ihahatid nung lawyer ko yung contract natin."
Pagkatapos kumain, ako na rin ang nagligpit ng mga plato. Hindi kasi ako sanay na ibang gumagawa nun para sakin.
Nung pumasok ako sa kwarto, tinignan ko yung mga damit na dala dala ko. At dahil wala akong maisip, lumabas ako at tinawag si Dax.
"Why?"
"What should I wear? Formal? Or casual? Dress? Jeans? Shorts?"
"Be simple. Jeans or shorts will do."
"Alright!"
Bumalik ako sa kwarto para iprepare yung susuotin ko at naligo na ko. Pagkatapos, naglagay ako ng lotion. Para manatiling soft and hindi dry yung skin ko.
Nag soot ako ng ripped skinny jeans, plain white spaghetti strap na top na inituck-in ko. At sandals. Necklace at watch lang ang accessories ko. Kinulot ko din yung dulo ng buhok ko saka ko itinali. Nag powder lang ako at nag lipstick. Buti na lang medyo makapal yung kilay ko, at on fleek. Kaya hindi na kailangang ayusin pa. Buti na lang din at maputi ako, mapupula na yung pisngi ko. Nag spray na lang ako ng mamahaling perfume na pasalubong sakin ni bakla nung nagpunta siya sa LA last month.
Lumabas na ko ng kwarto at nakita ko si Dax na nakaupo sa sofa.
"Ano? Okay na ba tong ayos ko?" Umikot ako sa harapan niya at namaywang.
Napansin ko na nakatingin nanaman siya sa kilikili ko kaya ibinaba ko na ang kamay ko.
"Ang payat mo talaga." Umiiling iling siya habang sinasabi yun.
"Tse! Sexy nga ako eh! Ang kulit mo."
"Sexy? Puro ka buto. Mag gym ka nga pra naman mqg ka muscle ka."
"Hoy! Sobra ka ha. Tignan mo nga yung braso ko. May laman oh! Tapos yung boobs ko pa, ang laki din ng balakang ko at pwet. Asset ko yan. Kaya nga nung college ako, lagi akong isinasali sa mga intrams. Tapos sinasali ako sa pageant kaso ayoko. Kahit anong kain ko, hindi lumalaki yung tiyan ko. Flat yan."
"Gano kakapal ba na foam at padding ang nakalagay sa bra at panty mo?"
"Aba't! Natural yan. Hindi ako nagsusoot ng push up bra. At yung panty, seamless. Ang swerte mo nga, lagi mo kong makakasama. Samantalang yung mga lalaki sa lugar ko, eh halos hubaran na ko."
"Yung nga lalaking yun? Eh baka tatlong ubo na lang yun eh. Isa pa, mga adik yun. High na high."
"Tss. Mala Kylie Jenner ang katawan ko no. Well, minus the Victoria's Angel na push up bra. Hindi ko kailangan yun."
"Sobrang bilib din naman ako sa confidence at fighting spirit mo." Ngumiti ng nakakaloko si Dax at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Talagang napipikon na ko sa lalaking to ah. Grabeng panliliit ang ginagawa sakin.
Nilapitan siya at hinawakan sa chest niya. Hindi ko inaalis yung tingin ko sa kanya. Medyo tumingkayad ako at idinit ko yung pisngi ko sa pisngi niya saka ko dahan dahang nira-rub yung pisngi naming dalawa. Rinig na rinig ko yung pag lunok niya at yung mabibigat niyang pag hingi. Mas idinikit ko yung katawan ko sa kanya. Napangiti ako dahil sa reaction niya. Hinipan ko siya sa tenga. At parang medyo napaliyad siya dahil siguro sa kiliti. Napansin ko rin na namumula yung tenga niya.
"Oops. May nabuhay." Lumayo ako sa kanya at tumawa ako ng malakas. "Tara na nga! Gutom na ko. Dapat pag dating natin dun nakaready na yung pagkain nila Lorraine ah."
"Puro ka kalokohan." Nauna siyang lumabas ng unit at ako naman tawa lang ng tawa.
Nako. Baka magsungit sakin to.
Naramdaman ko yung mararahang tapik sakin ni Dax sa pisngi.
"Nandito na tayo. Grabe. Masandal lang ata yung ulo mo, tulog ka na."
"Duh! Ang traffic no. Nakakaantok." Bumaba na kami sa sasakyan niya. Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa kamay.
"Ikaw na bahalang gumawa ng kwento nating dalawa. Makikiride na lang ako." Bulong niya sakin.
Malaki ang bahay nila Lorraine. Sila yung literal na mayamang mayaman. Malawak yung garden nila at tatlong palapag ata yung bahay nila. Dirediretso lang kaming pumasok ni Dax dahil naka bukas naman yung main door. Sinalubong kami ng isang katulong na naka uniform din.
"Good morning Sir Dax."
"Good morning din manang. Nasan si Lorraine?"
"Nasa sa kitchen po. Girlfriend niyo po?" Tumigin sakin yung katulong at nginitian ako.
"Maganda ba?" Tanong ni Dax.
"Opo Sir. Parang artista. Bagay na bagay po kayo."
"Binobola mo naman ako manang eh."
"Nako hindi Sir."
"Dax! Nandito na pala kayo." Napatingin ako dun sa babaeng nagsalita.
Shet. Ang ganda... parang barbie. Straight, long, shiny, and silky yung color black na buhok niya. Parang model ng creamsilk. Ang pinkish ng skin, she has a pair of doll eyes. Deep and black. Kaya pala nagkakandarapa ang kumag dito.
Lumapit siya samin at bineso niya si Dax. Medyo maliit nga lang siya sakin. Siguro hanggang noo ko lang.
Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Hi!" Bineso niya rin ako. Napatingin ako kay Dax na ngiting ngiti. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil baka makita ni Lorraine na nag haheart heart yung mata niya. "I'm Lorraine." Nilahad niya yung kamay niya kaya tinanggap ko na rin.
"Jillian. But my friends used to call me Jelly."
"Aww what a sweet name." Nginitian ko na lang siya. Para namang first time niyang makarinig ng ganong pangalan. "Manang, pakiprepare na lang po ng table."
"Sige po." Umatras muna yung katulong bago tumalikod. Feeling ko talagang tinitrain nila yung mga maids.
"Dito muna tayo sa Lanai, habang inaayos pa yung mesa. May hinihintay pa rin ako."
"Nasan pala sila Tito?"
"As usual... business. Nasa New York ata. Hindi ako sure. Hindi na ko nagtatanong kung saan sila pupunta. Sanay na naman ako."
Hawak hawak ni Dax yung kamay ko habang naglalakad kami papunta sa Lanai. Naisip ko na ayokong magkaroon ng ganitong kalaking bahay. Hindi masaya.
Pagkaupo namin sa coffee table, tinignan kami ni Lorraine na parang tuwang tuwa sa nakikita niya.
"No offense meant, Jelly, but Dax totoo na ba to?"
"Uh huh." Nakangiting tumango tango si Dax.
"Sana naman no."
Ngumiti na lang ako kay Lorraine.
"Oh bakit parang hindi ka naniniwala? Si Jelly yung unang babaeng pinakilala ko sa'yo. Ibig sabihin, seryoso na ko."
"Dapat lang no. Ang ganda ganda ni Jelly, di hamak naman na ang laki laki ng lamang ng ganda niya sa mga nakakaflirt mo."
"Dati yun. Diba babe?" Nakangiting tumingin sakin si Dax at hinalikan yung kamay ko. Siguro kung kaming dalawa lang, naupukan ko na to sa kakornihan. Nakakapangilabot eh. Hindi bagay. Pero infairness, ang galing niyang umarte. "Siya yung dahilan kung bakit ako nagbago. And I can say na she's my true love."
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top