• Nine

"Transferee kami pareho ni Arx, dun sa school sa Batangas. Later on, naging mag kaibigan kami, tapos naging close."

Nginitian ko si Lorraine kasi halata sa mukha niya na interesado siya.

"She's part of the cheering squad. I courted her. Then, she said yes. She's my first girlfriend, my first true love. We're always together. We always go to the river. We always do our homeworks together."

Awkward akong ngumiti sa kanila. Nakatingin kasi sila lahat sakin.

"Bakit kayo nag hiwalay?" Pang iintriga ni Dax.

"We don't... there's no closure at all."

"So you mean... so technically... technically kayo pa rin?" Napainom ng tubig si Lorraine at nakagat niya yung labi niya.

Tumango tango si Arx at nagtuloy sa pagkain.

Tumawa na lang ako para mawala yung awkwardness.

"Matagal na yun. Kayo talaga. Six years ago."

Hinawakan ni Dax ang kamay ko kaya tinignan ko siya. Ngumuso siya sakin kaya pinisil ko yung tungki ng ilong niya.

"Are you jealous?"

Tumangu tango siya habang nakapout. Natawa ako dahil sobrang cute niya. Napangiwi ako dahil sa naisip ko. Okay. Totoo naman eh. Ang gwapo gwapo niya. Jusko. Magloloko pa ba ko sa sarili ko, eh kitang kita naman.

"Wala kang dapat ikaselos, okay?"

"Aldrin... ako nagseselos." Malungkot na

"Huh? Bakit."

"May nakaraan kayo ni Jelly eh."

"And then?"

Umiling lang si Lorraine sa sagot ni Arx. Damn. He changed a lot. Mas gumwapo lalo. Siguro halos pareho lang sila ng height at built ng katawan ni Dax. Kung si Dax, mukhang goodboy ang itsura dahil walang bigote o balbas, si Arx naman, medyo rugged. He has a beard all over his chin and jaw.

"Babe!" Napatingin aki kay Dax at na masama ang tingin sakin.

"Yes babe?"

"Kanina pa kita tinatanong eh!!"

"Huh? Hindi naman eh!"

"Anong hindi? Hmp! Nakatitig ka kasi kay Arx."

Namula ang pisngi ko sa sinabi ni Dax. Alam kong acting lang lahat ng to. Pero nakakahiya pa rin dahil binuking niya ko.

"Did you missed me?" Diretsong tanong sakin ni Arx.

"Of course. Hindi kasi ako nakapagpaalam sa inyo. Bigla na lang akong nawala. Tapos dito lang pala tayo mag rereunite ulit."

"Yeah. You owe me an explanation."

"I know that."

"Give me your number later. Para naman hindi na tayo mawalan ng communication."

"Oy! Oy! Ano yan? Exchanging numbers? Tapos magkakatext kayo, magtatawagan, magkikita, mag kukwentuhan, mamamasyal, kakain, magrereconcile, tapos ano? Kayo ulit? Hindi pwede!! Hindi pwede sakin yan!"

"Come on, babe! You are exagerating things. You're over reacting."

"No, no, no! Dude, if you want to text Jel, get my number instead. Ako ang contact-in mo. Kung gusto mong makipag usap sa babe ko, dun kayo sa lobby ng building ng condo niya... kasama ako."

"Baka nakakalimutan mo na girlfriend ko pa rin si Jelly. Hindi kami naghiwalay, dude."

"Aish! I don't care. Past is past. For goodness! Six years kayong hindi nagkita, usap, or kung anu man. Tapos sasabihin mo girlfriend mo pa rin ang girlfriend ko? Wag ganon. Tsk tsk. That's bad."

"Umm... who wants creme brulee?" Masiglang tanong ni Lorraine. Kaya nag taas ako ng kamay.

Nang naiserve na yung dessert, si Lorraine mismo ang naglagay nun sa plate ni Arx kaya napairap ako. Ewan ko pero naiinis ako. Like duh!! Given na yung maganda ka at sobrang yaman. Pero hindi ka naman gusto. Push mo pa teh. Pwe!

Humarap ako kay Dax na masama rin ang tingin dun sa dalawa.

"Babe, try mine. Mas sweet to." Sinubuan ko si Dax at ngumanga din naman siya.

"Ahm, Jelly same lang yan. Iisang mixture lang yan." Sita sakin ni Lorraine.

"Guess what? This is more sweeter. Wanna know why? Kasi mahal ko siya at mahal niya ko. Nagmamahalan kami, kaya mas sweet."

"Ang cute cute talaga ng babe kong to!" Kinurot kurot ni Dax yung pisngi ko kaya pasimple ko siyang kinurot sa hita niya dahil medyo madiin yung pagkakakurot niya sa pisngi ko.

"Ay alam mo Jelly, mananaba ka siguro kay Dax."

"Hmm? Why?"

"Masarap magluto yan. Dati nga lagi niya kong pupuntahan dito at magdadala siya ng food na luto niya o kaya naman mga ingredients dahil gusto niyang mag experiment at ipatikim sakin."

Naramdaman ko na mukha magtatagunpay agad yung plano naman ni Dax. Yung tipong mag papasikat si bestfriend kay girlfriend. Papantayan or hihigitan pa niya yung kwento para mas masabing angat siya. Tapos magseselos, hanggang sa marealize niya na mahal pala niya si betfriend niya. Oh well!

"Aww. So sorry to hear that."

"Why?"

"Kasi hindi na siya makakapunta dito para dalhan ka ng food or mag experiment ng bagong dish. Sakin na niya kasi pinapatikim at ipapatikim lahat."

"Ay ang daya best!! Damn! I will miss it. Hindi ba pwedeng dalhan mo pa rin ako?"

"Hmm... sorry best ah. Kay kumander muna."

Nakita ko yung lungkot na gumuhit sa mga mata ni Lorraine. This is it!!

"Umm Arx? Can we talk later?" Napangiti si Arx sa tanong at napa oo agad siya.

"About what?"

"About... us? Everything."

"Baka magalit yung boyfriend mo."

"No... don't mind him. Okay lang sa'yo babe, diba?"

"Pag iisipan ko." Tipid na sagot ni Dax.

"Please? This is important to me. Ang tagal ko kasi hinintay na mangyari to. Na kahit isa man lang sa kanila eh makita ko."

"Alright, alright. Ayoko namang naging unfair and selfish. Basta usap lang ah!"

"Salamat dude." Tinangunan ni Arx si Dax.

"Thanks babe!"

Natapos na kaming mag lunch at nauna sila sakin na magpunta sa garden dahil nag cr pa ko. Paupo na sana ko ng bigla akong hilahin ni Dax kaya napaupo ako sa lap niya.

Marahan ko siyang tinapik sa dibdib niya "Ikaw talaga."

"Namiss kasi agad kita eh."

"Sandali lang ako nawala. Umihi lang ako Dax no!"

"Masisisi mo ba ko? Eh patay na patay ako sa'yo."

Nagulat ako at napatili ng sumubsob si Dax sa leeg ko. Lintik na! Namamanyak na ko ah! Hindi porque gwapo siya!

"Ang bango bango ng babe ko."

"Haaay love birds. You know what, Jelly? Ngayon ko lang narealize na ang swerte swerte ng babaeng seseryosohin ni Dax. Akala ko kasi hindi na magseseryoso yang isang yan."

Nginitian ko lang si Lorraine at niyakap si Dax.

"You are wrong, best. Mas swerte ako dahil buong pag aakala ko, wala na kong babaeng seseryosohin. Then my giggly Jelly came into my life. That's a blessing."

Kung kanina, yung kamay ni Dax eh nasa lower back ko lang at yung isa eh nakapatanong sa hita ko, ngayon nakayakap na rin siya sakin at talagang inaamoy amoy yung leeg ko dahil rinig ko pa yung pag singhot singhot niya.

Kung meron mang swerte dito... si Lorraine yun. Kasi siya naman talaga ang mahal ni Dax.

At hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng inggit...



(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top