• Fifteen

Pag labas ko ng kwarto, nakaupo na si Dax sa salas. Nanlaki ang mata ko ng mapansin na pareho kami ng damit... sky blue na vneck shirt. Kaya binato ko sa kanya yung throwpillow sa sofa.

"Hoy! Umamin ka... may cctv yung kwarto ko no? May hidden camera yun no? Umamin ka sakin!"

"Anong pinag sasasabi mo?"

"Ano? at nagkukunwari ka pang walang alam! Tignan mo oh! Pareho tayo ng damit."

"Eh ano ngayon? Couple naman tayo, so dapat lang naka soot tayo ng couple shirt. Hindi mo naman sinabi na ganyan pala mga tipo mo. Malay mo destiny gumawa nito."

"Lul! Wag ako, Dax. Diyan ka na nga muna. Mag papalit lang ako." Pagkatalikod ko, biglang nilagay ni Dax yung kamay niya sa may tiyan ko. Para siyang nakayakap sakin patalikod pero ginawa niya yun para hilahin ako. Buti na lang hawak hawak niya ko kung hindi, baka tuluyan na kong mahulog at kahit siya, hindi niya magagawang saluhin.

"Wag na Jil... ang cute nating tignan. Bagay na bagay."

"Pwe!" Hinila niya ko palabas ng unit at nilock niya yung pinto. Pagkaharap niya sakin pinisil niya ko sa pisngi at hinawakan ako sa kamay.

"Tara na babe." Nagtangka akong bumitaw sa kanya pero hinigpitan niya yung pag kakahawak sa kamay ko.

"Don't babe babe me!"

"Tsk! Pano mamaya pag nasa harap tayo nila Lorraine? Hindi pwede ang ganyan."

"Eh di kunwari meron akong period ngayon!"

"Nah uh! Sa spa tayo mag pupunta, pano ka makakapag pa massage kung meron ka?"

"Eh di kunwari may LQ tayo."

"She won't buy that. Iisipin nun kung bakit tayo mag kasama kung may LQ tayo."

"Hindi ka naman babae, hindi naman kayo yung abnormal, so shut up ka na lang!!"

Tumawa lang si Dax at pinisil nanaman ako sa pisngi.

"Ang cute cute talaga ng babe ko."

Inirapan ko siya at pumasok na kami sa elevator. Bumitaw ako sa kanya at nag cross arms ako. Nakaprente akong nakasandal sa wall ng elevator nang may pumasok na lalaki. Gwapo siya halos kagaya ng built ng katawan ni Dax. Napaayos ako ng tayo dahil wa poise. Natawa yung lalaki at dun siya pumwesto sa kaliwa ko dahil nasa kanan ko si Dax. Nangiti na rin ako dahil sa itsura ko. Nilingon ako nung lalaki at nginitian ako kaya gumanti ako ng ngiti.

Naramdaman ko na lang na may kamay ng gumagapang sa mag bewang ko. Marahan akong hinila ni Dax palapit sa kanya. Nang nasa ground floor na kami, naunang humakbang si Dax habang nasa bewang ko pa rin yung kamay niya. Kaya nauna kaming lumabas at nasa likod naman namin yung lalaki. Hanggang sa makalabas kami ng building, hindi niya pa rin inaalis yung kamay niya sa bewang ko.

"Dito ka lang. Kukunin ko lang yung kotse." Tumango lang ako at umalis na si Dax.

Habang hinihintay ko si Dax napansin ko may tao ng nakatayo sa gilid ko kaya nalatingin ako dun.

"Hi." Yung lalaki pala dun sa elevator. Nakangiti siya kaya nginitian ko din. "Boyfriend mo?" Malamang si Dax ang tinutukoy niya kaya mahinang tango na lang ang ginawa ko. "I see... sayang naman. Taken ka na pala."

Buti sana kung totoong boyfriend ko. Eh hindi naman.

Umiwas na lang ako ng tingin.

"Ako nga pala si Chad." Nilahad niya yung kanang kamay niya sakin. Nakikipag shake hands. Tatanggapin ko na sana yun, pero biglang bumusina si Dax at hininto yung kotse sa harapan ko.

"Bye." Halos pabulong na nung nag paalam ako kay Chad. Naglakad na ko papuntang kotse at pag sakay ko, nakita kong kumaway si Chad.

"Tss. Playboy."

"May sinasabi ka?"

"Wag kang mafofall sa mga ganung tipo ng lalaki ah? Masasaktan ka lang dun."

Hindi nga... kasi nafofall na ko sa'yo. At malamang, mas masasaktan ako ng dahil sa'yo.

"As if namang naiisip ko pa yang mga love love na yan. Pinakaimportante sakin si Jamie."

"Then let's find your mom... I'll help you."

"Dax! Pwede ba? Don't try to ruin my day."

"Marerelax ka naman mamaya eh kaya sagadin na natin pag kastress mo."

"Ewan ko sa'yo Dax! Maghanap ka ng kausap mo!"

Tumingin siya sakin at iniabot yung cellphone niya.

"Anong gagawin ko diyan?"

"Ihanap mo nga ako ng kausap."

"Argh!!!" Tawa lang ng tawa si Dax sa kaabnormalan niya. Nakakainis! Pag ganitong wala ako sa mood.

Habang nag dadrive siya, tumawag si Lorraine sa kanya. Nag confirm lang na sasama silang dalawa ni Arx sa spa.

"Makikita mo nanaman si Arx... baka magyakapan nanaman kayo ah!" Sinabi sakin ni Dax.

"Kailangan yun... gusto mong masaktan si Lorraine para to the rescue ka diba?"

"Hindi naman kailangan ng yakapan pa."

"Wala naman ng masama dun. Dati nga nung high school kami, bigla akong hinalikan nun sa labi. Pero mabilis lang."

"Nagustuhan mo naman?"

"Mahal ko eh!"

"Eh di kayo na!"

"Talaga! Tapos lagi akong niyayakap nun, hinahalikan sa noo pati sa kamay. Technically... kami pa rin dapat diba? Wala kaming closure when I left him."

"And then?"

"Nakakapang hinayang lang. Though, mga bata pa naman kami that time. But it doesn't mean na hindi totoo yung feelings. I loved him."

Nilingon ako ni Dax at napansin kong may tumawid na aso.

"Watch out!"

Kahit si Dax eh nataranta at buti na lang alert siya kaya naiwasan niya yung asong tumawid.

"Ano ka ba naman? Alam kong maganda ko, at hindi mo mapigilan ang sarili mong pag masdan ako. Pero mas mahalaga ang safety ko Dax."

Binuksan ni Dax yung radio. Nagkataon na magaganda yung mga kanta. Sinasabayan ko yung music, kumakanta din ako at pasayaw sayaw sa upuan. Pinatay ko yung radio at kinuha ko yung cellphone ko at sinaksak ko sa jack ng speaker ng kotse. Pinlay ko yung mga gusto kong kanta.

"It's in my head, darling I hope, that you'll be here, when I need you the most. So don't let me, don't let me, don't let me down... don't let me doooown." Feel na feel ko yung kanta. Pakiramdaman ko nag peperform ako sa stage. Damn! Ang tagal na nga pala nung huli akong nag sayaw sayaw.

"I won't..." natigil ako sa sinabi ni Dax kaya hininaan ko ng konti yung music.

"Ano yun?"

"Talaga pa lang mahilig kang sumayaw."

"Oo. Mahal ko ang dancing and it's been awhile. Namiss ko tong ganito."

"Alam ko na... mag record tayo habang sumasayaw ka."

"Iiih! Yoko nga. Matagal na kong walang practice."

"Kung talagang gusto mo yan or passion mo, kahit gaano katagal nung huli mong ginawa, hindi ka maninibago. Hanap lang tayo ng medyo madaling choreography. Remembrance lang."

"Sa bagay. Pwede rin pala. Para pwede kong panoodin and para maimprove yung mga moves."

"Kumakanta ka rin ba?"

"Hindi."

"Bakit? Maganda rin boses mo?"

"Nabingi ka lang."

"Seryoso. Maganda mo boses mo Jillian."

"Ewan ko. Parang hindi naman."

"Alam ko ang maganda sa pangit. And I know when I heard one."

"Ewan ko sa pandinig mo ah..."

"Seriously, Jil..." tumingin sakin si Dax "You are beautiful." Naawkward ako sa way ng pananalita ni Dax.

"Ehehe..." tumawa ako ng pilit para hindi mahalata na naoawkward ako. "You mean my voice?"

"No... yes... Everything about you is beautiful, Jil. Wag ka ng magtaka."

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top