• Eighteen
Hindi agad ako nakasagot sa sinabi ni Dax... ilang minuto ding biglang nag black out yug utak ko dahil wala akong maisip na isasagot.
"Salamat, Dax... kung tutuusin, hindi mo naman na dapat ginagawa pa to."
"But I want to, Jil."
Hindi mo to dapat ginagawa, Dax... nahuhulog lang ako sa'yo lalo. At alam ko naman na hindi mo ko masasalo. Dahil nakahanda ka ng saluhin si Lorraine.
"Kailangan ko ng pumasok sa loob, Dax." Umalis ako sa pag kakasandal sa balikat niya at sabay kaming tumayo.
"Call me if you need anything, Jil. I'm just across the street." Nginitian ko siya at tumalikod na ko. Nakakailang hakbang pa lang ako nung tawagin niya ulit ako.
"Yes?" Yumuko siya at may kinuha dun sa inupuan namin kanina.
"I almost forgot... I brought you some snacks and dinner. Naalala ko na matakaw ka pala... baka wala kang makain diyan sa loob, agawan mo pa si Jamie." Nginusuan ko siya at nakasimangot ako nung kunin ko yung paperbag na hawak niya.
"Salamat ha? Nag effort ka pa, aasarin mo rin pala ko! Diyan ka na nga!"
Pagkatalikod ko sa kanya, hindi ko napigilang ngumiti ng sobra.
Haaay Dax! Kung wala lang siguro akong alam tungkol satin, mag aassume akong crush mo ko. Pero alam ko naman na ginagawa mo lang sakin to dahil kay Lorraine... alam kong pinakikisamahan mo lang ako ng maayos.
Kinain ko yung dalang dinner ni Dax. Malamang siya ang nagluto, dahil nakalagay sa tupperware. Natutulog pa rin si Jamie, kaya pinunasan ko na lang siya ng basang bimpo na may alchohol.
Medyo nagising siya, pero tinignan lang niya ko.
"Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain?"
Umiling lang siya at tumagilid siya ng higa. Inayos ko yung kumot niya at lumabas ako sa ward.
"Nurse, nasan si Doc. Medina?"
"Nasa office po niya."
"Sige. Salamat."
Pinunantahan ko yung office niya at marahan akong kumatok sa pinto. Since glass naman yun, sinenyasan niya lang ako na pumasok.
"Umm, doc, uupo na po ako."
"Oh yes, please. What brings you here?"
"Gusto ko na po kasing ilabas ng hospital si Jamie..."
"Are you sure about that, Miss Sandoval?"
"Opo... I want her to experience what the other side of life has to offer..."
"That's good to hear. So, when are you planning to take her home?"
"Bukas po sana... kung papayag po kayo."
"Okay. Walang problema dun..."
Napag usapan namin ni Doc. Medina yung mga bawal kay Jamie. Inexplain niya din sakin ng mas mabuti yung kalagayan ni Jamie.
Ang kailangan ko na lang gawin eh ang magpakatatag sa harapan ni Jamie. Ayokong bumitaw na lang siya bigla.
Halos hindi ako makatulog dahil nakaupo lang ako. Kahit anong subsob ko sa kama ni Jamie, hindi ako dalawin ng antok.
Dahil siguro nakaramdam ako ng excitement na makakalabas siya. Iniisip ko na rin kung saan ko siya pwedeng ipasyal. Yung mag eenjoy siya pero hindi mapapagod.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bag. Alas once pa lang at siguro gising pa si Dax kaya tinext ko siya.
Wala pang isang minuto nag riring na yung cellphone ko dahil tumatawag na siya. Pinigil ko muna yung kilig ko bago ko sagutin yung tawag niya. At saktong sasagutin ko na sana, bigla namang nawala yung tawag niya.
Yan tuloy. Ang arte mo kasi, Jelly. Nawala tuloy.
Napanguso na lang ako dahil nung sinubukan ko siyang tawagan, wala naman akong extrang load para tawagan siya. Itetext ko pa sana siya kaso baka tulog na. Baka by accident niya lang napindot yung call button.
Ilalapag ko na sana yung phone ko sa kama, pero bigla ulit nag vibrate. Kaya sinagot ko kaagad.
"J-jil... bakit ngayon mo lang sinagot yung tawag ko?" Nakagat ko yung labi ko ng marinig ko na parang hinihingal si Dax.
Hindi kaya nasa kasagsagan siya ng--
"Jillian! Still there?"
"Ah... oo. Nag cr kasi ako kanina pag katext ko sa'yo. Kaya hindi ko nasagot yung una mong tawag."
"Lumabas ka, ngayon na."
"Huh?"
"Lumabas ka ngayon diyan... bilisan mo!"
Kahit medyo naguguluhan ako, lumabas ako ng hospital...
"Nandito na ko sa laba-- kita mo tong lokong to. Pagpatayan ba ko."
"Huuy!"
May humawak bigla sa braso ko kaya nagulat ako. Pero si Dax lang pala... naka white vneck shirt lang siya at black boxer shorts. Medyo magulo yung buhok niya at basa basa pa.
"Bakit ka nagtext? May problema ba?"
"Huh? Wala... wala naman."
"Haaay! Pinag alala mo ko!"
"Eh bakit ka ba sugod ng sugod bigla?"
"Baka kasi merong problema. Nag aalala ko. Nag text ka sakin, pag kabasang pag kabasa ko, tumawag ako sa'yo agad. Pero hindi mo sinagot. Kaya tumakbo na ko papunta dito."
"Tsk... halata nga. Naligo ka nga sa pawis eh."
"Hindi no. Kakatapos ko lang talagang maligo nung mabasa ko text mo. Oh bakit ka nga nagtext?"
"Hmm... hihingi sana ko ng favor sa'yo."
"What is it?"
"Ilalabas ko na kasi bukas si Jamie... kailangan niya kasi ng wheelchair. Kaya mag papabili sana ko sa'yo bukas. Kung wala ka lang namang gagawin--"
"Sure! Bibili ako bukas ng wheelchair. Para makauwi na tayo bukas."
"Talaga?"
"Oo naman. Masaya ko na makakalabas na ng hospital si Jamie. I'm sure tuwang tuwa din siya."
"Actually... hindi pa niya alam. Ay teka. Diyan ka lang. Hintayin mo ko. Wag kang aalis ah?"
"Aye aye captain. Dito lang ako... mag hihintay sa'yo."
Tinignan ko siya sa mata at nangiti ako sa sinabi niya.
"Okay..." tumango tango ako at tinalikuran ko siya. Bago ako tuluyang pumasok sa loob ng hospital, nilingon ko muna ulit siya at nginitian ko. Nakangiti lang din siya sakin.
Damn! That smile! Get back to your senses, Jillian!! Shit! I can't!! Mukhang mas mauuna pa ata akong mafall kaysa kay Lorraine eh.
Nagmamadali akong mag punta sa ward. Natutulog pa rin si Jamie, kaya dahan dahan lang ako nung kinuha ko yung bag ko sa ilalim ng kama niya. Kumuha ako ng five thousand bills at itinago ko ulit yung bag ko sa ilalim.
"Ate, pakisabi kay Jamie, kung magigising siya, lumabas lang ako sandali." Pinakisuyuan ko yung bantay ng isang pasyente na nasa katapat na kama ni Jamie. Halos takbuhin ko na yung labas, nakakahiya kasi kay Dax kung pag hihintayin ko siya. Ako na nga lang yung nakikisuyo.
Naabutan ko siyang nakaupo sa tabi ng guard at nagkukwentuhan sila. Kinalabit ko siya at tumayo din siya agad ng makita ako.
"Here..." Kinuha ko yung kamay niya at inilagay dun yung pera.
"Ano to?" Nakakunot ang ulo niyang tumingin sakin.
"Duh! Eh di pera!"
"I know... I mean, para saan?"
"Para sa wheelchair... bukas. Remember?"
"Binabayaran mo ba ko?"
"Kung meron mang bayaran dito, ako yun."
"Cut it Jillian! Seriously, what is this for?"
"Ang makakalimutin mo naman!! Diba nakikiusap ako sa'yong bilhan bukas si Jamie ng wheelchair."
"Sinisingil ba kita?"
"Hindi. Pero-- ay! Dax! Wag kang makulit, pwede ba?"
"No, Jelly. Ako ng bahala sa wheelchair bukas." Kinuha niya yung kamay ko at nilagay dun yung pera na binigay ko sa kanya.
"Dax! Nag papabili ako sa'yo ng wheelchair, hindi nag papalibre."
"Kung iiinsist mo pa yung pera, ikaw na lang ang bumili ng wheelchair bukas."
Tinanggap ko yung pera at inirapan siya.
"Fine!! Ako na bibili!"
"Jillian!! Argh! Napakatigas ng ulo mong babae ka! Ako na nga ang bibili ng wheelchair. Itago mo na yang pera. Regalo ko na yun kay Jamie. Hindi para sa'yo yun no!"
"Per--"
"Manahimik ka na. Hahalikan na kita diyan! Sige ka!"
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top