Chapter 1

"First Impression"

"Hey watch out!" malakas na sigaw ng isang lalaki. Ngunit huli na para umiwas pa ang babae.

Sa lakas ba naman ng takbo ng hoverboard nang binata ay talagang mahahagip niya ang walang kamalay-malay na babae na naglalakad sa gitna ng hall way.

Sa bilis ng pangyayari ay deritsyong sumalpok ang naturang lalaki sa kawawang. Tila, para silang mga trumpong pinagsabong sa isa't isa. Saka malakas na bumagsak sa sahig.

Parehong sumobsub ang mga mukha nila sa magaspang na sementadong sahig. Habang iyong babae, siya ang mas kaawa-awa at may malalang natamo. Dahil iyong pagmumukha niya'y talagang nangudngod ng matindi.

Pareho rin silang nahilo at nasaktan. Ngunit unang bumangon at nagpagpag ang binata. Saka napahimas at napapa-alog sa ulo niya.

Ramdam nito ang kirot at sakit ng bunbunan niya. Habang napapapikit siya't dilat ng mga mata. Pakiramdam niya'y naduduling pa siya sa nararamdamang sakit at hilo.

Ganoon paman una siyang nag angat ng pangin kahit na, namumutiktik pa sa mga twinkle little star ang paningin.

Minabuti ng binata na lapitan agad ang dalaga para daluhan ito't alamin kung may injury ba ito. Nang sa ganoon ay matulongan naman niya agad.

"Miss, are you alright?" tapik niya sa dalaga na kasalokoyang nakatalikod sa kanya, habang nakayuko't nahihilo rin.

"Miss, do I need to call a medic for you?" atim niyang tulong.
Ngunit hindi siya nilingon o pinansin ng dalaga.

Patuloy lang ito sa pagyuko at napapisil sa kumikirot na sintido. Siguro ay 'di pa ito nakaka-get over sa umpogang nangyari sa kanila.

At sa kanilang dalawa, mas halatang mas madami-daming brain cell ang na dislocate sa utak ng babae, kaysa naman sa utak na meron ang tokmol na lalaking ito.

"Hey Miss, do you hear me? Do I need to bring you to the clinic?" pag-uulit nito.

"I'm sorry, I didn't meant to crushed on you. Dahil in the first place, hindi ka naman ka-crush crush." ngiwi niya at namewang sa parang panlalaki.

"It was just a plain accident," swapang na paglilinaw nito na ewan kung nagpapatawa ba siya o talagang sablay lang ang hinirit niyang joke.

Tumayo ang babae kaya umakma siya sa pag-alalay nito. Ngunit bago pa man niya mahawakan ang braso nito'y umiwas ang babae at dumistansya palayo sa kanya ng nakatalikod.

Napaismid ang lalaki at nakadama ito ng yabang sa babae. Umayos siya ng pagkakatindig. Matapos ay pinagmasdan niya ang dalagang abala sa pagdadampot ng mga nagkalat na aklat sa sahig.

Sinamaan niya ito ng tingin at sinuri ang postura nito. Na iinis siya sa inakto ng babae. Dahil sa tanang GWAPONG buhay niya, ay ngayon lang binaliwala ang pang  hollywood na karismang meron siya. At sa isang mukhang matandang manang pa, na kagaya ng babae ito?

'Shit! No way!' protesta ng ego niya.

Siningkit nang mapagpintas na kumag ang mga mata. At mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo. Binusisi niya ang pagkatao ng babaeng nerd. Ayon sa mapanghusgang niyang utak. Ganoon siya kung maka-usisa ng itsura. Bawat kurba sa katawan ay sinusukat nang kumag na ito sa isipan niya.

Matapos makalkula ang body figure, kulay at tekstura ng buhok at balat, ay napatimbaga siya sa kanyang napagtanto.

'Shit! Ang yabang kala mo sinong maganda.' ismid niya

Pinagmasdan niya muli ito. And this time, ini-imagine niya na nakabikin lang ito. At sa nakikita niya. Simula sa ulo nito, na may nakasalapid na buhok. Alam na alam niya na may smooth curly hair ang nerdie girl na ito.

May slim body but have nice a  body shape na bumagay naman sa pangangatawan. And her skin, well not bad. Co'z she has a pearl smoothskin na halatang nagbibigay tingkad sa ganda niya. Ngunit iyon nga lang ay nakabalot lamang na parang kakaning suman.

Nang usisa-in na ng tipaklong ang taste ng pananamit ito'y,  hindi niya mapigilang matawa.

'Ang sagwa ng pananamit niya. Para siyang kurtinang nagkatawang tao.'

daldal ng utak niya and he smirk as he glance again.

'Pero pwede na rin, mapagtsa-tsagaan naman.'

bawi naman ng kabilang utak nang mokong habang nakangisi ng kay pelyo ang tipaklong.

Matapos ay may na-isip na kalokohan.

Pansin niya ang tatlong aklat na naiwan sa isang sulok, kaya nilapitan niya ito at kinuha para i -abot sa babae.

"Miss, wait!" pigil niyang tawag.

Nang mapansin niyang lilingon ito. Bigla siyang nakadama ng kakaibang kaba at exciting.

At sa hindi malamang kadahilanan. Bigla siyang nakadama ng thrill mula sa babae.

Nang mapansin pa nang binata ang matambok nitong pwet at medyo may kalakihang hinaharap. Lalong lumawak ang ngiti nang mapagsamantalang hinayupak.

Tansya pa niya'y, may perfect body shape naman pala si nerdie girl, na nakatago sa ma-alakurtina nitong pananamit. Kaya napatitig siya at napaabang sa kabuohang itsura nito.

Sa isip-isip niya, baka kamukha ito ni Nancy nang momo land o di kaya'y si Urassaya Sperbund. A Thai and Norwegian actress. Sa na iisip niyang iyon. Lalong sumidhi ang nararamdaman niyang kamanyakan. Lalo siyang kinabahan at nanabik.

At dahil sa malikot na imagination niya. Ramdam niya ang pag SLOWMO ng mundo. Matapos pa'y, unti-unti pinapatugtog ng imahinasyon niya ang kanta ni Bruno Mars na Just The Way You Are.

HER EYES HER EYES MAKE IT STAR LOOK BACK WHEN I TRYING~

tugtog nito sa isipan habang papalakas ng papalakas. Tulad ng kabog ng puso niya. At ng lumingon na nga ito ng dahan dahan. His heart and his smile burst into excitement.

WHEN I SEE YOUR SMILE, THE WHOLE WORLD STOP AND STANDS FOR A WHILE. COZ GIRL YOU'RE AMAZING JUST THE WAY YOU ARE.

umiiring music background sa imahinasyon ng tokmol at nang ganap na ngang niyang makita ang itsura nang dalaga, ay biglang nasira kanta at naging

OOHHH TUKSO, LAYUAN MO AKOOOOH!~

'What the Fuck!'

mura ng utak niya sabay ngiwi at puno ng pandidiri.

'The hell is her face!'

pandidiring kinanginig ng kalamnan niya.

Dahil ang inakala niyang hayop sa ganda ay isa palang werdie nerdie na mukhang tanga. A kinda walang face value kahit na ibinta pa ng isang peso. What he see, is just a nobody na umaaksaya ng oras niya.

'Shit! Shit ka insan!' mura sa isipan ni Cyd sa pikon

The girl stare at him. Her face expression is obviously showing that she admire this guy. Iyong tipong halata sa itsura nito ang mangyayari love at first sight sa puntong ito.

Umismid ang lalaki at napalunok  sa ngiti ng babaeng timang. Habang titig na titig ito sa kanya.

"I-I'm so sorry ," paumahin ng binata habang hirap na hirap sa kanya ang tumigin sa kabuohan ng mukhang ng dalaga.

'Ang sakit niya sa mata. Para siyang ampalaya sa aking panlasa. Ang pait!'

himutok ng utak ni tipaklong at pumait ang itsura niya habang napapalingon likod. Tila may hinahanap sa paligid.

"M-may hi-hinahanap ka o-o pu-prob-lema ba?" nauutal na tanong ng dalaga habang hindi maalis ang mga titig sa binata.

"Nope," sunod sunod niyang lingo.

"By the way, I'm Cydrick Falcon. I am a transferee student, all the way from L.A. and you are?" mabilisan niyang pakilala para maka-exit na.

"S-sharmaine Ga-Galvante." pabulol pa ring tugon. While she's smiling, like she's so star struck with this guy, name Cydrick.

At ng lumawak pa ang ngiti ni Sharmaine. Showing her close up smile with all the braces in her teeth. Lalong nandiri si Cyd sa itsura nitong mukhang sento-sentong nakangiti sa kanya with the eyes glasses at pinudpod na  makakapal na braces na ngipin. Which is he don't like the most, sa isang babae.

Dahil bukod kasi sa nakakairita ang itsura ng babae sa paningin, ay ayaw niya rin sa babaeng may brace sa ngipin dahil nakakabaho raw iyon ng hininga. At ayaw na ayaw niya sa babaeng may B.B

'Yucks!'

"Ahm, saan nga ba ang science lab dito?" dahilan niya at napapakamot ng batok habang si   Sharmaine naman ay mukhang tangang bingi.

"Huh?" nganga pa niya

"I said saan ba banda ang Science Lab dito? Nakalimutan ko kasing alamin kung saang direksyon 'yon."

Sharmaine nod her head at itinuro nito ang bahageng kanan.

"Ay, hindi dito pala!" bawi niyang parang tulero at tinuro ang kaliwang banda.

Ngumiti si Cyd showing his irresistible smile.

"Thanks!" saad niya sa nakatulalang dalaga na patuloy lang sa pagtitig sa kanya.

"Oh, before I leave. Here's your books." Abot ni Cyd sa dalagang si Sharmaine. Habang hindi alam kung saan ba talaga ipupukol ng dalaga mga mata. Sa mukha ba ni Cyd or sa mga aklat na inaabot nito.

"Hey, I said here's you're book, Miss Galvante." pag-uulit nito.

"O-ohh y-yes my books!"

nabubulol pang pitlag na tugon ni Sharmaine. Matapos ay inilipat niya ang karga-kargang mga aklat sa iisang braso niya.

Kahit nahihirapan ay tinanggap niya ang inaabot na aklat ni Cyd.
Ngunit bago pa man niya ito ganap na mahawakan, ay pelyo ngumiti si Cyd. Matapos ay buong sama niyang hinila pabalik ang libro't pasadya itong binitawan. Dahilan para magsihulogan ito sa sahig ng tuloyan.

Kasunod pa'y mabilis siyang sumampa sa hoverboard at minaobra ito't muling binangga si Sharmaine ng malakas.

Lahat ng hawak niyang mga aklat ay natabig at nagsilaglagan sa sahig.

"Oppsss sorry, but not so sorry," pelyong ngiti nito pagkuwan ay muling bumwelo at tuloyan na ngang pinatakbo ni Cyd ang hover board at mayabang na pinaharurot ito ng takbo palayo.

Halos umusok ang ilong ni Sharmaine sa inis. Ngunit wala na siyang magawa. Kund sundan na lamang nang tingin ang papalayong hinayupak na si Cyd.

At iyan si Cyd. Cydric Falcon is his full name. Ang nag-iisang anak ng mga Falcon. The only heir ng sikat na Asia Transpo Liner.

He's a boy next door
A dance breaker
A heart breaker
Ang HARI ng PAASA

Ang lalaking timang na kung gaano kayaman sa pera ay siya namang kinahirap sa salitang manners sa buhay niya. Wala siyang paki. All he knows is to have some fun and do everything that will make him happy.

At habang tanaw niya ang bastos na kumag, ay pinili na lamang niyang h'wag nang magpadala sa galit. Huminga siya ng malalim matapos ay muling pinulot ang mga magkalat na kagamitan.

____________________________________________

Writer's Note : Hi there gorgeous reader, how's my first episode? Don't forget to hit the STAR okey? Thanks!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top