Chapter 8
Chapter 8: To Grow Is To Change
~
DUMAGSA na ang maraming tao nang matanaw namin sina Raya at Clarisse sa kabilang side ng boulevard. Nakapatong silang dalawa sa isang malaking kahon. Raya was busy talking to the man below her. Hindi ko kilala ang lalaking 'yon. Si Clarisse naman ay nakatutok lang sa phone niya, tila may ka-text.
Sabay kaming nakahinga ng maluwag ni Caleb. Sa wakas. Kanina pa kami paikot-ikot dito. Sumisikip na rin at mas lalong umingay ang paligid dahil nagsimula nang mag-sound check ang mga nasa stage.
Agad kong tinawagan si Clarisse na mabilis niya namang sinagot.
"Yes?"
"Uhm, I know I was—"
"Hello? Harriet? I can't hear you! Ang ingay!" Tanaw ko pa rin siya mula sa kinatatayuan ko. She covered the phone and her mouth. "Wait, wait. I can't find my earphones! Oh there it is— hello? Hello, Harriet? Are you still there?"
"Hey, Clarisse! Can you hear me?" sigaw ko.
"Yes. Wait—nandito ka rin ba? Napakaingay, jusko!" Narinig ko pa ang maarte niyang yuck bago bumalik sa telepono. "Where are you? Nasa box ako! I'm waving my hand. Look!"
Kinaway niya ang kaliwa niyang kamay sa ere. Kinaway ko rin ang akin.
"I can see you, Clarisse. Look at the other side! I'm waving my hands too. Here near the post!"
"Aling post? Napakarami kayang poste rito!"
"Wait, wait."
I was about to jump but Caleb stopped me. May kinalikot siya sa phone niya. Then he showed it to me. May nakalagay na roon na palangan ko. Naka-full brightness at naka-on pa ang flashlight. Tinaas niya ito sa ere.
"Look for my name in the crowd, Clarisse! A guy holding a phone!"
"I can't! Puro flashlights nakikita ko!"
Inis akong napakamot sa batok. I can't go to them. Masyado nang jam-packed ang paligid. I have this thing with crowds. Nahihirapan akong huminga kapag masyado akong naiipit.
"If you don't mind, I can lift you up."
Otomatikong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Caleb. Anong lift me up? Shutang ina. Napaka-awkward naman no'n.
"Don't worry, I won't do anything that would break boundaries. I'm just trying to help," kalmado niyang paliwanag.
Yeah, of course. He's just trying to help, Harriet. He's a friend now. No judgement.
"Okay..."
Pumwesto na siya sa harap ko, pero saglit akong tumigil.
"Mabigat ako," bulong ko.
Ngumiti siya. "I used to carry sacks of rice as a kid. Sanay na ako."
Well, for a kid, that's impressive. Hindi ko tuloy mapigilang ma-curious kung ano'ng buhay niya sa kanila noon.
Hinayaan ko na lang siya sa gagawin niya. He held my waist, carefully lifting me up. Kaagad kong kinaway ang flashlight sa ere.
"I'm here! Naka-flashlight! Can you see me?"
"Teka— ano ba 'yan?! Ang dami namang flashlight!"
"Turn to your left! At 9 o'clock!" Bahagya akong tumigil sa pagkaway para sumilip kay Caleb sa baba. Wala man lang bakas na nabibigatan siya. Mukhang sanay talaga.
"Oh, I see you! Raya, Raya, Harriet is here!" May binulong pa siya kay Raya ngunit nasapawan na ito ng ingay. "Harriet? You still there? Wait, is that a guy? Why are you with a guy? 'Tsaka bakit ganiyan—"
"Si Caleb 'to. Baliw. 'Yung classmate natin." Pabiro akong umirap sa ere. "Baba kayo riyan. May nakita kaming pwesto na hindi gano'n kasikip. I also need to talk to Raya."
"Okay. Wait. Imma end the call muna. Stay lang kayo riyan sa poste. Pupunta kami."
"Sige sige." Tinago ko na ang phone ko. I looked down to check on Caleb. "Uy, okay ka pa? Ibaba mo na ako."
Maingat niya naman akong binaba. Umiwas siya ng tingin noong tinitigan ko ang mukha niya para sana magpasalamat. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pasimpleng pagpunas niya sa kaniyang noo.
I chuckled. Hinila ko siya paharap. I took out the handkerchief na ginamit sa ice kanina na natuyo na at pinahid iyon sa kaniyang pawis.
"You lied. Hindi ka sanay magbuhat ng mabigat," natatawa kong sambit. Kinuha ko ang kamay niya at nilagay roon ang panyo. "Wipe yourself."
"Ang dami kasing tao kaya ako pinagpawisan," excuse niya pa.
Sarcastic lang akong tumango-tango sa kaniya.
"Harriet! Thanks God, nahanap ka rin namin." Biglang lumitaw mula sa mga kumpulan ng mga tao sina Clarisse at Raya. Clarisse immediately jumped to hug me.
"Hey," I greeted. Saglit na dumako ang tingin ko kay Raya. Tahimik lang siya sa gilid.
Kumalas si Clarisse sa yakap nang mapansin niya si Caleb sa likod ko. "Hi rin sa 'yo, Caleb. Why are you with our Harriet?"
Bahagya ko siyang siniko. Itong babaeng 'to talaga.
"Ah, sinamahan ko lang siya na hanapin kayo," kalmadong sagot naman ni Caleb. Napakamot siya sa ulo. "Kung hindi ka komportable, babalik na lang ako sa tropa ko."
"Ay no! Hindi. Hindi ko naman sinabing hindi ako komportable. Nice nga e. May tagabuhat este kasama si Harriet kapag wala kami."
Napaikot ang mata ko. Caleb just laughed na sinundan naman ni Clarisse. Ilang saglit lang ay tumahimik siya nang bahagyang tumikhim si Raya sa gilid. Sinenyasan ko si Clarisse at Caleb na iwanan muna kami roon. Pumayag naman sila. Total hindi pa naman nagsisimula ang program.
The awkward atmosphere began to surround us. Parang walang gustong magsalita sa aming dalawa. Panay lingon lang siya sa paligid na para bang wala ako rito. Nandito na naman ang namumuong konsensya sa dibdib ko.
"Uhm, about earlier... I was just impulsive and stupid," panimula ko. Hindi pa rin siya kumikibo. "I'm sorry. Gets ko naman na concern ka sa 'kin. I just couldn't stand you calling Adrian like that."
"He deserves it." Nanlaki ang mata ko. Bago pa man ako naka-react, humarap siya sa akin at umirap. "Oh ano? Mag-eemo ka na naman? I'm your friend, Harriet. Hindi ko 'yun sasabihin kung wala akong pake sa 'yo. Concern. That's all."
Tumahimik ako. Concern, yeah. But calling your friend's boyfriend an asshole in front of her is still wrong, right?
She crossed her arms sabay taas ng dalawa niyang kilay. "Sorry rin. Nadala ng emosyon."
Ilang segundo pa kaming nagtitigan. Hindi na ako nagtaka nang bigla siyang ngumiti at humagikhik. She wrapped me in her arms and patted my back.
"Sumama lang ang loob ko kasi nang dahil sa lalaki, nagiging ganiyan ka. Pero alam kong mali rin na ininsulto ko 'yong jowa mo. I was insensitive. I'm sorry," she whispered.
Uminit ang sulok ng mga mata ko. Bahagya ko pang inangat ang aking ulo para pigilan ang nagbabadya kong luha. Mukhang napansin niya ito dahil kumalas siya sa yakap. Mariin niya akong tinitigan.
"Oh don't be a crybaby tonight, Harriet. Let's enjoy muna because they're here!"
At nagsitilian na nga sila ni Clarisse kasabay ng mga tao. Napatakip na lang ako sa tainga. Nagmadali kaming pumunta sa pwestong klaro ang stage.
Umakyat na sa stage ang bandang tinutukoy nila. Nagsimula ito sa pasimpleng speech niyang may hugot tungkol sa pag-ibig bago tumugtog. Natawa na lang ako dahil ngiting aso sa tuwa ang dalawa kong gaga na kaibigan.
Caleb moved closer to me. Tumabi siya sa akin.
"Your friendship is so wholesome."
"Mabibilang lang sila but they're all great."
"And here's me assuming that you were a loner." He chuckled.
"May isa pa akong kaibigan. I think magkakasundo kayo. I never met her in person though." Napangiti ako nang nag-echo sa utak ko ang makulit na boses ni Elly. "I met her online 3 years ago and she's been my online best friend ever since."
"She sounds like a fun friend," aniya.
May pinakita siya sa akin sa phone niya. Picture ng magbabarkada. Probably his friends.
"Sila ang tropa ko dati. 'Yang mukhang basagulero, nasa Cebu na 'yan ngayon kaya madalang na lang nakakapag-usap. 'Yang dalawa naman, ewan ko, mukhang nag-asawa na 'ata. Kaming tatlo na lang ang natira sa grupo." Tinuro niya 'yung patpatin na batang nasa dulo. "Hulaan mo kung sino 'to."
"That's you."
Bigla siyang ngumisi. "Ang gwapo ko 'no?" Hinimas-himas niya pa ang kaniyang imaginary balbas.
Pabiro akong umirap. "Syempre, kwento mo 'yan e."
"Grabe ka na sa 'kin," aniya, kunwaring na-hurt. Saglit siyang tumahimik bago muling nagsalita. "It's true what they say. Lilipas ang panahon. One day, all we will have are memories."
Natigilan ako nang mapansin ang lungkot sa mukha niya. Akalain mo 'yun? He's such a bubbly friend but now, he's showing another side of him.
One day, all we will have are memories. That's such a great reminder of how fleeting everything is. Kahit ipilit natin ang isang bagay, lilipas at lilipas talaga lahat. People, things, circumstances — life itself.
"I guess that's just how it’s supposed to be. For us to cherish the present, we have to accept that everything is temporary — to know that growing means changing."
At minsan malungkot, pero madalas 'yun ang mas nakabubuti.
"Oo nga pala, bukas ko na lang isasauli ang laptop mo. I'm almost done with it," sambit ko, trying to lighten the mood na nagsimula nang bumigat.
"No problem," aniya.
Tumahimik na kaming dalawa at tinuon ang atensyon sa musika. Sumasabay sa pagkanta ang mga tao. Gusto ko rin sana kaso hindi ko kabisado ang lyrics.
Ilang kanta rin ang na-perform nila bago nakipag-chikahan sa audience para sa kaunting break. Agad namang lumapit sa amin sina Raya at Clarisse.
"Hindi na lang sana kayo pumunta kung nagmumukmok din lang kayo rito no!" pagtataray ni Raya.
"Uy, naki-jamming kaya kami," depensa naman ni Caleb. Gumuhit ang mapang-asar niyang ngiti. "Sayang wala rito si Kyle. May ka-moment ka sana."
Nanlaki ang mata ni Raya. "Ew! Yuck! Bakit niyo ba ako shini-ship kay Kyle? Gosh. Straight ako 'no."
"Aba, malay natin straight din siya tapos nagkukunwari lang na bakla para maka-close ka," sabat naman ni Clarisse.
"At talagang pinagtulungan niyo ako ha. Isusumbong ko kayo—"
"Kanino? Kay Kyle?"
"Hindi. Sa mama mo. Hindi ka nagpaalam 'di ba?"
Natawa kaming tatlo nang mistulang nanglumo ang mukha ni Clarisse. Ang babaeng 'to, akala mo matino pero tumatakas din pala.
"Alam mo, Raya, what if magpicture na lang tayo kaysa masabunutan kita riyan?" sarkastikong sabi ni Clarisse.
Pinagmasdan lang namin silang dalawang magbangayan. It's not new to me anymore. Lampas dalawang taon ko nang kasama ang dalawang 'to. Pati 'ata amoy ng kilikili nila, kabisado ko na.
We enjoyed the rest of the night. Hindi na bumalik si Caleb sa tropa niya at naki-bonding na lang sa amin. Both Raya and Clarisse tried to drag me into the crowd kaya hindi maitsura ang mukha ko. Luckily naman, nahimasmasan din sa pagka-hyper ang dalawa kalaunan.
"I had fun, guys! Send ko na lang sa inyo ang mga pictures sa GC natin. Forward niyo na lang kay Caleb ang iba," paalam ni Raya bago sumakay sa ini-book niyang motor.
It's almost 11PM. Dapat kaninang 9PM pa lang nakauwi na ako. My phone has only 1% left. Sobrang sakit na rin ng paa. Gusto ko na lang umuwi at humilata sa kama.
"Uwi na rin ako, Harriet. Chat kayo kapag nakauwi na ah," paalam din ni Clarisse.
Kaming dalawa na lang ni Caleb ang naiwan.
"So, hatid na lang kita sa boarding house mo. Dala ko naman 'yung motor ng tropa ko."
Napalingon ako sa kaniya. Marunong din pala siyang magdrive.
"May lisensya ka ba?"
Mabuti nang sigurado. Maraming maaaring mangyari sa ganitong oras ng gabi.
"Yes naman, boss."
Hindi pa man ako nakakasagot, nauna na siyang maglakad papunta sa parking area. Pinaandar niya ang motor, huminto sa harap ko, at inabot ang helmet.
"Sakay ka na. Alam kong pagod ka."
Ilang segundo akong nakatitig sa helmet sa harap ko. Hindi ko alam. Nagdadalawang isip ako.
"Hey," he tried to get my attention back. Malumanay siyang ngumiti. "Trust me."
Humugot ako ng malalim na hininga. Alright. It's not the time to be anxious.
I smiled back. Tinanggap ko ang helmet at sinuot ito. "Tara."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top