Chapter 6
Chapter 6: For A Better Tomorrow
~
Coreen Delos Santos added you to the group.
Coreen:
Good morning, guys. Gising na. Magca-canvas tayo today ng materials since wala raw si Sir mamaya.
Nag-heart react lang ako sa message ni Coreen bago nagpatuloy sa pagwalis ng sahig. May bago na naman akong pagkakaabahalan maliban sa nagdurugo kong puso. Reporting na naman.
I still haven't talked to Caleb since yesterday in the hallway. Inaccept ko lang ang friend request niya but I didn't respond to his message.
Napahinto ako nang may maalala. Hindi pa pala ako nakapagsabi kay Adrian na lalabas ako. Nakakapanibago na parang kahapon lang, sariling desisyon ko lang ang iniisip ko. Now, I have him back. My freedom is limited once more. Pero this is what I wanted. I wanted him to show me that he still cares.
Harriet:
Good morning, love. Aalis pala ako ngayon. We'll check the prices ng mga materials na gagamitin for our project. Sa akin din na-assign ang paggawa ng report. I'll be busy for the whole day.
Ilang saglit lang, nagpop up ang caller ID niya sa screen. Napayukom ako. I took a heavy breath before answering the call.
"Hey."
"Sinong makakasama mo mamaya?"
I flinched at the slight sharpness of his voice. Dito ako naguguluhan e. He's telling me that he doesn't love me anymore but he's acting like this. He's giving me mixed signals, at ako naman itong tanga, palaging naniniwala.
"My group mates."
"Lalaki?"
"May lalaki, may babae."
"Harriet."
I knew it. He still hasn't changed. May ganito pa rin siyang ugali. But then again, ginusto ko 'to. Nandito na ako. Hindi ako uurong.
"Trust me. Ia-update naman kita when I get a chance. Okay?"
"Send me a picture when you get there."
"Alright."
Binaba niya na ang call kaya kumilos na ako. I scanned the location Coreen gave us on the map before fixing myself and heading outside. Dumiretso ako sa location na sinend niya. As soon as I arrived, dalawang groupmates ko pa lang ang sumalubong sa 'kin.
"Uy, nasaan na si Caleb?" Coreen asked as soon as she saw me. Nasa tabi niya si Donato at ang isa pa naming kagrupo.
Nagkibit-balikat ako na ikinakunot ng noo niya.
"Hindi ba sabi ko pwede naman kayong hindi sumipot today basta gawin niyo lang ang slides? Baka hinihintay ka na no'n sa meeting place ninyo."
"Wala pa kaming napag-usapan na place," tipid na sambit ko.
Coreen and I are not that close kaya hindi ako ganoon kakomportable na kausapin siya. Si Raya at Clarisse lang naman talaga ang nakakasundo ko na walang ilangan.
Sinimangutan niya ako bago inutusan si Donato na i-message ulit ang iba sa group chat. We had to wait for another 10 minutes before two of our group mates arrived. Isang hindi ko kilala at si Caleb.
He nodded at me as soon as he saw me. Agad naman silang ini-welcome ni Coreen ng sermon. Caleb wasn't listening though. He was just grinning. Tinuro niya ang phone niya habang nakatingin sa 'kin. Napa-open tuloy ako sa phone ko.
Caleb:
Feeling ko hindi nag-toothbrush si Coreen.
Muntik na akong humalakhak sa likod. Buti na lang mabilis kong natakpan ang bibig ko. He's really something. Puno ng kalokohan. Nadamay pa ang bunganga ni Coreen.
After Coreen's long lecture, Caleb immediately walked towards me.
"So, saan tayo gagawa? Dinala ko na ang laptop para makapag-start tayo habang nagche-check sila ng materials."
"Do you know a place?" I asked, zooming the online map in and out on my phone. "The nearest from here is Everlasting. It's a study hub and a coffee shop in one."
"Their rates?"
"Good. Student friendly sabi ng isang review rito."
"Nice! Diyan na lang tayo. Ilang minutes lalakarin?"
I looked around to familiarize the streets. "Probably won't take 10 minutes. Nasa kabilang kanto lang."
"Nakapag-decide na ba kayo, Har? Aalis na kami now na dahil mukhang walang balak sumipot 'yung iba. Ang daming excuses sa GC!" naiinis na wika ni Coreen.
"Sige. Isi-send na lang namin sa GC ang progress. Diyan lang kami sa Everlasting. Malapit lang."
"Okay. Ingat kayo." Nagpaalam na ang mga ito at iniwan kaming dalawa ni Caleb.
"Lead the way," he asserted and gestured to me to move forward.
Gaya ng estimation ko, hindi kami umabot ng 10 minutes sa paglalakad. Bumungad na agad sa amin ang three-storey na building ng Everlasting. Sa itsura nito, mas mukha siyang flowershop kaysa sa study hub. It's full of flowers and sprawling vines on the wall.
I love it. Very cottagecore.
I was about to open the glass door pero naunahan ako ni Caleb. He let me in first bago siya sumunod sa 'kin. We decided to take the vacant table on the corner of the coffee shop. Sa itaas daw kasi ang study hub talaga. Dito sa baba, coffee shop na pero puwede pa rin namang gumawa ng paperworks. Mas strict lang talaga sa second and third floor.
"May free WIFI ba rito?" tanong ni Caleb sabay lapag ng inorder niyang cappuccino para sa aming dalawa.
"I think? Study hub 'to e." Kinuha ko ang bag niyang may lamang laptop. "Io-open ko ha?"
"Go on."
Binuksan ko na. Otomatikong gumuhit sa labi ko ang isang ngiti nang makita ang wallpaper niya. It's a typewritten text saying, "You should smile more. The world is kinda ugly but you're not. Ngiti na 'yannn!^^".
"Ang cute naman ng wallpaper mo," natatawa kong sambit.
"Sinadya ko 'yan para sa 'yo. Palagi ka na lang nakasimangot," sagot niya. Hinarap niya sa akin ang phone niya para ipakita ang repleksyon ko. "Look at your under eyes. Pasan mo 'ata ang mundo."
Pabiro ko siyang inirapan. Hindi na siya masyadong nakakailang kausap ngayon which is great. May nakakausap na ako sa klase maliban sa dalawa kong baliw na kaibigan.
Sinimulan na namin ang report. He did the editing and all while I was the one in charge for researching the informations needed. Minsan ay humihinto kami at mag-aasaran kaya lagi kaming nasisita ng katabing table dahil sa ingay. Hindi na nga namin namalayan ang oras. Five hours na pala kaming nandito at nakaubos na siya ng tatlong kape.
Napailing na lang ako habang natatawang nakatingin sa kaniya. He's currently writing something on a piece of paper, pinapahulaan sa akin ang nakasulat dito.
"Tao?"
Umiling siya.
"Bagay?"
"Pwede."
"Hmm. Pagkain?"
"Hindi."
"Ginagamit ko ba? Archi things? Matigas? Malambot?"
"Hindi. Hindi. Pwede. Pwede."
Napakamot ako sa ulo. "Ano ba kasi 'yan? Hindi ako magaling manghula."
"Nararamdaman natin."
"Happiness? Anger? Insecurity?"
"Nope. Nope. Hindi."
"Pagod nang kumayod ang braincells ko, Caleb." Pinatong ko ang aking baba sa braso kong nasa lamesa.
"Pagmamahal kasi 'yun. Hays. Wala ka namang ka-challenge challenge."
Mas lalo akong natawa sa kaniya. "Baliw. Paano naging 'pwedeng matigas ' at 'pwedeng malambot' 'yan?"
"Pwede naman ah. Soft love. Hard love. Ganoon."
Sasagot sana ako pero biglang nagvibrate ang phone ko sa bulsa. I almost cussed when I saw Adrian's name on the screen. Shit. Shit. Shit. Nakalimutang ko nga palang mag-send ng picture ng grupo ko.
Hindi ko sinagot ang tawag. Hinintay ko lang itong mag-end bago binalik sa bulsa. I can sense it when he's mad at ayaw ko munang harapin 'yun ngayon. Bahala na 'to mamaya.
"Boyfriend mo?" Caleb asked.
I nodded.
"Bakit hindi mo sinagot?"
"I just don't want to."
Dahil alam ko kung ano siya magalit. Tumatatak sa akin ang mga salita niya sa tuwing hindi niya nakokontrol ang kaniyang emosyon. I don't want to cause drama here. I don't wanna break down. And most definitely, I don't want Caleb to hear it. Baka pag-isipan niya ng masama si Adrian.
"Noong una kitang nakita sa simbahan, akala ko talaga broken hearted ka. Happily in a relationship naman pala," natatawang sambit niya.
Awkward akong tumawa. "Marami lang talagang iniisip."
He tilted his head. Pinakita niya sa akin ang slides na in-edit niya. "Okay ba 'to?"
"Palakihin mo ng kaunti ang text na 'to. I-justify mo rin ang format."
"Noted, boss."
"Ako lang 'ata ang boss na walang pera." Umiling-iling ako.
Tinapos na namin ang kalahati ng report. Nag-take note na rin ako para sa summary ng magiging flow ng presentation namin. The whole time I was trying to focus on our project but the other side of my brain just can't help but worry about Adrian. Alam kong galit na 'yun sa akin ngayon. Kababalik pa nga lang namin, nagkasala na naman ako.
We spent a couple of minutes resting for a while bago kami nagligpit. Caleb accompanied me patungo sa sakayan ng jeep. Medyo marami na ang mga pasahero dahil uwian na kaya ito kami, nakatayo at nakikipagsiksikan sa kumpulan ng mga tao.
"R2 ka 'di ba? May R2 oh." Bahagya ko siyang siniko at tinuro ang jeep.
"Wala pang R1. 'Tsaka na ako sasakay kapag nakasakay ka na."
Wala sa sarili akong nag-angat ng tingin sa kaniya. He's not looking at me. Busy siya sa pagmamasid sa mga jeep na dumaraan.
Ang swerte ng magiging girlfriend ng lalaking 'to. He's not ashamed to show his concern, not even his vulnerability. Ang swerte rin ng mga tropa niya. He's not dull and boring.
Muling nag-vibrate ang phone ko. I checked it out and saw Adrian's messages.
Adrian:
Nasaan ka na? Where's the picture I asked from you?
Harriet?
It's been hours. You aren't responding to my calls. Where are you?
I told you to send me a pic. Wala ka sa kagrupo mo 'no? You lied to me.
Sige. Suit yourself, Harriet. Enjoy whatever you're doing out there.
Napapikit ako sa kabang sumakop sa dibdib ko. I sense another fight.
"Are you okay?"
"H-Ha?" Agad kong tinago ang phone nang mapansing sinubukan niyang sumilip dito. "Ah yeah. Yeah, I'm okay."
"You sure?"
"Yes. Ano lang. Uhm, masakit ang tiyan ko. Nasobrahan siguro sa kape kanina." Umarte pa ako na parang namimilipit sa sakit sabay hawak sa tiyan.
"Magtaxi ka na lang kaya? Baka gabihin tayo rito. Ang daming pasahero," he suggested.
Nalukot ang mukha ko. "Short na ang budget ko for today."
"Ako na muna magbabayad. Palitan mo na lang kapag nakaluwag ka na. Ayos ba?" Kumislap ang mata niya nang malawak siyang ngumiti.
"If you say so."
Caleb hailed a taxi for me. Binigay niya rin sa 'kin ang pamasahe. Pagkatapos ay nagpaalam na kami sa isa't isa.
AGAD akong humilata sa kama ko nang makarating sa boarding house. Ilang minuto muna ako akong tulala sa kisame bago napagpasyahang i-check ulit ang phone ko.
Wala nang bagong message from him. Hays.
Harriet:
Hey, love. I'm sorry...
Nakalimutan kong magtake ng picture pero pwede ko namang i-send sa 'yo ang slides as a proof na naging busy talaga ako. I'm really sorry.
I bit my lips, anticipating his reply. Delivered naman pero ang tagal i-seen.
Harriet:
Love, don't ignore me, please
I'm really sorry.
I almost jumped on my feet when I saw him typing.
Adrian:
Accepted.
My chest tightened. Ang cold. Ang tipid.
Harriet:
Nagdinner ka na ba? Take care of yourself.
Adrian:
Yeah. Ikaw rin.
Hindi na ako nagreply. I stared at the ceiling with my hand above my forehead. Sanay na ako sa ganito pero bakit nasasaktan pa rin ako? Sa halos apat na taon naming relasyon, ganito naman na ang naging cycle. Bakit mabigat pa rin sa loob?
Muli kong inopen ang phone ko nang lumiwanag ito. It's Elly and Caleb.
Elly:
Gising ka pa?
Nakakadrain today hays. Ang daming pinagawa sa school.
Harriet:
Pahinga ka na. Laban ulit bukas.
Sunod kong binuksan ang message ni Caleb.
Caleb:
Bakit online ka pa? You should be resting.
Harriet:
Currently resting.
Caleb:
Babad ka sa socmed. Hindi ganiyan ang resting.
Give your brain a break, not just your body. Sabi nga nila, our mental health is as important as our physical health.
Harriet:
Oo na. Narinig ko na ang lecture na 'yan. Huwag mo na ulitin.><
Bumuntong hininga ako. I closed my phone, turned off my data, saka tumagilid sa higaan. Bukas ko na lang siguro gagawin ang iba kong chores. I badly want to rest.
Today was both painful and happy. I made a new friend but also made Adrian upset. Bittersweet. But if there is one thing in me that I should hold on to, it's my hope for a better tomorrow.
Baka bukas okay na kami. Baka bukas hindi na masakit. Baka bukas masaya na ulit.
Sana. Sana nga bukas magaan na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top