Chapter 5
Chapter 5: How We Begin Again
~
"Good morning, love," I whispered over the
phone.
"Harriet..."
"I know. Gusto lang kitang batiin ng magandang umaga." Tipid akong ngumiti kahit alam kong hindi niya naman ako nakikita. "Malapit na ang monthsary natin. Ang tagal na natin, love. Three years and seven months. Akalain mo 'yun?"
Tatlong araw na lang, madadagdagan na naman ang buwan na magkasama kami. Tatlong araw na dati ay ang pinakamasakit na araw ng buhay ko. It feels weird. But hope never dies in me for reasons I can't put into words.
I have always been hopeful. Kahit masakit. Kahit mahirap.
"Do you really want us to work out?"
"Always," I whispered. "Whatever it takes."
"I still love you, Harriet."
Lumundag ang puso ko sa narinig, pero agad ding napawi ang ngiti ko sa susunod niyang sinabi.
"Pero hindi na katulad ng dati. It's different now. It's not that deep anymore. I don't know why..."
You don't know why because you can't admit that you've grown interested towards another girl. Hindi mo pa alam ngayon. Hindi mo masabi. Hindi mo matanggap.
"I'm willing to fill that void."
Though I do not know until when. Pero hangga't kaya kong ipaglaban, ilalaban ko 'to. Kung sakaling mabigo man ako, at least I know I gave my all. I risked it all.
Hindi ko sisisihin ang sarili ko sa mga bagay na sinubukan ko sanang isalba. Hindi ako manghihinayang. Kaya bahala na kung maubos man ako ngayon. Bahala na.
"Are you listening?"
"I'm sorry. Did you say something, love?"
"Nothing. You seem preoccupied. Magpahinga ka muna."
A tear fell on my cheek. It's been a while. It's been a while since I last heard that.
"Magpahinga ka muna, love. May plate ka pa."
"Love? Have you eaten already? Don't skip your meals."
"Harriet naman. I told you a million times to not make me worry. Paano kung nag-ask sa akin si tita tapos wala akong masagot?"
"Good morning, love. Ingat ka po sa byahe mo."
Sometimes, I don't understand where we started falling apart. Minsan kinukumbinsi ko ang sarili ko na baka dahil sa oras at distansya. Minsan din sumasagi sa isip ko na baka ako ang mali. Baka ako talaga ang problema.
Okay naman kami e. Okay sana. Kung wala lang nagbago.
But then again, change is the reality of life. We can't freeze time. We can't linger in one moment forever. We can't keep on holding on to the things that we're meant to let go.
It's the brutal reality that I had to accept. I can't freeze time. I can't hold him forever. Now is the only chance I got.
At hindi ko na ito sasayangin.
"Rest well, Harriet."
"I love you," bulong ko. Walang sumagot sa kabilang linya. It was dead silent hanggang sa narinig ko na lang ang pagpatay ng tawag.
A sad smile escaped my lips. It's okay. It's okay, Harriet. Maybe he's just pissed.
Umikot ako sa kabilang side ng kama. It's Sunday. Wala akong pasok pero napakarami kong hinahabol na deadlines. At heto ako ngayon, umiiyak at nagluluksa sa taong walang kamalay-malay sa nararamdaman ko. Ang galing.
I opened the conversation Elly and I had on my messaging app. Luckily, she's active.
Harriet:
Normal bang mabaliw ng ganito? Parang kahapon lang noong naghiwalay kami pero now, he's telling me to rest well.
Shuta, Elly. I don't understand anymore.
Elly:
Uy. Shuta rin.
What are you talking about? Naghiwalay pala kayo? Ba't hindi ko 'yan alam?
Natigilan ako. So lahat pala talaga bumalik sa dati. Kahit ang memorya ng mga kaibigan ko.
Harriet:
I mean, we had a fight, right? It just feels weird to talk to him again after all the silent treatment I got.
Elly:
Porket okay na kayo. Pinapainggit mo na ako.
Wait ka lang kapag naka-move on ako. Pupunuin ko ng pictures ng bagong bf ko ang convo na 'to!
Harriet:
Haha very funny.
Okay po. Waiting.
Elly:
Sarsisism ka. Bad mo.
Harriet:
Masyado kasing malakas ang influence mo.
Elly:
Tse! Chinat mo lang ba ako para mang-iingit?
Harriet:
Hindi ah. I was just overwhelmed.
Elly:
Ang weird mo today. Alam mo ba 'yun?
Not like hindi ka weird everyday, pero you're extra weird today.
Harriet:
Hayaan mo na. Bangag lang.
Oh siya. Good morning pala. Bili muna ako breakfast.
Elly:
Okiii. Bili well.
Inayos ko muna ang mukha ko bago lumabas ng boarding house. I bought the usual food I often buy. Alam na iyon ni Manang Lilian. Nilantakan ko na ang pagkain at bumalik sa loob upang maligo.
I want to go to church. Kahit hindi ako palasimbang tao, I know He's the one behind this rare chance I got. Narinig niya ang sigaw ko, kahit hindi ko ito mailabas sa bibig.
I FIXED the hem of my skirt as I sat on the middle row of the nave. The mass is ongoing pero hindi ko mapigilang lumingon sa katabi ko.
He's wearing a navy blue collared shirt tucked in a black pants. Hindi pa masyadong mahaba ang buhok niya kumpara noong nakita ko siyang sumabit sa jeep. He didn't even tie it.
Siya kaya? Naaalala niya pa kaya ako? O baka gaya ni Elly, nabura rin ako sa alaala niya?
I was taken aback when Caleb cleared his throat. "Do we have a problem?"
Saglit akong natameme. Nakatitig lamang ako sa singkit niyang matang seryosong nakatingin sa akin.
"You don't recognize me?" Siniguro kong hinaan ang boses ko.
"Classmate tayo sa Design subject. I saw your drawings in the faculty office."
So he doesn't remember our encounter at all.
Ngumiti na lang ako at tumahimik na. The mass went on. After an hour, isa-isa na kaming lumabas ng simbahan. Napansin kong panay ang subok ni Caleb na tumabi sa akin sa paglalakad pero nauunahan siya ng ibang tao kaya ako na mismo ang huminto para sabayan siya.
"What's up?" Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang confidence ko ngayon. Siguro dahil may utang na loob ako sa kaniya? Kahit hindi niya maalala.
"May natapos ka na sa plates?" he asked.
"Concept board and floor plans pa lang. I haven't inked them yet."
"Cool. Ang sipag."
Bahagya akong tumawa. "I like to cram. Ngayon lang talaga napaaga ang working drawings ko."
Because I already know the solution of the problem statement, hindi na ako nahirapang planuhin ang spaces na ni-require. Kahit papaano'y nakakatulong din pala sa academics ko ang pagbalik sa nakaraan.
"I wonder why I haven't seen you on campus last semester. One of your friends, Raya, kilala ko siya but I had no idea about you," kalmado niyang wika.
Dumadaldal na naman siya.
"Hindi ako masyadong lumalabas ng drafting room. I sleep when I don't have anything to do."
Tumango lamang siya sa tinuran ko. Pinagmasdan ko siyang lumilinga sa paligid, naghahanap ng masasakyan.
"R1 ang jeep na sasakyan mo 'di ba?"
I shook my head. "Lalakarin ko lang. May shortcut naman papunta sa boarding house mula rito."
He shot me a reluctant gaze. Saka siya bumuntong hininga. "I want to walk you home but I really need to go."
"Don't bother. I'm fine. May sarili naman akong paa," biro ko.
"Basta, mag-ingat ka. Makisabay ka sa ibang naglalakad. Marami pa namang nangtitrip sa daan ngayon."
I was amazed at how comfortable he was in showing his concern. Bihira na lang ang mga ganitong lalaki. Most of them just don't care at all.
"Thank you." For thinking about my safety for the second time around.
I couldn't say it. Alam kong mawiweirdohan siya kung sakali.
"Alright, miss Archi. Take care."
At iyon ang huli niyang sabi bago nagpaalam at sumakay ng jeep. He even waved at me as soon as he got inside. Kumaway lang ako pabalik.
I sighed. Wala talaga siyang alam na may utang na loob ako sa kaniya. I can't even thank him for saving me.
Napakibit balikat na lang ako bago napagpasyahang maglakad pauwi. Ang dami ko pang kailangang gawin mamaya.
"COUNT to 5, everyone! We will have a group activity for today which will be your project to be submitted next week. Let's start with you..."
My classmates started counting, starting from the first row until it went to Elly, Caleb, Raya, and then me.
"Two," sambit ko.
Raya rolled her eyes at me and mouthed, "Dapat lumipat ka ng upuan."
Tahimik akong natawa sa kaniya. Our professor assigned certain topics to us. It's a reporting and a miniature scaled model project. Saka niya kami hinayaang i-meet ang kagrupo namin.
I went on the back of the classroom kung saan may sumisigaw na kaklase ko.
"Two, guys! Dito Group 2!"
As I made my way to them, hugging my notebook, I was surprised to see Caleb already discussing with some of the members. So, kagrupo ko pala siya.
Napansin niyang nakatitig ako sa kaniya. I cleared my throat and looked away, trying to find a vacant chair. But Caleb stopped me.
"Have my seat," he offered and stood up.
Nag-aalangan akong tumingin sa kaniya. "Paano ka?"
"Kukuha ako sa ibang room. Sa iyo na 'to."
Hindi na ako tumanggi nang mapansing desidido ang mukha niya. Ngumiti na lang ako at nagpasalamat. Caleb raised a salute before heading outside to get another chair.
Malisyosong tingin ang pinukol sa akin ng mga kagrupo ko.
"Sana lahat princess treatment," one of our classmates, Coreen, said.
"Baliw. May boyfriend 'yan si Harriet," sambit naman ng isang katabi niya.
Awkward akong tumawa. Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi nila at umupo na. Dumating na rin si Caleb na may bitbit na upuan kaya nagsimula na kaming magdiscuss.
We were tasked to create a scaled model for Ospedali Degli Innocenti. It's a historic building in Florence, Italy. An architectural milestone designed by the great Filippo Brunelleschi. Na-tackle na namin ang topic na ito noon kaya kabisado ko na ang concept ng project.
"Sinong gustong gumawa ng report? Tapos mayroon ding gagawa ng model para kumikilos lahat."
Walang sumagot kay Coreen. Halos lahat naman talaga kami ayaw ng reporting. Bahala na kahit magdamag kaming gising sa paggawa ng scaled model, huwag lang reporting.
"Sinong may laptop dito?" Coreen asked.
"Ikaw. 'Di ba may laptop ka? Ikaw na lang gumawa ng PPT. Tapos may isasama ka na lang sa pagreport kasi for sure, wala kaming tulog niyan sa scaled model," sagot naman ng isa kong kaklase.
"Hiniram kasi ni ate 'yung laptop ko. Nagloloko 'yung kaniya. 'Yung iba, mayroon ba kayo?"
"I have." Napalingon ako kay Caleb nang magsalita siya. "Pero ayokong mag-isa gumawa ng slides. Mas gusto ko mag-scaled model."
Tahimik akong natawa. Sabi na e. Mas nag-eenjoy naman kasi talaga kami sa model kaysa sa reporting. Nakakapagod pero masaya.
"What if kayo na lang ni Harriet? One ride lang boarding house ninyo 'di ba?"
"May jowa nga 'yan."
"Baliw! Gagawa ng slides ang ibig kong sabihin. Utak mo talaga, Donato."
Bago pa sila mag-asaran, sumingit na ako. "Okay lang naman sa 'kin pero pwede bang dito na lang sa school gagawin?"
"Kahit saan ninyo gusto, Har."
Tumango ako. Nagsimula na kaming magdiscuss about the project, where to do it, and kung magkano ang kailangan naming iambag para sa mga materials. Noong natapos, pinabalik na kami ng professor namin sa kani-kaniyang upuan.
"I am expecting a good presentation from all of you. This will greatly affect your grade so give your best, everyone. Also, I do not accept late submissions. Are we all clear?"
"Yes, sir!"
"Alright. You may now proceed to your next class."
Tumayo na kami at nag-unahang makalabas sa pintuan. It's mathematics time. Statics for Rigid Bodies, ang subject na kinamumuhian ko. Luminga ako sa paligid, sinusubukang hanapin sina Raya at Clarisse pero ang mga gaga, nauna na 'ata.
"Psst!"
"Uy," sambit ko nang namataan si Caleb na naglalakad patungo sa 'kin.
"Saan tayo gagawa? May alam kang place?"
I shrugged. "Hanggang book café lang ako."
"Pwede ba roon?"
"Yeah pero another one ride na naman 'yun sa 'yo."
"Ayos lang naman. Isang araw lang naman 'yan, 'di ba?" He smiled. Mas lalo tuloy sumingkit ang mata niya.
"Hanap muna tayo ng place. Kung wala, doon na lang."
Sumang-ayon siya na tinuran ko. He did something on his phone before looking back at me.
"I gotta go now. Wala akong Statics today e. Ingat ka. See you."
"See you," halos pabulong kong sambit.
Naglakad na siya paalis pero bago siya tuluyang nakababa sa hagdan, he turned around and pointed to his phone. Sinenyasan niya akong kunin ang phone ko.
Kunot-noo kong kinuha ang phone mula sa bulsa. Agad na bumungad sa akin ang message ni Adrian.
Why aren't you responding? Where are you?
Napabuntong hininga ako. He's being himself again. I scrolled up and saw a notification. A message request to be exact.
Accept my fr, miss Archi. And don't forget to smile. : )
Nabalik ang atensyon ko kay Caleb na nasa hagdanan pa rin. He grinned. Tinuro niya ang bibig niya at inistretch ito to form a smile. Saka siya natatawang kumaway sa akin at umalis.
Hindi ko napigilang ngumiti. Bakit kaya ngayon ko lang napansin si Caleb? His energy is so light. He has the ability to make other people smile kahit ano ang pinagdadaanan nito, kahit sino... kahit ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top