Chapter 4
Chapter 4: When Time Turns Backwards
~
"Are you busy?"
"I was waiting for you."
"Harriet... I have thought about it and—"
"About what?"
"I don't think we're growing anymore. I need to focus and you need it too. Our relationship is taking up too much from us."
"I don't believe you."
"I'm sorry. I sincerely hope by the end of this month, you will be okay. Sa pagpasok ng February, I hope you will also start again."
"Adrian..."
"Hmm?"
"You're joking, right?"
"No. Dito na lang muna tayo, Harriet. Pagod na ako..."
"Pagod din naman ako, pero bakit hindi kita maiwan?"
"Sigurado na ako sa desisyon ko. I know you'll find someone better, someone who will love you the way that you need. And I am not that someone."
"I want you to be that someone."
"I tried."
"But why..."
"Nauubos ako. Nakakapagod kang mahalin."
Napabalikwas ako ng bangon, kumakabog ang dibdib at hinahabol ang hininga. Kinapa ko ang mukha ko. Tears were uncontrollably streaming down my cheeks. It's heavy. So heavy.
Napanaginipan ko na naman ang gabing 'yon. Kailan niya ba ako tatantanan? Kahit sa tulog at pahinga ko, siya na lang palagi. Bakit ayaw akong takasan ng sakit? Putang ina.
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. The sun hadn't rise up yet. Ang aga ko namang ginising ng bangungot na iyon.
Nagtungo ako sa banyo upang ayusin ang sarili. May pasok pa ako ngayon. This is not the right time for me to breakdown again. I took a bath, nagbihis at inayos ang mukha ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa labas. Sakto namang sumikat na rin ang araw.
Sumalubong sa akin ang amoy ng adobong niluluto ng landlady namin.
"Good morning po. Pabili po ako isang serve," sambit ko.
"Kakain, hija?"
"Balot na lang po. Sa school na siguro ako kakain."
Kumunot ang noo niya na siya ring ikinakunot ng noo ko. "May pasok pala kayo kahit Sabado? Ano nga ulit ang course mo?"
Sabado? Thursday pa ah.
"Architecture po."
"Ang busy talaga ng mga Architecture students. Oh siya, dalhin mo na ito. Mag-ingat ka ha?" Manang Lilian, our landlady, handed me the plastic bag. Pinadalhan niya pa ako ng libreng saging.
I was mindlessly swaying the plastic bag while waiting for a jeepney. I can't help but think about Manang Lilian. Halatang pagod na ang katawan at utak ni Manang sa puspusang trabaho. Sa pagkakaalam ko, she's a medical technologist at ang mag-isang kumakayod para sa pamilya. That's probably why she forgot what day it is today.
Ilang minuto pa akong tumunganga sa gilid ng kalsada. Halos mamuti na ang mata ko kahihintay pero wala talagang dumadaang jeep. Kung mayroon man, hindi naman humihinto dahil ibang route sila.
Naiinip kong binuksan ang phone ko. I opened my camera and took a picture of the sunrise on the East road. Ang ganda.
I was scrolling through the pictures I took in my gallery nang dumako ang paningin ko sa oras at araw na nasa aking notification bar.
7:59 AM SAT
My eyebrows furrowed in confusion. Mukhang nag-reset ng kusa ang phone ko. Inatake na naman ng sakit niya.
I was about to open my settings when a message popped up on my screen. It was from someone I never thought would talk to me again.
Nanlamig ang kamay ko. Nanginginig at hindi mapakali. It's him. It's his name.
Adrian:
Good morning
Halos lumundag sa pinaghalong kaba at tuwa ang puso ko. Is this freaking real? Siya ba talaga ito?
But why? Why would he message me after cutting me off from all his social media accounts? Why would greet me a good morning after leaving me alone, begging for him to come back?
Hindi ko binuksan ang message. I kept on staring at it, questioning if this is really happening or am I just hallucinating?
Muling kumabog ang dibdib ko nang makitang nagta-type siya ulit. Then another message popped up that led my brain in haywire.
Adrian:
I know we haven't been okay lately but don't forget to eat your meals. Ingat ka palagi, love.
Nababaliw na 'ata ako. Seryoso ba talaga ito? Nananaginip pa rin ba ako?
Why is he calling me love?
I quickly dialed Raya's number. Kaagad naman siyang sumagot.
"Harriet naman, magpatulog ka naman ng tao. Antok na antok pa ako," matamlay na bati niya sabay arteng umiiyak.
"Hindi ka ba papasok?" I tried to conceal the nervousness in my voice. Hindi ko alam. Pakiramdam ko, may nangyayaring mali rito.
"Huh? Wala naman tayong pasok Sabado. Bumawi muna tayo ng tulog dahil sa Monday, another plate na naman. Hays, nakaka—"
"What do you mean? Hindi ba't nasubmit na natin ang plate last week?"
"Ako itong bagong gising pero ikaw ang sabog. Anong nasinghot mo, 'te?"
I bit my lips. Hindi ko naiintindihan. Why does everyone keep on telling me that it's Saturday? Ako ba talaga ang sabog o sila?
"Oh, nandiyan ka pa ba?"
"Yes..." Napatingin ako sa plastic bag na binigay ni Manang Lilian. "Raya, anong petsa na ba ngayon?"
Narinig ko ang pagbuga niya ng hininga sa kabilang linya. "Oras na para bumili ka ng kalendaryo. January 31 na, Harriet."
"January 31?" wala sa sarili kong bulong.
"Yes. Ayon lang ba ang tanong mo? Matutulog na ako ulit ha? Babye. Mwa!"
Hindi na ako nakaimik nang pinatay niya ang tawag. My mind was blank. Naguguluhan ako. Natatakot. Kinakabahan na hindi ko alam.
January 31.
That was the day Adrian broke up with me... and that day was already two weeks ago.
What the fuck is happening?
"SO, I was so shocked when he messaged me! Like, akala ko kasi hindi niya ako bet kasi nga 'di ba he told me that I—"
"He told you that you're a weirdo because you sleep with your books," putol ko sa kinukwento ni Raya.
Her eyes widened. Bahagya niya pang hinampas ang braso ko. "How did you know?"
Because everything that happened, is happening, and about to happen today had already happened before.
Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero simula noong nakausap ko si Manang Lilian at si Raya, napapansin ko nang nauulit nga ang mga nangyari sa araw na iyon. January 31. Ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. Ang araw na bumabalik ngayon.
Did I travel back in time? I don't know. Wala akong sagot sa sarili kong tanong.
"Nakuwento ko na ba 'to sa 'yo? Paano mo nalaman?" muling tanong niya.
"Hula ko lang." I shrugged.
I glanced at Clarisse who's busy highlighting her notes. Seryoso ang mukha nito. Walang pakialam sa ingay ni Raya na sandal nang sandal sa kaniya.
"Did you bring the umbrella I told you?" I asked, making Clarisse turn her head on me.
"Yes. Bakit nga pala?"
Tipid akong ngumiti. "Baka lang umulan mamaya."
"Thanks sa concern."
"Ito si Harriet, sa sobrang baliw sa jowa niya, naging manghuhula na," nakangising asar ni Raya.
Tipid lamang akong ngumiti.
Uulan naman talaga mamaya. Sa aming tatlo, si Clarisse ang kawawa dahil malayo pa ang uuwian niya. This already happened. Mababasa siya, magkakalagnat, at hindi siya makakasagot sa quiz.
Ayokong maulit iyon sa araw na ito. Kung sakaling bumalik nga ako sa nakaraan, I need to use this to help those who I love... and to save those who I've lost.
Adrian, may pagkakataon na ulit akong ipaglaban ka.
GAYA ng hula ko, lahat ng sinabi kong mangyayari buong hapon ay nangyari nga. Bumuhos ang napakalakas na ulan na muntik nang binaha ang kalye sa labas ng boarding house ko. Raya was bewildered when she realized my hunch was right, samantalang nagpasalamat naman sa akin si Clarisse.
Now, I'm back in my bedroom. Kanina pa ako nakauwi pagkatapos naming tatlo na mag-dinner sa labas. And I was just so baffled the moment I arrived. Humilata lamang ako sa kama at nakipagtitigan sa puting kisame.
Rinig na rinig ko ang bawat pitik ng kamay ng orasang hawak ko. The pocket watch Gael gave me. It's starting to make sense now.
Turn it back. Turn it twice.
That was what he meant. He wanted me to turn this watch backwards.
Because he knew how badly I wanted to go back.
Hindi ko matukoy kung ano ba talaga 'tong nararamdaman ko. It's all mixed up. I'm grateful for the chance to change my fate but I'm anxious of the consequences. Maaaring mabago ko ang kapalaran ko, but at what cost?
If I save something that was meant for me to lose, what would be the price? Anong magiging kapalit ng pakikipaglaro ko sa tadhana?
Everything still feels like a dream. Ayaw pa rin magsink in sa utak ko ang mga nangyari simula noong nagising ako kanina. I could be hallucinating but my day went exactly the way I expected kaya hindi ko alam kung anong dapat paniwalaan.
Natatakot akong maniwala na bumalik nga ako. Kasi kung totoo nga, baka bukas wala na 'to. Baka bukas nagbago na naman ang kapalaran ko.
Kinuha ko ang phone ko. I opened my conversation with Adrian. The last message he sent was the one earlier. Kahit ang conversation theme namin, bumalik din sa dati. The emojis, the nicknames, lahat.
I scrolled up. Malungkot akong napangiti nang mabasa ang huling message ko sa kaniya.
"You always say that. Busy rin naman ako pero palagi akong gumagawa ng paraan para makausap ka."
I know. I sound so desperate. Pero wala e. Mahal ko e. Mahal na mahal.
Nagulat ako nang biglang lumitaw ang pangalan niya sa screen kasabay ng pagring ng phone ko. He's calling. He's freaking calling.
10:01 PM. Napakalapit na. I think this is it. This is the one thing I've been wanting to change. Eight minutes left.
"What took you so long to pick up?" bungad niya nang sinagot ko ang tawag.
"I'm sorry. I was doing my plate," I lied.
"Are you busy?"
"Just doing my plate. I was waiting for you."
Narinig ko ang bahagyang pagtikhim niya sa kabilang linya. "Harriet, I've thought about it and—"
"About what?"
This is exactly what happened in my dream. Tangina. Parang nauulit ang sakit. Hindi ako makahinga.
"I don't think we're growing anymore. I need to focus and you need it too. Our relationship is taking up too much from us." His same exact words pierced through my heart. I never thought I'd be able to relive this moment.
"I know what you're about to say," mahinahon kong bulong. "And no, I don't want to. Kung napapagod ka nang mahalin ako, magpahinga ka lang, please..."
"Harriet..."
"I don't think I can do it without you, Adrian. Masyado akong nasanay. Hindi ko alam kung paano ako tatayo kung sakali."
Nag-uunahan na naman ang luha ko. Shutang ina. I am so fucking desperate.
"I need to focus, Harriet. Hindi ko na alam kung may patutunguhan pa ba 'to."
I gulped, but despite how many times I tried to conceal my pain, halatang halata pa rin iyon sa nanginginig kong boses. "Do you still love me?"
"I don't know..."
Napakagat ako sa labi. "At some point in our relationship, d-did you regret loving me?"
He fell silent for a second, pero muli akong nadurog nang magsalita siya.
"Yes."
Yes. Yes, he regret loving me. Tangina. How come I don't feel the same? I am also in pain. I am also tired. I am also fucked up. Pero bakit hindi ako nagsisisi katulad niya?
Gusto kong sumigaw. Magwala. Sisihin ang mundo sa paglagay sa akin sa sitwasyon na ito. Ang sakit sakit na. Sobra.
"I want you to stay, Adrian... please..."
"Harriet..."
Hindi ko na napigilan ang mga hikbi ko. "H-Hindi ko kakayanin, love. Ayaw kong mag-isa. Natatakot ako. Hindi ko kaya... Please, please let me teach you how to love me again."
Wala na akong pakialam sa dignidad kong pira-piraso na. Ngayon lamang ako magkakaroon ng pagkakataong baguhin ang takbo ng buhay ko. Ayokong sayangin 'to.
Bahala na kung anong isipin niya. I love him so much that I'm willing to give it another try. Susubukan ko ulit. Matututunan niya rin akong mahalin ulit gaya ng dati. Matitibag ko rin ang pader na binuo niya.
"You are not thinking straight, Harriet. We need to end this."
You want to end us because of that girl. That girl Trixie took a picture of. That girl who you held the same way you used to hold me when our love was young. That girl you were always with when I'm not around. That girl... that girl you told me not to worry about.
Binibitawan niya ako para mahawakan niya ang iba.
At ayokong mangyari iyon.
Hindi ko kaya. And if there's any way I can do to rekindle the warmth he once felt for me, gagawin ko. Gagawin ko ang lahat.
Even if it means playing with destiny and time.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top