Chapter 3
Chapter 3: Maybe Right Paths are Hidden
~
"Turn it back. Turn it twice. May it be with you that fate resides. Sincerely, Gael," muling basa ko sa nakasulat sa papel. I have been trying to figure this out ever since I got home.
Anong gagawin ko rito? What does this passage even mean?
Sumalampak ako sa bed at kinuha ang phone ko.
Harriet:
Gurl, are you busy?
I kept tapping my phone case while waiting for her response. Hindi rin naman nagtagal, nagvibrate ang phone ko.
Elly:
Not so. Ba't? Anong meron?
Harriet:
Nothing. Just wanna talk.
Elly:
May nangyari ba? May gwapo? Eme.
Harriet:
Malabo na 'ata ang mata ko. Wala na akong makitang gwapo.
Elly:
Binulag ka kasi ng ex mong nakasinghot ng katol.
Harriet:
Grabe ka.
Elly:
Angal?
Harriet:
Mahal ko pa 'yon.
Elly:
Ay ewan ko sa 'yo. May iba na siyang nililigawan tapos waiting in line ka pa rin? Te, masyado ka nang tanga ah.
Harriet:
Mahal ko e.
Masama ba 'yon?
Elly:
Hindi naman masama ang magmahal. Ang masama, 'yung nagtatanga-tangahan.
Pikit mata ka masyado.
Harriet:
Wow! Nahiya naman ako sa 'yo, miss Hindi-Makamove-On. Mas malala ka kaya sa akin.
Elly:
Hoy at least ako, kunting relapse lang then eme na ulit. Ikaw, ginagawa mo nang agahan, tanghalian, pati pa hapunan 'yan e.
Harriet:
Ang bad mo sa 'kin. : (
Kapag ako naka-move on, lilipad ako ng Cavite. Sasabunutan kita.
Elly:
Pakibilisan please.
Humilata ako at tumitig sa kisame. I sighed. Should I tell her? Pero kasi, wala namang mayroon siguro. Baka masyado ko lang iniisip.
I raised the note above me, reading the passage once more.
Turn it back. Turn it twice.
What should I turn? The pocket watch? Am I supposed to turn it twice?
May it be with you that fate resides.
Kumunot ang noo ko. Fate resides? Maninirahan sa akin ang tadhana?
Ano raw?
I got up when an imaginary bell rang inside my head. Maybe I'm right. Maybe I'm supposed to turn it backwards.
Kinuha ko ang pocket watch. It looks normal. Rusty and old. Wait— why am I taking this seriously? Nababaliw na ba ako?
Gael is just a kid. He's probably just trying to comfort me with one of his mother's vintage collections.
Mapakla akong natawa. Shutang ina ka, Harriet. Masyado ka nang desperada, pati orasan bini-big deal mo na.
Mariin akong pumikit, huminga at pinakalma ang malakas na kabog ng dibdib ko. I'm really out of my mind. Epekto na 'ata ito ng hindi ko pagtulog at pagkain sa kaiiyak. My body is declining because of someone's son. Funny.
I threw the watch at the trash bin behind my door before entering the bathroom. I need to go out. To breathe. To surround myself with people. Mas lalo lamang akong malulugmok kung palagi akong nandito.
No one else is going to save me. I need to be my own savior. I need to have my own back.
I prepared myself, settling in a skinny top and baggy pants. I don't want to invite Raya and Clarisse for now. Gusto ko munang mag-isa. Gusto kong i-date ang sarili ko para naman kahit papaano, ma-realize kong hindi ko kailangan ng ibang tao para maging masaya.
I picked up my phone, proceeding to wait for a jeepney outside. Sakto namang nag-pop up ang message ni mama.
Mamadear:
Nagdinner ka na ba, anak? How are you?
Harriet:
Lalabas ako now, ma. Sa labas na rin siguro ako kakain.
Mamadear:
Sinong kasama mo? Gabi na ah. Araw-araw ka nang umaalis.
Harriet:
Ako lang po mag-isa. Uuwi po ako before 9 PM. Update na lang kita, ma.
Mamadear:
Harriet ha, mag-ingat ka. Wala ako riyan. Malayo. Hindi kita maaalagaan.
Nag-aalala ako sa 'yo, anak.
Harriet:
Promise, ma. I'll take care of myself.
Don't stress yourself too much about me. I love you.
Nilagay ko na sa bulsa ang phone ko as soon as a jeepney stopped in front of me. Agad akong sumakay.
Habang nasa byahe, nakatitig lamang ako sa traffic. Unti-unti na itong napupuno kaya usog din ako nang usog sa dulo. Hindi pa ako nakakarating sa pupuntahan pero ang lagkit ko na.
This is what I want, right? Magtiis ka, Harriet.
"Pasuyo po," wika ko at inabot ang sampung pesos sa aking katabi. Natigilan ako nang makilala ko ang mukha nito.
He smiled before handing my fare to the other person beside him. Nakatali ang kulot niyang buhok ngayon. A black headphone was also hung around his neck na bumabagay sa grey hoodie jacket niya.
"Hello."
Awkward akong umiwas ng tingin nang magsalita siya. Did I stare at him for too long? Nakakahiya.
"Hello," I responded.
"Keep your wallet inside your pocket. Delikado ngayon." There was genuine concern in his voice. Nakakailang. Hindi ko alam kung bakit.
"Ah, yeah. Sorry." Agad kong tinago ang wallet ko sa bag.
"Palagi ka na lang nagso-sorry."
"Sorry— I mean, don't mind it."
I bit my lips in embarrassment. Why the heck am I nervous? At oo nga, why do I keep on saying sorry?
"Mag-isa ka lang?"
Muli akong tumingin sa kaniya nang magtanong ito. Tumango ako.
"Gabi na. It's not safe for you to wander around this late," mahinahon niyang sabi. Kumikislap ang singkit niyang mata sa ilaw na katapat namin.
"I need it. Baka mabaliw ako sa boarding house ko."
"Mind if I ask why?"
Aside from being talkative, he's also nosy. Chinito, moreno at tsismosong kulot na madaldal.
"It's a bit personal."
Tumango lamang siya. He understood what I meant dahil hindi na siya nagpumilit pa.
"Hindi mo siguro ako kilala but I'm—"
"Caleb Malaya," I cut him off. "Am I right?"
His smile widened. "Kilala mo pala ako. I'm flattered. I've seen your drawings at the faculty office. Paturo naman."
My cheek flushed. Hindi ako sanay makatanggap ng ganitong compliment, at galing pa sa hindi ko close.
"Thank you."
Natahimik na kaming dalawa. He kept on giving side glances at me. Mukhang gusto niya pang magsalita pero sadyang masyado lang akong awkward kausap.
Buti na lang at sa wakas, huminto na rin ang jeep. Nauna na akong bumaba. My forehead creased when Caleb got out too.
"Sa kabila ako. I'm meeting someone," paliwanag niya nang makita ang pagkalito sa mukha ko.
I just nodded at him, waving my hand to bid goodbye. Pumasok na ako sa isang book café. I ordered my usual waffles and coffee and sat on the corner. Nagsimula na akong nagbasa ng nobela nang muli kong namataan si Caleb sa labas.
He's on the other side of the road. May kasama siyang babaeng kasing tangkad niya. Hindi ko masyadong kita ang mukha nila but I could tell they were happy.
Napahawak ako sa dibdib ko. Okay. I went here to breathe, not to find another trigger. Umayos ka, Harriet.
Itinuon ko ulit ang atensyon ko sa librong binabasa. Unfortunately, hindi na talaga pumapasok sa utak ko ang mga nangyayari sa kwento. Paulit-ulit akong napapasulyap sa kanila. At sa bawat sulyap, sumasagi sa utak ko ang lalaking sanhi ng bigat ng puso ko ngayon.
I wish I could be happy too. I wish, just like Caleb, my heart can also be at peace with someone.
Inaamin ko, naiinggit ako. Namimiss ko siya. But what can I do? It already happened. He already left. I'm already alone.
My phone beeped. Binuksan ko ito. Tumambad sa akin ang message ng highschool best friend ko. I haven't seen her for two years now but we kept in touch through our social media.
Trixie:
Harriet, I'm sorry.
Nagtagpo ang kilay ko. Sorry for what?
Harriet:
What's up?
Trixie:
I couldn't help but investigate, like what I told you.
It was just a hunch at first but I'm so sorry.
Harriet:
Adrian again? What's up with him this time?
Trixie:
I saw him on campus. Look...
Trixie sent a photo.
Tila bumagsak ang puso ko sa sahig nang makita ang picture na pinasa niya.
Elly was right.
Trixie:
I'm sorry. I think you really need to move forward now, Harriet. There's no point in waiting.
I couldn't find words to reply anymore. Nanunubig ang mata ko. Mahapdi. Masakit. Ang bigat sa dibdib. Nahihirapan akong huminga.
The picture... It was Adrian and the girl he told me not to worry about.
Why? Why did he have to lie?
Of all the questions I asked, of all the times I was told to stop being paranoid, all of it... are bullshit. My instinct was right.
Binitawan ko ang libro. I didn't even put it back on the shelf, kumaripas na ako ng takbo. My hands were clasped on my mouth, trying to suppress my sobs, as I ran towards the dark alley outside.
Napaupo ako sa lupa, puno ng luha ang mga mata at sapo ang dibdib. I can't breathe. Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang nararamdaman kong 'to.
I was fucking betrayed.
But why do I still wish for him to hold me?
Shutang ina. What the fuck is happening to me?!
Bakit ko mahal ko pa rin? Bakit gusto ko pa ring bumalik siya? Bakit hindi na lang pwedeng mandiri ako at umalis na? Bakit ang hirap... Bakit ang sakit?
Gusto kong lumubog na lang sa lupa. Lamunin ng gabi. Mabura. Mawala. Baka sakaling hindi ko na maramdaman 'to. Maybe. Just maybe.
Paulit-ulit kong pinukpok ang ulo ko. Gusto ko nang matauhan. Gustong gusto ko nang mawala 'to.
"Harangan mo roon. Ako na rito."
My ears perked. Napuno ng takot ang sistema ko nang namataan ko ang dalawang lalaki sa dulo ng kalye. They're staring at me with lust in their eyes.
My body moved on its own. I ran towards the other side of the street. Nanlalamig at nanginginig. Mas lalo pa akong kinabahan nang sumunod sa akin ang dalawang lalaki. I tried to call for help pero nablangko ang utak ko sa nangyayari. The street was busy.
Napadaing ako kasabay ng pagbagsak ng pwet ko sa lupa. I bumped into someone again but my vision was so blurry. Anino at ilaw lang ang naaaninag ko.
Hinawakan nito ang magkabila kong balikat at bahagyang niyugyog. "Hey, hey, anong nangyari sa 'yo?"
Caleb. It's him.
Nakahinga ako nang maluwag. I wiped my tears to see his face clearly. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Wala na siyang kasama.
Nagmamakaawa akong kumapit sa laylayan ng kaniyang damit. "Please, don't leave me..."
Nilibot niya ang tingin sa paligid. Mukhang naintindihan niya ang ibig kong sabihin dahil hinawakan niya ang kamay ko at tinulungang tumayo.
"I told you it's not safe to wander around at night. Sasamahan na kita pauwi."
And he did. Buong byahe ay nakatulala lang ako habang pilit niya naman akong pinapakalma. Muntik na akong mapahamak dahil sa sarili kong katangahan. Nakakatawa.
Caleb's presence was surprisingly not that awkward, or maybe because may utang na loob na ako sa kaniya. But whatever it is, I'm just glad our path crossed tonight. He saved me.
Nauna akong bumaba ng jeep kaysa sa kaniya. Nagpasalamat muna ako bago pumasok sa gate ng inuupahan ko.
A wave of loneliness flushed through me once again as soon as I entered my room. I'm back in these four walls. Mag-isa na naman. Lalakas na naman ang mga boses sa utak ko. Solo ko na naman ang lahat.
Mugto ang mata at nanginginig kong pinulot ang orasang nasa basurahan, including the note.
I've had enough. I don't want this pain anymore. Gusto ko nang maging masaya ulit. Wala na akong pakialam kung mukha akong tangang maniniwala sa isang estrangherong bata sa library.
My fingers trailed over the outlines engraved on the back of the pocket watch. I gulped before finally turning its button backwards.
Malalim ang paghinga ko. Malakas ang kabog ng dibdib. Hinihintay ang susunod na mangyari, pero wala. Walang nagbago sa paligid, at mas lalong walang nagbago sa nararamdaman ko.
Fuck it. Baliw na nga ako.
Frustrated, I threw the watch back in the trash bin. But I froze when my head started spinning the moment I stood up.
Inaantok ako. I don't know why. It's too sudden. Tila hinigop bigla ang energy ko sa katawan. I want to sleep.
Sinubukan kong humakbang, only to find myself falling on the cold floor. Dumako ang paningin ko sa note na nasa sahig. Crumpled. Torn.
And that was the last thing I saw before everything went black.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top