Chapter 2
Chapter 2: Some Days Are Extraordinary
~
Tahimik akong nakikinig sa professor namin sa harapan. History of Architecture, ang subject na paboritong balik-balikan ng mga kaklase ko. Binabalikan bawat semester.
Kanina pa pasuray-suray ang ulo ko sa sobrang antok. I love the subject minus the memorization aspect of it, pero nakakabagot din talaga makinig sa lectures ni Sir. Nakakaantok. Ang dami niyang additional kwento na off topic naman.
Luckily, huling slide na ang dinidiscuss niya. Five minutes more and we'll be taking our break. So I spent the rest of the minutes staring at the window. Saka ko lang napansin ang pamilyar na lalaking nakaupo sa tabi nito.
He's talking to the person in front of him. Kagaya ko ay hindi rin siya nakikinig kay sir. Gumagalaw ang kulot niyang buhok dala ng hampas ng hangin na minsa'y tumatakip sa singkit niyang mata. The sunlight also emphasized his tan skin.
If I remember correctly, his name is Caleb. Siya 'yung sumabit sa jeep kagabi. Ngayon ko lang naaninag ng maayos ang mukha niya.
Chinito at morenong kulot na madaldal.
Napailing na lang ako. Kung saan-saan na lumilipad ang utak ko.
Finally after a long hour of boredom, binitawan na rin ni Sir ang paboritong linya ng lahat, "Class dismissed."
Agad na lumapit sa akin sina Raya at Clarisse. My two girls who stuck with me since day 1. Sila rin ang isa sa mga rason kung bakit nabubuhayan ako sa eskwela, lalong lalo na sa sitwasyon ko ngayon. Kahit papaano, nababawasan ang bigat kapag kasama ko sila.
"Lunch tayo. Saan trip niyo?" Raya asked. Muli na naman itong nag-type sa phone niya.
"Anything cheap."
Of course, Clarisse, the kuripot. Sa aming tatlo, siya ang pinakamagaling humawak ng pera. Raya is the one day millionaire. Si Clarisse, kaya niyang pagkasyahin ang 500 pesos sa isang linggo. Meanwhile, me? I'm half Raya and half Clarisse.
"Saan ka pa makakabili ng cheap sa economy natin ngayon, ateng? Chichirya na lang para tipid," biro ni Raya.
"May fast food naman sa labas. Kung gusto niyo, ako na magti-take out," I suggested. "And may tag-80 pesos doon, Clarisse. You don't need to spend a dollar."
Clarisse just rolled her eyes on me. In the end, sumang-ayon na lang sila sa akin.
Lumabas na ako ng school bitbit ang perang bigay nila. I was busy counting my coins that I accidentally bumped someone. Hindi na ako nag-angat ng tingin. Yumuko lang ako at nagsorry bago mabilis na naglakad paalis. Nakakahiya ang mga katangahan ko sa buhay.
Mabuti na lang at wala pang masyadong tao noong dumating ako sa fast food chain. Mabilis akong naka-order.
Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga magkasintahang masayang nakakasalubong ko sa daan. I can't stop myself from tearing up.
Adrian and I were high school sweethearts. Iyong tipong sabay umuuwi, sabay naglu-lunch, at sabay nagri-review. We were happy kahit na minsan nangunguna ang pride niya, kahit na minsan natatapakan ang pagkatao ko. It didn't matter to me. The happiness I felt was more important.
And then we both went to college in separate schools. That was the start of how our relationship faded with distance and time. Hindi nagtutugma ang schedules. Palaging pagod. Palaging walang oras.
Minsan, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Do I miss the person or I just miss the feeling? Hindi ko alam.
Halos mapatili ako sa gulat nang biglang may bumusina ng kay lakas sa harap ko. Just then I realized I freaking crossed the street on the red light.
"Hoy, bata, magpapakamatay ka ba?!"
I flinched as the man yelled. His voice caused other people to stare at me.
"I'm sorry," nakayuko kong bulong.
Humiliated, I ran towards the entrance gate of the school. Hinayaan lang ako ng guard na pumasok nang hindi chinicheck ang bag ko. Hinihingal kong naabutan sina Raya at Clarisse na nagri-review sa may bintana, malapit sa upuan ni Caleb.
Lihim kong pinunasan ang aking pisngi bago humarap sa kanila. "Ito na, mga madam."
"Ba't ang putla mo? Anong nangyari?" Clarisse closed her notebook.
Umiling ako. "Nothing. Sa init siguro."
Masesermonan ako ng dalawa kapag nalaman nilang muntik na akong masagasaan kaya huwag na. Sawa na ako sa mga sermon.
"Sure ka?" Raya asked.
Tumango lang ako. "Ba't nga pala kayo biglang nagreview? May quiz ba?"
"Ay te, may surprise summative test daw si Ma'am Amber today! Nakakaloka. Kung hindi ako chinat ni Kyle, hindi ko malalaman na nagtest na pala sa ibang sections."
"Eh? Coverage?"
"From the top daw."
Nalukot ang mukha ko. From the top, e hindi ko na nga maalala kung anong topic namin last meeting. Kaunti na lang.
We quickly ate our lunches. Hindi ako mapakali. I kept on tapping my feet at the floor and playing with my nails. Hindi naman ako bobo pero may posibilidad pa ring bumagsak, especially that I have been very distracted for a while now.
Mrs. Amber takes tests so seriously that it takes almost half of the total percentage of our grade. Malalagot ako kay mama kung sakaling bumagsak ako. I can't disappoint them. I am an only child, ako ang inaasahang mag-angat sa pamilya ko.
It sounds a little bit unfair, yes. But I can't blame them. They had it rough, kaya naiintindihan ko kung bakit minsan sa akin napupunta ang mga naudlot nilang pangarap. They're trying to achieve their dead dreams through me.
"Uy, balik na ako sa seat ko. Review time!" said Clarisse.
We both nodded. Bumalik na rin kami sa kaniya-kaniya naming upuan. I flipped my notes from its very first page.
Okay. This is a lot.
NANLALAMIG ang kamay kong tinanggap ang mga papel sa babaeng nasa aking harapan. I took one questionnaire before passing them to the guy behind me. Bumagsak ang balikat ko nang mabasa ang unang question pa lang.
Shutang ina naman.
I don't know how long it took me to finish the test, pero alam kong alanganin ang marka ko roon. Nabablangko ang utak ko. 'Yong tipong alam kong nabasa ko na 'yun pero hindi maalala ng utak ko ang tamang terms.
Lumabas na ako ng room. Raya and Clarisse tried to call my name pero hindi ko sila nilingon. Nag-iinit ang sulok ng mata ko. What the hell is wrong with me? Test lang naman 'yun, bakit ako naiiyak?
Mapakla akong natawa habang nakatungong tinahak ang daan patungo sa library. Test lang naman. Test lang na kung hindi ko masagot, ikababagsak ko. Test lang na kung ibabagsak ko, alam kong madi-disappoint si mama. Test na lumalamon sa confidence ko.
Test lang naman.
Shutang inang test. Iniiyakan ko pa.
Ano ba kasi 'yan, Harriet?! Ayusin mo naman ang sarili mo. Iniwan ka na nga, magpapabaya ka pa!
Kulang na lang ay batukan ko ang sarili ko nang muli akong makabunggo. I looked up, tears gleaming in my eyes, to see a familiar man furrowing his eyebrows on me.
"Are you okay?"
Mas lalo akong naiyak sa tanong niya.
Hindi. Hindi ako okay. I am lost. Hindi ko alam kung paano ako babalik sa dating ako. Hindi maintindihan kung bakit kailangan kong maramdaman 'to. Hindi ko maintindihan kung anong gusto Niyang ituro sa akin.
"Miss?"
"I'm okay. Sorry." Pinunasan ko ang mga luha ko. Mabilis akong tumakbo papasok ng library at iniwan si Caleb sa hallway.
Pumwesto ako sa pinakadulong bahagi ng books stacks sa library. I sat down on the floor and leaned on my knees. Hinayaan ko lang na tumulo ang mga luha ko sa aking hita.
Ngayon ko lang nakita ang pwestong ito sa library. Madilim. Tago. Walang ibang tao kundi ako lang. Just like this bullshit I've been feeling inside me — dark, empty, and lonely. Pero okay na sigurong mag-isa ako kaysa may kasama nga pero ang lungkot pa rin.
At least dito, solo ko ang sakit. Solo ko ang hirap. Hindi ako mag-ooverthink kung anong tingin sa akin ng mga kaibigan ko every time na nagbi-breakdown ako.
I don't know. I somehow like the feeling of isolation.
But don't you think it's funny how people choose isolation when all they ever wanted was company? Don't you think it's ironic to wish for yourself to disappear when deep down, you only wanted to be found?
We spit so much lies yet yearn for someone to hold us, to meet us at where we are, to remind us that pain eventually passes by.
We are hypocrites.
I am a hypocrite.
I have Raya, Clarisse, Elly... I have my mom, pero nakakagago na ibang kamay pa rin ang hinahanap ko. Siya na nagbigay sa 'kin ng sakit na 'to ang alam kong tanging makakapawi rin nito. Bullshit, right?
Inangat ko ang aking ulo para punasan ang pisngi ko. My forehead creased as I caught a glimpse of a silhouette behind the last bookshelf on the other side of the library. Base sa katawan nito, it's a kid. Mag-isa lang ito at naglalakad.
How come may bata rito? This library is very strict. Hindi sila basta-bastang nagpapapasok.
I gulped. I heard creepy stories about this school, pero hindi naman siguro 'yon totoo 'di ba? Come on, it's already 2024. Uso pa ba ang multo?
Mas lalong nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kong sa direksyon ko ito papunta. I was about to get up when the sun finally hit his face.
Nakahinga ako ng maluwag. He's not covered in blood or whatever. He looked normal.
"Hi," sambit nito.
Pilit akong ngumiti. "Hello."
"Pwede po ba akong tumabi sa 'yo?"
Umusog ako ng kunti at hinayaan siyang umupo sa tabi ko. I leaned my head on the cold wall behind me, blankly staring at the ceiling.
"Are you okay, ate?"
Malungkot akong napangiti. Pangalawang beses na 'tong may nagtanong sa akin kung ayos lang ba ako. Sinadya 'ata ito ng tadhana e.
"Naiinggit ako sa 'yo."
I felt the kid's gaze on me. "Bakit po?"
"You're innocent... and happy," halos pabulong kong wika. "I wish I could go back in time. Kung alam ko lang na ganito kalungkot ang buhay, hindi na sana ako nagmadaling tumanda."
I waited for him to respond pero hindi siya nagsalita. Oo nga naman. Why am I expecting a child to understand me? Nababaliw na 'ata ako.
"Forget it, kiddo. Ano nga palang ginagawa mo rito? Are you lost?"
"Sabi ng mama ko kapag malungkot daw ang isang tao, kung wala po akong maitutulong, makinig na lang daw ako. Makikinig po ako, ate."
Muling sumikip ang dibdib ko. Shutang ina. Pinapaiyak ako lalo ng isang bata.
Tumingala ako para pigilan ang pagluha. Ramdam ko pa rin ang tingin ng bata sa akin na para bang naghihintay lang siya sa susunod kong sasabihin.
A faint smile escaped my lips. "I wonder what would happen if that night didn't happen. Magiging masaya kaya ako? Magiging masaya kaya kami?"
"Ano po bang nangyari noong gabing 'yon, ate?" Even the way he looked at me was full of innocence.
"The man I love so dearly chose to end our story. Ayos lang sana kung pareho kami pero hindi ganoong wakas ang gusto ko e. Wala pa ako sa huling pahina pero winakasan niya na."
He was too fast. Or am I just too slow?
Kasalanan bang gustuhin kong kami na lang hanggang sa huli? Kasalanan bang hilingin ko na sana magtugma ang wakas na gusto namin?
Kasalanan bang maging masaya? Kasi kung hindi, bakit palaging may kapalit?
Bakit kailangang masaktan pa?
"Bakit po siya umalis?"
"I wish I knew. Kung alam ko lang, masasagot ko rin sana ang sarili kong tanong." I gulped, trying to ease the lump in my throat. "Bakit nga ba? Was there something wrong with me? Sumobra ba ako? Nagkulang? Is it because of the distance? I don't know. I don't know..."
Wala sa sarili akong umiling. Hinayaan ko na lang na bumagsak ang walang awat kong luha. Pagod na akong punasan 'to kahit hindi pa pagod ang mata kong umiyak. Nakakagago.
"Ate, do you regret loving him?"
Napalingon ako sa kaniya. He doesn't sound like a kid this time. Wala namang batang magtatanong ng ganiyan kalalim sa isang estudyante.
Sino kaya ang mga magulang nito? They raised him well.
"I will never regret something that made me happy, pero nagsisisi akong pumayag ako sa desisyon niya. Nabigla lang naman ako. Hindi niya na agad ako pinakinggan."
Of all the times I begged for him to stay, all he needed was that one night to finally let me go. Maybe he was anticipating for it to happen. Maybe hinihintay niya na lang akong bumitaw para ako na mismo ang umalis. Pero ayokong umalis kaya siya na lang ang nang-iwan.
Ang galing niya, 'di ba? Masyado siyang magaling sa laro ng pag-ibig.
"Do you still love him?"
"So much. Everyday. Always."
Hindi na nakasagot ang bata nang may ginang na lumapit sa amin. The librarian. Himala at hindi nakataas ang kilay nito ngayon.
Agad kong inayos ang mukha ko.
"Gael, I told you to stay on your seat, right?"
Gael? Is this kid's name Gael?
"I was bored, mom, and I heard sobs from here."
Oh. So anak pala siya ng librarian namin. Kaya naman pala hinayaan lang na gumala rito.
Tinignan ako ng librarian mula ulo hanggang paa. Napaismid pa ito nang dumako ang mata niya sa dugyot kong mukha.
"Go back to your seat. Malapit na ang break ko. We will go to your favorite diner."
Nauna nang umalis ang masungit naming librarian. Gael rounded on me. Nag-aalangan siyang magsalita kaya tinapik ko ang balikat niya.
"Listen to your mom. Okay lang ako rito. Huwag kang mag-alala."
He groped something in his pocket. Napakunot ang noo ko nang inabot niya ito sa akin. It was a pocket watch. Old and rusty. It doesn't even seem to be working at all.
"What's this?"
Hindi siya sumagot. Bagkus ay ngumiti lamang siya bago ako iniwang tulala sa lumang orasan sa kamay ko.
Specks of rust fell on my lap the moment I opened it, kasabay nito ay ang pagbagsak ng isang maliit na papel sa sahig.
Sa tingin ko'y galing ito sa loob. Kunot noo ko itong binuksan.
It's a note.
"Turn it back. Turn it twice. May it be with you that fate resides. Sincerely, Gael."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top