Chapter 1

Chapter 1: Some Battles Are Not Meant To Be Won

~

"Pakiusap, maawa ka sa sarili mo, ‘nak. You're a wreck," my mom's voice echoed from the other line. "Ilang rason pa ba ang kailangan mo para bumitaw?"

I held my sob. Sa kabila ng bigat ng paghinga, I managed to open my mouth to speak.

"Okay lang ako, ma. I'm recovering."

Pero kahit kailanman ay hindi ko malilinlang si mama. Sino bang niloloko ko? I'm barely even eating. Wala ako sa tamang huwisyo sa tuwing pumapasok sa eskwela. I couldn't even dare to fix my bedroom nor my face.

"Pupuntahan kita riyan bukas, okay?"

"Huwag na, ma. No need naman na."

Binalaan mo naman ako dati e, pero pinasok ko pa rin 'to. Now I have to learn how to face it on my own.

"Baka kung ano na naman ang pumasok sa isip mo riyan. Iinom ka na naman ng sanitizer." Bakas sa boses ni mama ang pag-aalala.

Awkward akong natawa. Pinaalala niya na naman ang bagay na 'yun. Matagal ko na 'yung binaon e.

"Mama naman, how will I learn if you always have my back 'di ba? Kaya ko 'to. Malakas 'tong baby girl niyo," pabiro kong sagot. Tumayo ako at kinalabog ang kutsara't tinidor sa maliit kong storage. Loud enough para marinig niya. "Dinner muna ako, ma. May gagawin pa akong plates e."

"Sige, 'nak. Kumain ka ng marami. Huwag pabayaan ang sarili, hmm? Nandito pa kami."

"Yes, ma. Thank you." Muli na namang nanikip ang lalamunan ko kasabay ng pagbagsak ng nag-uunahan kong luha.

"I love you, ma," bulong ko at pinatay ang tawag bago pa man marinig ang sagot niya.

I dropped the utensils I was holding, maging ang phone ko, at napasalampak sa malamig na sahig. I curled like a child and clenched my chest as if it could take the pain away.

Ilang gabi na akong ganito. Araw-araw. Pagkagising sa umaga at maging sa pagtulog ay ayaw akong lubayan ng sakit. It's only been weeks since that night but it feels like I've already suffered for years. At hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa kukote ko ang katotohanang wala na nga lahat.

The dreams and goals we had, the good times and the bad, and everything I gave up just to keep him. Everything I lost in order to make him stay. Including myself.

I already had a clue where we might lead. I've seen it. But I was so in love that I refused to trust my own instincts. Dahil ayoko ring maniwala. Dahil hanggang ngayon, nananatili pa rin ang pag-asa sa puso ko.

Putang inang pag-ibig.

Nakakagago.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakahiga sa sahig bago sinubukang tumayo. Naduduling ako't hindi mabalanse ang katawan, but I tried to pick up the pieces of my phone na kanina ay nagkahiwa-hiwalay.

Several messages popped up as soon as the screen opened. Nangunguna roon ang chats ng online friend ko. She's my comfort person, pero hindi ko alam. Ayokong lumapit, mag-message, or kahit basahin man lang ang messages niya.

Gusto ko munang mapag-isa. I want to face this alone. Baka sakaling magtanda na ako at 'di na maging tanga.

I did my evening routine. Mag-dinner, mag-ayos ng kalat ko sa kwarto at mag-half bath. I spent an hour longer than my usual speed dahil mukha akong tangang humihinto't naiiyak sa tuwing nakakakita ako ng mga bagay na nakakapagpaalala sa akin tungkol sa kaniya.

Pumwesto ako sa study table ko at binuklat ang pinagtagpi-tagpi kong journal. Isang blankong pahina na lang ang natira. How playful destiny is. Alam niya talagang isang pahina lang ang kailangan ko para maisulat ang huling liham na gusto kong mabasa niya.

Tahimik akong natawa kasabay ng pagtulo ng luha ko. Hinayaan ko itong bumagsak sa papel.

I heaved a sigh. Kaya ko 'to. Kakayanin ko.

I took out my pen and began writing all the things I wanted to say.

Dear Adrian,

Kumusta ka na? Are you eating your meals? Are you taking care of yourself? I hope you are. I'd like to tell you how I've been doing since you left but I don't think you'd care to read it.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung kaya ko bang kalimutan ka. Masyadong malaki ang parteng dinala mo noong umalis ka. Hindi ko alam kung paano ko mapupunan 'yon. Gusto kong magalit sa 'yo pero hindi ko magawa.

I still include you in my prayers. I still mention your name and your family. Ikaw ba, ganoon din sa akin? Do you wish me well too?

I miss you, Adrian. If I could only turn back time, I'll have no seconds wasted.

Harriet

I clenched my chest once again. Magkakasakit 'ata ako sa puso nito. Ang hirap pala. Ang sakit pala. Aware naman ako sa sakit na kaakibat ng pagmamahal pero hindi ko alam na ganito pala talaga siya kasakit.

Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong nag-ring. I wiped my tears before picking up the call.

"Hey," matamlay kong bati.

"Umiiyak ka na naman 'no? Tara, gala."

"Gabi na. May plates pa tayo. This weekend na lang."

Sarkastikong tumawa ang kabilang linya. She's my first friend in college. Ang kaisa-isang babaeng kumausap sa akin noong tuta pa lamang ako sa kolehiyo. One of my Architecture buddies.

"Don't make me laugh, Harriet. You're going to beat yourself up in there lang. Labas tayo. Hindi naman tayo gagatos ng malaki. Promise!"

I can't help but smile as her image flashed in my mind.

"May plates."

"Ano ba naman 'yung 2 hours na gala sa 1 week nating pagpi-plates, 'di ba? Kaya tara na. By 9 PM, uuwi na tayo. Huwag nang maarte!"

"Anong susuotin ko?"

She snorted. "Jusmiyo! Kahit ano! Kahit magtuwalya ka lang, walang pumipigil."

"Okay," natatawang sambit ko.

"Hihintayin kita sa gilid ng market ah. Sakayan ng jeep pa Uptown. Bye, love you!"

Bumuntong hininga ako nang matapos ang tawag. My deadline is still a week ahead. Wala naman sigurong masama kung ayusin ko muna ang sarili ko. I need it so bad.

I checked my wardrobe and settled on a loose shirt and baggy pants. Oo, mukha akong genggeng. Pero 'di bale na. Comfort comes first.

Panay ang tingin ko sa oras habang inaayos ang mukha ko. I put on a light lip tint and filled in the gaps on my eyebrows. Makapal naman ang kilay ko pero kinulang nga lang sa bandang dulo.

Just as when I finished putting on my sneakers, another message from her popped up.

Raya Kyoti:

Where na you? Here na me.

Hindi na ako nag-abalang mag-reply. Sumakay na ako ng tricycle papunta sa market.

Habang nasa byahe, pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid. This city is crowded with people. The world is crowded with people. At hindi lamang ako ang taong may problema sa mundo. I don't know, somehow it kind of eased the weight in my chest.

How long do they have to endure to have those carefree smiles? Paano kaya nila nagawang ngumiti ulit?

Magagawa ko rin bang lampasan ito kagaya nila?

"Ano, 'te, hindi ka pa bababa?"

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ng kaibigan ko. Huminto na pala ang tricycle, at si kuya, hindi man lang ako sinabihan. Nakabusangot lang ito sa akin.

Inabot ko sa kaniya ang bayad at bumaba na.

Raya rolled her eyes. "Sa tricycle mo pa talaga napiling magsenti."

Nakipagsiksikan na kami sa jeep patungong Uptown. Sa pinakadulo ako umupo dahil wala na akong choice. Ilang minuto pa ang hinintay namin bago huminto sa pagtawag ng pasahero ang konduktor. Halos naligo na kami sa sarili naming pawis.

"Sino 'yan?" tanong ko nang mapansing panay ang pag-type niya sa phone. Ngumingiti pa.

"Secret."

"Kasi-secret mo, baka matulad ka sa 'kin."

"Basta. Kuwento ko sa 'yo kapag goods na. Baka mausog 'pag ngayon."

Nagkibit balikat na lang ako. "Okay."

Muntik na kaming masubsob sa sahig nang biglang huminto ang jeep. Buti na lang at nakahawak ako sa tuhod ni Raya.

Isang lalaki ang sumakay sa jeep. Wala nang bakanteng upuan kaya wala siyang choice kundi sumabit na lang katabi ng konduktor. I can't help but notice his identification card. Madilim kaya hindi ko masyadong klaro ang picture pero malinaw naman ang pangalan niya.

Caleb Malaya.

Ganda ng pangalan. Hindi siya naka uniporme but he wore the same ID lanyard as me kaya Architecture student din siguro siya. Probably our senior.

"Titig na titig ah? Ano? Healed na ba ang broken heart?" Mahinang kinurot ni Raya ang braso ko.

"Baliw. Napansin ko lang. Archi rin."

Muli na naman siyang umirap. "Malamang, beh. Classmate natin 'yan."

Kumunot ang noo ko. "I'm not familiar with him."

"Ngayong semester lang natin siya naging classmate. Section 5 siya last year pero I saw him na dati sa boarding house ni Kyle."

Siniko ko siya. Kung makapag-usap kami, parang wala sa harap namin ang topic e.

"Bet mo?"

Umiling ako. Aside siya hindi ko talaga siya kilala, nagluluksa pa rin ang puso ko.

"May hinihintay pa akong bumalik."

"Ew!"

Natawa ako sa reaksyon niya. Pinukol niya pa ako ng nandidiring tingin bago pumara para bumaba.

The guy moved aside para padaanin kami. Muntik pa akong matapilok sa sariling katangahan, buti na lang nahawakan niya ang balikat ko. Yumuko lang ako at nag-thank you sa kaniya bago tumalikod.

"Sus! May hiya pang nalalaman. Deep inside, kinikilig na 'yan!" pang-aasar na naman ni Raya habang naglalakad kami papasok ng mall.

"Feeling ko ikaw ang may gusto do'n. Panay mention ka e."

"Uy, iba bet ko 'no. Taga Section 2."

Tumawa lang ako. I opened my phone when it vibrated in my pocket. My online friend again. Hindi ko nga pala siya nareplyan kanina. She sent me a screenshot. 'Yun nga lang, hindi ko ma-view. Naubos na ang data ko kahapon pa.

Harriet:

Hey. Slr

Ano 'yan?

Elly:

View mo.

Harriet:

Wala akong load.

Elly:

Shared post ni Bombay, este Adrian.

Kumabog ang dibdib ko nang mabasa ang pangalan niya. Hays. Ito na naman ako. Natatanga na naman.

Harriet:

Anong meron?

Elly:

Ewan.

May bago na 'ata siyang pinopormahan.

: ((

Harriet:

Ah

Good for him.

Ilang beses akong lumunok. May bumabara sa lalamunan ko. Naninikip din ang dibdib. Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ko kahit anong tingala ko para pigilan.

Napansin ni Raya ang inasta ko. "Uy, anong nangyari?"

"Wala naman. Tara na?" Binalik ko sa bulsa ang phone at pilit na ngumiti.

Ayaw niya pa sanang maniwala pero hinila ko na siya papasok sa isang beauty shop.

Hindi ko kayang sabihin. Ayokong sabihin. Ayoko ring tanggapin.

Bakit ganoon? Bakit ang dali lang para sa kaniya na bitawan ang halos apat na taon naming pinagsamahan? Why did it only take him two weeks to pursue another girl?

Ano ba ako sa kaniya noon?

Ang unfair. Habang nandito ako na nagpapakalugmok at hinihintay siya, nagpapakasaya na pala siya sa iba.

Ang daya. Sobrang daya.

"Si Adrian na naman 'no? Huwag mo na kasing hintayin. Move on na."

"It's only been two weeks."

Paano ko makakalimutan ang halos apat na taon namin sa loob ng dalawang linggo? I can't. Imposible.

Raya wrapped her arms around mine while she continued checking for some lotions.

"Alam mo, shit really hurts. Ganoon talaga. That's how life works. Ang sinasabi ko lang sa 'yo, go with the flow ka lang. Hayaan mo ang sarili mong masaktan. Hayaan mo ang sarili mong sumaya. Kung gusto mong lumandi, hala lumandi ka. Face it, but don't dwell," mahaba niyang litanya.

Puro tango lang ang sinagot ko. I know what she's talking about, but it's easier said than done. Napakadaling sabihin na magiging okay rin ang lahat, na lilipas din 'to, na hayaan lang ang mga bagay na mangyari.

I used to give the same advice to everyone before but now that I'm here, it's never easy. Araw-araw, bumibigat. Ang hirap huminga ng maayos. Ang hirap ngumiti ng totoo. Ang hirap tumawa ulit.

How do I even try to get out of this dark place? Hindi ko alam. Nawawalan ako ng direksyon. Pakiramdam ko, wala akong kawala sa sakit. Hindi ko matakasan. Walang shortcut.

"Clarisse and I will always be here for you, Harriet. Hindi ka nag-iisa sa laban mo, okay?"

I responded with a grateful smile.

After several minutes of Raya window shopping some cosmetic products, dumiretso kami sa katabi nitong bookstore.

Tahimik akong naghintay sa kaniya habang tumitingin siya ng mga libro. Our love of books was one of our common interests but I can't seem to find joy in anything now. Nawawalan ako ng interest sa mga bagay na dati ay gustong gusto ko. Ganoon nga siguro kapag masyado ka nang malungkot.

Nakuha ng atensyon ko ang isang poster na nakadisplay sa entrance ng store. It's an image of two kids, a boy and a girl. Behind them were two grown ups with the same face as them and a huge clock that occupied the rest of the poster.

It's probably just a newly released book. But somehow, it aches my chest.

Two grown ups behind their younger selves and a clock. Kung sinuswerte ka nga naman. Nagtugma pa talaga ang release niyan sa pagluluksa ko.

Sadly, unlike the poster, I can never go back to my younger self. Hindi ko mababalaan ang batang ako sa sakit na kaakibat ng isang desisyon. Hindi ako maaaring bumalik kung kailan masaya pa ako, kung kailan masaya pa kami... kung kailan nasa tabi ko pa siya.

But then again, it's all just a fantasy. And that's what makes time precious. We can never turn it back.

Sadyang may mga laban lang talaga tayong hindi nakatadhanang ipanalo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top