Barbie Friend


"I'm a Barbie girl in a barbie world~'

Pagkanta at pagsayaw ng mga kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa bahay ni Ayesha. At chill lang muna kami kasi natapos na namin ang nakaka-stress na Thesis.

"Guys, juice oh." Pag-aalok ni Ayesha saamin habang nailing nalang at natatawa sa pinaggagawa namin. Para kasi kaming tanga na sayaw nang sayaw.

Napalingon ako kay Imogen na napaka pabebe ng pagsasayaw dahil nahihiya raw siya tsk. Pero kung lumandi sa bf ko na si Ruel hindi matablan ng hiya.

Well, tahimik lang ako pero alam ko kung paano nya landiin ang bf ko. Napaka-kapal ng mukha. At ang magaling na bf ko naman ay mukhang nakalimot na may gf pa siya.

"Imogen sayaw lang huwag na mahiya. Nung nanglandi ka nga ng bf ng iba hindi ka nahiya eh." Her face become pale and I can't help myself but smirk at her.

Nagtawanan ang mga kaibigan namin dahil sa sinabi ko.

"Oh, Imogen malandi ka pala?"

"Pano ba lumandi paturo nga."

"Hay nako kala ko mahinhin may tinatago na landi pala."

Pang-aasar ng mga kaibigan namin. Actually alam nila kung paano nilandi ni Imogen ang bf ko. Tahimik lang sila kahit alam nila iyon dahil ayaw nilang makialam ng basta-basta which is I'm thankful for.

Napasimangot si Imogen sa mga sinabi ko at ng mga kaibigan pa namin. Kahit na ang putla na nang mukha niya dahil siguro hindi niya talaga inaasahan na alam namin ang kagagahan niya. Well you mess with the wrong person. Walang sikretong hindi nabubunyag.

"Ano ba? Hindi ako malandi ah." Pag tatanggol niya sa sarili niya kahit naman alam na niya sa sarili niyang totoo ang sinasabi namin.

Tumigil ako sa pagsayaw at hinaplos ko ang pisngi ni Imogen at ngumiti ng matamis sakanya. Stop acting like you didn't know anything, Imogen. You're just making me more mad at you.

"Oh c'mon girl! Stop being so fucking painosente." Tinitigan ko ang mata nya kaya kita ko na kinakabahan sya. That's right! Kabahan ka, mas mabuting uminom ka ng isang timbang kape para kabahan ka sa mga kagagahan mo.

"Tinuring kitang totoong kaibigan," I grinned at lumakad paikot sakanyang nakatayong pigura. "Hindi ko inakalang lalandi ka at sa boyfriend ko pa talaga." Tumigil ako ng lakad sa mismong harap nya.

"A-aliana" Nauutal na napaatras siya palayo saakin.

Why so scared now? Kapag lalandi ka malakas ang loob mo ah? Lalo lang kumukulo ang dugo ko sayong bruha ka.

"Akala mo hindi ko malalaman kung paanong paglandi ginawa mo sa bf ko? Masyado kang painosente at bait-baitan sa harap ko impakta ka!" I slapped her face so hard. I better remind myself later to disinfect my hands. She looks so shocked because of what I just did.

Kilala nila akong mabait at tahimik lang minsan at hindi nananakit. But, not this time girl. You deserve that slap.

Kalaunan ay ngumisi sya saakin, "Malamang lalaki yan maghahanap ng malilibugan." Tinignan niya ako ng mapangasar kaya naman umiinit lalo ang ulo ko sakanya.

So ngayon inaamin na niya? Parang kanina todo tanggi ka pa, aamin ka rin palang bruhilda ka.

"Kesa naman sayo na hanggang libog lang diba?" I mockingly said but deep inside I'm trying my best not to slap her again. Ayoko namang madapuan ng maraming germs ang kamay ko. Ahas pa naman siya.

"Mas masarap ako sayo kaya hinahanap hanap nya ako." Matapang niyang sambit.

Coming from her dirty mouth. Walang delikadesa.

"Exactly! Can't you see? He's just using you," I smirked. "Libog lang ang meron siya para sayo." I took a step closer at her and bend my body a little para harap-harapan kong sabihin sakanya na, "Mahal ako, libog lang sayo. Pang kama kalang pang simbahan ako. See the difference? I thought matinong kaibigan ka. Yun pala Barbie ka!" I stand straight and watch her as she slowly lose her up front expression.

"Ahas ka gurl?"

"Kati ka ghorll."

Pang aasar pa nila Ayesha na nanonood saamin.

Kinuha ko ang isang baso ng juice na nakapatong sa coffee table at ibinuhos sa ulo nya kaya nagulat sya dahil hindi nya yon inaasahan.

"YOU.ARE.SUCH.A.BARBIE!. A BRAINLESS PLASTIC!. Saamin kalang naman nakipag kaibigan para makakopya ka, hindi ba? Samin ka grumupo sa thesis para wala kang gagawin at pasarap kalang. I pity you girl. Ganda lang ang meron." Pagkatapos ay itinulak ko siya. She stumbled on the floor na akala mo wala ng lakas ang mga binti para suportahan ang sarili niya.

"Ay barbie sabi kona~" pagkanta nila Ayesha.

Sa sobrang kahihiyan niya ay tumakbo sya palabas ng bahay nila Ayesha dala ang gamit nya. Kami naman ay nagtawanan dahil doon.

Napangisi ako dahil nagawa ko ng ilabas ang inis ko sakanya kahit sa ganoong paraan lang. But I'm still not yet done. Kailangan ko parin makipag-usap ng masinsinan sa gagong Ruel na iyon kung madadaan ba sa usapan.

"Yan kase barbieeee." sabay sabay naming sabi ng mga kaibigan ko at nagtawanan muli.

I must keep this in mind. I don't need a friend who will just betrayed me at the end.

Seleunae's note:

This is my first work that is posted here in Wattpad so what do you guys think of this story?

Leave your thoughts at the comment section and I will gladly read it. Don't forget to vote also thank you so much ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top