Ikalimang Banyuhay
Sa Mata ng Diyamante
(Malayang Taludturan)
Naglakad ako sa pedestrian
Bawat hakbang tinititigan
Ng isang mamamayan
Na naghahangad magkalaman ang tiyan.
Mabigat man sa aking loob
Dahil sa mga tinging ipinupukol na lumilimos ng lukob
Na dulot ay kilabot na kumukubkob
Nagpatuloy sa paglalakbay sa sansinukob.
Wala silang magawa kundi lumuha.
Wala akong magawa kundi maawa.
Ipinagdasal na lamang sa Diyos na mahabagin
Na sana'y kanilang kailangan ay ihain.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top