Second Entry: YOU'RE SUCH A
YOU'RE SUCH A written by hannanusman
BTS ONE-SHOT COMPILATION
[A Kim Namjoon One-shot]
[FOREVER SERIES]
© 2017 CT All Rights Reserved
Fanfiction/ Teen Fiction
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
Finished: December 6, 2017 (The time interval from the first entry of this series is too long 'cause I've finished other stories before going back to this one, yay!)
Published: March 31, 2018
The second installment of Forever Series
*
Trusting you is my biggest mistake but untrusting you is my greatest mistake.
Ginawaran ko siya ng nakakapanlambot na sampal sa kanang pisngi niya na lumikha ng ingay rito sa loob ng coffee shop. Kung hindi lang nananakit ang palad ko, kung hindi lang nanghihina ang mga tuhod ko at kung hindi lang humahapdi ang sugat sa puso kong nilikha niya ay baka nagawaran ko pa siya ng isa pang sampal sa kaliwang pisngi niya.
Just to make it fair for me…
"You're such a…" Hindi ko na naituloy ang dapat ay sasabihin ko dahil ayaw kong mababoy ang bibig ko dahil lang sa walang kwentang lalaking katulad niya.
Pumikit ako ng mariin para pigilan ang pagbagsak ng mga luhang namumuo sa mga mata ko pero nagbigay-daan lang iyon sa pagtakas ng mga ito. Lumunok ako dahil sa barang nasa lalamunan ko at nang buksan ko ang mga mata ko, nakita ko ang pinaka-mas nagpasakit sa puso ko…
His eyes pooled with unnamed emotions at the sight of me, crying. Pero hindi na ako magpapaloko sa kaniya. Technique lang niya ito para maloko na naman niya ako.
"A-And I'm such a fool to even think t-that I can change you…" Nabasag ang boses ko kaya mabilis akong yumuko kasabay nang pagtakas ng mga hikbi mula sa bibig ko. I then felt a pair of palms softly holding my arms.
"Shania…" Narinig ko ang nanginginig na tinig ng best friend kong sobrang mahal na mahal ko, akala ko ganoon din siya sa akin, pero nagkamali ako.
I jerked her hands away from me as I turned to give her a glare. "You two are having an affair behind my b-back? Don't touch me!" sigaw ko nang akmang aabutin naman ako ni Namjoon. Bumalik sa kaniya ang masama kong tingin. "Let's break up," matigas ang anyong sabi ko habang hirap na hirap na itago ang sakit na nararamdaman ko sa kabila ng mga luhang patuloy na bumabasa sa mga pisngi ko.
He gasped, his full lips parting in surprise. If I knew, he was laughing at me now 'cause he was seeing how miserable I was despite of the strong façade I was showing them. 'Cause that was how he was. That was how Namjoon Kim was even before we met, even before I knew him. He loved to see girls crying desperately for him, he wanted his girls being a fool for him. And I wouldn't give him the satisfaction or I wouldn't let him fulfill his satisfaction.
"Shane, let me explain—"
"What? To fool me again and make me believe that I just saw wrong? Or you'll tell me that you, kissing my best friend, isn't something I should be freaking out about? Well, tell you, you could kiss all day and I won't give a fvcking damn!" Itinulak ko siya at tumalikod na para magmartsa palabas ng coffee shop kahit na sobrang sakit sa loob na talikuran iyong lalaking sobra-sobra kong mahal.
All the way out, I could see people holding their phones and filming us. Great, way to ruin my mood even more. Hindi na ako magtataka kung pagpasok kinabukasan sa office ay trending na sa buong department namin ang paghihiwalay namin ni Namjoon.
We were like the office couple, how funny.
Alam ng alam kung paano kami nag-umpisa ni Namjoon. Alam ng lahat kung paano kami nahirapan pareho sa pagpasok sa relasyong ganito lang pala kadaling masisira. It might sound cliché, but he was the typical bad boy and well, player and I was the goody moody girl.
Marami ang nagulat noon nang sinabi niyang nahuli ko raw ang magaslaw at pihikan—sa lagay niyang paiba-iba ng babaeng kasama kada linggo—niyang puso.
Ang pinaka-close ko sa office na si Rue ay katakot-takot na babala ang ibinigay sa akin noon tungkol sa imahe ng reputasyon ni Namjoon sa pakikipagrelasyon. I being the goody moody girl before, it was hard for him to approach me. I just didn't like anything about him. Until one day, I just found him changing every bit of his attitude for me. He quit smoking, 'cause I hated smokers. He quit drinking too much, 'cause I hated it. He never had girls around him other than me when he was courting me.
"Natural! Nagpapabango sa'yo, malamang tutok iyan sa'yo kasi ikaw ang next prospect niya! Think, Shania! Think very well. You wouldn't want to get hurt in the end, right?" ani Rue noong unti-unti na akong nadadala sa ipinapakita ni Namjoon sa akin.
Nandoon din noong mga panahong iyon si Melanie na best friend ko at inaalalayan ako habang hinaharap ang lalaking katulad ni Namjoon.
That woman…
Hindi ko mapigilang humagulgol habang nakasakay sa taxi pauwi sa condo ko. It would be kind of acceptable and less painful if it wasn't my best friend, if it was other girl. But hell, why it had to be her? She was my best friend! She should have been the one I could run to at times like this! She should be by my side and be the one caressing my back while I was hurting and filling me comforts.
Hindi lang ako niloko ng manlolokong lalaking iyon kung hindi inilayo niya rin sa akin ang best friend ko!
"Rot, jerk! Rot!" sigaw ko nang makita kong pangalan ni Namjoon ang nasa screen ng phone ko habang tumutunog ito.
"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" untag sa akin ni Manong kuya driver, masyadong maalalalahanin para pansinin pa ako.
Nag-angat ako ng tingin at hinayaang mabulok ang tawag ni Namjoon. Ang kapal ng mukha niyang tawagan pa ako pagkatapos ng ginawa niya sa akin.
Nasaan na iyong 'ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ko'? Iyong 'hinding-hindi kita itutulad sa mga babaeng dumaan sa buhay ko'? Iyong 'mahal na mahal kita'? Buwisit, dalawa pala kami ng best friend ko ang nakakarinig ng mga iyon!
"O-Okay lang po…" mahina kong sagot kay Manong sabay punas sa pisngi ko. Ngayon ko lang napagtantong nakakahiya itong ginagawa ko. Baka isipin ni Manong na napakawalanghiya ko para umiyak ngayon. I was not really like this. Ako iyong tipo ng taong mas gugustuhing kimkimin ang mga saloobin kaysa ilabas ito sa public, pero kasi sobrang sakit e.
Kasi kahit naman niloko ako ni Namjoon, kahit na nakipaghiwalay na ako sa kaniya, hindi naman agad-agad mawawala iyong nararamdaman ko sa kaniya lalo na at sobra niya akong pinahulog noon.
He might be the evilest man alive, he would stay as the love of my life. Kasi mahal ko siya.
Pagdating ko sa bahay ay sa kuwarto ako agad dumiretso. Tama nga sila. There will always a time that I'll be locking myself in my room while crying my heart out of the pain. Kasi pala, sa mga ganitong pagkakataon, iyon lang ang tanging paraan para kahit papaano ay mapagaan ang loob ko.
My phone again rang but I did not give attention to it 'cause I knew, it was him again. I didn't know why he was still calling me when we were already over. Tinapos ko na ang kung anong meron kami at kaakibat noon ay ang pagputol ko sa lahat ng koneksyon namin. So bakit pa siya tumatawag? Para saan pa? Expert siya sa ganito, 'di ba? 'Di ba ganito rin naman ang ginagawa niya noon sa mga babaeng niloloko niya noon na habol ng habol sa kaniya?
Magkaiba lang ngayon… dahil hinding-hindi ko siya hahabulin!
Rot, Namjoon. Rot!
Buong gabi ako nagmukmok sa kuwarto ko, I even skipped dinner because of loss of appetite. Kaya sinasabi nilang ang effective way ng pagbabawas ng timbang ay ang pagiging broken hearted. At this rate, I would be losing more weight. Halos umagahin na rin ako ng tulog dahil sa sobrang kakaiyak. That every time I would close my eyes, his handsome face would appear through the pitch black.
Kinabukasan, maga ang mga mata ko pagpasok ng office. The atmosphere became gloomy the moment I entered the vicinity. Hindi ko alam kung nakikisama lang ba ang mga ka-officemates ko sa nararamdaman ko o baka may alam na sila dahil sa sobrang tahimik nila.
My eyes landed on Namjoon's cubicle. Mas lalong bumigat ang dibdib ko nang makitang wala siya sa cubicle niya at nakapatay pa ang desktop niya. Babalik na ba siya sa dati? Palagi siyang late noon sa office. Minsan nga half-day na lang siya, pero nagbago iyon noong ligawan niya ako. Palagi niya akong sinusundo…
Nanubig ang mga mata ko dulot ng mga alaalang pumuno sa isipan ko. Mananatili na lang silang masayang alaala sa isipan ko kasi naging masaya rin naman ako noong mga panahon iyon. Maaaring technique lang ni Namjoon ang lahat ng mga iyon para mabilog ako pero hindi ko maipagkakailang napasaya niya ako.
I was such a fool and he was such a… never mind. I should stop thinking about that thug.
Nagtungo na ako sa upuan ko ngunit hindi pa man ako nakakarating ay may lalaki nang humahangos papasok ng department. Dumiretso siya sa cubicle niya at agad na binuksan ang desktop niya. He then turned to look around and as he found my eyes, he deeply sighed.
Kumabog ang dibdib ko pagkakita sa magulong buhok ni Namjoon, hind maayos ang pagkakatali ng necktie niya at hinihingal pa. Bakit imbis na mainis ay mas nagdidiwang pa ang mga mata ko dahil sa kaguwapuhan niya? Nakakainis lang! Galit ako sa kaniya!
"Shane, hindi mo sinasagot ang mga tawag ko," he said loud enough for me to hear as he walked out of his cubicle.
Umirap ako at pumihit na para maupo sa swivel chair ko. Yumuko ako para abutin sa ibaba ang power ng CPU para mabuksan ko na ang desktop ko. Nang matapos mag-loading ang windows ay napasinghap ako sa bumungad sa mga mata ko.
Itinakip ko ang isang kamay ko sa screen para hindi makita ang kasalukuyang background ng desktop ko. I then maneuvered the mouse to change it to anything, kahit na simpleng plain white background lang. Bumuntong-hininga ako pagkatapos. I must be so fool in love to even put our picture together as my desktop wallpaper!
"Shane, sinundo kita pero nauna ka na pal—"
"Excuse me, Mister Kim, hindi ka puwedeng lumapit kay Shania! Alis!" Biglang lumitaw si Rue sa kung saan at ipinagtabuyan si Namjoon na nasa likod ko na pala.
Sumakit ang dibdib ko nang tumingin siya sa akin na tipong nagmamakaawa. Nang hindi ako umimik at nakatitig lang ako sa kaniya gamit ang malamig na mga tingin, bumuntong-hininga siya at umatras.
You're such a… bakit kasi kailangan mo pang manakit ng puso ng iba? Ikinasaya mo ba iyan? Ikina-satisfy mo ba iyan? At nakaka-inis lang kasi dumodoble ang sakit sa dibdib ko dahil sa mga mata mong puno ng lungkot!
"Hoy, kalat na rito sa department iyong panloloko sa'yo ng player na iyon! Ano? Hindi ka pa magtatanda?" panenermon sa akin ni Rue.
"E 'di sana tinanggap ko pa rin siya kung hindi, 'di ba?" matamlay kong sabi saka bumalik na sa harap ng desktop ko. I logged in on the office 365 and opened all my unfinished works.
"Ayan! At saka, 'di ba best friend mo iyong si Melanie? Iyong nasa finance department?" untag pa rin ni Rue.
"Oo. Kaya nga mas masakit e…" Ibinulong ko lang ang huling pangungusap para hindi niya narinig.
Bumalik na siya sa puwesto niya pagkatapos. Buong umaga ay nasa upuan lang ako at kahit puputok na ang puson ko sa sobrang pagkaihi ay hindi ako tumayo para magbanyo dahil madadaanan ko ang cubicle ni Namjoon. Ang mga banyo sa labas ng department ay nasa magkabilang dulo pa ng floor at napakalayo.
Paminsan ay nakikita ko siyang tumatayo at sinisilip ako at sa tuwing nahuhuli ko siya ay mabilis siyang umuupo. Gusto kong kiligin, kasi ganoon siya dati. Noong mga panahong hindi pa niya ako magawang lapitan, he would only peak at me through the walls of his cubicle and he would hide whenever I would look his way.
Nang dumating ang lunch ay hindi pa rin ako umalis sa upuan ko. Though, I grabbed the chance while Namjoon was out to buy his lunch, I went to the restroom and wasted some liquids.
"Sandali," tawag ko kay Namjoon nang dumaan siya sa harap ng cubicle ko at naglaglag ng isang supot ng kung anong pagkain. He stopped and turned to me. Nagtaas ako ng kilay. "Hindi ko kakainin iyan kaya kung puwede, pakikuha ulit? Basura lang iyan sa table ko…" Nag-iwas ako ng tingin habang nagsasalita.
"But you still haven't moved in your chair to grab your lu—"
"And I believe that's none of your business anymore, Namjoon," putol ko sa kaniya.
"It is, Shane. Dahil hindi ko pa tinatanggap ang pakikipaghiwalay mo. You should've let me explain first before breaking up with me," matapang niyang sagot, opening the issue between us, na ako nga pala ang nag-umpisa.
Fool, fool Shane.
I bit my lower lip. Pinigilan ko ang pagsasaya ng puso ko dahil lang sa walang kakwenta-kwentang sinabi niya.
"I don't need to hear your explanations, Namjoon. Gusto kong makipaghiwalay sa'yo, kaya hiwalay na tayo. That isn't a shared decision!" utas ko para patayin ang kilig na nararamdaman ko dahil lang kaharap ko siya ngayon at kausap. 'Cause damn it, I couldn't deny that even though it was just a night without him, I still missed him so much.
"Paanong hindi shared decision kung tayong dalawa ang nasa relasyon? Hindi ako makikipaghiwalay sa'yo, kahit na ilaban ko pa ito sa korte!" Mas matigas na ngayon ang boses niya na nagpanganga sa akin.
"What?" Nanliit ang mga mata ko dahil sa kalokohang pumapasok sa utak niya. "We aren't legally married, Namjoon to get this issue up to the court!" sigaw ko. Mabuti na lang at nasa labas ang lahat dahil lunch time, dahil kung nandito sila, baka trending na naman kami ngayon sa buong department.
"Try me, Shane. I'll do everything just to keep you with me. Try me, I can really bring our case to any court existing! You'll see, your decision won't matter 'cause you won't get away from me," banta niya sa akin sa desididong tinig. Ang mga mata ay puno ng pagsusumamo.
"Baliw! Baliw ka, Namjoon! E 'di sana hindi ka nagloko kung ayaw mo pala akong mawala pero buwisit lang, Namjoon Kim! You double killed my heart! Niloko mo na nga ako, dinamay mo pa best friend ko! Bwisit kang baliw ka!" Dinuro-duro ko siya dahil sa inis sa mga pinagsasabi niya.
I couldn't understand! Siya iyong nangloko rito pero bakit siya itong ayaw akong mawala? Would he cheat if he didn't want to lose me? Would he lie to me if he wanted to keep me? Did… did he ever love me?
Lumapit siya sa wall ng cubicle ko. I was thankful that it was keeping us distanced from each other. Dahil oras na dumikit siya sa akin, baka manghina na lang ako sa sobrang lakas mag-react ng puso ko pagdating sa kaniya!
"By now, you must have realized that we're still together. No break up will happen. Akin ka pa rin… at sa'yo pa rin ako." He told me in a genuine and softest way.
"Buwisit…" sabi ko.
Sa'yo pa rin ako… I was his ever since, kahit na nakipaghiwalay ako sa kaniya ay sa kaniya pa rin ako dahil siya pa rin naman ang tinitibok ng puso ko.
"Itong buwisit na ito, mahal ka nito, Shane. Kaya't hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi mong niloko kita—"
"I SAW YOU KISSING MY BEST FRIEND, IDIOT!" sigaw ko sa kaniya dahil napakakapal ng mukha niyang sabihin sa akin ang mga iyan. Ako pa may kasalanan ganoon? Pinapalabas ba niyang wala akong tiwala sa kaniya gayong ang panloloko niya ang pinaka-issue rito?!
"I didn't, okay? Did you even see my lips, that is only yours by the way, touch hers?!" tanong niyang mukhang naiinis na rin.
Napatigil ako. Inalala ko ang mga nadatnan ko noon sa coffee shop…
Matapos kong makatanggap ng message sa best friend ko na nasa coffee shop na siya kasama si Namjoon ay lumabas na ako ng office. Nakangiting binuksan ko ang glass door at hinanap sila. I saw them on one of the tables…
Kumunot ang noo ko nang makita ang likod ng boyfriend kong si Namjoon. My heart ached. He was leaning to Melanie who had her head tilted… and I was not stupid not to know what were they doing and really!
Dito pa talaga?!
"I didn't! Pero alam ko! Hindi ako tanga, Namjoon!"
"Tanga ka…" he said, glaring at me. Ang mga maliliit na mata ay matalim na nakatitig sa akin habang salubong ang pares ng mga makakapal niyang kilay. Awang ang mapupula niyang mga labi at bahagyang nagpapakita ang malalim niyang dimple sa kaliwang pisngi.
Napakaguwapo niya kaya hindi imposibleng nahulog kaming mag-best friend sa kaniya. Hindi ko tuloy alam kung siya ba ang may kasalanan dito, o iyang kaguwapuhan niya.
"What?!" I hissed, ignoring again the feast in my heart because of his stares.
"Ikaw nga ang nananakit dito e. You have trust issues with the people around you. You believe mess in your head without strong evidence. Nakakasakit na wala kang tiwala sa akin o kahit na sa best friend mo. You really think I would cheat on you after all the risks I've taken just for you? Hindi ganoon kababaw ang pagmamahal ko sa'yo, Shane pero mukhang ikaw, mababaw lang ang pagmamahal mo sa akin."
Napanganga ako. I couldn't believe he had the tables turned! Napaupo ako sa upuan ko habang hindi makapaniwalang nakatingala sa kaniya. Nanatili akong tahimik dahil sa kawalan ng sasabihin sa mga kalokohang sinasabi niya.
He was such a jerk! Now I said it!
Nagulat ako nang biglang umikot ang swivel chair na inuupuan ko. Bumulaga sa akin ang guwapong mukha ni Namjoon habang nakaupo siya sa pagitan ng mga hita ko at nakatingala sa akin. Magulo pa rin ang kulay lila niyang buhok na madalas sitahin ng aming supervisor. His strong manly scent quaked my nose and his nearness shook my heart.
Kinulong niya ako sa pagitang ng mga braso niyang nakahawak sa magkabilang gilid ng swivel chair ko.
"I'm such a jerk, I'll admit but you're such a mess, Shane. Kaya hindi kita pakakawalan, I'll fix you. Hindi kami naghahalikan ni Melanie. Hindi ko alam kung paano mo naisip na hinalikan ko—"
"'Cause I saw it…" maluha-luha kong sabi habang yumuyuko.
"You saw wrong. Aish, ano bang ginagawa namin noong mga oras na iyon para isipin mong hinalikan ko siya…" Saglit siyang nag-isip pero kunot na ang noo niya nang hinuli niya ang mga mata ko. "I really can't remember anything, Shane. Maniwala ka naman sa akin. Hindi kita lolokohin at hindi rin magagawa sa'yo iyon ng best friend mo," malambing niyang sabi. Hinawakan niya ang baba ko bago niya inilapit sa akin ang mukha niya.
Pumikit ako nang ilang hibla na lang ang layo ng mukha niya sa akin at agad na sumuot sa ilong ko ang mabango niyang amoy. Inasahan ko na ang gagawin niya pero hindi pa rin naiwasan ng puso kong kumalabog ng sobrang bilis nang banayad na dumampi ang mga labi niya sa mga labi ko.
We weren't named office couple for nothing.
Marahan lang niyang idinampi sa mga labi ko ang mga labi niya sa loob lang ng ilang segundo. My heart beat so erratically faster than ever. So Namjoon's effect to me.
"I'll only kiss these lips, you get it? Hindi mo ba alam na pinagsisihan kong nakipagrelasyon ako sa iba't ibang babae noon bago pa kita makilala, kung sana nakapaghintay ako hanggang sa makilala kita, you could've been my only kisses…" Muli niyang dinampian ng halik ang mga labi ko. "And my only love," dagdag niya.
"Namjoon…" I uttered, ashamed for he was right, I didn't trust him enough. Agad ko siyang pinagdudahan, pinaniwalaan ko agad ang mga nakita ko at pagkakamali ko iyon. I just had trust issues, not only within myself but also to the people around me. And I was so lucky that despite how messy I got, how complicated I was, he still loved me for as much, or maybe more than I loved him.
"It's fine now, baby. Dahil wala naman talagang breakup na mangyayari kahit na ikaw pa ang mangloko sa relasyon na ito e. I just love you so much that I'd rather see you cheating than leave me…"
"Namjoon naman e!" angil ko dahil gusto kong mag-sorry pero hiyang-hiya ako.
"You're forgiven but you should apologize to your best friend. Alam mo bang pinagtabuyan niya ako sa coffee shop para lang sundan ka dahil lang sa paniniwala mo sa makulit mong imahinasyon? Apologize to her. I don't want you to lose a good and loyal friend," utos niya sa akin.
Dahil sa sobrang sayang lumulunod sa puso ko ay napayakap ako sa kaniya habang walang tigil sa pagtango. Binabawi ko na!
He wasn't such a jerk. He was such a fool! And I was such a bitch! He was such a fool for loving me this much and I was such a bitch for not trusting him enough. At napakasuwerte ko dahil ganyan siya! Hindi ko alam ang gagawin ko kung katulad lang siya ng ibang lalaki na papayag na lang basta sa hiwalayan,
I hugged him so tight. "Damn, you're such a fool…" I whispered.
"I'm a forever fool for you," aniya.
You're such a fool, Namjoon Kim but damn, I'm such a fool for you too! And I'm willing to be a fool in love with you, forever.
The End.
*
Property of Hannan Usman
All Rights Reserved 2017.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top