First Entry: SERENDIPITY

HER: SERENDIPITY written by hannanusman
BTS ONE-SHOT COMPILATION
[A Park Jimin One-shot]
[Love Yourself Series]
© 2018 CT All Rights Reserved
Teen Fiction/ Fanfiction

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Finished: August 31, 2018
Published: November 9, 2018

The first installment of Love Yourself Series.

*

The universe has moved for us, without missing a single thing, 'cause ever since the universe was first formed, everything has been planned.

Love me now~ Touch me now

Sabi nila, destiny raw ang tawag kapag nagkita na ang dalawang taong itinadhana, fate naman daw ang kumokontrol sa tadhana ng dalawang tao at serendipity naman daw kapag nahanap mo iyong taong para sa'yo, iyong taong hindi mo naman talaga inaasahang darating.

Bakit ko nasabi? Kasi sa tingin ko, nahanap ko na siya. I had already found him in pure serendipity but the problem was… fate was still too lazy to make our destiny happen, fate was still idling, seemed like still didn't have plans to make our lives finally cross.

May mga taong pinagtagpo pero hindi itinadhana, that was very unfortunate for them, kaya naniniwala akong kami namang dalawa iyong itinadhana pero hindi pa ipinagtatagpo.

We would meet, I knew someday, we would.

Naniniwala akong na-stuck lang pareho ang mga kapalaran namin kaya hindi pa nagtatagpo. Maybe mine got stuck in my own paralyzing life pace while he got caught up in his own rapid career pace.

Hindi naman ako atat, mahihintay ko naman siya dahil naiintindihan kong sa panahong ito, ang patuloy na umuusbong niyang career ang pinakamahalaga sa kaniya kahit na iyon din ang paulit-ulit na dahilan ng fate kung bakit long overdue na ang destiny namin.

Kaya ngayon… kaya ngayon ay ako na ang gagawa ng trabaho ng fate.

I knew he was my fate, he was my destiny and my serendipity but I also needed to do the work for us since he was still busy with his own life. I would now make our destiny cross so he wouldn't only be my serendipity, so I would also be his own serendipity too.

"Huwag atat, Dayi! Hindi lang naman sa EDSA taffic! Traffic din kaya sa Bonifacio!" inis kong singhal sa babaeng kausap ko sa phone dahil kanina pa niya ako dinadakdakan.

She really liked to preach! Akala ba niya ay hindi ako naiinis sa bawat mga sasakyang humihinto sa harap ng taxi na sinasakyan ko? Kulang na lang ay bumaba ako ng taxi at takbuhin na lang ang distansiya patungo sa NAIA kaso baka bukas na ako makarating sa pupuntahan ko, kinakabahan din naman ako dahil baka hindi ko na rin maabutan ang arrival ng BTS, 'no!

Puwede naman sanang nagpahatid na lang ako kay Manong Janus katulad nang ipinipilit ni Mama sa akin kanina pero ayaw ko namang isama ang family driver namin sa fan girl escapades ko. I couldn't bring him because we would surely jump from place to place, following where BTS would go.

Alangan naman isama ko siya sa mga pupuntahan namin, that was so weird! Para akong nagdala ng mag-bi-babysit sa akin!

"E bakit ba naman kasi late ka na umalis sa inyo? Naka-set up na dapat ang lahat dito sa arrival area, Hannan! Nandito na rin ang ibang fan sites! We should be finding a good spot right now!"

Umikot ang mga mata ko dahil sa dami ng sinabi niya, may limang oras pa bago ang arrival ng BTS pero ani Dayi ay ten to eight hours prior to the arrival ang kadalasang setup niya sa tuwing nandito sa Pinas ang BTS.

Sobrang aga niya! Anong ginagawa niya sa arrival area ng NAIA sa loob ng sampung oras na iyon?!

She handled a big fan site of BTS, mainly a Yoongi fan site, her platforms were Instagram, Tumblr and Twitter, sometimes Fancafe, mayroon siyang account doon dahil madalas siya sa Korea pero sa Tumblr ko siya nakilala dahil blogger naman ako.

She needed a new sponsor 'cause the last one stopped supporting her anymore. Nang malaman kong ilang beses na niyang nakita ang BTS, ilang beses na siyang sumusunod sa lahat ng activities ng BTS from around the world with the allowance her previous sponsor had been giving her at nang makita kong isa siya sa mga fan sites na may pinakamagandang kuha palagi ay agad ko siyang kinontak para makipagtransaksiyon.

She was even very dazed with me because she said, she had been following me and liking all of my blogs on Tumblr since doon kami nagkakilala.

Ngayon, may two-day concert ang BTS dito sa Manila at ito ang pinaka-unang trabaho namin bilang business partners. Wow, that sounded so real and very business-like!

Even my mother had been very skeptical about where I would be using the big money I withdrew from my account, she used to monitor my cash outflows pa naman and always checks the breakdown of my spending, palibhasa finance ang field ng profession niya.

"I'll buy snacks for us! Dadaan ako sa pinakamalapit na Dairy Queen!" pambawi ko para hindi na siya mairita.

"BTS is more important than snacks, Hannan! Quickly get your annoying ass here—"

"Ow, there's J.CO here! Parang gusto ko ng kape at—"

"Damn you, you're so wicked! Mine's the usual! Dahil may atraso ka sa akin, I want it twice! Inaantok ako dahil madaling araw pa ako nandito, kailangan ko ng pampagising!"

Lihim akong bumuntong-hininga, relief immediately showered me as I told the taxi driver to stop by first at J.CO. Nagpaalam muna ako kay Dayi pero nangako akong hindi ako aabutin ng isang oras sa daan na mas ikinagalit pa niyang muli kaya mabilis ko na siyang pinayatan ng phone.

She was actually very scary but she was manageable, kaunting suhol lang sa kaniya ng mga paborito niyang pagkain ay makakalimutan na niyang galit siya.

Imbis na wala akong balak na dumaan sa J.CO para mas mabilis akong makarating sa NAIA ay bumili muna ako ng snacks namin. I ordered two boxes of her favorite variants of donuts and four large cups of her coffee choice, two for her and one for me.

Okay naman sa akin ang mga pagkaing gusto niya kaya iyon na rin ang akin.

As her sponsor, sagot ko rin ang snacks maging ang transportation fees namin sa bawat locations na pupuntahan namin, ganoon din kahit hindi niya ako kasama.

Sometimes, if she had activities alone, for as long as it was BTS related, I gave her allowance.

Last night, I deposited money to her account for her transportation going to the airport since hindi kami magsasabay. Sa sobrang kaartehan niya, minsan pati mga OOTD namin ay ako ang gumagastos.

"Paano tayo mapapansin ng mga bias natin kung pangit ang mga suot natin? Ikaw, you have nice and expensive clothes kasi you're rich, e paano naman ako? Let's shop some Gucci clothes, I'm sure, mapapalingon sa atin si Taetae!"

Yoongi was her bias but she also stanned of all of them just like me.

I swore, Mama got rattled about me buying so many clothes and scolded me because I still got a lot of unused clothes. Hindi ko lang masabi na may maluho akong ini-sponsor-an dahil baka sabihin niya, napakawalang kuwenta ng ginagawa ko.

Knowing my mother, she was very particular with my cash outflows, kung kinakailangang halos lahat ng bilhin ko ay ilista ko at i-report ko sa kaniya ay ipapagawa talaga niya sa akin since mga malalaking cash withdrawals lang ang nagagawa niyang i-monitor sa account ko.

I also bought coffee and donut for the driver. The shy driver told me, I didn't have to buy him snack but he still shyly accepted the food and kindly thanked me after.

Pagbalik sa sasakyan ay maluwag na ang daan nang makalampas kami sa Villamor Airbase Golf club. Kanina pa rin tumutunog ang phone ko dahil papa-ubos na ang isang oras na ipinangako ko kay Dayi pero nasa daan pa rin kami.

Four hours prior to BTS arrival, four hours prior to the meetup I had been waiting for what seemed like forever. I didn't think having to see him walk and pass me would be enough for me, parang hindi ko yata kakayanin na makita lang siya.

Greedy, right?

Iyon kasi ang problema sa akin. I really wanted to see him, I had been wanting to see him and if that was the only case, then I could have gone to their previous concerts here the past years to see him perform live. Pero iyon ba talaga ang ibig kong sabihin na gusto ko siyang makita?

I was sure that was not it, I was sure there was an even more deeper and more sensual matter behind just wanting to see him.

Minsan nga naiisip ko, sobrang dami nilang fans, pero ako lang ba ang may ganitong feels? A lot of people who knew I was an ARMY always asked me if I wanted to go to their concert to see them since I could always afford it.

"Even if I have a lot of money, I won't ever go to their concert," came from my lips always. Unless I wouldn't be an audience, unless I would be at the backstage, waiting for him finish their performance to tell him how great he was at what he was doing.

That was something so much to ask so I wouldn't ask, I would work to make it happen.

Hindi ko gustong pumunta sa concert nila para tumayo lang sa audience spot, tingalain siya at ipamukha sa aking napakataas niya para maabot ko. I wouldn't want my desperate self to get slapped by that sad and harsh truth, so I would slap the truth first and would show it how I could always bend and change it.

He might be the serendipity of his every fan girl, but I would make sure I would only be his serendipity.

Freaking see the difference.

Paghinto pa lang ng taxi sa NAIA ay agad ko nang inabot sa driver ang isang libro, the meter said three hundred forty-five but I immediately moved out of the vehicle, quickly grabbing all the foods I bought as I struggled at closing the door. Bumukas pa ang pinto ng driver seat nang matagumpay kong naisara ang pinto ng backseat, ang init ng panahon ay agad na nanuot sa sistema ko habang inaayos ko ang paghawak sa dalawang box ng J.CO.

"Miss, iyong sukli mo!"

"Magkikita na po kami ng lalaking mahal ko, Manong! Regalo ko na po iyan sa inyo! Ingat po!" Tumakbo na ako patungo sa entrance pero agad akong hinarang ng security guard saka itinuro ang likod ko. Lumingon ako para lang makita ang mga taong naka-upo sa gilig ng airport, mukhang kanina pa sila roon dahil mga nakabusangot na ang mga mukha at pare-parehong nagpapaypay dahil sa init.

Sobrang dami nila, may hawak na malalaking camera ang ilan, ang iba ay may naka-set up pang tripod.

Oooh, ganito karami ang fan sites na sasalubong sa BTS dito sa Pinas?

"Sa hitsura mo, 'neng, mukhang kasama ka sa kanila. Tsk, bakit ba kasi ayaw niyong maniwala na sa private exit lalabas iyong mga koreyanong iyon? Doon na, doon! Istorbo kayo sa ibang pasahero e!" the secu irritatedly told me, very right in his assumption about me.

Well, karamihan naman kasi talaga sa mga taong naghihintay sa BTS ngayon ay kabataan katulad ko.

"Alam naming sinasabi niyo lang iyan para umalis kami!" one of the girls from the crowd of ARMYs shouted, she clearly heard the security guard.

Walang nagawa ang sekyu kung hindi umiling at mapakamot na lang sa ulo, bagay na naalala kong madalas gawin ni Papa kapag may bagay akong ginagawa na hindi niya kayang pigilan… noong nabubuhay pa siya.

I deeply sighed as I asked an apology to the poor security guard, understanding that aside from the fan sites were disturbing the other passengers, they w ere also kind of adding up to his stressing line of work. A little apology wasn't bad to at least acknowledge his hard work.

Hinanap ko si Dayi sa grupo ng mga taong naghihintay sa pagdating ng BTS, sari-saring usapan ang naririnig ko sa lahat. May mga excited, may mga naiinis na dahil sa tagal at may mga nagpaplano naman ng mga gagawin nila kapag lumabas na ang BTS.

Everyone was in their beautiful causal clothes so I understood Dayi when she told me we needed to be in our best attire. Malabong mapansin kami ng BTS pero naka-ayos pa rin ang lahat, kaniya-kaniyang pahid ng makeup sa mukha, ayos ng buhok at pares ng kasuotan. Halatang pinaghandaan samantalang kung anong damit na lang ang hinila ko sa closet ko, ni hindi na ako nagsuklay ng buhok dahil sa pagmamadali at sa taxi na ako nagpahid ng lip tint sa mga labi ko.

Hindi ko naman kasi talaga pinaghandaan ang sarili ko ngayon, ang pinaghandaan ko ay ang pagkikita namin.

My pair of white spaghetti shirt and my black silky long squarepants with my white sketchers and my long hair hanging loosely and very messily over my face seemed so out of place in everyone's pretty forms.

"Hannan?! Oh my gosh, it's so hot and you have your hair untied?! Lokaret, sigurado ka bang gusto mong humarap ng ganyan ang hitsura kay Jimin?" An arm gripped mine before strongly pulled me to somewhere. Hindi ko na makita ang siguradong dadaanan ng BTS paglabas nila dahil sa dami ng taong nakaharang sa harap.

Hinarap ko si Dayi nang bitawan niya ako, ang mga mata ko ay agad na natagpuan ang maganda niyang ayos. Suot niya ang damit na binili namin para sa araw na ito, asul na dress iyon na hapit na hapit sa katawan niya, umabot lang sa mga tuhod niya at ipinapakita ang maputi niyang mga balikat dahil sa istilo nito, maayos na nakakulay ang mukha at malinis na naka-fishtail braid ang buhok.

Mas matangkad ako sa kaniya pero nagmukha siyang magtangkad dahil sa suot niyang ilang pulgadang pares ng itim na heels.

"Look at you, you're so haggard! Pinagkaitan ka ba ng taxi driver ng aircon—" Bumaba ang mga mata niya sa mga kamay kong hawak pa rin ang mga pagkaing binili ko. She gulped and rolled her eyes. "Nagutom ako kahihintay sa'yo at sa BTS! Kumain muna tayo!"

Ten hours, no doubt about it.

Hinila niya ako para maupo malapit sa kung saan maayos na nakatayo ang tripod niya, adjustable iyon at malaki. Kahit nga dito na lang kami sa puwesto namin mamaya paglabas ng BTS ay okay na, makakakuha na siya ng magagandang airport photos ng BTS dahil i-aangat niya lang iyon tripod tapos aabot na sa lampas-ulo ng mga nasa harap.

Of course, she was an expert when it came to this. Ilang beses na niya itong nagawa, sa iba't ibang concert ng BTS at sa bawat airport kung nasaan ang mga ito.

"Dito tayo pupuwesto?" I asked her when she hastily took the first box from me.

"Yes, kung maaga ka sanang nakarating, sa unahan sana tayo," sagot niyang hindi tumitingin sa akin dahil abala na siya sa pamimili ng kung anong flavor ng donut ang kukunin niya sa isang dosenang magkakaibang flavor donuts sa loob ng box.

I frowned when she bit at the pandan flavored donut topped with cashew nuts in an unladylike manner. Ang ganda-ganda ng suot niya, ng ayos niya pero napakapangit niya kumain, ilang araw ba itong hindi pinakain? At iyong favorite flavor ko ang kinuha niya.

"I don't plan on seeing him just through the screen of your laptop, Dayi! I plan to personally meet him," sabi ko dahil hindi ko gustong dito lang kami, hindi ko makikita si Jimin dito!

"Ipokrita! Walang ganoon, tingin mo ba hindi ganoon ang gusto ng mga taong iyan?" Itinuro niya sa akin ang mga tao gamit ang donut niyang may kagat na kaya nandidiring ibinaba ko ang kamay niya.

Where was her freaking manners? Baka natampal na ni Mama ang ang bibig niya at kamay niya kung nasa bahay lang siya.

"Lahat tayo dito, iyon ang gusto pero hindi mangyayari iyon. Suwerte na ang isang minutong pagsilay sa kanila habang naglalakad palabas ng airport, Hannan. They won't even spare us a glance because as we all goal to take pictures of them or in your case, gawk at your love of your life, they all goal to reach their service car as quick as possible. Meet him personally, my ass! Hindi mo alam kung ilan sa mga taong iyan ang handang makipagpatayan sa'yo para lang mapansin ng BTS. I can even dig a grave to bury all the girls, also fighting for Yoongi just to get his attention."

Sa sobrang haba ng sinabi niya, iisang bagay lang ang napagtanto ko. I was living in my own fantasy, believing what my mind had stored for me and spoiling my heart that desperately hoped for someone so impossible. Dahil tama siya.

Kung imposible sa iba, imposible rin sa akin.

Meeting him wasn't possible in reality as how it was easy and possible in my own created fantasy. That I was so ridiculous for even thinking that I would be able to meet him personally when I wasn't even sure if he would even spare me a glance.

Paano nga naman kami magkikita kung hindi magtatagpo ang mga mata namin? And meeting his eyes didn't mean our destiny crossed, it was the hearts that should meet to be called destiny.

Nakapangalumbaba kong pinanood ang magana niyang pagkain, sumasakit ang dibdib ko dahil sa katotohanang matagal ko nang itinatanggi sa sarili ko.

"In my case, Hannan, nakontento na akong suportahan na lang siya. Falling in love with our bias has been a very normal thing for every fan girls. We get jealous over the other K-Pop girls they get closer to, we get worried everytime something bad happens that regards their health and we always hope happiness and success for them." Uminom siya sa kape niya saka niya pa lang ako nilingon, hindi pa rin ata tapos sa pagpi-preach sa akin. "At ang pinakamasakit? Iyon lang tayo, fan lang tayo. Technique? Learn how to drive your own emotions and use it in a way you'll also benefit. Masaya akong sinusuportahan ko si Yoongi kaya hindi na ako talo. Ang mahalaga, I'm happy."

She smiled at me, contented and very calm.

"Nasasabi mo iyan kasi hindi mo naman sinubukang maging malapit sa kaniya—"

Her sarcastic and mocking laugh stopped me, nakuha rin namin ang atensyon ng ibang tao. She wiped the sides of her eyes to wipe away the bit of tears that filled them.

"Ever heard of an invisible thread? Kung hindi pa, ipaliliwanag ko sa'yo…" She put down her cup of coffee near the box of donuts before continuing. "It's real, it's the thing that barriers the worlds between Idols and fans. Masakit kapag nahawakan mo iyon, on the second thought, you'll never have a chance to touch it because you can't see it. Na-ge-gets mo ba? Bago ka makakapasok sa mundo nila, you first need to see that invisible thread. That says freaking one thing, kung hindi mo pa rin naiintindihan, ibig sabihin, impossible! Im-po-ssi-ble!" Halos ipagduldulan niya sa mukha ko ang huling salita sa paraan ng pagkakasabi niya.

My eyes watered. Siyempre, naiintindihan ko! I was not stupid!

I hardly bit my lower lip as I brought my eyes away from her mocking ones, they were painful to cross. Para kasing ipinapakita ng mga mata niya kung gaano ka-imposible ang gusto kong mangyari. Her eyes were showing me the painful reality I had been trying to avoid ever since I fell for that unreachable Idol.

"And don't cry, dahil kahit ilang timba pa ng luha ang iiyak mo, hindi sila lalapit sa'yo para lang tahanin ka. They'll feel sorry but they'll never care, mas iisipin pa nilang kailangan na nilang makarating sa sasakyan nila para makapagpahinga na. Trust me, I've already cried a river for Yoongi but look at me, I'm still here, very inexistent in his very eyes."

I hated how she was freaking right!

Tama siya dahil nakikita kong pinagdaanan na niya ang lahat ng iyon, o baka pati ang lahat ng mga taong narito ngayon and here I was, ridiculously wishing for something so impossible to happen that everyone here had also tried to do and failed.

Kumbaga, papunta pa lang ako, pabalik na silang lahat.

"But if you really wish to see him, you can leave me here and find your spot at the front. Let yourself at least have the luxury to see him nearer, kahit makita mo lang siya, by then baka ma-realize mo nang sobrang lapit mo man sa kaniya, mahawakan mo man siya, hinding-hindi mo pa rin siya maabot. He's a star, remember?" she softly told me, her voice suddenly sounded very pampering.

Bumaba ang mga mata ko sa ginagawa niya, isinasara na pala niya ang box ng donuts kahit na iisa pa lang ang nakakain niya. Sumulyap siya sa relong nasa pulupulsuhan niya saka tumayo at nagpagpag, itinuro niya sa akin ang box.

"Diyan ka muna, pakibantayan ang mga gamit. I'll just go to the restroom," paalam niya sa akin saka umalis na.

Inayos ko ang iniwan niya nang mapag-isa ako. I even checked her laptop that was placed properly next to the tripod, may dala rin kasi siyang folded table kung saan iyon nakapatong. I saw her Twitter account on the screen, sa tabs sa itaas ay naroon ang Tumblr at YouTube.

Mukhang balak niyang mag-post agad ng mga original and still unedited airport photos ni Yoongi sa mga socmed outlets na handle niya.

Fvckme'nyoongi.

I almost choked in my own saliva when I saw her fan site name again, hindi na niya iyon mababago pa dahil naka-automatic watermark na iyon sa sarili niyang camera with the current date, isa pa, a lot of ARMYs knew her by that fan site.

Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na siya, nag-retouch din siya dahil mas pumula ang mga labi niya at mas tumingkad ang pink na blush on sa maputing pisngi niya.

"Punta ka na roon sa harap, paglabas ng BTS ay magsisimula na ang trabaho ko kaya hindi na rin kita mapapansin. Bumalik ka na lang dito kapag wala na sila." Tinaboy niya ako kaya wala akong nagawa kung hindi ang pumunta sa harap.

It wasn't easy to find a perfect spot, sobrang dami ng tao. Everyone also wanted to see BTS nearer. Napansin ko ngang nasa likod ang mga taong may dalang camera with tall tripods, mukhang hindi na nila pinipiling makipagsisiksikan dito dahil pictures lang naman ang ipinunta nila.

"Omg, they're here! Palabas na sila, I saw their manager!"

Kumalabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa sigaw na iyon mula sa kung saan. Mas sumikip ang kinaroroonan ko nang magsimulang magsigawan at magtulakan ang lahat, ni hindi ko na halos alam kung saan na ako napupunta.

Screams got louder, almost deafened me when two black vans with heavy tinted windows strode along the front entrance. Huminto ang mga iyon sa mismong harap, ang pangalawang van ang huminto sa pinakagitna kung nasaan ang nilikhang daanan para sa BTS.

Big guys in black polos were all on their places, ready to guard the precious men who were the reason why there was a big commotion now at the airport's arrival area.

Nilingon ko ang humintong van nang mag-slide pabukas ang side door nito, mukhang hinahanda para sa mga lalaking iyon. I realized how hard it was to even try to see him, dito pa lang ay halos malagutan na ako ng hininga dahil sa pang-iipit at panunulak sa akin. Also I understood, I now understood Dayi. The invisible thread, you didn't have to see it, you just had to feel it, and she was right again, It wasn't easy, it was painful.

Umpisa pa lang sobrang hirap na, paano pa kayo kung tuluyan ko nang tawirin ang bagay na iyon? I might end up wounded or worst, I might stumble in the middle and couldn't be able to get up anymore. I would be stepped on by the other people trying to cross that invisible thread.

Nagsimula na ring sumigaw ang lahat, isinisigaw ang pangalan ng bawat miyembro ng BTS kasabay ng nakakasilaw na flash ng mga camera mula sa likod, fan sites were now on their work, pero hindi ko pa rin makita ang kahit na sinong miyembro ng BTS!

"Hey, my hair—" I choked when someone pulled my hair that made me step back and get pushed to the first black service van. I whined when I felt my back hardly bumped on the hard door. Hindi pa roon natapos dahil naiipit pa rin ako ng mga katawang nasa harap ko. I tried to put my arms in front of my chest to lightly push them but freak! Bakit ang lalakas nila?!

"Oh, please, I can't b-breathe!" I attempted to seek help but no one minded me as they all too caught up with whoever was at the front now.

"Si Manager! Si Manager!" they shouted as my eyes started watering again, my lungs were desperate for some air and my body that still hardly leaned on the black van's door felt hurt because of the bodies crashed against mine.

Gusto ko sanang hanapin si Dayi para humingi ng tulong pero mas gusto ko muna ng hanging malalanghap ngayon, ni hindi ko na inisip kung makikita ko pa ba si Jimin dahil mas mahalaga naman ang buhay ko!

Jimin and our serendipity could wait, but my lungs couldn't!

"Si Manager lang, wala ang BTS!"

"I… can't… freaking… b-breathe, people—"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang maramdaman kong unti-unting bumukas ang pintong nasa likod ko pero bago ako tuluyang malaglag sa kung anuman dahil sa pagkakasandal ko rito, agad na nanuot sa kalamnan ko ang kakaibang lamig kasabay nang malamig na hanging dumaloy sa ilong ko.

It was accompanied by some good and very sweet scent.

I didn't fall off a hard surface, instead, I felt a pair of strong hands hold my arms as my nose immediately smelled something so good and cool. Nakita ko ang pagkakatigil ng mga taong nasa harap ko nang nilingon nila ako, nakita ko kung paanong nanlalaki ang mga mata nila pero nanatiling tikom ang mga bibig.

They all looked shocked, and amazed.

In confusion over the inexplicable reaction from the people, I slowly turned my head to look over my shoulder and see the kind person who held me so I wouldn't fall. I was met by a pair of small and mesmerizing eyes… eyes that represented the whole universe to me. It suddenly sent the fantasy I created in my mind into a funny joke, showing me how the reality was more beautiful than fantasy.

His pair of beautiful circles held beauty and serenity, something I would be willing to dive in despite how hard it was to cross. It was not about the pain and the struggle, crossing the invisible thread could be of that both because the ending was worth it, but it was about who made me cross that thread.

Who would have thought that after almost giving up from wanting to see him, from wishing for impossible, here I was, being held softly and carefully by the man the universe had prepared for me, by the man of my dreams?

This wasn't just a coincidence, this was too deep and sensual to be called just that, there was a more accurate word for this, for us.

"Y-You… okay?" he softly asked me, his small eyes blinking innocently at me as I watched the graceful movements of his red plump lips. Malakas na kumabog ang dibdib ko dahil sa hanging dulot ng bibig niya sa mukha ko, mabango iyon at masarap langhapin.

Not really a coincidence, sa lahat ng members ng BTS, bakit siya pa ang nasa pinto para buksan ito at iligtas ako? It could be any of them and not him. Bakit ako matutulak sa van nila gayong ang inaakala ko ay nasa loob pa sila ng airport? Bakit ako pa sa dami ng mga nagtutulakang fans nila? Bakit ako pa?!

Bakit si Park Jimin pa, at bakit ako pa?!

I was wrong about my own definition of those three; fate, destiny and serendipity.

I should have known that before our fate would cross to be called destiny, we first needed serendipity, we needed it to make our meeting possible, in every freaking way. 'Cause what happened just now, this was serendipity.

The End.
*
Property of Hannan Usman
All Rights Reserved 2018.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top