First Entry: OBLIVION

ART OF SEDUCTION: OBLIVION written by hannanusman
BTS ONE-SHOT COMPILATION
[A Park Jimin One-shot]
[Seduction Series]
© 2017 CT All Rights Reserved
Fan Fiction / Teen Fiction

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Finished: December 22, 2016
Published: November 29, 2017

This is the first installment of Seduction Series.

*

How I can be unaware of your very obvious existence? It's like you're talking right to my ears but I have my earphones on.


Prente lang akong nakahiga sa couch ng unit ko habang pinapanood ang pinakabagong episode ng TWD nang umalingawngaw sa buong paligid ang tunog ng doorbell. Hinayaan ko munang tumunog iyon. Kung isa ito sa mga staff ng Hannani's ay panigurado akong aalis din ito.

I couldn't afford to lose a single scene from the series, it was a live streaming so I couldn't pause it to get back later on.

I needed it to divert my attention.

Ang akala kong saglitang pagtunog lang ng doorbell ay nauwi sa nakakabwisit na tunog. Mukhang walang balak ang sinumang nasa labas na patahimikin ang pag-ma-marathon ko.

I irritatedly threw the remote control to somewhere the couch and walked towards the door. I cursed the innocent door several times inside my head hoping that the doorbell would stop but it did not happen.

To hell with who was outside! Pang-asar! Istorbo!

Sumilip ako sa peephole at halos mapasigaw ako sa sobrang inis nang makita ko kung sino ang nasa labas. It was my freaking damn ex-boyfriend!

Patalikod na sumandal ako sa pinto. Hindi ba alam ng taong ito kung bakit kailangan kong magmukmok ng ilang araw rito sa unit ko? Hindi ako taong-bahay pero dahil sa ginawa niya sa akin ay kinamumuhian ko na ang makakita ng kahit na isang nilalang lang ngayon.

He had sinned to me and I blamed all people!

Heartbroken people tend to be really like this, abnormally weird. He didn't know that I needed to watch series just to divert my attention from thinking about his cheating.

"Hann! Hann, I know you're in there! Please! Let's fix this!" Narinig ko ang nagmamaka-awa niyang tinig sa labas.

Nakakahiya. There were surveillance cameras outside, paniguradong nakukunan na siya ngayon. And what was worst…? May mga housekeeping na dumadaan sa hallway paminsan at nakakahiya kapag nakita siya ng mga ito. So kahit na ayaw ko siyang pagbuksan ay wala akong nagawa kung hindi ang papasukin siya. Hinila ko siya papasok at dali-daling isinara ang pinto. Lumayo agad ako sa kaniya pagkatapos.

I frustratedly washed my face with both of my palms as I raised a scorching gaze at him. "Anong drama iyon?" I growled at him.

Bigla-bigla siyang lumuhod sa harap ko na nagpagulat sa akin. His eyes pleaded softly with mine. Inabot niya ang mga kamay ko. And just like a faucet of water, his eyes teared up.

And the best actor award goes to…

"Please, patawarin mo ako, Hannan. It was just… it was just a—"

"It was just one of your nasty little things. Tss, you can collect more girls to include in your harem of wenches and I will gladly leave you alone!" Tinalikuran ko siya at nagtungo ako sa sala. Hinanap ko ang remote control. I found it down the coffee table. Pinatay ko ang telebisyon gamit ito.

Goodbye, walkers! Nandito na iyong taong dahilan kung bakit kailangan ko kayo…

"That's what I mean. You're more different than them. You're my only one." Pagsusumamo niya. Binanggit niya pa ang mga katagang madalas niyang sabihin sa akin noon.

It was funny how I disgusted it now when in fact, I always felt the cloud nine when he used to say it to me before. Well, things changed. May mga pagkakamaling sakop lang ng salitang pasensya, ngunit may mga pagkakasalang hindi dapat binabalewala.

I understood that he was a man with needs, lots of it actually, but I didn't need a man who would need to cheat just to satisfy his own pleasure. Sa ginawa niya, pinaramdam niya sa akin na napakababa ko na hindi ko naman talaga deserve.

Many guys were willing to give heaven for me just so he knew! Baka hindi niya alam na maraming lalaki ang dinurog ko ang puso noong sinagot ko siya!

Dumiretso ako sa kusina. Being near him disgusted me even more. Naaalala ko kasi kung paano siya pinaghahalikan noong babae niya. They were just so inhuman! Well, he could have more girls for himself since we wee done!

I couldn't stay with a man who couldn't stay with one girl, 'cause I knew I deserved to be treasured.

"Apollo, tapos na tayo. Just accept it. As for now… I'm still thinking if being friends will work out for us," diretsang sabi ko sa kaniya nang maramdaman kong sumunod siya. Matapos ang makabasag pusong litanya kong iyon ay inuhaw ako kaya uminom ako ng tubig.

I didn't bother myself offering him something to drink. Hindi ko naman gustong magtagal pa siya. I wanted him out of my sight, as soon as possible. Dahil ang mga sinabi kong iyon ay labas sa ilong ko, I really didn't mean any of it, but my heart was not the lead for now. Utak ko ang dapat na masunod ngayon.

I believed that his one mistake was just a beginning of many more.

What if I still loved him? Love is not just about the heart… it affects almost all of me, my emotions, my physicality, my spirituality and my mentality.

I could risk my heart just to save the others.

Seeing him cry was one of the most painful part, but just like I said, just a part. I could move on. I would move on.

Bagsak ang mga balikat na nilisan niya ang unit ko. And the moment he went out of the door of my unit, I knew right there and then that everything about us was officially over. We just broke up, and I was hurting.

Minahal ko si Apollo, at mahal ko pa rin siya. Hindi naman basta-basta mawawala iyon… that was why I needed diversion, time and space.

I was about to get back to watching when the doorbell once again rang. Pumikit ako… a very little shade of hope was sparkling somewhere in my heart, so without looking through the peephole, I excitedly opened the door.

"Apollo—!" Natigilan ako nang makitang hindi si Apollo ang nasa labas.

A witch.

Ang pinabruhang babae sa buhay ko ang bumungad sa akin. Nakangiti ito sa labas habang bitbit sa isang kamay ang pizza box na may tatak ng isang sikat na brand. She had that annoying smile like she just found out something about me.

I was about to shut the door close when she anchored her free hand to stop the door from closing.

"I'm not in the mood." Umirap ako sa kaniya. Niluwagan ko ang bukas ng pinto at hinayaan siyang makapasok bago isinara ang pinto. And just like her normalcy, she swiftly threw the flat box on the coffee table before jumping to the couch. Nag-indian seat siya roon at prenteng sumandal. Itinuro niya ang refrigerator pagkatapos.

"Take out some can beers," she casually ordered me. Naglakad ako papunta sa harap niya at nameywang.

I even raised one of my brows. "Tanghaling-tanghali? Are you serious?" tanong ko sa kaniya.

"For your information, this is all for you. Hindi ko alam na inaasahan mo pa rin pala iyong manloloko mong eks…" aniya while gesturing using her fingers the letter 'x'.

"Excuse me, I'm not waiting for him," tanggi ko. Hindi ko na rin binanggit na nanggaling dito si Apollo dahil iinterogahin lang ako ng bruhang ito. They surely didn't meet on their ways. Malamang ay magkaibang elevators ang nasakyan nilang pareho.

"Oh, tell that to the mirror, baka mapaniwala mo ang sarili mo. Come on, Hann! Iinom na lang natin to. May sasabihin din ako sa'yo," aniya sabay ngisi ng sobrang lapad.

Muli akong umirap saka nagtungo sa refrigerator para kumuha ng dalawang lata ng beer dahil hindi rin naman niya ako tatantanan. She was actually very persistent, palibhasa parating nakukuha ang gusto.

Somehow, with her being here, I felt comforted. Just how perfect her timing was? Or there was just something she went here for again?

Panigurado.

Kaya nang maupo ako sa tabi niya habang inaabot sa kaniya ang lata ay agad ko siyang inuntag.

"Huwag mo akong libangin, sabihin mo na kung anong kailangan mo," wika ko.

Ngumiwi siya habang binubuksan ang lata. "You're so fast."

"E ano ba kasing gusto mo this time… don't tell me…" Saglit akong napahinto. And when something popped out of my mind, I immediately shook my head. "No! No, Brooke. It's a no!"

"Hann naman e! Last na talaga ito! Please…" She begged pathetically. She put her can beer on the coffee table and focused on me.

"I'm telling you, Brooke. I don't have time with those thugs. Bakit hindi na lang ikaw? Idol mo sila, 'di ba?" iling ko pa rin. Ako na ang nagbukas ng box na dala niya. Kumuha na rin ako ng isang slice.

Kilalang-kilala ko ang babaeng ito. I always gave in to her demands and requests. Isa lang naman sa mga requests niya ang talagang nahirapan akong pagbigyan noon. When she asked me to go with her to some mall tour of this… new rising boy group.

I couldn't even remember what they were called. Basta ang alam ko, grupo sila ng mga lalaking kumakanta at sumasayaw. Sa McVester Academy sila nag-aaral at balita ko ay hindi puwede ang outsiders doon kaya sobrang saya ni Brooke nang malaman niyang may mall tour ang mga ito.

"You know I can't. Nahihiya ako. Sapat na sa aking makita sila sa malayuan, pero Hann, sayang naman iyong album nilang hindi pa napipirmahan. May fan signing event sila bukas! Please! Please, Hann, this is the last, I promise," pagmamakaawa niya.

Album? Ganoon na ba sila kasikat para magkaroon na sila ng album?

Seriously, it was not fun being begged at. Pakiramdam ko napakawalang-puso ko kung tatanggi ako sa pangalawang pagkakataon. The first one needed my rejection, but the second one was… well, sinabi naman niyang huli na ito, hindi na ako papayag sa susunod.

Inubos ko muna ang kinakain kong slice ng pizza bago sumagot. "Fine! Isa na lang ah! Ipipila ko lang iyong album mo at ipapapirma ganoon ba? Walang picture ah! At saka, last na talaga ito!" pagpayag ko.

Nakangiting tumatango-tango lang siya sa bawat mga katagang sinasabi ko. Hindi na talaga ako magugulat kung maiisipan man niyang mag-transfer sa McVester at iwan ako sa school namin.

I would really need to drag her to see a shrink if that happened. Hindi niya rin ako puwedeng iwan sa school at mas lalong wala akong balak mag-transfer dahil hindi rin naman ako papayagan ni Daddy.

There was a reason as to why they enrolled me to an exclusive school for girls…

Pagkatapos noon ay masayang nagpatuloy na kaming kumain. Tig-dadalawang lata ng beer ang naubos namin bago kami tumigil. Aniya ay may mahalagang lakad kami bukas kaya kailangan ay maayos ang kalagayan namin pareho.

Our weekends were always set with each other's plans, madalas talaga kaming maglakwatsang dalawa kaya madalas ding mainis si Apollo noon dahil imbis na siya ang kasama ko ay kay Brooke ako sumasama.

Well, naunang dumating sa buhay ko si Broke kaya hindi ko binabago ang mga nakasanayan namin para lang sa mga nagiging boyfriend ko.

"BTS! BTS! BTS"

Nakakabinging sigaw ng crowd ang bumibingi sa akin. Banners were raised everywhere. Ang iba't ibang pangalan ng mga miyembro ay maririnig din sa buong paligid habang sumasayaw at kumakanta ang pitong lalaki sa stage.

I didn't understand why people needed to shout just because of those thugs?! They were so noisy!

"Namjoon! NAMJOON! NAMJOON" tili ng mga babaeng nasa gilid ko.

Hindi ko alam kung sino sa nasa stage ang tinutukoy nilang Namjoon. I didn't know this boy group. I didn't even know who was who on them. Hindi ako yung tipo ng taong mahilig sa pag-pa-fan girl.

I had celebrity crush, and that was Dwayne Johnson. I had female celebrity crush too, and that was Demi Lovato. Pero kontento ako sa panonood lang ng mga movies ni Dwayne Johnson at pakikinig ng mga songs ni Demi Lovato. I didn't usually do things like this.

This was just actually my second time going to a fan signing event of the same artists, and were both because of this witch.

BTS daw ang pangalan ng boy group na gusto ni Brooke. That was why we were here. Ako lang ata ang bukod tanging hindi natutuwa sa mga nangyayari ngayon dito. Init na init na ako dahil hindi sumasapat ang air condition supply ng mall dahil sa dami ng tao.

My gosh! These people would be the death of me! At hindi ko inaasahang ganito sila kasikat! They were but high school boys! Ni wala nga silang proper management as artists pero sobrang laki pala talaga ng fan base nila!

"JIMIN! JIMIN! JIMIN!" At papahuli ba naman sa pagsigaw ang babaeng ito?

"JUNGKOOK! JUNGKOOK! JUNGKOOK!"

"HOSEOK! HOSEOK! HOSEOK!"

"TAEHYUUUNG! AAAH!"

"SEOKJIN! SEOJIN! SEOKJIN!"

"YOONGI! YOONGI! YOONGI!" At binanggit na ata niya ang pangalan ng lahat ng miyembro ng grupo. There were seven thugs performing on stage. Hindi naman talagang maipagkakailang mga guwapo sila.

They had the looks and the talent, but to be this crazy over those thugs? Mas malala pa si Brooke sa nakahithit ng kung anong nicotine.

Nang sa wakas matapos ang nakakahilong tugtugan at sayawan ng mga tao sa stage ay natapos na rin ang program, sunod na ang album signing. This was the finale, the core of the event. At malay ko ba rito kay Brooke kung bakit takot na takot siyang humarap sa mga lalaking iyon.

Well, she was actually a little bit introverted, kaya nga siguro nagkakasundo kaming dalawa.

Aniya ay baka himatayin daw siya kapag nakita niya sa malapitan ang mga iyon. Hindi niya raw kakayanin kaya sa akin niya ipinasa ang problema niya. As if naman kakagatin siya ng mga lalaking iyon.

Well, Brooke was a crazy and lunatic girl only with me but she was actually very shy toward other… kaya hindi ko siya masisisi.

"Kahit kanino sa kanila ang pilahan mo, basta huwag kang babalik ng wala pang pirma iyan ng kahit na sinong BTS member ah," paalala niya sa akin habang inaabot ang binili niyang album ng BTS.

"Tatawag ako sa'yo kapag nandoon na ako ah, stay here or else, I'll leave your precious album without their signature," banta ko sa kaniya dahil kahit ako rin naman ay hindi rin gustong ipila ang album niya at makaharap ang mga lalaking iyon.

Hindi ako shy pero hindi rin naman ako friendly at approachable. Kilala pa man din akong masungit at madalas na pinangingilagan sa school.

Ang usapan namin ay ipipila ko ang CD'ng binili niya at ipapapirma sa kahit na sinong miyembro ng BTS. That was our resolution though I could go and get the signature of all of those thugs, but then she knew me, I wouldn't be fine with that. Kaya nakontento siya sa isang pirma lang. Hihintayin niya lang ako sa gilid ng stage.

I was doing this because I loved her, alright! Wala yatang request ang babaeng iyon na hindi ko pinagbigyan. Ganoon rin naman siya sa akin. Well, best friends define that way.

Basta na lang akong pumila sa kung sino sa BTS. Ang gusto ko lang ay matapos na itong lahat at hinding-hindi na ako uulit. I could grant her wishes just not this one anymore.

Hindi ko mapigilang mapangiwi sa mga nagkikikisay na mga babae sa tuwing nginingitian sila ng mga lalaking nasa harapan. Ang iba ay halos himatayin matapos makakuha ng selfie sa mga ito.

I shrugged nonchalantly. I bet my branded phone, Brooke would freak out if I got one photo with these guys but of course, that wouldn't happen. As if naman.

Bago ako ay may isa pang babae sa pila. Sa mismong harap namin ay ang isang miyembro ng BTS na busy sa pagngiti at pagpapaguwapo sa babae. Binasa ko ang nameplate na nasa mesa sa harap ng singkit na lalaki.

JIMIN.

Oh, so he was Jimin.

Magulo ang makintab at tipong kay dulas niyang kulay silver na buhok. I couldn't deny that silver hair suited the guy. Singkit ang pares ng mga mata niyang nawawala dahil sa pagngiti niya. Hindi ko rin napigilang ipagkumpara ang kulay ko sa kulay niya.

Why were these men so white? Puwede na silang model ng gluta o kahit na anong sabong pampaputi.

Bumaba ang tingin ko sa suot niya. I didn't need to explain much about his clothes 'cause they were all wearing their school uniform. I supposed, that was for promoting McVester Academy. Sinusuportahan malamang sila ng school nila.

"Next," aniya nang matapos siyang makipag-picture sa babaeng nakasuot pala ng gold shirt with BTS printed in front.

Bakit ko nga ba nakalimutang karamihan sa mga nandito ngayon ay may mga fan clubs?

Ako na ang sunod. Inilapag ko sa mesa ang CD saka tumayo ng tuwid habang nakahalukipkip.

"Brooke," I said, monotonously.

Ngumiti sa akin ang lalaki katulad ng ngiting iginawad niya sa babae kanina.

I would admit, he had this heart-melting smile, but for me, I found it… fake.

"Hi, Brooke. Anong gusto mong ilagay ko?" he asked, sweetly. Nawala na naman ang singit niyang mga mata dahil sa pagkakangiti.

Noon, hindi ko lubos maisip kung bakit maraming babae o mga binabae ang baliw na baliw sa mga lalaking ito. Fine, they had the looks, the aura, the appeal and well, the character. Ngayon ay naiintindihan ko na. Not because I was now in their shoes… but because these guys really knew how to flick every girl's heart.

They had the technique. Technique na gagana lang sa mga babaeng kagaya ng best friend ko. Crazily stupid.

"Kailangan pa ba iyon? Can't you just sign it?" pabalyang tanong ko. His smile never wavered. Nanatili ang matamis na ngiti ng lalaki habang nakatitig sa akin.

"Don't you want any message from me?" he asked softly, ignoring at all my rude remarks.

I rolled my eyes. "Then just put anything," saad ko habang inilalabas sa shoulder bag ko ang phone ko.

I needed to call the witch. Malay ko bang may ganito pang kaek-ekan e magpapapirma lang naman ako. Malay ko ba kung may gustong ipasabi ang bruhang iyon. Dapat talaga siya ang nandito e…

"Then can I just put 'I love you' here?"

Habang nag-da-dial ako ay napatitig ako kay Jimin na nakangiti pa rin ng pagkatamis-tamis sa akin at tumitingkad sa kislap ang mga mata. I bit my lower lip. Ibinabalandra ba niya sa pagmumukha ko kung gaano siya kaguwapo? At ano raw?

["Hello? Hello, Hannan?! Bakit iyon? Napirmahan na ba?"] tarantang tanong ni Brooke mula sa kabilang linya.

"You know I don't like these guys, Brooke. Pumunta ka rito ngayon din at ikaw ang kumausap sa lalaking ito!" iritado kong sabi sa kaniya pero sa lalaking nasa harap pa rin ang mga mata ko. Nakita ko kung paanong kumunot ang noo niya at nawala ang ngiti mula sa mga labi…

["Why? What happened? May problema ba?"] she asked again, this time, she sounded confused and panicking.

"Hindi ko alam okay?! Just… just come here now!" Pinatay ko na ang tawag pagkatapos niyon. Muli kong binalingan si Jimin na ngayon ay hindi na nakangiti.

He had his mouth now hanging opened and his jaw dropped.

"Masisiyahan ang best friend ko kung iyon nga ang ilalagay mo pero baka iyon na rin ang maging sanhi ng tuluyan niyang pagkabaliw," sabi ko sa nakakangangang lalaki. Nakakarinig na ako ng reklamo mula sa mga babaeng nasa likod ko. Ang iba ay hindi na makapaghintay na makaharap ang lalaking nasa harap ko ngayon.

Tss. What was so special about these guys? Mas guwapo pa ang mga pinsan kong lalaki kaysa sa mga ito. Well, I really needed to be biased since we were blood related.

"You're not, Brooke?" Jimin asked, still stunned.

"No. It's my best friend." Nagkibit-balikat ako.

"And you are?" muli niyang tanong. Tumayo siya at naglahad ng kamay sa akin.

Nakarinig ako ng singhapan mula sa mga babaeng nasa likod ko maging sa mga babaeng nasa kabilang pila. Ang mga lalaking nasa tabi ni Jimin ay nakatitig na rin sa kaniya. They must be curious as to who caught Jimin's attention that he even stood up.

Hindi lang iyon. Marami ng mga phones at cameras ang nakatutok sa amin. Flashes of cameras were blinding me. Clicking of phones were deafening me.

Then I asked myself… how did it feel to get the attention of everyone's Idol? Well, gusto ko na lang na lamunin na ng lupa. Kung hindi pa darating si Brooke, ay aalis na talaga ako rito.

"Hey, Jimin! She's a fan! You can't flirt with her!" Sinita si Jimin ng lalaking katabi niya. Kulay purple ang buhok nito at may ilang pink streaks.

Seriously, they all had this out of the world hair colors… na bumagay naman sa kanila. Hey, that was just a fair compliment.

"I'm not flirting with her. And she's not a fan," sagot ni Jimin.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. The cameras were not helping me at all. I could bet my Serena watch that everything that was happening now would be in trend tomorrow.

"Come on, Jimin! She came all the way here! Only a fan can do that!" Tinapik naman si Jimin ng lalaking nasa kabilang tabi niya. He had spiky black hair. Sa nameplate niya ay nakalagay ang pangalang ito: Yoongi.

"Tss. Hindi nga sabi siya fan!" pabirong bulyaw niya sa mga kasama.

"Hannan! Hannan! Anong nangyayari?!"

When I thought I lost all the hopes, my witch of a best friend came to retrieve my lost shame. And then I asked myself again and again… why I was here?!

"Iyong CD ko?" inosenteng tanong ni Brooke na mukhang wala pa ring kaide-ideya sa nangyayari nang lumitaw siya sa harap ko.

Inginuso ko ang mesa. "Nasa kaniya," mahinang sagot ko.

Nilingon ni Brooke ang inginunguso ko at halos makita ko ang pag-usok ng namumulang mga pisngi niya nang makita niyang nakatayo si Jimin na nakalahad pa rin ang kamay.

I felt guilty for he was offering his hand for a long minute now.

"What. Is. This?" namumulang tanong sa akin ni Brooke.

"He was asking what should he put there," sagot ko saka nguso naman sa CD-ng hawak ni Jimin.

Jimin, being nonchalant of being ignored, binawi na niya ang kamay niya at kinuhang muli ang marker na gagamitin niyang pampirma. Bumalik na rin sa lahat ang dati. Busy na rin ang mga kagrupo niya sa mga pinagkakaabalahan nila kanina.

Picture taking. Signing and picture taking and signing.

"So, you're Brooke?" Jimin asked Brooke.

Kung hindi ko lang hawak ang braso ni Brooke ay paniguradong bumagsak na siya sa sahig. "Y-Yes…" the witch answered stuttering.

"So what should I put here?" At bumalik na naman ang napakatamis na ngiti ni Jimin.

Now, I understood. That was a for-fan smile.

Fan-service. Ang bawat ngiting nakapaskil sa mga labi nila ay para sa mga fans nila. Tama nga naman. Inakala niyang fan nila ako kaya nginitian niya ako kanina, and it vanished the moment he found out that I was not a fan.

I watched him as he smiled sweetly at my best friend.

Bagsak ang silver niyang buhok na bahagyang natatabunan ang mga kilay niya. I didn't need to touch it to confirm its softness, by the looks of it, it was. He had small pointed nose, bridging down his red cherry plump lips. Ang mga mata ay pinamamahayan ng mga makakapal at maiitim na pilik-mata.

Effortlessly handsome. Ang kaguwapuhan ng isang ito ay iyong hindi pinaghirapan, kumbaga hindi pinilit, he had it since time immemorial. Natural kumbaga…

"Smile always, na lang," kiyemeng sagot ni Brooke na pumutol sa paninitig ko sa lalaki.

Sinunod ni Jimin ang sinabi ni Brooke. He wrote like this on the CD: 'Brooke, smile always', and he signed it. A star sign actually. Nakangiting inabot niya kay Brooke ang CD pagkatapos habang hindi pa rin bumabalik sa pagkaka-upo.

Nag-thank you si Brooke. She held my hand and we were just about to plan our escape when Jimin spoke.

"Wait!" he said.

Dahan-dahang kaming humarap ni Brooke. I caught my breath when I saw him looking at me. Jimin quickly took his phone that had the same brand with mine from the table and handed it to me.

Nagtatakang tiningnan ko ang phone niya. "What's that?" I asked, confused.

Nagkamot siya ng ulo. "Can you input your number here…?" he asked, shyly.

It was not me who really got his attention. It was not my physical appearance. He was a star, and getting anyone's attention was just a normal thing for him. Alam niyang guwapo siya at sikat siya kaya iniisip niyang madali lang niyang makukuha ang atensyon ng iba.

And me? Maybe he maybe found me different. He found me strange since he hadn't yet owned my attention. I was the only one who was oblivious of his very famous and obvious existence. And that was what caught his attention.

He did not get my attention but I thought… I got his.

The End.
*
Property of Hannan Usman
All Rights Reserved 2017.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top