BK 9: Pinsan Arrives


Azuki's POV
"P-pano mo nga pala nalaman na mag isa lang akong papasok ng dahil lang wala sa tabi ko ang Bangtan?" Tanong ko sa kanya ng maka pagparking sya sa loob ng SAU.

He just shrugged his shoulder "Instinct".

Napatawa naman ako "Instinct? Really? And you expect me to believe that?" Hindi na nya pinansin yung tanong ko at lumabas na sya ng kotse. Itong si Jiwon minsan ang bastos kausap. Pansin nyo? Laging nagwowalk out!

Umikot sya at pinagbuksan ako ng pintuan. Hindi ko inopen up yung sinabi nya sakin na layuan ang bangtan. Siguro nalipasan lang sya ng gutom kaya nya nasabi yun. Pwede naman yun diba?

"Anong nangyari dun sa mga bantay mo?" I saw him smirk. Patuloy kami sa paglalakad papuntang elevator. Kinuha pa nga nya ang bag ko, sya na daw ang magbibitbit.

"Guess it with your instincts" he looked at me at nginitian ko lang sya ng malapad atsaka kumaripas ako ng takbo papuntang elevator. Nang makarating ako sa tapat ng elevator ay naghintay ako ng ilang sandali. Pababa pa lang kasi ito. Ayokong sabihin kay jiwon ang kapalpakan ng bangtan. Nasa likod ko na si jiwon at nakatingin sya sakin saka ako hinawakan sa wrist.

*ting*

Hinila nya ko papasok.

Pagbaba ay kinuha ko ang bag ko sa kanya. Pero ayaw nya bitawan. "Jiwon! Akina yang bag ko. Baka pagkamalan nila na-" huminto sya kaya napahinto rin ako. Pilit ko kasing tinatanggal ang kamay ni jiwon sa wrist ko. "Na nililigawan kita? Edi ayos!" Nagawa pa nyang ngumiti ah! Sarap pektusan nitong lalaking to eh. Kung hindi nya lang ako hinatid eh kanina ko pa ginawa yon.

Pagpasok nga namin ay nasa amin ang atensyon ng mga kaklase ko. Ito na nga ba sinasabi ko eh. Kumuha ako ng tyempo para kunin kay jiwon ang bag ko. At natanggal ko rin ang pagkakahawak nya sa wrist ko. Sa wakas binitawan- ay hindi- nabitawan nya lang kaya ko nakuha huehue. Pumunta na ko sa upuan ko at nakasunod lang sya sakin. Dun sya sa kabilang side ng fourth row.

"Oy Jiwon, naliligaw ka ba? Dun ka nakaupo oh." Tinuro ko ang upuan nya at pinitik nya lang ako sa baba. "Awww! Masakit ah!" Imbis na magsorry ay tinawanan nya lang ako at kinurot na naman ang pisngi ko. "Ang cute mo talaga Azuki. Tatabi ako sayo" oo nga pala absent ang bangtan, edi loner ako dito. Diba nga pinaliligiran nila ako? Okay na rin na tumabi sya sakin, atleast may makakausap ako.

---

Natapos ang tatlong subject at isang subject na lang pagkatapos ay vacant na. Si Jiwon naman walang kasawaan sa pagdaldal sakin. Nasita na nga sya ng prof namin. Tumahimik sandali then back to daldal na naman. Sa susunod nga ay magdadala ako ng scotch tape.

Nga pala, good news, yung english homework ay naperfect ni Shiro. Sya ang gumawa nun eh. Aish! Naalala ko na naman yung katangahan ko!

Nagulat kaming lahat sa malakas na pagbukas ng pintuan. Nanlaki ang mata ko at di makapaniwala sa nakita. Panong nandito sila!?

Kaede's POV
"What the hell!?" napabalikwas ako ng bangon ng may sumigaw. Ahhh puta, ang sakit ng ulo ko. Pagtingin ko sa taong nambulabog sa tulog ko ay nanlaki ang mata ko. Nandito na sya?

"Kim Hye Eun? Kelan ka pa dumating?" Imbis na sagutin nya ako ay tumingin sya sa natutulog na si Renn.

"Bangtan! Wag nyong sabihin na pumasok mag isa ang pinsan ko!" Nagising ang diwa ko ng banggitin nya ang pinsan nya. Holy shit si Azuki! Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Azuki. Wala sya. Napahilamos ako sa mukha ko. Lagot na. Bumaba ako at tinapik si Renn hyung para magising sya. Ganun din ang ginawa ko maliban sa isa.

Ahhh tangina di ko alam gagawin ko kay Jirou. Mahirap gisingin to eh. "Water." biglang sabi ni kim na nakapameywang pa. Oo tubig! Pumunta ako ng banyo at saka kumuha ng timba na puno ng tubig. Bahala na kung mabasa yung carpet, ang mahalaga ay magising na sya ngayon. Binuhos ko yung malamig na tubig kay Jirou.

"Ahh hyung!" Napatayo sya bigla at saka pinunasan ang mukha nya. Nagising na rin sila hyung Renn. "Ano bang problema mo hyung!" Sigaw pa ni Jiou. Natataranta ako tangna!

"Renn hyung, si Azuki-"

Pinutol ni kim ang sinasabi ko "Si Azuki pumasok mag isa. Responsibilidad nyo ang pinsan ko diba? Kakainit kayo ng ulo!"

"Nyo daw eh sakin lang nakatingin" bulong ni Renn hyung.

"May sinasabi ka!?" Sigaw ni Kim. Wala na kaming oras para dito. Hinila ko na si Renn hyung paakyat.

"Wala!" pahabol na sigaw niya kay Kim. Sumunod naman yung lima. Kanya kanya kaming pasok sa sarili naming kwarto. Pumasok agad ako sa banyo at naligo. Hindi kami pwedeng pumasok ng amoy alak. Masakit ang ulo ko pero mas masakit pag may nangyaring masama kay Azuki.

Sandali lang ay natapos agad ako. Nagbihis na ko ng uniform at agad lumabas ng kwarto. Pinuntahan ko ang iba pa at nakabihis na rin sila. Patakbo kaming bumaba at agad sumakay ng kotse.

"Anong ginamit na sasakyan ni Azuki? Andyan si butler at nandito yung kotse" sabi ni Renn hyung. Nasa kanya kasi palagi yung susi ng kotse dito sa bahay.

"Hindi kaya kasabay nya si Jiwon pumasok" ahh shit talaga! Hindi kaya nagcommute lang yun? Mabilis na pinaharurot ni Renn hyung ang kotse dahil sa sinabi ni Keiji.

"Sigurado ako na kasama nya si Jiwon" sabi ni Ryuu na magkasalubong ang kilay.

Pagkapark ay naunang bumaba si Shiro at kumaripas ng takbo. Mabilis rin akong tumakbo papunta sa elevator.

"Hoy gago manghintay ka!" Rinig ko pang sigaw ni Shinji. Hindi na ko mapakali lalo na nung pababa pa lang ang elevator at kailangan pa namin maghintay. Kung kasabay nya si Jiwon, posibleng- ahhh hindi pwede! Pagbaba ng elevator ay saktong walang tao. Sumakay na kami at halata kong hindi rin sila mapakali. Patingin tingin sa labas si Ryuu. See through kasi itong elevator. Makikita mo ang labas.

*ting*

Patakbo pa rin kaming lumabas at tinungo ang classroom. Malakas na binuksan ni Shiro ang pinto. Wala na kaming pake kung may prof man sa loob. Ang mahalaga makita namin si Azuki.

Pagbukas ng pinto ay nakita namin sya. Katabi si Jiwon. Tama si Keiji.

Lumakad si Shiro palapit kila Azuki. Hinila nya sya pero hinawakan ni Jiwon ang kamay nya.

"Brad ano bang problema mo?" May lakas loob pa syang magtanong ng ganyan huh? Ang gago lang.

He smirked "Problema ko?" Lumapit sya ng konti sa kanya at tinuro ang balikat nya. "Ikaw" hinatak nya si Azuki kasama ang bag nito. Nakaharang pa rin ang bangtan sa pintuan at masama ang tingin kay Jiwon.

"Pasensya na ma'am" hinging paumanhin ni Shinji at saka sabay sabay na yumuko. Lumabas na kami ng room.

"Shiro ano ba! Nasasaktan ako!" Nagulat ako ng sumigaw si Azuki paglabas namin dahilan ng pagbitaw ni Shiro sa kamay nya.

Alam kong pinapakalma ni Shiro ang sarili nya dahil tumahimik sya "Look, sorry kung hinatak kita. Pinoprotektahan ka lang namin" tumingin si Azuki saming lahat.

"Pinoprotektahan nyo ako saan? Kay Jiwon ba? Bangtan mabait sya. Kanina, all of you were drunk! Sinundo nya ako sa mansyon at sya ang naghatid sakin dito sa school! Eto, buhay pa rin naman ako ah! Walang kagalos galos. Now, nagagalit kayo sa kanya sa hindi malamang rason!" Akala namin ay hindi sya galit pero tumaas ang boses nya. Pasalit salit ang tingin nya sa amin.

"Looks can be deceiving Azuki" umalis si Shiro sa harap nya at bumaba papuntang cafeteria.

Patay na. Nagkainitan na ng ulo.

Ayoko na rin -namin- makipagtalo sa kanya. Alam kong naguguluhan siya, alam kong marami syang tanong. Pero hindi si Shiro o kami ang pwedeng magsabi sa kanya ng lahat. Bahala na si Kim sa pinsan nya.

---
A/N: update! Guys nagte-trend ang BK sa action! Wieee omg first time to. Maraming salamat sa mga nagvovotes at nagkokoment. Saranghae!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top