BK 8: Sundo


Shiro's POV
"Cheers!" Naglagay ako ng alak sa baso at saka tinagayan si Ryuu.

"Cheers!"

Shit, this can't happen. Even if I want to, this is forbidden.

"Anong pakiramdam?" Itinaas ni Ryuu ang paa nya sa taas ng mesa. Lasing na to.

"Anong pakiramdam ang sinasabi mo, hyung?" Siniko ko si Jirou at sana magets nya ang gusto kong sabihin na wag na syang magtanong. Lasing si Ryuu at alam kong hindi nya alam ang mga pinagsasasabi nya.

"Wag mo syang pigilan Shiro. Tinatanong kita, anong pakiramdam? Anong pakiramdam na—"

"Sorry Ryuu. Yan lang ang magpapatahimik sayo" naupo ulit si Renn hyung at saka nilagok ang alak sa baso nya. Nagulat kami lalo na si Shinji na ganun pala kalakas manuntok si Renn hyung. Oo sinuntok nya si Ryuu. Yun lang ang paraan para matigil sya.

"Wag mong isipin ang mga sinabi nya. Lasing lang siya." Tinapik ni Renn ang balikat ko. Alam kong pareho kami ng nararamdaman ni Ryuu. At hindi ko sya masisisi kung magalit man sya sakin.

Kumuha ulit ako ng alak at tinungga ito. Hindi ako mabilis malasing kaya kahit nakaka limang bote na ako ay wala pa ring epekto. Si Ryuu, Kaede at Keiji ay nakadukdok na sa mesa. Mga lasing na. Matapos nung nangyari kanina ay umalis agad si Azuki at bumalik na sa kwarto nya. Hindi na nga naghapunan.

She's asleep.

Bigla namang nag aya si Ryuu na uminom.

"Shiro, Jirou at Shinji tulungan nyo na ko sa mga lasing na to" utos ni Renn. Nagsimula ng buhatin ni Shinji si Kaede.

Pasado ala una na rin at apat na oras na kaming umiinom dito sa garden.

Azuki's POV
"Goodmorning world!" Nag inat inat pa ko saka naupo sa kama. Ganda ng gising ko no?

Maganda? O talagang pinipilit mo lang maging maganda ang araw mo dahil naaalala mo pa rin ang ginawa mo?

"Aishh! Oo na! Nawala ako sa katinuan kaya ko nagawa yon. Hindi yon sadya!"

Defensive.

"Hindi ako defensive!" Teka nga, bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Aish! Napakamot ako sa ulo ko at saka tinignan ang orasan ko na nakalagay sa desk. 5:05 na, sakto pala yung gising ko. Nauna pa nga ako sa alarm clock ko. Kinuha ko yung phone at saka inioff ang alarm.

Rinig kong kumulo ako tyan ko.

Gutom na ko! Hindi na nga pala ako nakapag hapunan kagabi dahil sa mga pinagagagawa ko. Imaginin nyo yon, simula ng bumalik ako dito sa kwarto ay nakatulog ako tapos ngayon lang nagising.

Nagtali ako ng buhok at pumasok ng banyo para maghilamos. Pagtapos ay saka ako lumabas ng kwarto. Amoy alak. Naglasing ba si Dad? Ang huling kita ko kay dad ay nung binigyan nya ko ng credit card para bumili ng gamit, pagtapos nun ay hindi ko na sya naaabutan dito sa mansyon. Madalas ay gabi na sya umuuwi, mga hatinggabi na.

Pano ko nalaman? Minsan pumapasok si Dad dito sa kwarto. May duplicate key si Dad ng lahat ng kwarto dito. I always feel that he's putting a kiss on my forehead. Minsan pa ay nagigising ako ng may flower sa side table at may card na may nakasulat na:

I love you, Azuki.

Dad

Ang sweet ni Dad diba? Sana noon ko pa naramdaman ang mga bagay na to. Sana noon ko pa naramdam ang pagmamahal ng isang magulang, kung hindi lang pinatay si Mom. Kung hindi lang naging king si dad, sana buo kami ngayon.

Bumaba ako dahil parang doon nangagagaling ang amoy. Di kaya nagluluto si manang ng breakfast na may halong alak?

Eh? Anong klaseng breakfast yun?

"Manang?" Sa huling step ng hagdan ay nakita kong bukas ang ilaw sa kusina pero sa salas ay hindi. Ang dilim tuloy. Wala akong maaninag.

"Bakit po ma'am?" Nagluluto si manang at nakita kong parang nagsasangag sya kaya imposibleng may halong alak yun.

Ang bango! Pero may halong alak pa rin ang naamoy ko. Dumiretso ako sa salas para buksan ang ilaw.

"Manang bakit patay ang ilaw dit-- ay kalbo ka!" Letse may naapakan akong matigas na bagay.

"Ma'am ako po kalbo? Hindi naman po ah" hinawakan pa ni manang ang buhok nya para masiguradong di nga sya kalbo. Si manang talaga. Kumapa kapa ako sa dingding at binuksan ang ilaw.

"Waaaah! Hoy bangtan! Amoy alak kayo mga letse!" Alam nyo ba una kong nakita pagbukas ng ilaw? Nakasalampak lang naman si Kaede sa sahig. At dibdib nya pala yung naapakan ko. Infairness matigas ah. Mukhang may abs tong maliit na to. Si Keiji ay nakapatong kay Jirou.

Nakapatong. Wag kayong green! Nakadapa si Jirou sa may carpet at nakadapa ring nakapatong si Keiji. Gets nyo? Si Shiro ay nakanganga pang natutulog. Si Ryuu, Renn at Shinji naman ay normal na natutulog.

Dahan dahan akong naglakad para hindi sila magising pero narinig kong nagsalita si Shiro.

"Give me some water" sabi nya pero tulog sya. Buhusan ko sya ng tubig para magising sya dyan eh. Sleeptalker.

"Manang anong nangyari sa mga yan at naglasing?" Sumandok ako ng sinangag at kumuha ng bacon.

"Hindi ko rin alam ma'am"

"Azuki na lang po" ngumiti ako kay manang atsaka kumagat sa bacon. Si manang yung nagdala ng damit ko nung may party. Mabait si manang kaya naisipan kong gawin syang personal maid. Dad agreed. May chef kami pero kay manang ako nagpapaluto ng breakfast. Bukod kasi sa masarap, ramdam ko yung pagmamahal ng isang ina.

"Ah eh ma-azuki sabi sa akin ni butler ay nakita nya ang bangtan sa garden habang umiinom" bakit kaya uminom ang mga yun? May problema na naman ba? O trip lang nila? Di kaya natuwa si Shiro sa ginawa ko?

Anong pumasok sa kokote ko at naisip kong natuwa sya sa pagyakap ko!? Pokerface nga sya nung bitawan ko. Ibig sabihin hindi siya natuwa.

Ipinilig ko ang ulo ko. "Azuki may problema ba?" Tanong ni manang na nakatayo at nakahawak sa isang upuan. "Ah wala po. Aakyat na po ako sa taas. Thank you po sa breakfast" sagot ko kay manang at ngumiti ulit ako sa kanya. Bago ako umakyat ay sumulyap muli ako sa Bangtan.

---

Pagbaba ko ay maliwanag na. 6:30 na kasi. 7:00 ang pasok pero ewan ko ba, gusto kong maagang pumapasok sa school. Nakita ko ang Bangtan na tulog pa rin. So ibig sabihin magisa lang ako papasok?

Umupo ako sa carpet at iginala ang tingin ko sa buong bangtan. Pagkita ko kay Shiro ay bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Kaba pa rin ba? Hindi naman to ganto kanina ah.

"Renn naman eh! Ikaw ang hyung pero mukhang ikaw pa ang pinakalasing. Mag isa lang ako papasok ganun?" Hinila hila ko ang damit ni renn. Para akong baliw dito, as in. "Humanda kayo paguwi ko. Lagot kayo sakin" tumayo ako at saka nagpagpag ng palda.

"Manang alis na po ako!" Pagbukas ko ng gate ay nadatnan kong may kotseng nakaparada sa tapat ng bahay. Nagulat ako ng pagbaba ng windshield ay nakita ko si Jiwon. Bumaba sya at inaayos ang damit nya. Shems bakit ang hot nyang tignan?

Wtf!? Anong sabi mo Azuki?

"Baka matunaw ako" ngumiti sya at ang loko nagwink pa.

"Kapal ng mukha!" Tumawa lang sya at saka binuksan ang isang pintuan ng kotse. May balak ba syang ihatid ako?

"Sabay ka na sakin. Wag ka ng tumanggi. Wala sa tabi mo ang Bangtan so mag isa ka lang papasok" lumapit sya sakin at saka kinurot ang pisngi ko. "Please?"

"Si butler ang maghahati-" lalo pa syang nagpuppy eyes habang kurot pa rin ang pisngi ko. Shemay ka Jiwon! "Please?" Ulit nya.

"Oo na, makakatanggi pa ba ko eh ayaw mo ng bitawan ang pisngi ko" napatawa sya ng mahina. "Butler sasabay na po ako sa kanya. Wag po kayong mag alala, mabait po si Jiwon" sabi ko kay butler na nasa tabi ko lang.

"Sigurado po kayo lady Azuki? Alam nyo pong hindi pwede." Tanong ni butler na pumunta sa likod ng kotse ni jiwon at tinandaan ang plate number nito.

"Oo naman po. Kabisado nyo na nga po ang plate number nya. Mapagkakatiwalaan po sya. Mauna na po ako." natawa ako kasi talagang tinandaan ni butler ang plate number ni Jiwon.

"Tara na?" Sumakay na ko ng kotse ni jiwon dahil kanina pa naman nya to binuksan. Pinaandar nya agad ang kotse.

Tama bang sumama sa kanya? My instinct says that he's a good guy.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top