BK 7: Food Trip


Azuki's POV
*Kinabukasan, fast forward*

"Okay class. Yung sinulat ko dito sa board ay assignment nyo. And also review the discussion kanina. Class dismiss" nag inat inat ako at saka dumukdok sa armchair. Assignment then review. Jusko ang daming gagawin. English subject pa man din to.

"Shinji ang cute talaga ng dimples mo" sabi ni Kaede.

"Shinji libre kita lunch" todo ngiti pa si shiro.

"Shinji" hinawakan pa ni Renn ang kamay ni Shinji.

"Ang babakla nyo" komento ni Ryuu. Napatawa naman ako.

Bakit ba nila tinatawag si Shinji. Anong nangyari sa mga to?

"Shinji gusto--" hindi natuloy ni Keiji ang sasabihin nya ng biglang sumabat si Shinji.

"Ano na naman Keiji? Pati ba naman ikaw?" Sabi niya na pilit tinatanggal ang kamay ni Renn.

"Gusto mo damo? Huehue"

"Kulang pa nga sayo yun eh" sabat ni Jirou. Kumakain pala talaga ng damo itong kabayo na to.

Tumayo na ko at saka isinukbit ang bag sa balikat ko. "Balak nyo bang dito matulog? Tara na! Uwing uwi na ko" Hinila ko pa ang kamay nila para tumayo sila. Mga abnormal talaga.

---

Pagbaba ng kotse ay agad akong pumunta sa kwarto para gawin na ang assignment. Ang Bangtan naman ay naupo sa living room. Nandun lang sila, nakaupo. Nakita ko pang inislide ni Renn ang susi sa mesa bago ako tuluyang umakyat.

Nagpalit muna ako ng pajama. Komportable kasi ako pag ganito yung suot. Nilabas ko ang notebook ko sa english. Buti ay hindi ko ito nalagay sa locker.

10 mins later

"Waaaah! Wala pa kong nasasagutan kahit isa!" Tinry ko naman eh pero sabaw talaga yung isip ko ngayon. Naalala ko na naman kasi yung sinabi ni Jiwon at Shinji kahapon. By the way, absent nga pala si Jiwon ngayon.

"Stay away from them especially to Shiro"

"Stay away from Jiwon, Azuki"

"Waaaaah! Sasabog na ulo ko. Gulong gulo na ko" nakaupo ako sa carpet at nagpapapadyak ng paa.

Anong nilalaro ng Bangtan? Sinong nakikisali? Boom sak kaya nilalaro nila? Isa sa kanila ang pakay ng ibang grupo? At higit sa lahat...

Anong trabaho ni Dad? Bakit king ang tawag sa kanya?

At bakit pink ang school ni Renn?

Ilan lang yan sa mga katanungan na nabubuo sa isip ko.

Pero malalaman ko rin yan sa tamang panahon. Ngayon, i need to answer this assignment. Patulong kaya ako kay Shinji? Ang alam ko kasi ay magaling sya sa English. Kaya siguro pinupuri sya ng mga loko.

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kwarto niya. Magkakatabi lang naman ang mga kwarto namin.

Kumatok ako at narinig kong may nagsisigawan sa loob ng kwarto kaya binuksan ko na ang pinto.

Na pinagsisisihan ko.

[Ryuu] "Boom sapul!"

[Shiro] "Woah! Ano masarap ba?"

Pagbukas ko ng pintuan ay agad bumungad sakin ang lumilipad na icing at tumama sa mukha ko. Bwiset ang lagkit!

"Ah ganun ah" pinahid ko ang kamay ko sa mukha ko at lumapit kay Ryuu na unang nangasar sakin. Ipinahid ko yung kamay kong may icing sa mukha nya.

"Oh men!" Sigaw nya. Agad kong nilapag ang notebook ko sa carpet at saka pumasok sa banyo. Naghugas ako ng mukha at ng kamay. Paglabas ko ay nagkakagulo pa rin sila.

"Shinji patulong naman sa assignment" umupo ako harap niya at kinuha ang notebook. Nakita kong nakatingin sakin si Ryuu kaya binelatan ko sya. Tumayo sya at pumasok ng banyo. Teka 1,2,3... 3 lang sila? Nasan ang apat? Sina Shinji, Ryuu, at Shiro lang ang nandito. Pero walong notebook ang nakikita ko dito kabilang na yung akin.

"What inspires or force you to study and choose your course of Business?" Basa ni Shiro sa unang tanong. Dalawa lang yung tanong pero ewan ko ba lutang talaga ako ngayon.

Hindi ko naman talaga gusto ang business. I want to take Fashion Design. Pero wala sa school nila Renn yung ganong course. So I just took Business, baka sakaling makatulong pa ko sa business ni Dad kung ano man yon.

"Inspires?" Sabi ni Ryuu na kalalabas lang ng banyo. "Infires? Infires huh?"

"Infires men!" Nagulat ako ng biglang may sumigaw at nakita ko si Jurou na may bitbit na dalawang plastic sa magkabilang kamay. Sunod na pumasok ay si Renn na may dalang cake. Si Kaede naman ay walang dala. Di man lang tulungan si Jirou. Para san pa yung laki ng katawan nya. Si Keiji ay may dalang....damo. Literal na damo.

SAN NAMAN NYA GAGAMITIN YAN?

"San kayo galing? Bakit ang andami nyong dala?" Umupo sila dito sa carpet at inilapag ang mga dala nila. Binuhat ni Kaede at Ryuu ang mesa papunta dito sa may carpet. Isa isa nilang inayos ang mga plastic. Napanganga ako ng makitang pagkain ang lahat ng laman ng plastic na yon. May softdrinks, may chips, icecream at marami pa. Kasama pa yung chocolate cake. Nagningning naman ang mata ko.

Agad kong kinuha yung ice cream. Lima yung maliliit na icecream na binili nila, iba't ibang klase rin yung flavors. Kumuha ako ng kutsara at saka kumain. Rocky road yung pinili ko.

"Akin yan ah!" Sigaw ni Shiro habang nakaturo sa ice cream na hawak ko.

"Andami daming ice cream dun oh! Wag kang bulag" Sigaw ko pabalik. Parang sampung kilometro ang layo namin sa isa't isa. Makasigaw kasi wagas.

Pumunta sya sa lamesa. Kukuha rin pala ng iba. Tumalikod ako sa mesa at humarap kila Renn na kasalukuyang kinakain yung cake.

"Renn anong meron? Bakit andaming pagkain?" Sumubo ako ng isang malaking scoop ng ice cream. Di na ko mahihiya, grabe rin kasi syang kumain. Food monster yata to.

Nilunok muna nya ang kinakain nya bago magsalita. "Ah, wala lang natripan lang namin mag foodtrip."

"Dinaanan ka namin sa kwarto mo pero nandito ka na pala." Sabi ni Jirou.

"Ah oo magpapatulong kasi ako kay Shinji." Nagulat ako ng biglang may nag scoop sa ice cream ko.

"Aissh!" Tinignan ko siya at may hawak hawak pa syang chips. Napakatakaw mo Shiro!

Inabot nya sakin yung notebook ko. Pagtingin ko ay may sagot na ang assignment ko.

Napatayo ako. "Waaah! Sinagutan mo? Thank you!" Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko sya na ikinagulat ng buong bangtan.

Na ikinagulat ko rin. "Hehe" ang tangi kong nasabi pag layo ko kay Shiro. He just patted my head at nag scoop ulit ng ice cream sakin. "Yah!"

Bumalik ako sa pwesto ko, katabi ni Renn.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top