BK 6: Friend or Enemy


Azuki's POV
"Shit" rinig kong sabi ni ryuu. Di ko alam kung narinig din ba yun ni kuya. Ano ba kasing mga problema nila? Ako, gulong gulo na ko.

"I'm Jiwon." Naagaw ng attention ko ang biglang pagpapakilala niya. Ngumiti sya, ngumiti rin ako pabalik.

"Azuki" tumango tango sya at saka napatingin sa Bangtan. Hindi naman sya masama kung tumingin, kung tutuusin nga ay ang inosente pa ng mukha ni jiwon. Pero ang Bangtan, halos patayin na sya sa sama ng tingin.

"Ehem! May nakaupo na dyan" sabi ni Kaede. Ha? Eh bakante nga to eh.

"Ha? Walang nakau--"

"Hi classmates!" Napatigil ako sa tatlong bagong dating na lalaki. Mga siraulong lalaki. Sina Jirou, Renn at Shinji to be specific. At ano classmates!?

"Kyaaaaah! Kaklase natin ang buong bangtan!" Tili ng mga kaklase kong babae na halos bumasag sa eardrums ko. Ganito ba talaga sila kasikat dito?

"Sila. Si Jirou ang nakaupo dyan" pumunta sa pwesto namin sina Shinji. Tumingin ako kay Jiwon at tumango sya na parang nagsasabi ng 'okay lang'. Lumipat sya ng upuan sa may fourth row lang. Marami pa namang bakanteng upuan since yung iba naming kaklase ay irregular. Pinaalis din ni Ryuu yung ibang katabi nila ni Kaede. Hindi naman umangal yung mga kaklase ko na yon. Ang sasama ng mga to.

"Bakit kayo nandito? Irregular na ba kayo ngayon?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi. Nagpalipat kami ng section." Sagot ni Renn habang kumakain ng footlong na tatlong dangkal yata ang haba. KAKAINOM LANG NAMIN NG KAPE AT KAKAKAIN NYA LANG NG WALONG CHESSECAKE AH!

"Utos ni king" bulong sakin ni Shiro. Ah utos ni Dad. Why they didn't mention this earlier? They should've tell me this, hindi yung bigla bigla silang nanggugulat.

Baka nakakaramdam si Dad ng panganib. Pero mukhang wala naman. Parang Bangtan lang pala to si Dad eh, medyo OA. Nung nalaman kasi ni Dad yung nangyari nung nag mall kami ay kinausap nya ang Bangtan sa private room. So baka yun yung sinabi ni Dad.

Ganito na ngayon yung seat plan namin.

Sa Fourth Row ay sina (from left to right) Renn, Ryuu, Kaede, Shinji. Sa 5th row naman (from left to right) ay si Jirou tapos ako, Shiro then Keiji.

O diba ang saya saya? Napaliligiran ka ng mga may split personality. Bantay sarado ako ngayon.  Di tuloy ako masyadong komportable sa bago naming seating plan.

----

May meeting ang mga teachers kaya maaga kaming pinauwi.

"Guys mauna na kayo sa parking. Ilalagay ko lang tong mga books sa locker ko" inayos ko ang bag ko at inilabas ang mga libro. Wala namang assignment kaya okay lang kung iwan ko to.

"Tutulungan na kita" sabi ni Renn.

"Ah hindi na kaya ko na to. Mauna na kayo ha!" Isinukbit ko na ang bag ko at lumabas na ng classroom. Nasa may dulong corridor lang naman ang lockers. Nakita ko pang lumabas na ang bangtan sa classroom at saka sumakay sa elevator. Buti naman at hindi na sila mga OA. Pinagkakatiwalaan rin naman pala nila ako eh.

"Tulungan na kita" nagulat ako ng biglang sumulpot si Jiwon at kinuha sakin ang mga libro.

"Makakatanggi pa ba ko? Eh kinuha mo na" napatawa naman sya. Binuksan ko ang locker at maingat nyang inilagay sa loob ang mga libro.

"Mind if i ask you something?" Naglalakad na kami papuntang elevator.

"Anong itatanong mo?" Bumagal ang lakad ni jiwon at huminto sya. Humarap sya sakin.

"Sino ang mga yun? Bakit ka nila binabantayan?" Seryoso ang mukha niya.

"Ah people call them Bangtan. It's confidential kaya hindi ko masasabi sayo ang dahilan" hindi ko naman pwedeng ipagsabi ang dahilan lalo na't kakikilala ko pa lang kay Jiwon.

Tumango tango sya then "Stay away from them especially to Shiro" he pat my head at iniwan niya akong nagtataka. Bakit ko sila kailangang layuan lalo na si Shiro? Dad trust them so do I.

Sumakay na ko ng elevator. Pagbaba ay agad akong tumakbo papuntang parking lot. Tanaw ko na ang kotse at doon nga ay naghihintay ang Bangtan. Tumigil ako sandali para habulin ang hininga ko. Daig ko pa ang nag marathon.

Hindi ko namalayan ang sumunod na nangyari.

"Waaaah!" Tinulak ako ni Shiro at parehas kaming natumba. Napaibabaw ako sa kanya.

Nakakunot ang noong napatitig ako sa mata nya. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko magawang gumalaw. At para bang nakamagnet ang mata ko sa mata nya.

"Okay ka lang?" Tanong nya. Nabalik ako sa huwisyo ko at agad na tumayo.

Ano ba yan, nakakahiya!

"Oo s-salamat" sagot ko pero deep inside gusto ko ng umiyak. Ang sakit ng braso ko. Tinignan ko ito at nakita kong may sugat na nagdudugo. Agad kong kinuha ang panyo ko at tinakip iyon. Hindi naman nila iyon napansin.

Ano bang nangyari? May isang motor na muntik na kong masagasaan. Ang bilis ng pagpapatakbo niya. Hindi ba sya aware na may tao at ganun sya magpatakbo? Kaskasero.

"Kumikilos na sila Hyung." Sabi ni Keiji kay Renn. Napasandal naman ako sa kotse dahil kumikirot yung sugat.

Kumikilos agad? Yung kalaban? Hindi ba pwedeng tanga lang talaga yung driver na yon at hindi naman talaga sya kalaban?

"Kailangan lang natin malaman kung ilang grupo ang nakikilaro dito" seryosong sabi naman ni Jirou. Nagtatagu-taguan ba tong mga to?

"Azuki, okay ka lang ba talaga?" Biglang tanong sakin ni ryuu.

"Ha? A-ah ano, okay lang ako. Okay lang" pilit akong ngumiti.

"Stay away from Jiwon, Azuki" sabi ni Shinji at saka sumakay na ng kotse.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Jiwon.

Sino ba talaga ang dapat kong layuan? At bakit? Pwede bang wala na akong layuan at bati bati na silang lahat?

Keiji's POV
Pagkapark sa garahe ay agad kaming lumabas. Nagmamadaling umakyat sa kwarto niya si azuki. Kanina sa loob ng kotse ay napapansin naming ngumingiwi sya at laging nakahawak sa braso. Puta baka nagalusan yun. Lagot kami kay King nito.

Nagpunta kami sa garden para doon mag usap.

"Isa sa atin ang pakay ng ibang grupo" sabi ni shinji na sumandal sa kinauupuan nya.

"Panong nangyari yun? Hindi ba't si azuki lang ang gusto nila?" Nakakunot ang noo kong tumingin sa kanya.

Walang nakasagot ng tanong ko. Hindi rin nila alam ang mga nangyayari.

"Jiwon's a bishop." sabi ni Ryuu.

"Bakit bishop agad ang pinadala nila? Nasaan ang ibang pawn? Iisa pa lang ang napatay natin" tanong ni Jirou. Kung bishop agad ang pinadala nila posible kayang patay na ang ibang pawn? Pero paano? Sino ang gagawa nun? Kami ang bantay ni Azuki.

Nakakabaliw.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top