BK 5: Mission Accomplished
Azuki's POV
Mabilis na lumipas ang mga oras at recess time na. Nasa may dulo kaming row. Sa kanan ay katabi ko si Shiro sunod si Keiji. Sa harap naman ay sina Kaede at Ryuu. Sa kaliwa ko ay bakante. Himala at hindi nila ako pinagigitnaan ngayon.
Inayos ko ang mga gamit ko at lumabas na ng classroom. Hindi naman nila napansin na dumaan ako sa pagitan nila. Nagkukwentuhan kasi silang apat. Magkakatabi lang sila pero nagsisigawan pa kaya hindi ko na sila inistorbo, masigawan pa ko letcheng yan. Napadaan ako sa classroom nila Jirou at mabilis na tumakbo para hindi nila ko makita. Siguro naman safe na ako dito sa school na to.
So ang ending mag isa lang ako dito sa cafeteria. Hindi ko sila inaya. Gusto ko kasi ng peace of mind. Gusto kong makapagisip isip sa mga nangyayari ngayon. Gusto kong kumain ng walang mga balasubas sa tabi ko.
Hindi gaanong mahaba ang pila kaya nakaorder agad ako. Andami nilang dishes sa totoo lang. Mahilig kayang kumain si renn? Pagkaorder ay nagpunta ako sa field. Pumwesto ako dun sa ilalim ng puno na may bench. Mahangin at peaceful kaya dito ko naisipang umupo.
Konti lang naman ang binili ko. One large french fries, burger at coke. Hindi ko naman nakikita ang mga anino ng Bangtan kaya sunod sunod ang subo ko ng french fries. Kapag kasi nandyan sila nahihiya akong kumain. Ang awkward lang sa pakiramdam. Puro boys yung kasama mo.
"Miss, mag isa ka lang?" Tanong ng isang lalaki. Nakikita naman nyang mag isa lang ako dito magtatanong pa sya. I don't want to be rude pero ang sarap sarap na ng kain ko dito eh at kita naman nyang mag isa lang ako.
"Kuya may nakikita ka bang katabi ko?" Tumingala ako dahil ang tangkad nya.
He chuckles at umupo sa tabi ko. May kakaiba sa ngiti nya. Feeling ko ay hindi sya gagawa ng masama.
Pero aba aba, hindi pa nga ako pumapayag naupo na agad sya? "Wala na kasing bakanteng bench dito." Tumingin ako sa paligid at oo nga, puno lahat. Ayoko sana ng may kasama pero makokonsensya naman ako kung hindi ko sya papayagang makiupo dito. Mukha naman kasi syang mabait.
"I'm--" nilahad niya ang kamay niya para makipagshake hands.
"I'm Shiro." Nagulat ako ng makita kong nasa likod ko na ang Bangtan. Ang sama ng tingin nila kay kuyang nakiupo.
NILA. Oo lahat sila. Mukha namang harmless si kuya kaya anong problema nila? Hinila ako ni Shiro palayo kay kuya. Tumingin ako sa likod at nakita ko siya na kumaway.
Ryuu's POV
"Gago ka Shiro! Nasaan si Azuki?" Biglang hirit ni kaede. Puta, nasan na ang babaeng yon?
Tumingin sya sa kaliwa at dali daling lumabas ng makita nyang wala nga si Azuki doon.
We went inside Renn's room.
"Omygod ang gagwapo talaga ng bangtan!" Rinig kong sabi ng isang babae. Hindi namin sila pinansin pwera lang sa isang tao. Kinawayan ni Jirou ang babae. Tch.
"Hyung Renn! Nasan si Azuki?" Sabi ni Shiro na nakatayo sa harapan nila.
"Kayo ang kaklase ni Azuki tapos itatanong nyo samin kung nasan sya? Abnormal ba kayo?" Sabi ni Shinji.
"Ah shit!" Nagmamadali akong lumabas saka nagtungo agad ng cafeteria. Nang makumpirma kong wala sya dito ay pinuntahan ko sila Shinji na nagpunta sa field. Nakita naming may kausap na lalaki si Azuki. Puta sino yon?
Umikot kami para hindi kami makita ni Azuki. Lumapit si Shiro ng magpapakilala na ang lalaki.
"I'm--" rinig kong sabi nung lalaki.
"I'm Shiro" sabat niya saka hinila palayo si Azuki. Nakita ko pang lumingon si azuki at kumaway ang lalaki.
Shit! Crossed star.
Azuki's POV
"Shiro kaya kong maglakad mag isa!" ang bilis nyang maglakad kaya parang kinakaladkad na nya ko. Binitawan naman nya ko pagpasok namin ng cofee shop. Oo meron dito. Naupo kami at umorder si Renn. Ni hindi man lang kami tinanong kung ano yung samin apaka talaga.
"Bakit nyo ginawa yun? Mukha naman syang mabait" panimula ko. Nakita kong nagkatinginan si Ryuu at Shiro.
"Mukha lang" sabi ni Kaede ng pabulong kaya hindi ko narinig.
"Ano? Mabait sya. There's nothing to worry about" pagpapakampante ko sa kanila. Alam kong nasa danger ako ngayon pero hindi naman masama makipagkaibigan diba?
Nakakunot ang noo ni Keiji at parang malalim ang iniisip. Ganun din si Ryuu. Nang mapansin nilang nakatingin ako sa kanila ay napabuntong hininga sila.
"Here's your coffee!" Sambit ni Renn. Cappucino lahat ng inorder nya. Hindi umiimik si Shiro at Ryuu, ganun na rin ang buong bangtan maliban kay Renn na umiinon na. Ako naman, inubos ko lang ang kape habang nakatingin sa kanila. 1 hour vacant pa kami kaya nanatili kami sa loob ng coffee shop.
"Renn hyung alam mo ba kung bakit hindi dikit dikit ang daliri mo?" Pagbabasag ni Keiji sa katahimikan. Eto na naman sya.
Ang hirap talaga kasama ng may mga sira sa ulo. Kanina lang ay tahimik siya tapos ngayon babanat sya ng joke? Masisiraan ka rin talaga ng ulo.
"Hindi, bakit?" Sagot ni Renn habang kumakain ng cheesecake. May cheesecake rin kasing kasama yung cappucino. Pero kinuha niya lahat. Galing lang diba?
"Wala lang. Bakit gusto mo ba dikit dikit? Ano ka itik?" Natawa si Renn kaya naibuga nya kay keiji yung kinakain nyang cheesecake. Magkaharap lang kasi sila. Ayan napala mo.
"Ahhh hyung ang baboy mo!" Sigaw ni Keiji na biglang napatayo habang tinatanggal ang cheesecake sa mukha nya gamit yung tissue.
"Itik ako diba? Hindi baboy" sagot ni Renn. Mga sagutan talaga ng bangtan nakakasira ng ulo.
Napahikab ako. Hindi naman tumalab sakin yung kape.
Alas dose na kasi ako nakatulog kagabi. Alam kong medyo maaga akong umakyat sa kwarto pero hindi naman ako nakatulog agad. Inaya ko sila na bumalik na ng classroom para doon matulog. Nung una ay ayaw pa nilang pumayag. Pero napilit ko naman sila.
Nag elevator na kami this time. Kung maghahagdan sila nako di na ko sasama. Nakakapagod tapos puro kabaliwan ng Bangtan ang maririnig mo. Pagpasok ng classroom ay agad akong dumukdok sa armchair ko. Pero hindi ko magawang matulog dahil sa biglang sigawan ng mga babae kong kaklase.
"Omg ang pogi!!"
"Kaklase ba natin sya? Ang lucky ng section na to!"
"May bangtan na tapos may isa pang hot guy!"
Ilan lang yan sa mga narinig ko. Grabe, di ba sila nahihiya? Ang lalakas ng boses nila ah. Di ba sila aware na naririnig yan ng lahat?
Nag angat ako ng ulo at nakita ko siya. Yung lalaking nakiupo kanina. Naghahanap sya ng bakanteng upuan at ng makita nya ko agad syang ngumiti at naglakad papunta dito. Umupo sya sa tabi ko.
"Shit" rinig kong mura ni Ryuu. Tumingin ako sa kanila at hindi na ako magtataka ng halos patayin na nila sa tingin si kuya.
Unknown
"Mission accomplished" sambit ko ng may ngiti sa labi. Tinignan ko ang chessboard at inalis ang isang pawn. Nilagay ko ang isang bishop.
---
A/N: Hi ate shaira! Thanks for doing the book cover! Shai_raaa
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top