BK 4: School Starts


Shiro's POV
Sinundan namin ang lalaking alam kong may masamang balak kay azuki.

*flashback*

Pumasok kami sa isang italian restaurant at kokonti lang ang tao. Sinalubong kami ng isang lalaking waiter at napansin kong nagigting ang panga ni Ryuu ng makita ang tatoo ng lalaki sa braso nito na nakita ko rin.

Flower.

Pambakla. Ang totoo nyan..

Triangle na may ekis. Simbolo ng pawn. Madali lang mapatumba to. Knights kami, pawn lang siya. I grin on that thought.

Tangina, kung may masamang balak nga to samin o kay azuki dapat di sya masyadong nagpahalata diba? Tanga.

I look on the others and I sense that they already knew who's this guy infront of us.

"Goodmorning ma'am and sir. What would you like to order?" Tanong nya. Kinuha ni Azuki yung menu mula sa kanya at dun kami nagkaroon ng tyempo na titigan ng husto ang lalaki. Hindi naman napansin iyon ng gago dahil na kay Azuki ang atensyon niya. Nang matapos si Azuki ay ibinigay niya ang menu samin.

Pinagkaguluhan namin ang menu para hindi mapansin ng gago na nakakahalata kami. Ilang minuto ang lumipas at naramdaman kong may humawak sa laylayan ng damit ko. Napatingin ako kay Azuki at nakatingin siya dun sa lalaki. Subukan lang talaga niyang galawin si Azuki. Napahigpit ang hawak niya sa damit ko nung nakisali ako sa gulo ng bangtan. Alam kong nararamdaman nya ring may kakaiba. Alam kong natatakot na sya.

Nakaorder na kaming lahat at umalis na ang lalaki. Tumango ako ng bahagya kay Keiji at Jirou signal na kailangan ng harapin ang pawn na yon. Tumayo ako at narinig ko pang nagtanong si Azuki.

"Saan kayo pupunta?" Tanong nya pero hindi ako sumagot. Ayokong mag alala pa sya. Bahala na ang apat na magbantay sa kanya.

*end of flashback*

Nacorner agad ni Keiji yung pawn.

Kinuwelyuhan ko sya. "Sino ang nagutos sayo nito?"

"Kahit pa patayin nyo ko hindi ko sasabihin sa inyo" matigas nyang sabi. Madali lang naman ako kausap. Nilabas ko yung baril na nakasuksok sa pantalon ko. Buti ay hindi ito nahawakan ni Azuki. Magpanic pa iyon.

"SINO ANG NAGUTOS SAYO NITO!?" Ulit kong tanong na may halong pagdidiin sa bawat salitang sinabi ko. Itinutok ko ang baril sa ulo nya. Tangina mo, magsalita ka kung hindi patay ka sa akin.

"Your dirty water touch my faceu! Don't touch my faceu!" Sabi ni Keiji na lumayo pa sakin at saka nagpunta sa tabi ni jirou na may hawak na ring baril. Nakukuha nya pang gumanyan kabayo talaga.

"ISA!" binitawan ko yung lalaki. Nauubos na oras ko dito. "Goodbye you little shit" sumunod na nangyari ay nakahandusay na sya sa sahig. Binaril sya ni Jirou gamit ang baril na may silencer.

"Akina nga yang baril ko!" Agaw ni Keiji kay jirou. Kanya ba yun? Nasan ang baril ng gago?

Napakamot na lang sa batok si Jirou.

"May pa little shit little shit ka pa dyan. Baril mo nga di mo dala." Komento ni Keiji.

Bago kami lumabas ng CR ay nakita ko ang ilang waiter na walang malay na kagagawan nila Jirou.

"Keiji, magpahanda ka ng pagkain sa bahay" utos ko.

Azuki's POV
"Gutom na ko!" Sabi ni Renn. Sino bang hindi? Eh hanggang ngayon ay wala pa rin yung order namin. At wala rin kaming makitang ibang waiter dito. Rinig ko ring nagrereklamo na ang ilang customer dahil sa tagal ng pagkain.

Nakita kong lumabas na ng restroom sina Jirou. Pero wala pa ring waiter na nagpapakita.

Ang sama ng awra ni Shiro. Parang may itim na awrang pumapalibot sa kanya ngayon. Kanina lang ay hindi sya ganito. Ano bang nangyari sa loob? Nag away kaya sila ni Jirou? Ni Keiji?

"Uy teka teka!" Bigla akong hinila ni shiro palabas ng makalapit sya dito. Sumunod naman yung anim. Lumabas kami ng mall at dire diretsong pumunta sa kotse.

Ng makasakay kaming lahat ay walang nagsasalita. Hanggang sa makarating kami ng mansyon ay ganon ang sitwasyon namin. Gusto kong magtanong pero hindi na rin ako nagtangka kasi baka wala namang pumansin sakin. Edi napahiya pa ko.

Nagtungo kami sa kusina at nagulat ako ng ang mahabang lamesa dito ay punong puno ng pagkain. Wala si Dad at pinaalis na rin ng Bangtan ang mga maids. Hindi ko alam kung bakit.

"Bakit may ibang nakikilaro dito? Bakit may mga panibagong pawn?" Sabi ni Keiji na nagsisimula ng maglagay ng pagkain sa plato nya. Pagkatapos ay nilagyan nya rin yung plato ko.

Wow, gentleman si faceu.

"Iba ang pakay ng iba" sabi ni Shinji. Ano bang pinaguusapan nila? Anong panibagong pawn? Anong laro?

"Ano?" Tanong ni Kaede na hindi pa nagsisimulang kumain. Prente lang syang nakasandal sa upuan at naka dekwatro.

"Hindi ano kung hindi sino" sagot ni Shinji. Okay? Wala akong magets sa pinaguusapan nila.

Hindi na ko masyadong nagsalita hanggang sa matapos ang hapunan dahil seryoso silang nag uusap tungkol dun sa laro na hindi ko naman maintindihan. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam agad ako sa kanila na aakyat na ako ng kwarto ko at aayusin ang mga nabiling gamit. Hindi ko na rin inisip ang mga nangyari kanina. Lalo lang akong maguguluhan. Nagshower muna ko at saka naghanda para matulog.

Kinaumagahan

Nagmamadali akong bumaba dahil baka iwan ako ng bangtan. Simula na ng klase ngayon. Pagkababa ko ay nakita ko pa silang komportableng nakaupo sa may garden. I admit, ang gagwapo nila ngayon. Ngayon lang dahil sa suot na uniform. Color pink ang uniform namin. Plain pink long sleeve at pants sa boys. Pink checkered skirt at white uniform with checkered necktie naman sa girls. Yung skirt ay 1 inch above the knee pa. And may logo ng SAU sa uniform namin. (Isipin nyo na lang na nakalagay ay SAU instead of W dun sa logo sa uniform.)


"Tara na" aya ko. Baka malate pa kami. Makalipas lang ang 15 minutes ay nandon na kami sa school.

Bubungad sayo ang pink fountain. Bakit puro pink dito? May halong blue naman ang ibang buildings.

"Saan kaya ang classroom ko?" Mahina kong sabi habang tumitingin tingin sa paligid at nagbabakasakaling makakita ng board na naglalaman ng sections. You know?

"Magkaklase tayo. Pati na rin si Ryuu, Kaede at Keiji" sabi ni Shiro. Pare parehas nga pala kaming kinuhang course. About business. Business management to be specific.

"Tapos sila Renn, Shinji at Jirou ang magkakaklase. Katabi lang natin sila ng room" sabi ni Keiji at ginulo ang buhok ko. Para naman akong bata nito.

Nasa fifth floor ang room namin. Jusko ang taas. May elevator naman, oo meron. Pero naghagdan kami. Ewan ko ba sa mga to.

"Knock knock" sabi ni Keiji.

"Pasok" sagot naman ni Ryuu. Pfft barado! Magjojoke sana si Keiji pero binara ni Ryuu. Ang dakilang Ryuu ng Bangtan.

"Dali kasi! Knock knock!" Pilit pa rin ni Keiji.

"Oh who's there?" Ako na ang sumagot kase paiyak na siya.

Hindi naman literal na paiyak pero kawawa naman tong kabayong to kundi papansinin.

"Ako ay maba"

"Ako ay maba who" si Jirou na ang sumagot. Ano daw?

Ako ay maba who.

Maba who.

Mabaho.

Pffft, mabaho pala si jirou. Di ko na napigilang matawa. Pwede pwede.

"Ah ganun ah. Knock knock!" This time si Jirou naman ang kumatok. For sure gaganti to.

"Who's there?" Sagot ni Shinji.

"Ikaw ay maba"

"Ikaw ay maba who?" Putek, ganun pa rin. Maba who pa rin si jirou.

"TANGINA" sambit ni Jirou ng marealize nyang sya pa rin ang mabaho.

"Hahaha maba who si Jirou!" Pangaasar pa ni Shiro saka kumaripas ng takbo papasok ng classroom. Nandito na pala kami sa fifth floor.

"Hyung!" Sigaw ni Jirou na pinaghahahampas ang katabi nyang si Kaede hahaha.

"Inaano kita dyan" sabi ni Kaede habang tumatawa.

Maba who si jirou pfftt ang kokorni nila ha!

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top