BK 3: Mall
(This chapter is dedicated to eoppae because she was the one behind the beautiful cover of BK. Thank you very much!)
Azuki's POV
1 week later
"Azuki!!" natigil ako sa pagfa-flashback ng marinig kong tinawag ako ni Keiji mula sa labas. Oo sa labas ng kwarto ko. Yung totoong kwarto ko na this time. Pumasok siya dito ng hindi man lang kumakatok. Parang kabayong nakawala.
"Wala akong damo. Lumabas ka na" tumayo ako at ipinagtulakan ko siya palabas pero kumapit siya sa pinto.
"You very no fun! Ipinatatawag ka ng king para sa kaalaman mo" napatigil ako at binitawan ko siya. Dali dali akong lumabas ng kwarto.
"Yung dalawa oh!" sigaw ni ryuu na nakatayo sa labas ng kwarto ko. Sinong dalawa ang tinutukoy nito? Baka sila shinji at renn dahil sa kanila sya nakatingin?
Nilagpasan ko lang sila at pumunta sa direksyon ng kwarto ni Dad. Pero nakasunod sila sakin.
"Mawalang galang na ano bakit nyo ba ako sinusundan?"
"Mawalang galang ka rin. Pinatawag tayo lahat ng King. Hindi lang ikaw" sagot ni jirou. Aba, sila rin? Bakit kaya? I feel something bad.
Nakarating ako sa kwarto ni dad na bwisit na bwisit. Pano ba naman si keiji at kaede ay nagsasasayaw pa. Tapos yung iba hindi naman sila sinasaway, parang sanay na sanay na sa mga kabaliwan nitong dalawang to. Katabi ko pa naman sila kaya nababangga ako. Para akong nalugi sa itsura ko pero tawa pa sila ng tawa.
"D-dad? Bakit nyo po kami pinatawag?" simula ko at saka naupo sa sofa. Sila rin ay naupo na. Medyo naiilang pa rin akong tawagin sya ng ganun dahil hindi naman talaga ako sanay na may tinatawag na tatay. But I know eventually, masasabi ko rin yun ng walang kaba. Magaan ang loob ko sa kanya and I found out na marami kaming similarities kaya nagkasundo kami agad.
"You're not safe here anymore, Azuki."
"Po?" naguguluhan kong tanong. Bahay namin to ni dad and still, hindi pa rin ako ligtas dito? How come?
"Nalaman nila na nandito ka na, na kasama na ulit kita kaya kumikilos na sila. May ibang miyembro na hindi ko kilala kaya kailangan ay lalo kang mag ingat. Lalo na ngayon at magsisimula na ang pasukan" tumingin siya sa pito at tumango. Napatingin naman ako sa kanila at napakaseryoso ng mga mukha nila. Ngayon ko lang sila nakita ng ganito.
"I already enrolled you to Seok Alpha University, school own by Renn. Sa isang araw na ang pasukan Azuki. Fix your things now. I'll give you a credit card and shop what you need. Here." inabot niya sakin ang isang credit card. Medyo nag alangan pa kong kunin iyon pero sya na mismo ang nag lagay nito sa kamay ko. He smiled at me and kissed my forehead.
"Bangtan you know what to do"
"Thank you po" i tiptoed and kiss him on the cheeks.
Pagkatapos kong magpaaalam ay hinarap ko ang bangtan.
"Tara na?" tinignan ko ang suot ko and perfect! Pwedeng pwede na akong lumabas sa suot ko na jeans and t-shirt. Nauna na kong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse.
"Renn pwede bang ikaw ang mag guide sakin sa school nyo?" Kaagad na pinaandar ni Renn ang kotse.
"Lahat kami Azuki kasama mo. Yun ang bilin ni King" sagot niya.
"Ano ba talagang trabaho ni dad at king ang tawag nyo?" naguguluhan kasi talaga ko eh. Everytime na tinatanong ko to kay Dad lagi niyang sinasagot ay--
"Hindi mo maiintindihan azuki" yan! Ganyang ganyan ang sinasagot ni Dad. Edi ipaintindi nila sakin diba?
"Ipaintindi nyo kaya--"
"Suotin mo to Azuki." nagmamadaling sabi ni Shiro atsaka ipinasuot sakin ang hood niya. Naguguluhan ako sa kinikilos nila but I just obey his command.
Kalmado lang sila pero ramdam ko ang tensyon. Si Ryuu na nasa harap katabi ni Renn ay nakatingin lamang sa side mirror.
Ako naman ay nasa tabi rin ng bintana. Sinubukan kong sumilip para malaman kung anong nangyayari pero pinigilan ako ni Shiro. Nakipagpalit siya ng pwesto sakin.
Tumingin ako dun sa side mirror pero wala naman akong nakitang kakaiba. Maliban dun sa tatlong kotseng itim na nasa likod namin na parang sinusundan kami. Yun lang.
Then nagsink in sakin kung anong nakita ko at kung bakit sila nagkakaganito.
May sumusunod samin!?
"May sumusunod ba satin?"
"Isuot mo lang yang hood mo" sabi ni Keiji na nasa tabi ko habang pinapaharurot ni renn ang kotse.
Mataman na tinititigan ni Renn ang daan. Habang yung tatlo sa likod ay hindi mapakali na si Jirou, Kaede at Shinji. Kinabahan ako at pinagpawisan ng sangkatutak ng marinig kong may pumutok na baril kasabay ng pagliko ni renn.
"Kyaaaaah!" Sunod sunod ang pagputok ng baril. At hindi ko maiwasang hindi magpanic.
"Iliko mo ulit Renn!" Sigaw ni Jirou.
"Sa kaliwa!" Sigaw naman ni Shiro.
"Sa kanan!" Sabat ni Kaede.
"To the left to the right iikot ng sabay sabay--"
"Keiji!? Nagagawa mo pang kumanta? Pambihira!" Sigaw ko kay Keiji.
"Naligaw na natin sila" sabi ni Shinji na napabuntong hininga pa.
"Sino ba sila? Bakit nila tayo sinusundan?" Sila ba yung mga naka men in black? Bakit ba gusto nila akong patayin?
"Nandito na tayo! Mall hintayin nyo ko!" Pag iiba ni Keiji sa usapan. Jusko parang bata.
Ibabalik ko na sana kay Shiro yung hood nya pero sabi niya ay suotin ko lang hanggang pag uwi.
Parang wala lang nangyari.
Pumasok kami at tinungo agad ang national bookstore. Ilang notebooks lang ang binili ko at isang binder. Then ballpens and signpens. Ang bangtan ay bumili na rin ng gamit. Pagkabayad ay nagyaya akong kumain muna.
"Saan tayo?" Tanong ni Kaede na palinga linga.
"Ah dun oh! May nakita akong italian restaurant. Dun tayo" nakangiti kong sagot. First time kong makakain sa italian restaurant kaya dun ko sila inaya. Ngumiti rin sila pero mahahalata mong may kakaiba.
"May problema ba?" Tanong ko at inakbayan si shinji. Bakit? Kasi ang cute cute ng dimples niya. Nakakagigil!
"Tara na nga!" Sabi ni Renn at hinila si Shinji palayo. Problema nun?
"I smell something horsey" sabi ni Ryuu.
"Hoy naligo ako!" Sigaw ni keiji na inamoy amoy pa ang damit na suot. Aminado siyang kabayo sya ah.
"Mga baliw. Tara na nga!" Tumakbo ako para makasunod kila renn. Pumasok kami sa loob ng restaurant. Hindi gaanong madaming tao kaya hindi kami nahirapang humanap ng pangwaluhan.
Unknown
"They are coming. Get ready" sambit ko at saka nagbuga ng usok na galing sa sigarilyong kanina ko pa sinindihan.
"Nakahanda na po ang lahat master. All are well plan" sagot niya na nakasuot ng damit na pang waiter.
"Sisiguraduhin kong magdudusa ka sa ikalawang pagkakataon, Dave" tinapakan ko ang sigarilyo at sumakay na sa limousine na kanina pa naghihintay sakin.
Azuki's POV
"Goodmorning ma'am and sir. What would you like to order?" Salubong samin ng waiter na lalaki pagkaupo namin. Kinuha ko yung menu at pumili.
"Ahhm." Tinuro ko yung gusto ko at pagkatapos ay ibinigay sa bangtan ang menu. Nilista naman ng waiter yung order ko. Tumingin ako sa waiter at nagulat ako ng nakatitig sya sakin. I knew it, kaya pala may pakiramdam ako ng mga nakatingin sakin.
Nang mapansin nya iyon ay ngumiti pa sya sakin. Ang creepy ng ngiti nya. Hindi pa rin naalis yung titig nya sakin kaya napahawak ako sa laylayan ng damit ni shiro para sana mawarningan sya na may kakaiba akong nararamdaman. Siya kasi yung katabi ko. Hindi ko alam kung bakit pero natatakot ako.
Napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa damit niya. Hindi ko inaalis yung tingin sa lalaki. May kakaiba talaga dito.
Napatingin ako sa bangtan at nagkakagulo sila sa kung anong oorderin nila. Habang si Shiro ay nakigulo rin at hindi pinansin ang kamay ko. Ako lang ba ang nakakaramdam ng kakaiba? Hindi ba nya napansin yung kamay ko sa damit nya? Natapos sila sa pagpili na nakatingin pa rin sakin ang lalaki. Lalo tuloy napahigpit ang hawak ko sa damit ni shiro.
Umalis na ang waiter pero hindi pa rin mapanatag ang loob ko. Ang creepy kasi talaga. Ang bilis ng pintig ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kaba at takot na to pero pakiramdam ko ay may mali.
Napabitaw ako sa damit ni Shiro ng bigla siyang tumayo. Tumayo rin sina Jirou at Keiji.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ko pero walang sumagot. Dire diretso lang sila papunta ng restroom.
Yung apat na naiwan ay lumipat ng upuan dito sa tabi ko.
So si Kaede at Shinji ay magkatabi dito sa right side ko. Sina Ryuu at Renn naman ang nasa left side ko. Ang saya diba? Pinagitnaan ako?
But I feel so safe.
Yung nakuha kasi naming place ay para siyang pa sofa na hanggang dulo ng restaurant yung haba. Kaya kasyang kasya kami.
"San ba sila pumunta? At bakit kayo lumipat?"
"They followed us." sabi ni Ryuu at dumukdok sa mesa.
"Hindi. May ibang grupong naglalaro dito" sambit ni Kaede at dun na ko tuluyang naguluhan. Anong ibig nyang sabihin?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top