BK 18: Big Bike

Kaede's POV

Kinabukasan

Naiiritang bumuntong hininga si Azuki. Nandito kami sa condo nya ngayon pero sa condo namin kami nagsitulog. Dito lang kami nag almusal.

"Tama na nga yan." pigil ko kila Keiji at Jirou na naghahabulan."Mabuti pa maghakot na tayo ng gamit natin sa bahay para madala na dito." sabi ko para matahimik na sa pagiisip si Azuki. Ayos to, malilibang sya. Hanggang ngayon kasi ay nasa isip nya pa rin ang lahat ng sinabi namin sa kanya kahapon. Mawawala sa isip nya panandalian ang lahat ng nalaman nya.

Sumang ayon naman silang lahat sa suhestyon ko. Nagtungo kaming lahat sa parking lot. Si hyung Renn ang nagdrive.

"Wala ba tayong nakalimutan?" tanong nya bago paandarin ang sasakyan.

"Meron. Yung jams ni Kaede." Tinignan ko si Shinji at sinamaan sya ng tingin. Ako na naman nakita neto!

"Actually meron!" napatingin kaming lahat kay Jirou na akala mo ay nasa labas ng sasakyan kung sumigaw. "Yung baba ni Keiji!" pagkatapos ay tumawa sya magisa. Sya lang natawa sa sinabi nya. Napailing na lang ako at binatukan sya.

"Ice ka lang?" pang aasar na tanong ni Shinji. Tumigil naman sa pagtawa si Jirou ng marinig iyon.

"Ewan ko sa inyo. Wala kayong sense of humor."

"Wow hiyang hiya!" sagot ni Shiro kay Jirou. Kami pa ang walang sense of humor ah? Mababaw lang talaga ang kaligayahan nya.

"Mga gago kayo. Inaaksaya nyo oras ko." sabi ni hyung Renn saka nagmaneho. Nakatingin lang ako sa labas. Dito ako nakaupo sa bandang bintana.

"Edi aksayahin mo rin oras namin." piningot ni Azuki si Shinji para matahimik ito. Yan buti nga sayong gago ka.

Tahimik ang lahat hanggang sa makarating kami sa bahay. Bago bumaba ay pinaalalahanan kami ni hyung Renn.

"Ganto gagawin natin. Iempake nyo na lahat ng kailangan nyo sa isang bag tapos aalis na tayo agad. Di tayo pwedeng magtagal dito."

"Alam namin. Kaya nga wala dito si Tito Dave at pinagleave lahat ng maids at si butler." sabi ni Jirou. Kanina lang namin nalaman na pinaalis muna pansamantala ni Tito lahat ng kasambahay dito sa bahay at pati sya ay umalis rin. Walang nakakaalam kung san sya nagpunta.

"Lah isang bag lang!? Pito tayo o walo kasama si Azuki!" alam nyo na siguro kung sino yang kabayong nagmamaktol.

"Tig iisang bag gago!" sagot ko sa tanong nya.

"Ah linawin kase." bumaba na si hyung Renn kaya naman bumaba na rin kami. Kanya kanya kaming pumasok sa mga kwarto namin para gawin ang dapat na gawin.

Wala naman akong masyadong gamit na dadalhin, yung mga importante lang. Naligo na rin muna ako saglit saka bumaba. Nakita ko si Ryuu na natutulog at si hyung Renn na nakaupo sa salas. Kasabay kong bumaba ang apat pa.

"So si Azuki na lang ang iniintay?" pangungumpirma ni Ryuu na hindi ko napansin na nagising. Tumango kami. Nagpunta muna ako ng kusina para maghalungkat ng makakain.

"San ka pupunta Kaede?" di pa ko nakakalakad ay narinig kong nagtanong si Shiro. Tinuro ko lamang ang kusina. "Sama ko!" lagi ba talaga kaming nakasigaw?

Shiro's POV
Parang ayaw pa yata akong pasamahin ni Kaede dito sa kusina. Ano yon? Sya lang kakain mag isa tapos di man lang kami iniimbitahan? Bastos to ah. Kaya sumama na ko nang makita syang papunta dito.

Binuksan namin ang ref at nakakita ako ng isang maliit na cake.

"May cak--"

"Kita ko kita ko." di ko pa natatapos ang sinasabi ko ay sumabat na sya bigla. "Guys--shit!" sabay kaming napaupo at nagtago sa likod ng sink ni Kaede ng may magpaulan ng bala sa bahay. Napamura ako sa sarili.

"Holy shit!" rinig kong sigaw ni Ryuu na nakita kong dumapa. "Dumapa kayo tangina." utos nya. Sa tingin nya ba tatayo pa kami sa lagay na to?

Sabay sabay na nabasag ang mga picture frame na nakasabit sa dingding.

"AHHHHHHHHH" lahat kami ay napatingin sa itaas. Shit si Azuki! Patuloy pa rin ang pagtagos ng bala sa apat ng sulok na bahay na to. Gusto kong tumakbo paakyat at hilahin si Azuki palabas ng kwarto nya at palabas ng bahay na to. Alam kong hindi pupwede dahil mas lalo kaming mapapahamak pareho kung basta basta ko sya hihilahin ng wala akong plano.

"Nob EG, you know what to do." malakas na sigaw ni hyung Renn. Ikinasa ni Kaede ang bala nya sa baril na nakasuksok sa pantalon nya.

"Putangina talaga. Napaka wrong timing." huli nyang sabi bago tumingin sa paligid saka umalis. Sinilip ko kung okay lang ba ang lahat. Nakita kong sunod sunod na lumuhod ang tatlo sa magkakabilang direksyon ng bintana. At nangyari na nga ang mangyayari. Nagpalitan ng bala ang mga kalaban at ang nasa Upper Emerald Green Nobility. Unti unting nababawasan ang ulan ng bala sa bahay pero alam kong hindi nila mapapatay ang lahat gayong marami ang nasa labas.

"Kung sumugod na kaya tayo sa labas!?" sigaw ni Jirou.

"Gago ka ba. Di tayo handa." sagot ni Renn. "Jirou at Shinji, puntahan nyo si Azuki sa taas. Kailangan na nating tumakas dito. Don't make a move unless I told you so." agad namang sumunod ang dalawa at mabilis pero maingat na umakyat. Lumapit sakin si hyung Renn para pag usapan kung anong gagawin.

_____

"Psst." tawag ko sa atensyon nila. Ang ilan ay tumigil at tumingin sakin at ang iba ay patuloy pa rin. "Tangina, dami nyong bala ah." bulong ko sa sarili. Tinutukan ako ng isa ng baril. Ramdam kong lumakas ang kabog ng puso ko kahit na may mas malala pa kong napagdaanan rito.

I can see his tattoo. He's also a knight. And it seems like he's the boss here. Putangna, bakbakan na to.

I smirked and kneel. Ibinaba ko ang baril ko sa lapag at itinaas ang pareho kong kamay. I look like I'm surrendering. Tuluyan ng lumapit ang lalaking nakatutok ang baril sakin. "Okay na sana eh. Tanga ka lang." kumunot ang noo nya sa sinabi ko at napaigtad ng tumagos sa dibdib nya ang bala. Napaluhod ito. Nagpakawala pa ko ng isa sa dibdib para siguradong patay. "Sakto tol". Mukha namang narinig iyon ni Kaede. Lahat kami ay may special earphone sa kanang tenga. Maliit ito at talagang nakasuksok kaya hindi mahahalata unless makita nila ng malapitan.

Tumakbo ako sa likod ng isang sasakyan. Alam kong gumana ang plano namin dahil isa isang nadistract ang alagad nya at pumunta sa kinaroroonan nya. "Ready". Signal ko sa tatlo. Hinagis ko ang dalawang flashbomb na bitbit ko. Rinig ko ang mga daing at pag ubo nila. "Bingo." Binalian ko ng buto ang mga makikita ko na buhay pa. Talent ko yata to. Habang makapal pa ang usok ay sinakyan ko ang isa sa mga dala nilang sasakyan na may nakasaksak na susi.

"Back door." Utos sakin ni hyung Renn. Mataman kong tinignan ang daanan at baka may humarang sakin. Puta, hindi ako magdadalawang isisp na sagasaan yon kung kalaban sya. Nang makarating ako sa back door ay inuna nilang isakay si Azuki na walang malay at buhat ni Shinji. "Dali!" Kailangan na naming makaalis dito.

Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas kami ng buhay sa subdivision.

"Paksyet, muntik ng mawalan ng gwapo dito sa mundo." casual na sabi ni Keiji na parang walang nangyaring patayan kanina.

"Gwapo kamo? Baka gago." sabi ni Kaede. "Grabe yung bakbakan kanina. Ngayon na lang ulit tayo napasabak sa ganun ah."

Sinilip ko ang mirror sa harap at nakita kong wala pa ring malay si Azuki. Nakasandal ito kay Ryuu na hawak ang ulo nya. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa pagmamaneho. Pero makulit ang mga mata ko at gustong makita sya ulit.

"Sino kaya sa tingin nyo ang may pakana no--watch out Shiro!" nataranta ako sa sinigaw ni hyung Renn. Agad kong tinignan ang daan at may isang lalaki na nakatayo sa gitna noon ktabi ang isang big bike. Iniliko ko pakaliwa ang sasakyan pero hindi ako pumunta sa kabilang lane at agarang tinapakan ang brake. Muntik ko ng masagasaan ang tatanga tangang tao na to. Sa pangalawang pagkakataon ay huminga ako ng malalim.

"Sino ba tong hinayupak na to." kunot noong tanong ko sa sarili. Nakatayo pa rin sya at mukhang nakatingin sa amin. Ngayon ko lang napansin na may mask na nakatakip sa bibig at ilong nya. Lumabas ako ng sasakyan at sumunod sina Shinji, Kaede at Keiji.

"Magpapakamatay ka bang gunggong ka?" pinigilan ko si Kaede dahil mukhang susugurin na nya ang lalaki. "Eh putangina eh tignan mo ayaw pa umalis tsk." pagdadahilan nya.

"Sino ka?" sa tinanong kong iyon ay kita ko sa gilid ng mga mata ko na napalingon silang tatlo sakin. Hindi ba nila naisip na kalaban to kaya nakaharang sya sa putanginang daanan? "Sino ka!" pag uulit ko. Pinipikon ako ng isang to. Kapag ako hindi nakapagtimpi baka sapakin ko to agad agad.

"Hoy ano? Baka naihi ka na dyan." sabi ni Shinji.

"Tange, baka naman di sya nakakaintindi ng Tagalog. Englishin mo Shiro."

"Ikaw Keiji magsasuggest ka na nga lang yung pang bobo pa hay nako." sagot ko.

"Who are you?"

"Pang bobo pala ha."

"Shut up Keiji." suway ni Kaede.

"You don't know me but i'm no harm to you. There are six cars heading this way. They have the alas to kill Azuki instantly."

"Shit englishero nga." tulalang sabi ni keiji.

"Putangina mo Keiji manahimik ka dyan. Nangigigil na ko sayo!" bulyaw ni Kaede. Nagalit na ang dragon. "What do you mean by alas? And who the fuck are you? How did you know Azuki?"

Panay na ang busina ng mga sasakyan dito sa likuran namin. Baka nga malusaw na rin kami sa tinginan ng mga tao rito.

"You don't need to know. Now if you do as I say, you can escape from them."

"How can we make sure that you're telling the truth?" kailangan na yung sigurado. Baka mamaya ito pa ang maglagay samin sa panganib. 

"Let's say that I'm like her guardian angel sent by Kim Eun, her cousin. Go straight and when you see the first left, go left. Go straight from there and if you see the second right, go right. Kim is waiting. Do this, please." magtatanong pa sana ako ng sumakay sya sa bike nya at pinaharurot ito. Putanginang lalaki to, ang bastos!

Signal na namin yun para umalis sa lugar na to.

"Don't tell me magpapaniwala ka don?" bungad ni Jirou sakin. Hindi ko sya pinansin at tinignan si hyung Renn. Tumango sya. "Pag may nangyari satin." Sinunod ko ang sinabi ng lalaki at napadpad kami sa back road kung saan may mga nakahilerang resto at stores.

"Pamilyar to sakin." shit gising na sya. Gustong gusto ko syang tanungin kung ayos lang sya pero may gumawa na.

"Azuki! Kamusta pakiramdam mo? Ayos ka lang ba?" tanong ni Ryuu. 

"I used to came here." pagbabalewala ni Azuki sa tanong nya.

She used to came here?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top