BK 14: Condo


Shinji's POV
"What's this?" I pick up the card that fell from Azukis' blanket. Kulay puti ito at may lasong kulay ginto.

"Oy ano yan? Love letter ba yan ni Renn sayo Shin--puta" siniko ko ang gagong si Kaede. Sa tingin nya ba bibigyan ako ni Renn ng card? Tsk.

I flip the card and found out that Azukis' name is on it.

I heard her little gasp.

"A-akina yan Shinji!" Sigaw nya pero mas lalo kong inilayo sa kanya ang card. Tumayo ako at saka ito binuksan. Di ko pa nababasa ang nakasulat sa loob ay bigla itong hinablot ni Jirou. Tangina!

"Take rest and please drink your medicine, okay? I'll just be here, if you need someone." basa nya. Hinablot ito ni Ryuu mula sa kanya. Bakit may hablutang nagaganap rito.

"Salam-i bil-eo meog-ul nom-ui?" Nakakunot noo nyang tanong. [Who's this fucking bastard?]

"May nagpadala daw ng sulat na yan pero hindi nagpakilala kung sino." Nakatungong sambit ni Azuki. Tsk, manliligaw na nga lang hindi pa nagpakilala.

"Wala tong kwenta. Dapat dito tinatapon" sabi ni Shiro. Inagaw nya ito at nilukot lukot atsaka shinoot sa basurahan sa tabi ng mesa.

"Bakit mo tinapon? Aish! Bwiset ka talaga Shiro!" Sinamaan nya ng tingin si Shiro. Ang gago naman nakangiti pa.

"Kung manliligaw sya, humarap sya dito. Wag syang duwag" lumapit si Shiro kay Azuki na may dala dalang isang mangkok ng lugaw. "Gwaenchanh-a?" Sinundot pa nya ang pisngi nito. [Okay?]

"Aaa-mm" tangina nitong si Shiro. Sisigaw na sana si Azuki pero sinubuan sya ni shiro ng lugaw.

May hinala ako kung sino ang nagpadala ng sulat. I want to say that it's Jiwon but it's not confirm yet.

Azuki's POV
Kalalabas lang ng bangtan mula dito sa kwarto ko. Alasyete na ng gabi at mga nakauniform pa sila. Sila na rin ang nag-ayos ng pinagkainan namin. No, let me rephrase that. Pinagkainan NILA.

Bwiset lang talaga si Shiro at sinubuan pa ko ng lugaw. Letche ibuga ko sa kanya yun eh. In the end kaunti lang naman ang nakain ko. Si Renn talaga ang umubos ng lugaw. Bakit kaya hindi tumataba ang isang iyon kahit kain ng kain? At bakit rin hindi tumatangkad si Kaede kahit matakaw din?

Someone knock at the door.

"Azuki?" Omg si dad yun ah. Alam nya kayang may sakit ako?

Of course, daddy mo yan eh.

"Pasok dad" gulo ko noh? Minsan dad, minsan naman daddy. Pareho lang naman yun ng meaning.

Pagpasok nya ay lumapit sya sakin at guess what? May dala syang maliit na red box.

"How are you, anak? Don't forget your health. Naiintindihan mo ba? You're in danger now, yes. But ingatan mo ang sarili mo." Sambit ni dad pagkaupo nya dito sa tabi ko. Hindi man kami madalas magkita dahil sa 'business' nya, alam ko namang concern sya sakin.

Malamang anak ka nya.

"Yes dad, I will" he kissed me on the top of my head. On that moment, I feel so safe, really. Napangiti na lang ako ng palihim.

"I have a surprise for you. See this?" Tinaas nya yung box at inalog-alog. Ano kayang laman nun? Car?

Kasya ba dyan yung kotse, Azuki?

I mean susi ng kotse! Ikaw kanina ka pa sabat ng sabat eh!

"I brought you a condo" nalaglag naman ang panga ko sa sinabi nya. Binuksan nya yung box at may iniabot saking card.

"C-condo dad? Bakit po?" I scan the card and it says 'unlimited'. Ano yun?

He patted my head. "Listen to me." Hinawakan nya ang magkabila kong balikat. "I want you to live wherein there's no threat. Threat that somebody or someone's gonna kill you. In this house, you don't know who's your real friends."

"Y-you mean dad sa bahay na ito ay may nagtatagong kaaway?"

"Yes, Azuki. I don't know who are they, I'm planning to move to a different place as well, but it will take time. For now, you're gonna be away from me again. I want you to live peacefully. Yung walang mangaagrabyado sayo." Tumayo sya at naglakad pabalik balik sa harapan ko.

"With who?"

"Of course, with Bangtan. I'll assure you, you will be safe as long as nandyan sila. Okay?" I smile again when he handed me the box. "Buy what you need in your new condo. It's unlimited so you can buy whatever you want."

"But dad, ngayon pa lang kita nakakasama. Sa iisang bahay. Tapos magkakahiwalay na naman tayo?"

"I know, i know Azuki. But this is for your own sake. Paneamantala lang to. One day, you'll understand me. You'll understand everything. You'll understand why I'm doing this. Just trust me. And your knights."

I just nod and smile at him "You have my trust dad. Thank you." i kiss him on his cheeks.

"Anything for you, my daughter" labag man sa kalooban ko ay sumang ayon na ako. Alam ko namang wala akong magagawa. Alam kong ayaw nya rin na magkahiwalay kami ulit.

---

Kinabukasan

"Wow" nandito kami ngayon sa tapat ng bagong condong binili sakin ni dad. Ang ganda at ang linis dito. At sa kinamalas malasan ko nga naman, binili rin ni dad ng condo ang bangtan. Magkakatabi pa kami! Paanong peaceful ang sinasabi ni dad?

"What's your passcode?" Tanong ni Shinji.

"Woah engrish men!" Sigaw naman ni Kaede. Itong lalaking to laging nakasigaw.

"Kailangang alam nyo? Gumawa din kayo ng sa inyo noh. Kokopyahin nyo pa tong akin" dapat iba iba ang passcode namin. Dito kasi may passcode para makapasok ka. Akala ko nga susi ang pambukas nito.

Pinitik naman ako ni Keiji sa noo. "Aww! Bat ka namimitik?" Hinimas ko yung noo ko. Bwiset to.

"Kailangang alam namin yung passcode mo para madali kaming makapasok"

"Kailangang mamitik!?" Tumawa lang sya. Letcheng kabayo to may dala pang damo eh.

I type my passcode. "533"

"Bakit 533 ang pass mo?" Tanong ni renn.

"Azuki has 5 letters. Sun has 3 and Eun has 3." Pagpapaliwanag ko. Kung yung iba date ng monthsary or anniversary nila, ako hinde.

Eh pano wala ka namang boyfriend.

"Binigyan nga pala ako ni dad ng card pang bili ng gamit sa loob ng condo. Unlimited to, bilin nyo na rin yung sa inyo" ipinakita ko yung card. Nagtatatalon naman sila. Yung iba sumasayaw pa. Hindi silang lahat. Yung mga baliw lang. You know who.

Pumasok kami sa loob at ang lamig dito. Bukas yung aircon at naka todo pa. Buti na lang at naka long sleeves ako. Centralized pa kaya sakop na sakop yung sala. May isang kwarto dito. Medyo malaki at may bintana sa magkabilang gilid. Pero yung bintanang yun, glass at matatanaw mo ang nasa labas. Tanging kama, flat screen tv at dalawang sofang mahahaba pa lang ang gamit dito, isama mo na rin yung aircon.

"Renn hyung maawa ka sa dingding" sabi ni Ryuu.

Anong ginagawa ni renn sa dingding? Nakasandal sya rito at parang finifeel pa. Jusko eh ano bang meron sa dingding? Kulay pink lang naman yung wallpaper nito?

"Pink kasi kaya ganyan" sabay tawang sambit ni Kaede. Mahilig pala sa pink tong si Renn. Pffft.

Lumapit naman sakin si Ryuu at sinipat ang noo ko.

"May sinat ka pa. Baka mabinat ka kung bibili ka ng mga gamit." Ani nya. Ano yun? Sila bibili ng gamit dito? Nako mag aaway away pa yang mga yan.

"Kaya ko na to. Trust me" nakangiti kong sagot sa kanya. Napabuntong hininga lang sya.

"Pasaway ka talaga" aniya nya pa.

"Mamaya na tayo bumili ng gamit. Mag almusal kaya muna tayo noh?" Di pa kasi kami nag aalmusal. Dumiretso agad kami dito sa condo. Eh pano kasi si Keiji excited. Di kami tinantanan hanggat di namin sya dinadala rito. Sarap iwanan sa bahay.

Hinanap ko si Dad kanina sa mansyon pero sabi ni butler nasa New York daw. Ano bang gagawin ni Dad dun? Nandun din si Kim ah. Bakit wala akong kaalam alam sa mga nangyayari sa paligid ko? Bakit di sinabi ni Dad na pupunta sya don?

"Renn hyung dito ka lang ba? Kakain kami sa baba." Tanong ni Jirou. Napalingon naman agad si Renn at nauna pang lumabas.

"Pagkain lang katapat nyan" dugtong nya pa. Napailing na lang ako.

---
A/N: Hello happy 1.02k reads! Thank you so much for supporting this story. Every votes and comments are highly appreciated. Don't hesitate to criticize my work. It will help me to improve. Saranghae!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top