BK 13: Card


Azuki's POV
Patuloy ako sa pagmumuni muni hanggang sa may kumatok.

"Pasok po" sigurado akong si butler na yan.

And i was right. Pumasok sya na may dala dalang pagkain.

"Lady Azuki, may natanggap po kaming card. Para sa inyo daw po" nilapag nya yung pagkain sa bed ko. Syempre may patungan yon. Yung parang breakfast in bed.

"Po? Kanina daw po galing?" Inabot nya sakin yung puting card. Naka embossed dito yung pangalan ko na color gold. Pati yung ribbon nito ay gold din.

"Hindi ko po alam lady Azuki. May dumating pong lalaki pero hindi nya po sinabi kung kanino galing."

"Sige po. Salamat butler" nakakapagtaka. Sino yung lalaking dumating? Alam nya ng adress ng bahay namin. Paglabas niya ay nilock ko ang pintuan. Mahirap na, wala ang Bangtan, si Dad at si Kim. Ako lang mag isa dito sa mansyon kasama si butler at mga maids. Kung tutuusin ay safe naman talaga ako dito pero mabuti na yung sigurado.

Nagpalit muna ako ng pajamas. Hininaan ko rin ang aircon dahil konti na lang ay maninigas na ko sa lamig. Naupo ulit ako sa kama at nagsimulang kumain. Grabe gutom na gutom na ko. I haven't eaten anything yet since this morning, Pero kapag ikaw ay may sakit at malas, wala kang malalasahan! Pano ko maeenjoy to? Aish kainis!

Konti lang ang kinain ko. Sigurado akong masarap ang pagkain na dinala ni butler. Napansin kong may thermometer at gamot sa gilid. Kinuha ko yung gamot at ininom.

Ginamit ko rin yung thermometer to check my temperature. I saw that it is currently at 38.5. Ang init ng katawan ko pero nilalamig ako. Kaya ayokong magkakasakit eh. Ang panget ng pakiramdam. Nilagay ko yung mga pagkain sa table dun sa malapit sa sofa.

Sa wakas ay makakatulog na rin ako.

Renn's POV
"Sa tingin mo hyung, kanino galing yung mga lobo?" Tanong ni Jirou. Kahit ako ay hindi ko rin alam kung kanino galing yun.

Kani kanina pa dumating si Ryuu. At putangina nakangiti pa.

"Nasan si Azuki?" Napatingin kami sa nagtanong.

"Gago ka talaga Jiwon. Ang lakas naman ng loob mong lapitan kami matapos ng ginawa mo kay Shiro?" Kinuwelyuhan agad ni keiji si jiwon. Hinarang naman agad ito ni Shiro. Wag mong sabihing ipagtatanggol nya yang bumugbog sa kanya?

"May lagnat sya" diretsong sagot nya rito. Tumango lamang siya saka kami pinasadahan ng tingin. May magagalit kaya kung tanggalan ko to ng mata. Tumalikod sya at umalis.

"Shiro ano yon? Bakit mo sinabi? Ha!?" Galit na sigaw ni Ryuu. Hindi naman ito pinansin ni shiro.

May hindi ba ko alam sa mga nangyayari?

"Sa tingin ko mayroon tayong dapat pagusapan" sambit ko sa kanila. Pumasok kami sa loob ng room. 2 subjects na lang at matatapos na ang klase.

---

"Class dismiss"

"HOORAY!"

"PUTANG INA KAEDE KAILANGANG ISIGAW SA TENGA KO?" galit na sigaw ni Jirou. Wala man lang pasintabi tong mga ugok na to. Sigaw ng sigaw, nasa loob pa kami mg classroom.

"Tama na yan. Tara na." Awat ko sa dalawa.

Napansin kong nakatingin samin si Jiwon. Tinignan ko sya at aba ang gago nakipagtitigan pa.

"Hyung pano kaya kung bumili tayo ng pagkain para kay Azuki?" Suhestiyon ni Keiji.

"Tapos si Jirou lang ang uubos? Wag na" sabi ni Shiro.

"Lah!" Apila naman ni Jirou. Ito talagang si Shiro mahilig mang asar.

"Magluto na lang tayo ng lugaw" sabi ko, gagastos pa kami eh may international chef naman which is ako. Sumang ayon naman sila. Dapat lang. Mas masarap pa luto ko kesa sa inyo.

Nagtungo kami agad sa parking lot. Pagkasakay sa sasakyan ay pinaharurot ko ito at ang mga loko prenteng prente lang na nakaupo.

Ilang minuto lang ay nasa vilage na kami. Oo nasa village ang bahay ni Tito Dave. Nagtataka siguro kayo kung bakit sa village kami nakatira gayong maraming kaaway ang mga Eun. Naniniwala kasi sila na mas safe pag nakihalubilo sa ibang tao kesa tumira sa isang lugar na tago.

Pagkapark ay patakbo kaming lumabas.

Tinungo namin ang kusina. Walang palit palit ng damit. Kumuha si Shinji ng apron at ibinigay sakin.

[Shinji] "PUTA KA SHIRO! UMALIS ALIS KA SA HARAPAN KO AT DUN KA MAGBALAT NG MANSANAS SA TABI NI RYUU!"

"Subukan mong tumabi sakin"

Ano na naman bang kabalbalan ang ginagawa ni Shiro? Humarap ako sa sa direksyon nya at--

"Anong kagaguhan yan shiro joon-woo?" Puta, padalos dalos kung magbalat ng mansanas. Kulang na lang ay tamaan si Kaede na katabi nya.

"Eh kasi naman hyung hindi ko mabalatan" sabi nya. Si Keiji naman ay tawa ng tawa.

"Alam mo hyung-" hindi nya matapos tapos ang sinasabi nya kakatawa
"-sinubukan nya yung, yung, puta"

"May naintindihan ako sa sinabi mo Keiji" sabi ni Shinji at pumalakpak.

Tinuloy ko na ang pagluluto ng lugaw. Puro kagaguhan ang alam.

"Sinubukan nya kasing gamitin yung kutsara sa pagbabalat!" Pagtutuloy ni Keiji na hindi pa rin mapigilan ang pagtawa.

Maya maya lang ay tapos na ko sa pagluluto.

"Dalhin na natin to sa taas" ibinigay ko kay Kaede yung kaldero. Kumuha naman ako ng walong mangkok atsaka ng mga kutsara. Nagtimpla na rin ng juice si Keiji. Tapos na rin magbalat ng mga prutas si Shiro at Ryuu.

Bago umakyat ay sinabi ko kay manang na magluto pa rin ng hapunan.

Azuki's POV
Naramdaman kong may umupo sa kama dahil parang may lumubog. Kahit masakit ang mata ko ay dumilat ako.

Bumungad sakin ang nakakabanas na mukha ni Keiji. Tinignan ko lang sya. Nilagay nya ang palad nya sa noo ko. "Hmm" I softly groan.

"Shit ang init mo." Sabi nya. Malamang Keiji may sakit ako eh.

Kahit hirap ako bumangon ay sinubukan ko pa ring umupo. Nakita ko silang naghahanda ng lugaw. Natakam tuloy ako. "Bakit naka uniform pa kayo?" Wag mong sabihing dumiretso sila sa pagluluto ng lugaw?

"Tara nga kayo dito." Lumapit naman sila at naupo sa kama.

Ngumiti ako ng malapad saka sila isa isang binatukan.

"AWW!"

"PUTANGINA!"

"HOLY SHIT!"

Apila nilang lahat. Niyakap ko sila.

"GROUP HUG!" sabay sabay nilang sabi. Naapreciate ko lahat ng ginagawa nila para sakin.

Isa isa silang kumalas sa yakap ko at guess what?

Isa isa rin nilang ginulo ang buhok ko. Aish! Pero nakakatuwa kasi all smiles pa sila habang ginagawa yun. Kahit si Ryuu na kanina lang eh hirap akong pangitiin ay ang lapad na ng ngiti ngayon.

Pinaghanda ako ni Renn ng isang mangkok ng lugaw. Sad to say wala akong malasahan.

"A-ah ano kasi Renn wala akong malasahan" nakatungo kong sabi. Ayokong masayang yung effort nila pero kasi naman!

"Kahit tatlong kutsara lang" sabi ni shiro na kumakain na ng lugaw. Nakaupo sya sa gilid ng kama.

"Lugaw nga di ko makain, kutsara pa kaya" pamimilosopo ko. Kita ko namang napasmirk sya at tumingin sa gilid nya at umiling iling.

"Aba't-- may sakit ka ba talaga? Eh nagagawa mo na ngang mamilosopo dyan"

Binelatan ko sya. "Wala na kong sakit. Magaling na ko hehe. Keiji pakuha naman nung mga prutas" katabi nya lang kasi. Iniabot naman nya sakin agad.

"Ako nagbalat nyan!" Pagmamalaki ni Shiro. Kaya pala may mga balat balat pa ng mansanas, sya pala nagbalat, psh.

"Muntik mo pa ngang masaksak si Kaede" sabi ni Renn. Pag talaga kasama si Shiro, di mawawalan ng katangahan moments.

Tinanggal ko yung kumot ko sakin at ibinaba hanggang paa. Pagkababa ko ng kumot ay may tumalsik na isang card. Nanlaki ang mata ko. They're not supposed to know or read that letter!

Omg yung card!

Nadampot agad ito ni Shinji.

---
A/N: Sorry for the late update. I change the name of the character, yung bangtan lang naman. Since may nagsuggest na rin at matagal ko na ring gustong gawin to. So if ever naman na may character na hindi ko napalitan ng pangalan, please inform me. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top