BK 12: Balloons
Last chapter, kumakain sila. This chapter kumakain pa rin sila. Kainan everywhere.
_____
Azuki's POV
*Kinabukasan*
"Woooooh! Sarap nito ah!"
Kanina pa ko nakatulala dito. Kaharap ko si Shinji na kinuha na lahat ng bacon at inilagay sa plato nya. Nag aalmusal kami ngayon-let me rephrase that-nagaalmusal sila ngayon.
Wala ako sa sarili simula pa kahapon. Hindi ko na nga nasagot yung tanong ni Jirou kahapon. Magkakalahating oras na yata akong nakatulala lang dito. Masyado akong busy sa pagiisip para mapansin kung anong ginagawa ng Bangtan.
"Azuki yung juice mo ininom ni Renn"
Hindi ako mapakali. Iniisip ko pa rin kasi kung kanino galing yun. Di kaya kay Daddy? Eh kung bibigyan ako ni Daddy ng boquet hindi na nya iiwan yun sa labas. Bibigay na nya sakin yun diretso.
"Azuki yung ham mo kinuha ni Renn"
Kung hindi si Dad, sino? Don't tell me may secret admirer ako? Assuming ko talaga! Di kaya isa sa mga kaklase ko? Eh pano niya nalaman kung saan ako nakatira?
"Azuki yung pagkain mo inubos ni Renn"
Waaaaah! Sino ka bang nilalang ka? Nag iwan ka ng boquet tapos di ka magpapakilala? Abnormal!
"Ay abnormal ka!" Nagulat ako ng hipan ni Kaede ang tenga ko. Bwiset to.
"Baka ikaw. Yung pagkain mo inubos na ni Renn hyung tapos nakatulala ka lang dyan" tinignan ko yung plato ko at oo nga wala ng laman. Pati yung juice ko ubos na rin.
Walangya.
Tumayo ako at saka lumabas ng bahay. Narinig ko pa silang tawagin ang pangalan ko. Umupo ako sa bench dito sa garden. Dito ko na lang sila iintayin. Papasok na kasi kami. Sa cafeteria na lang ako kakain ng almusal. Sa totoo lang wala naman talaga akong ganang kumain, ang tamlay ko nga ngayon eh. Tapos pansin ko, ang init ng mata ko. I mean yung parang maiiyak ka kasi parang mahapdi ganon. Parang gusto ko lagi akong nakapikit.
"May problema ba Azuki?" Tanong ni Shinji. Nandito na pala sila sa labas. Bilis ah.
"Tangina?" Rinig kong pagmumura ni Ryuu. Lumapit naman si Kaede sa gate. May mga nakatali doon na mga heart shape balloons. Bat di ko napansin yon?
Nako po. Sana hindi para sakin yan. I cross my fingers. Dagdag isipin na naman yan.
"Azuki? Sino nagpadala ng mga to?" Lumapit sakin si Kaede habang hawak yung isang balloon. May nakasulat nga na pangalan ko. Aish! Sino ka ba talaga?
Nagulat kami ng isa isa itong pinutok ni Shiro. Nakisali na rin ang ibang mga loko. Aba walangya tong lalaki na to ah.
"HOY ANO BA KAYO? INYO BA YAN HA? INYO!?" Makaputok naman kase ng lobo parang kanila! Hindi ko man lang nga nahawakan o nakita ng mabuti.
Aish!
"Malay ba natin kung anong laman nyan!" Sigaw ni Shinji. Agad naman syang binatukan ni Keiji.
"Malamang Oxygen laman nyan! As in hangin! Di ka nag iisip tsk tsk." Ayun! Bumalik sa kanya yung batok nya. Binatukan sya ni renn.
"Gago Helium laman nyan hindi Oxygen bobo"
Pfftt kabobohan kase wag pinaiiral.
"I mean it's possible na may maliit na camera or tracker sa loob nyan." Sabi ni Shinji na pinulot lahat ng mga pinutok nilang lobo.
He have a point. Di ko naisip yun ah. Wala naman silang nakita kaya tinapon na nila lahat.
Nauna na kong sumakay sa kotse. As usual yung pwesto ko eh napaliligiran pa rin nila. Kailangan ko na palang mag aral magdrive. For some purposes.
Ang lamig naman! Inayos ko yung maliit na aircon at itinutok kay Keiji, sya kasi yung katabi ko. Hindi naman sya nagreklamo. Ipinikit ko ang mga mata ko. Hanggang sa makarating kami ay nakapikit pa rin ako. Parang gusto ko lang matulog.
Nauna akong bumaba at nagtatatalon para magising ang diwa ko. Tinignan lang ako ng Bangtan na para bang nakakita sila ng baliw.
"Azuki anong tinira mo?" Tanong ni Keiji.
"Masama bang tumalon? Ha? Tinira agad!?" Nag jumping jacks ako ng limang beses. Pero bakit ganun? Walang epekto. Gusto ko talaga nakapikit lang ako.
"Tara na nga. Epal kayo eh" hinawakan ko ang strap ng bag ko. Shemay, nahihilo ako. Tinignan ko ang paligid at para bang umiikot ito. Napatigil ako sa paglalakad at naramdaman kong huminto rin sila.
"Azuki!" Last thing I heard before everything went black.
---
[Jirou] "Inubos mo kasi yung pagkain nya. Yan tuloy nahilo sya"
[Kaede] "Lagot ka renn hyung"
"Tama na. Hoy ikaw pandak tumahimik ka dyan. Walang may gusto nito"
"MAKAPANDAK SHINJI AH. PORKET MATANGKAD KA DYAN?"
Nagising ako dahil sa kaingayan ng mga loko. Puting kisame ang bumungad sakin. Sa tuwing magigising na lang ba ako ay puting kisMe ang una kong makikita.
"Omygod n-nasan ako?" Naupo ako pero takte ang sakit ng ulo ko. Napahiga ulit ako na hawak ang sentido ko. Napapikit ako.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin na may sakit ka?" Sa tono palang ng boses nya alam kong seryoso sya. Kahit hindi ko tignan ay kilala ko kung sino ang nagtanong.
"Hindi ko naman alam na may sakit--anong sakit ko!?" Umupo ulit ako pero walangya ang sakit talaga ng ulo ko. Di kaya may brain cancer ako? O kaya may tumor sa utak ko? Waaah di pa ko handa!
Pinitik niya ang noo ko. "May lagnat ka."
"Hoy Ryuu sino may sabi sayong pitikin mo ko? Masakit ah!" Hinimas ko yung noo ko. "Gusto ko ng umuwi Bangtan. Papasundo na lang ako kay butler, bumalik na kayo sa klase mga loko." Kinapa ko sa bulsa ng palda ko ang cellphone ko. Wala. Nasan na yun?
"Ito ba?" Shiro slightly wave his hand with my phone on it. Abnormal na nga mandurukot pa.
"Akina nga yan!" Hinablot ko sa kanya yung phone ko. Nakaupo kasi sya malapit sakin kaya abot na abot ko.
"Ako na maghahatid sayo" malamig na sabi ni Ryuu pagkatapos ay lumabas sya.
Napakunot naman yung noo ko. "San yun pupunta? Hahatid nya daw ako pero lumabas na"
Pumasok ulit sya dito na may dalang papel. "Tara na" inalalayan nya kong makatayo saka hinawakan ang wrist ko. Ge insisted na sya na daw magdadala ng bag ko. "Susunod na lang ako sa room" paalam nya sa anim. Bangtan just pat my head at saka isa isang ngumiti sakin. Tinignan ko siya pero tumalikod na sya at saka naunang lumabas. Nalungkot ako bigla.
Lumabas na rin kami. Ngayon ko lang napagtanto na nasa clinic pala kami, shunga ko talaga. Dumiretso kami sa parking lot. Pinagbuksan nya ako ng pintuan. Ang genteleman nya ha, wow. Pagkasakay ay pinaandar nya agad ang kotse.
"Nahihilo ka pa?" Tanong nya. Bakit ang cold nya magsalita? Ang lamig ng boses nya. Gusto ko lang lagi makita yung makulit nyang side. Medyo nakakatakot sya pag ganito eh.
"Ryuu" i poke him on his arms.
"Hmm?" Hindi sya nakatingin sakin. Diretso lang ang mata nya sa daan.
"Ryuu" i poke him again. "Ngiti ka nga" nakangiti kong sabi. "Please?"
Hindi nya ako pinansin. Nakatuon pa rin ang focus nya sa daan.
"And why?" This time, parang tinatago nya lang ang tawa sa boses nya.
Sumandal ako sa headboard ng upuan. "Wala. Ang seryoso mo naman kasi eh. I'm perfectly fine if you're still worried about me."
Tumingin ako sa kanya saglit saka binalik ang tingin sa daan. Nakarating na lang kami sa mansyon na hindi pa rin sya ngumingiti.
Pinagbuksan nya ulit ako ng pintuan. Wow naman Ryuu Minso, ikaw na.
Hinatid nya ko hanggang sa loob ng kwarto ko. "Listen, I just want you to do one thing." May sakit na nga ako tapos may papagawa pa sya sakin. Kumunot ang noo ko. "I want you to rest and only rest. Okay? I'll tell a maid to make you a soup." Pagkasabi nya yun any ginawa nya ang kanina ko pang hinihiling na gawin nya. He smiled.
"Okay!" Nag thumbs up ako at saka ngumiti rin. "May gusto rin sana akong gawin mo. Gusto ko ngumiti ka lang gaya ng ganyan. Alam mo bang mukha kang masungit pag nakapoker face lang?" Tumawa sya at ginulo nya ang buhok ko.
Is this for real!? Napatawa ko sya ngayon! Siguro ay baka dahil naihatid na nya ako dito sa bahay at siguradong ligtas na ako dito at makakapagpahinga.
"Thank you sa paghatid Ryuu." I wave my hand on him. Pag alis nya ay pasimple akong bumaba at saktong nakasalubong ko si butler.
"Butler, si Kim po?" Hindi ko sya nakita simula nitong umaga.
"Lady Azuki, magpahinga na po kayo. Hinabilin na po kayo sa akin ni Knight Ryuu. Si lady Kim po ay nasa New York. Kaaalis nya lang po kaninang madaling araw."
"Ano pong ginawa ni Kim sa new york?" Ang alam ko kasi ay dito na rin sya magaaral. Kaya bakit sya bumalik doon?
"Hindi ko rin po alam lady Azuki."
"Ah sige po. Butler pag naluto po yung soup na niluluto ni manang pakidala na lang po sa taas. Salamat po"
"Sige po" umakyat na ko sa taas at agad humiga sa kama.
Magtatanghali na at sigurado akong kanina pa ko binabantayan ng pito dun sa clinic kanina. Nagtataka nga ako at bakit lahat sila binantayan ako. Isang bantay lang ayos na ko. Ayoko namang umabsent sila ng dahil lang sakin kaya napagisipan kong umuwi na.
Naisip ko na naman ang mga kinikilos nya. Bakit ba ko naapektuhan sayo? Wala pang isang buwan kitang kilala pero bakit ganito? Bakit nung tumalikod ka kanina at nauna ng lumabas, nalungkot ako? Bakit?
Ano bang ginawa mo sakin, Shiro?
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top