BK 11: Boquet
Azuki's POV
Paglabas ko ng kwarto ni Kim ay bumuntong hininga ako. I compose myself and started walking. Malalaman ko rin ang lahat. Fighting!
"Shiro?" Tumigil ako dahil nakita ko syang naglalakad sa may hallway, sa tapat lang ng kwarto nya. Bakit parang nanghihina sya? Hindi sya makapaglakad ng maayos. "Shiro! A-anong nangyari sayo?" Tumakbo ako para alalayan sya sa pagkakatumba nya. Nanlaki ang mata ko ng makitang may sugat sya sa labi at puro pasa ang katawan nya. Omygod nakita na ba to ng Bangtan? Nasan na ba ang mga yun?
Inalalayan ko syang makapasok sa kwarto nya. Iniupo ko sya sa couch. Jusko ano bang pinagagagawa nitong lalaking to? Nagpabugbog? Sumali kaya to sa fraternity?
Fraternity!? Binitawan ko sya dahilan para mawalan sya ng balanse. "Shiro Joon-Woo, sumali ka ba sa fraternity?" Nakapameywang ko pang tanong.
"Hahahahahahaha!" Eh? Tinawanan niya lang ako. Tawa lang sya ng tawa habang nakaturo sakin.
"Hoy aba Shiro susumbong kita sa Bangtan" tumigil na sya pero mahahalata mong nagpipigil pa sya ng tawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Hindi ako sumali sa fraternity. Baka si renn hyung, frating gutom hahahahaha!" And the laughing continues. Piningot ko ang tenga nya. "Arrayyy Azuki!" Daing nya.
Binitawan ko naman agad. "Ikaw puro pasa ka na nga puro ka pa kalokohan" pumasok ako sa banyo at kinuha ang first aid kit mula sa maliit na cabinet. Lahat ng kwarto dito ay mayroon nito.
Seryoso, hindi ako sanay makita ang ganitong side nya. Him in his weak state. Nanghihina talaga sya. Kahit tumawa sya ay nakikita kong may masakit sa kanya.
Teka nga! Inoobserbahan ko ba sya? Erase erase! Tandaan mo Azuki, naiinis ka sa kanya ngayon. NAIINIS KA SA KANYA NGAYON.
Tama! Naiinis ako sa kanya! Paglabas ko ay nakita ko syang nakangiti. Nababaliw na naman to.
"Sino bang may gawa nyan?" Umupo ako sa tabi nya at sinimulang lagyan ng betadine ang bulak. Pagkatapos ay binigay ko sa kanya yung bulak.
"Anong gagawin ko dito?" Nakakunot nyang tanong habang hawak hawak yung bulak.
"Gamutin mo na yang sugat mo" tumawa sya ng mahina.
"Bakit hindi ikaw ang gumawa?" Aba inutusan pa ko. Isalpak ko yang bulak sa bibig nya eh.
"Inalalayan na nga kita pagpasok dito tapos ako pa gagamot sayo? May kamay ka naman" inirapan ko sya. Sumandal ako sa sofa para makita ang mga pasa nya sa braso.
Tumawa na naman sya. Ito pala nagagawa ng mga pasa nya, napapatawa sya. Abnormal diba? "Sino ba kasing may sabi na alalayan mo ko dito? Isa pa, hindi naman ako dapat papasok ng kwarto. Dapat pupunta ako ng kusina para kumain."
"Talagang nanumbat ka pa ah. Akina nga!" Kinuha ko sa kanya yung bulak. Andami nyang pasa as in. Paano nya nagagawang tumawa ng tumawa. How can he pretend that eveything's fine and there's nothing to worry about?
Sinimulan ko ng dampian ang labi nya. Hindi ko maiwasang hindi mailang. Tagos tagusan ang tingin nya sakin. Omygod, parang may nagkakarera sa dibdib ko. Napadiin ang dampi ko ng hawakan nya ang kamay ko. Para akong nakuryente.
"H-hoy Shiro, ano bang g-ginagawa mo?" Nagtama ang mga paningin namin. Ako na ang unang umiwas. Parang lalabas na yung puso ko sa lakas ng tibok.
"I touched your hand because you put too much betadine on it"
Tumayo ako, letche napahiya ako ng konti don. "K-kuha lang ako ng pagkain" dali dali akong lumabas ng kwarto nya. Napasandal ako sa pintuan at hinawakan ang dibdib ko. Bakit ang lakas ng tibok nito? May sakit na yata ako.
Bumaba ako at nadatnan ko ang Bangtan sa sala. Mukhang seryoso ang pinaguusapan ng mga to ah. Dumaan ako sa gilid ng kusina para hindi nila ako mapansin. Manggugulo na naman ang mga yon. At parang may naguudyok sakin na pagtakpan ko ang kalagyan ni Shiro.
Pano ba magluto? Aish! Sa lahat ba naman ng alibi na maidadahilan pagkain pa. Pero gutom rin kasi sya. Pero hindi talaga ko marunong magluto. What to do? Kumuha ako ng frying pan pero sa kinamalas malasan nga naman nahulog yung kaldero at kawali.
Nakatiles pa man din yung sahig. Ang ingay! I heard some footsteps and I'm pretty sure na sila yon.
"Hoooh! Akala ko mga Bishop na" sabi ni Keiji na may pagbuga pa ng hangin.
"Nagugutom ka ba Azuki?" Tanong ni Renn na may hawak ng pan.
"Ah ano hinde. Si Shiro kasi" si Shiro kasi binugbog at maraming pasa tapos kayo nandito lang sa sala at nagchichill lang. Gusto ko sanang sabihin yon sa kanila.
[Shinji] "Kamusta naman siya?" Alam ba nila o hinde?
"S-si Shiro? Ah hehe nagpupushup dun sa kwarto nya" I cross my fingers on my back hoping na gumana ang palusot ko. Pag nagkataon kasi baka umabot pa to kay Daddy.
Eh ano ngayon?
"Pffft, tibay talaga ng gagong yun" nagpipigil na tawa ni Kaede. Buti naniwala sila. Galing ko talaga!
"Pagluluto na kita" sabi ni Renn. Buti pa sya sanay. Huhu ako walang kaalam alam.
"Susunugin mo lang ang kusina. Ako na magluluto" biglang sabat ni Kim na kabababa lang ng kwarto. Bakit parang laging nagtatalo tong dalawa na to?
"Mas masarap akong magluto kesa sayo" sambit ni Renn. Mag aaway na naman to walang duda.
"Para walang gulo, pareho na lang kayong magluto. Okay?" Paggitna ko. Pwede naman kasing pareho sila yung magluto.
"Okay/okay!" Sabay pa sila ah. Nagkatinginan sila pero inirapan lang sya ni Kim. Hmmm I smell something here.
---
Nagluto sila ng iba't ibang putahe. Pang dinner na daw kasi. Nilagay namin isa isa yung mga ulam sa tray. Yung kanin ay dinala na ni Kaede sa kwarto ni Shiro. Bibitbitin ko na sana yung isang tray pero kinuha ni Ryuu. Sabay na kaming umakyat dahil kami na lang ang nandito. Nauna na sila sa taas.
Pag akyat ay kumakain na sila maliban kay Shiro. Grabe nauna pa silang kumain ah.
OMYGOD!
Nakita na ba nila yung pasa nya? Alam ba nila na nabugbog sya?
"A-alam nyo bang nabugbog sya?" natatawa sila. Ibig sabihin alam nga nila. Pinahiya ko na naman yung sarili ko sa pangalawang pagkakataon. Ituloy mo lang yan Azuki.
Umupo ako sa tabi ni Kim. Si Ryuu naman ay sa gitna nila Shiro at Jirou.
Nagsimula na kaming kumain. Ang sarap nila magluto! Mapaparami kain ko nito. Pero waaah nakakahiya talagang kumain sa harap ng Bangtan.
Pansin ko lang, nakalimutan namin yung juice. "Kukunin ko lang yung juice." Ako na magkukusa. Wala naman kasi akong hawak kanina.
"Sigurado ka? Ako na lang" sabi ni Shinji.
"Ako na" nginitian ko siya at saka lumabas ng kwarto. Pagkababa ay narinig kong may nag doorbell. Narinig ko naman na may taong tumakbo sa taas dahil sa lakas ng yabag ng paa nito. Lumabas ako pero walang tao. May nantitrip ba dito? Mga batang hamog ganon?
Papasok na ko ng mahagip ng mata ko ang isang boquet sa gilid ng gate. Kanino galing to?
Kinuha ko yung bulaklak at inamoy. Ang bango nito at maganda ang arrangements ng mga bulaklak. Naghanap ako ng sulat para malaman kung sino ang nagpadala nito at kung para kanino.
"Sino?" Tanong ni Jirou na nasa taas. Iba ang boses niya. Ang lamig.
Ang tanging nakalagay lang ay Azuki. So para sakin to? Sino naman ang magbibigay nito sa akin?
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top