BK 10: King
Azuki's POV
Hindi ko mapigilang mainis kay Shiro. Nandito kami ngayon sa kotse at pauwi na. Oo, nag cutting kami or should i say nagcutting SILA. Hinatak lang nila ako papunta sa sasakyan.
Iniwan akong naguguluhan ni Shiro kanina. Hinanap sya ng Bangtan pero hindi nila ito makita. Kaya ngayon, pito lang kami dito. Naiinis ako pero nag aalala ako sa lalaking yun.
Kaya nya ang sarili nya.
Oo tama kaya nya ang sarili nya. Kayang kaya nya nga akong hatakin kaya imposibleng mapahamak pa yun. Pero waaahh! Bakit ako nag aalala? Naiinis lang dapat ako sa kanya. Naiinis lang dapat! Bahala sya sa buhay nya.
Dito ako sa harap naupo. Ayokong makita ang pagmumukha nila. Nabwibwisit ako sa kanila. Kanina pa nila ako tinatanong kung okay lang ako pero hindi ako sumasagot. Nakapikit lang ako. Hindi ko kasi sila maintindihan. Bakit ayaw nila kay Jiwon? Mabait naman sya, madaldal pa nga. Nung unang kinausap nya ako tungkol sa Bangtan akala ko nga rin ay may masama syang intensyon o balak sakin o samin. Pero nung nakasama ko na mabait naman pala sya. Wala akong makitang rason para matakot na baka ipahamak nya ako gaya ng naiisip nilang pito.
Pagkarating sa bahay ay lumabas na ko agad. Pero hindi ko inakalang may yayakap sakin mula sa likod.
"Pinsan!" Sigaw nya mula sa likod ko. Sino ba to? At bakit pinsan ang tawag nya sakin? Nagkamali yata to ng niyakap. Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sakin at hinarap sya.
"Nagkakamali ka yata miss" todo ngiti pa sya ng makita ako.
"Azuki! My god! Ang ganda mo. Magpinsan nga talaga tayo. Walang duda" Pano nya nalaman ang pangalan ko? At bakit nya ba ako tinatawag na pinsan?
Baka pinsan mo talaga yan, gaga.
"Ehem! Ehem!" Malakas na ubo ni Renn. Ubo ba yun parang sadya lang eh. Tumingin naman itong pinsan ko daw kay Renn. Inirapan nya to.
"Kim Hye Eun. That's my name." Inakbayan nya ako at naglakad kami papasok ng mansyon. Eun? Parehas kami ng apelyido ah.
Duh, pinsan nga raw.
Umupo kami sa sofa. Ganun din ang Bangtan. "Lumayas kayo dito. We need some privacy because this is girls talk" sabi ni Kim sa anim na nakataas pa ang isang kilay at naka cross ang mga braso.
"Living room to. Kung gusto nyo ng girls talk dun kayo sa kwarto. Kaloka." Sabi ni Renn na nakatingin ng mataray kay Kim.
Kanina pa mainit ang dugo nila sa isa't isa ah.
"Hmp! Let's go upstairs" hinatak ako ni Kim paakyat. Pansin ko lang, ilang beses na ba ko nahatak ngayong araw? Pakibilang para sakin. Mukha ba kong kahatak hatak na babae?
Nagpunta kami sa isang kwartong kulay pink yata ang lahat ng gamit sa loob. Teka bat di ko alam na may gantong kwarto dito? Kwarto nya yata to. Yung akin color gold na may black eh. Pinaupo nya ako sa kama. Sya naman nagtatatalon dun. Jusko parang bata rin to katulad ni Keiji eh.
"Azuki! I'm your cousin. Tito dave and my mother are siblings." Sabi nya ng nakahiga. Bigla syang umupo at inakbayan ulit ako. "Matagal na kitang gustong makasama Azuki. Ikaw lang ang nag iisa kong pinsan na babae dito. All of our cousins are boys. Yung ibang girls ay nasa ibang bansa." Nakapout nyang sabi. Ang cute nya infairness ah. Parang ako. Tumango tango lang ako. "I only came back here in the Phillipines because of you. I wanted to see you! God, i've never saw you personally since we were baby." Tumayo sya at pumunta sa isang cabinet. Doon ay may kinuha syang isang box at iniabot sakin.
"Ano to?" Magaan ang box na para bang wala namang laman.
"Open it" sinunod ko ang sinabi nya. Tumambad sakin ang ilang mga litrato.
Is this me? Sa isip isip ko.
"That's you. And that's me." Turo nya sa punit na litrato. We were still babies in this picture. Nakahiga kami sa isang kama at magkatabi. Naniniwala ako na ako ang isa sa mga baby. Gantong ganto ang itsura ko noon.
Bakit nga ba to punit? Hindi ko na natanong sa kanya iyon ng ibigay nya sakin ang isa pang litrato. It's us again. Kelan to? Ito ba yung araw bago ako iwanan ni Dad sa bahay ampunan?
Bumuntong hininga sya at saka nag indian seat katulad ng upo ko dito pa rin sa kama nya. Magkaharap kami ngayon. "I know na marami kang tanong my dear cousin. And i'm here para sabihin sayo ang ilan. Tito dave don't want me to do this but I insisted. Karapatan mo namang malaman ang ang alam ko. As I said, I don't know everything but I can give you some information that you want to know" Tumigil sya at saka kinagat ang ibabang labi nya. Feeling ko ay nahihirapan syang sabihin ang nalalaman nya.
"Tito Dave own a business. An underground business. He transacts items worth million and even billion. That is called transaction and later on they even start to bid it to powerful people. Our grandfathr started that kind of business because of—" Tumigil sya at tumingin sakin.
"Please tell me Kim" Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat. Hindi ko na maiwasang hindi maiyak. "Kaya ba? Kaya ba King ang tawag kay Dad dahil sa business nya? At namatay si Mom dahil sa pesteng underground business na yan? Tuloy tuloy ang bagsak ng luha ko.
"Kapag hindi ginawa nila Mom at ni Tito Dave ang business na ito ay mamamatay tayong lahat Azuki. Your Mom even handles the transactions." What? Pare pareho kaming mamamatay pag hindi hinandle ni Dad ang ganitong klase ng business?
LOKOHAN BA TO!?
"Pero bakit? Bakit tayo mamamatay? Bakit kailangan underground business ang ihandle ni Dad?" Pinunasan ko ang luha ko at saka pinakalma ang sarili ko.
"I don't even know Azuki." Wala bang makakasagot sa tanong ko? Napatigil ako saglit. Gusto ko ng malaman ang lahat! Gusto ko ng malaman!
She hug me. I hug her back. I need this to calm myself. "Malalaman din natin ang lahat. I know you're having a hard time so just trust your knights and of course me." bulong nya. Ramdam ko ang sincerity sa boses nya. Naniniwala akong pinsan ko sya.
Renn's POV
"Renn hyung, wala ka ba talagang nararamdaman kay noona Kim?" Tanong ni Jirou pagkaakyat nila Kim sa taas.
"Ha? No, wala akong gusto sa mataray na yon" mataray na nga lakas pa ng boses. Parang living megaphone.
"Sigurado ka Renn hyung?" Nakangiti ng nakakaloko si Jirou. May hindi magandang gagawin to. Knowing him?
"Oo naman. Ako magkakagusto sa babaeng yon? Tss asa sya" Never, over my dead gorgeous body!
Kay Shinji lang ako. Wait what?
"Ayos! Liligawan ko sya Renn hyung ah?" What the? Liligawan nya yon? Sige lang!
"Hindi pwede!"
Anong sabi ko? What the fuck?
Natigil kami ni Jirou sa pagbabangayan ng pumasok si Shiro na puro pasa. Puta nakipagbakbakan sya ng hindi kami kasama? Agad akong pumunta sa kanya at inalalayan sya paakyat sa kwarto nya. Ang lima naman ay nakiusisa at dali daling nakasunod samin.
Inihiga ko sya sa kama. "Sinong gumawa nyan?" Malamig na sabi ni Ryuu. Nanatiling nakapikit si Shiro na nagbuntong hiniga lang at hindi pinansin ang tanong nya.
Lumapit ako kay Ryuu na nasa pinto. "Bukas na natin sya kausapin" sinarado ko ang pinto pero nanatili kami sa labas ng kwarto niya.
"Kailangan nyang magpahinga" sabi ni Keiji na nakaakbay kay Kaede. "Talagang ginagalit nila tayo" dugtong nya.
"Kilala ko kung sino ang gumawa nito" tumakbo pababas si Shinji.
[Kaede] "Lah pabibo talaga yon"
"Susumbong kita sinabihan mo syang pabibo" binelatan lamang ni Kaede si Jirou.
Sumunod kami agad. Sumakay sya sa isa sa mga motorbike dito.
"Tarantado talaga yun. Di marunong maghintay." Sambit ni Ryuu. Sumakay kami sa isang sasakyan para sundan sya. Nasa akin naman yung susi.
"TANGINA. WALA MAN LANG BA GAGAMOT KAY SHIRO? NGAYON KO LANG NAALALA. YUN PALA YUNG SASABIHIN KO DAPAT." Sigaw ni kaede.
"Makikita rin sya ni Azuki. No doubt." sagot ko.
Natatanaw pa namin si Shinji. Lintik na to, ang bilis magpatakbo. Sinundan lang namin sya hanggang sa huminto sya sa isang malaking bahay.
"Kanino to Renn hyung?" Tanong ni Jirou na nakatingin sa mansyon.
"Hindi ko rin alam." Tinanggal ko ang seatbelt ko atsaka bumaba. Pagkababa naming lahat ay nagsimulang magsisisigaw si Shinji sa tapat ng bahay na yon.
"Jiwon Hwang! Lumabas ka ritong gago ka!" Puta, si Jiwon ang gumawa nun kay Shiro? At pano nalaman ni Shinji na dito nakatira ang gago?
"Sinasabi ko na shit!" Hindi mapakaling sabi ni Ryuu.
"Jiwon Hwang!" Patuloy pa rin sa pagsigaw si Shinji sa labas ng mansyon hanggang sa may lumabas na isang lalaki.
"Sir, pwede ko po kayong ipakulong dyan sa ginagawa nyo. Ano po bang kailangan nyo?" Lumapit si Keiji at kinuwelyuhan ang lalaki. Inawat ko si Keiji pero hindi sya mapigil hanggang sa lumabas ang lalaking hinahanp namin.
"Butler, ako ng bahala dito" lumabas si Jiwon sa lungga nya. Binitawan naman agad ni Keiji yung butler. "Anong ginagawa nyo rito?" Lumapit sya samin pagkapasok ng butler nya sa loob.
Sinuntok sya ni Ryuu. Oh, damn this is wrong! Inilayo ko kaagad si Ryuu kay Jiwon.
"Calm the fuck down! Hindi natin sigurado na sya nga ang may gawa nun." sabi ko sa kanilang lahat.
"Ikaw ba ang may gawa nun kay Shiro!?" Kinuwelyuhan ni Jirou si Jiwon na tumawa lang.
Kakasabi ko lang na kumalma mga punyeta.
"Paano kung ako nga?" Sununtok sya nito ng malakas. Dinura lang ni Jiwon ang dugong lumabas mula sa bibig nya. Pagkatapos ay kinuwelyuhan syang muli ni Jirou.
"Ikaw ba!?" Tawa lang ang tanging sinasagot nya. Binitawan sya ni Jirou. "Pag nasigurado naming ikaw ang may gawa ng lahat, magtago ka na" huling sabi niya bago sila umalis sa harap nito.
"I don't know what the fuck you are doing Jiwon. But let me tell you this, be honest. You moron." Tinapik ko sya sa balikat at umalis.
Unknown
"Ganyan nga Jiwon. Ganyan nga" gumagana na ang plano ko.
"Lady F, ito na po yung mga items na natransacts simula nung nakaraang labing pitong taon" inilapag nya ang mga papel sa mesa.
"Good. Now leave" inisa isa ko ang mga papeles hanggang sa makita ko na ang hinahanap ko. Bingo!
---
Wow, 1700 words?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top