Bangtan Knights

I decided to bring this back because I miss my knights huhu. Nawala sya ng one year but yesssss it's back and edited!

~~~~~~~~~~

PROLOGUE

KNIGHT (n.) is described as (in the Middle Ages) a man who served his sovereign or lord as a mounted soldier in armor.

Ano daw?

Nakakunot ang noo ko habang binabasa ng paulit ulit ang definition ng knight. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ba talaga ang knight. Ang lalim ng definition. Napahilamos na lang ako sa mukha ng maramdamang may bumato ng unan sa ulo ko. Tinignan ko sila isa isa at ARGHHHH! Lahat sila busying busy sa kanya kanyang kabaliwan!

Ang pasimuno at nangunguna, Shiro Joon-Woo. Lalaking may pagkatanga. Minsan tahimik pero kung dumaldal parang mauubusan na nang laway. Hindi ko alam kung minsan may sumasapi sa kanya o kung ilan ang katauhan nya.

He's very mysterious with a twist.

Renn Junseok. Ang pinakamatanda sa kanilang lahat. Magaling syang magluto. and take note, Pigilan mo na sya sa lahat ng bagay wag lang ang kumain. Guess what? Mahilig sya sa pink. Yes! Sa pink. Pakialam nyo daw ba. Pink suits him so well.


Jirou Chia. Malaki ang ilong pero wag ka, malaki din ang muscles. The youngest. Mahilig mangchicks pero sa pagkakaalam ko takot sa babae. Yung tipong makakilala lang ng bagong babae gusto ng tumakbo. Unbelievable, right?

But believe me, he's still a baby. A baby knight.

Kaede Yejun. Ang lalaking sobrang kulit. Mahilig sumayaw ng pasexy pero wag ka din talaga! May ibubuga yan. Ang sarap lang nyang sapakin dahil sumobra ang kahanginan sa katawan. Laging ipinagmamalaki ang abs nyang meron din naman si Jirou at si Keiji. Ooopps. Maliit sya at bubbly, oo, pero you wouldn't want to see him mad.


Speaking of Keiji Chihun. Mahilig sumigaw. Hindi mo maiintindihan kahit iexplain ko pa sayong mahilig sya sa damo. Sya yung pinakamasayahin sa pito. Laging bumabanat ng jokes. And ooohh, kung si Kaede ayaw kong makitang magalit, eto naman gusto kong makitang sumayaw. The dance master.

And the gun king.


Ryuu Minso. Ang pinaka sweg sa lahat. Mahilig mag english at madalas seryoso ang mukha. Pero kapag nakasama mo na sya, marerealize mo na hindi sya palaging mukhang may hinanakit sa mundo at makulit din. Kung titingin ka sa mga mata nya wala kang makikita na kahit na anong emosyon, blanko. He's so good at doing that. He's the group's cute gilagid king.


Last but not the least, and pinakamagaling naming leader, Shinji Chul! Lagi nga lang nakakasira ng gamit. Wag mo syang papasayawin dahil makakakita ka ng robot, opposite of Keiji and Kaede. Mahilig ngumiti, yung mapangasar na ngiti. Sya ang pinakamatalino sa pito kaya laging bugbog sarado sa mga homework ng anim.

Ehem, amin pala.

Hindi ko lang talaga alam kung bakit.

Bakit ko kasama ang mga baliw na to?

Nung niligtas nila ko para ko silang night in shining armor.

Nung nakasama ko na sila sa mansyon ni dad parang mababaliw na rin ako.

Para akong pinagsakluban ng--

"Arghh! Bakit may damo dito sa kama ko!? Di pa ba kayo nakuntento sa pagbato nyo sa ulo ko ng unan at nilagyan nyo pa ng damo ang kama ko!?" Tinignan ko sila pero walang sumagot. Patuloy pa rin sila sa mga kabaliwan nila. Sa mga letseng kabaliwan nila. May nagpipillow fight pa at malamang isa sa kanila ang bumato sakin. May kumakain lang. I mean lamon pala. May naglalaro ng bahay kubo. Pero ang pinakamatindi ay yung mukhang baliw--

"Touch maa bodeeh!" Sigaw ni Keiji na nagsasasayaw sa taas ng lamesa. Umakyat naman si Kaede sa lamesa at ang letche hinawakan nga ang katawan ni Keiji. Simula mukha hanggang sa dibdib habang sumasabay sa tugtog. Jusko yung lamesa ko!

"HOY HINDI BA KAYO TITIGIL HA!? BABATUHIN KO KAYO NG TSINELAS DYAN EH" I screamed at the top of my lungs. Napatigil silang lahat sa mga ginagawa nila.

"Lumabas kayo sa kwarto ko! Ang gulo gulo na naman!" Tumayo ako sa kama at binuksan ang pintuan. "Labas."

"Edi ikaw lumabas!" Sagot ni Jirou.

"Aba't--" akmang huhubarin ko na yung suot kong tsinelas at handa ng ibato sa kanila ng bigla silang nagsitayuan na akala mo eh si flash sa sobrang bilis.

Huling lumabas si Keiji na ngingiti ngiti pa. Sarap hambalusin.

Sinarado ko ang pintuan at tinitigan ang kabuuan ng kwarto. Ang gulo gulo! Ang dumi dumi!

*blagg*

"Awww! Ano na naman Keiji?" Binuksan lang naman niya ang pintuan eh nakatayo pa ko sa tapat non. Di marunong kumatok letse.

"Yung damo ko." Kinuha niya yung pinakamamahal niyang damo at ngumiti pa sakin bago lumabas. Yung ngiting kapag nakita mo sarap sakalin.

Inayos ko ang kwarto ko. Linis dito linis doon. Ang lakas ng loob manggulo hindi naman nila lilinisin. Sa susunod na pumasok sila dito bibigyan ko sila ng walis isa isa, kabwisit. Pagtapos ay humiga na rin ako sa kama para magpahinga.

Di ko makalimutan ang araw na yon. Ang araw na nalaman ko ang lahat. Ang araw kung kailan ko nakilala ang Bangtan Knights.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top