Prologue
𝗡𝗼𝘄 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴:
"The Law (Intro) - Bone Thugs-N-Harmony"
00:15 ━━━━●───── 01:00
ㅤ ㅤ ◁ㅤ ❚❚ ㅤ▷
THE sky was a dark, ‘vampire blue’—deep cerulean. It was #04355c in the color palette. The hooded person who walked on the side of the street called it a ‘vampire blue’ because this blueness of the sky reminded this creature the tint of the filter used in the first Twilight series movie.
Tumigil ang nilalang sa gitna ng kalsada. Sa magkabilang tabi nito ay tila yumuko ang itim na anino ng mga puno para payungan ito, animo’y tahimik na mga kakutsaba. Sa pagyuko kasi ng mga puno sa direksiyon ng nilalang ay ikinubli ito ng sumasayaw na anino ng mga mga dahon.
Mula sa kabilang-dulo ng kalsada, lumitaw ang dalawang motorsiklo. Pinunit ng ingay ng mga ito ang katahimikan. Ang nakaririnding ingay ng mga ito ay katumbas ng tunog ng pinupunit na yero na kasiping ang inuubong tambutso. Sa ritmo ng kanilang pagkakarerahan ay sumaliw ang halakhakan ng mga motoristang walang helmet at kanilang mga angkas. Ang isa’y kasama ang nobya at ang isa naman ay lalaking kaibigan.
Umunat ang puting liwanag mula sa headlights ng mga ito para pintahan ang abuhing kulay ng kalsada. Sa sobrang bilis ng pagharurot ng dalawang motorsiklo at sa kapal ng aninong pumapayong sa nilalang ay nagulat ang mga driver nang kumaway sa magkaibang direksiyon ang mga puno.
Lumantad ang nilalang na nakasuot ng makipot na pantalon, puting high cut sneakers, at itim na hoodie.
Malutong na napamura ang isa sa mga motorista. Ang isa naman ay napanganga na lang sa gulat.
Tarantang pinagpapapalo naman ng babae ang nobyo nitong nagmamaneho. Halos tumili na ito kakapaulit-ulit na ihinto ang motorsiklo. Natahimik naman ang dalawang lalaki sa kabilang motorsiklo, bahagyang nadaig ng gulat bago umaksyon ang driver nito at pinisil ang brake handles.
Ngunit, bago pa huminto ang mga motorsiklo ay mabilis na nagbunot ng baril ang naka-hood na nilalang. Nakayuko nang bahagya ang ulo nito habang nakaunat ang dalawang kamay na parehong may hawak na itim ngunit makintab na mga baril. Nang humalik ang liwanag ng headlights sa dulo ng mga sapatos nito, doon na dahan-dahang nag-angat ng tingin ang nilalang.
Pero kahit nag-angat na ito ng tingin, hindi pa rin maaninagan ang mukha nito. Masyadong malaki ang suot nitong hood na siyang umaanino sa hitsura nito.
Yet, the hooded creature could see its targets clearly, very clearly.
Sabay nitong pinaputok ang hawak na mga baril.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top