Untitled Part 7
Dalita lamang ang inyong lingkod
Nagnasang matuto sa mga libreng bagay
Kung may naisupling na pagkakataon
Itutok maigi itong mga mata
Sa mga bagay na talagang nagdudulot
Ng pambihirang kaalaman
Na kadalasa'y di ko nasasala
Kaya kapuwa puti at itim na aral
Ay kusang pumapasok sa aking bungo
Bagamat aba lamang ako
Masasabi kong sa mundo ng wika'y
Mayroon akong baul ng kayamanan
Yamang bitbit ko kahit saan
Feb. 2017
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top