Untitled Part 6
Oo, wala akong panahong maglaba
Ang linisin itong bawat mantsa ng panulat
Wala akong panahon magsabon
Upang pumuti ang bawat inuulat
Wala akong panahong magbanlaw
Upang mapawi ang malungkot na kulay
Wala akong panahong magsampay
Upang sa wakas matuyo
Ang maling pananaw ko sa buhay
Kung sakali mang di ko man nilabhan
Itong suot kong damit
Ngunit minahal mo pa rin
Kahit gaano kadungis
Tiyak wala akong maisusukli
Sa ibinigay mong buo
Kundi pasasalamat
Mula sa kailaliman
Ng aking puso
�S~9)c�
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top