Untitled Part 5
Ito'y kuro-kuro lamang
Mga panulat na kadalasa'y
Wala namang timbang
Ampaw ang laman
Ngunit kung sakaling
May bagay na kinakitaan
Ninyo ng ginto
Sabagay ika nga nila
kahit sirang relo'y
Tumatama dalawang
Beses kada araw
Parang ang gandang dinggin
Ngunit alam ba natin kung ilang ulit
Itong sirang relo'y nagkamali
Mahigit walampong libong pagkakataon
Dalawang tama sa mahigit
Walampong libong pagkakamali
Maaaring ganun din kadungis
Ang naisawika ko rito
Pero wala akong panahong
Maglaba
S~(c
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top