Untitled Part 3
Kabilang buhay
Mayroon ka ba?
Tunay ba ang dagatang apoy
Na sasapitin ng mga animal
Na maaring kahinatnan ko rin
Dahil may parte sa puso ko
Na naghahari ang kalaswaan
Sa isip ko na naglalaro
Ang mga kampon ng kadiliman
Tunay ba ang mapayapang harden
Lugar na kung saan walang agam-agam
May salitang kapantayan
Pag-ibig ang naghahari
Kung mayroon ma'y
Kailanma'y di ko ito pinapangarap
Na makadaupang palad
Bagamat may takot pa ako sa mga bagay-bagay
Masasabi kong mas lutang ang kasamaan mula sa akin
Isang lobong palipad sa kawalan
Dahil lama'y nakakalasong hangin
Kaya, Kabilang buhay
Mayroon ka ba?
Yung tipong pagkatapos ng lahat
Babalik kami sa panimula
Kung anong mayroon tayo ngayo'y
Mawawaglit din lahat
Kung ngayo'y tayo'y kalapati
Baka bukas tayo'y isang ahas
Kabilang buhay
Mayroon ka ba?
O kaya'y wala talaga
Dahil sa panimula pa lang ay
Nawaglit ng likhain
Babalik lang kami sa alabok
At wala na, wala na
Kabilang buhay
Mayroon ka nga ba?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top