Untitled Part 1
Ang simulan ang bagay na ito
At pumakay na ipakita ang lalim ko
Ang lunurin ka at tapos sabay sibat
At nawa'y mistula mang walang talas
Ang panugat ko'y tumama pa rin
Sa pinakamahalagang bahagi ng iyong ugat
Magbabanggit ng marami itong kamay
Upang masabing may nasasabi
Dahil mithing gisingin nang lubos
Ang mga matang tirik may
Ahas na tulog pa
Ipaunawa sa sisiw
Kung paano magsimulang lumipad
Bago pangarapin ang tayog ng bituin
Mabuhay muna sa umaga
Mahalin ang tirik ng araw
At unti-unti simulang aklatin
Kung anong mayroon sa kadiliman
Upang pagharian din ng liwanag
Itong mapanglaw na gabi
Feb, 2017
Mysterious_aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top