81
Taehyung's Pov
Langya naman 'tong escalator na 'to oh! Napakabagal umandar! Sisisihin ko to kapag nagalit sakin si Marianne.
Nang pagkatapos naming sumakay sa escalator tumakbo kaagad ako sa lugar kung saan yung meeting place. Nakikita ko na yung likod ng love ko!
Dahan-dahan akong lumapit sakanya at binack-hug siya.
"Peste ka Taehyung, naiinis ako sayo. Wag mo kong ganyanin." Halatang badtrip siya dahil sa tono ng boses niya.
Binaon ko ang mukha ko sa leeg niya. Konti nalang, bibigay din 'to.
"Sorry na, wag ka nang mainis love. Gusto lang naman naming magmukhang tao kapag kaharap namin kayo." Sweet na tono na sabi ko sakanya. Hindi ako sanay na nanunuyo, pero para sa taong mahal ko gagawin ko.
Humarap siya sakin at niyakap ako. Sabi ko sainyo, bibigay din yan. Hindi niya kayang tiisin yung gwapong katulad ko.
"Bwiset ka talaga Tae, alam mo kung paano ako susuyuin."
"Ehem paalala lang, nasa mall tayo guys." Pagpapa-alala samin ni Namjoon-hyung.
Walang may pake, kayakap ko yung babaeng mahal ko eh.
"Tumigil na nga kayo diyan! Halika na nga dito Marianne, mamaya na kayo maglandian ng boypren mo!" Hinila na siya palayo sakin ni Diane. Istorbo naman eh!
Pano kami magkakaron ng quality time ni Marianne kung ganito yung mga kasama namin?! Dapat pala kaming dalawa nalang ang lumabas eh.
"San tayo Taehyung?"
"San niyo ba gusto?" Tanong ko sakanila.
"Kain muna tayo? Tara sa food court." Hinila ko si Marianne tsaka hinawakan sa kamay. Ininterwined ko ang kamay namin, wala akong paki kung maraming taong tumitingin samin. Baka mga naiinggit lang sila.
"Love?"
"Hmm?"
"Pinagtitinginan kasi tayo ng mga tao. Pwede bang wag tayo dito magholding-hands?" Tumigil ako sa paglalakad at humarap sakanya.
"Ano naman? Wala silang paki satin. Mas pagtitinginan nila tayo kapag ginawa ko 'to." Lumapit ako at hinalikan siya sa lips. Smack lang naman.
Sasabog na sa sobrang pula si Marianne. Ang cute niya! Baka araw-arawin ko tong gawin!
"Hoy papi wag dito!" Inakbayan ako ni Jungkook at inilayo kay Marianne.
No! Ilalayo nila ako sa love ko!
"Hoy ikaw Kim Taehyung, mahiya ka nga. Nasa public place tayo tapos gagawin mo yon!" Panenermon sakin ni Jin-hyung. Partida, may kasama pang hampas at pingot. Para tuloy akong batang pinapagalitan ng nanay dito.
"Oo na hyung! Wag niyo lang akong ilayo kay Marianne!" Tinaasan niya lang ako ng kilay at sabay tumango na.
"Hoy gago, bawasan mo nga yang kalandian mo." Walang emosyong sabi sakin ni Yoongi-hyung. Wag niyong pansinin yan, kulang lang yan sa tulog.
"Love ko!" Sigaw ko kay Marianne habang papunta sakanya.
"Taehyung naman! Tantanan mo nga muna tong kaibigan namin." Sabi ni Farrah. Epal lang?
"Yaan mo na Farrah, tara na nga." Kumapit siya sa braso at naglakad na kami.
Tinanggal ko yung pagkakapit niya sakin, inilagay ko yung kamay ko sa balikat niya. In short inakbayan ko siya. Anlakas kasing makakuya yung mga ganon eh. Atleast kapag naka-akbay ako, malalaman nilang taken na yung babaeng katabi ko ngayon.
"Papi ayon na yung food court oh." Naghanap na kami ng vacant seat.
"Love don ka na muna sa mga kaibigan mo. Baka nagseselos na yung mga yon kasi ako lang yung kinakausap mo."
"Okay love!"
"Anong gusto mong kainin?"
"Katulad nalang nung sayo." At tuluyan na siyang pumunta sa mga kaibigan niya.
"Paps. Order na tayo. Pareparehas lang naman yung mga order ng mga yon." Bago kami tuluyang umalis, nakita kong nakatingin si Marianne sa direksyon ko. Asarin ko nga.
Kinindatan ko siya at sabay smirk.
Hahahaha speechless yung pagmumukha niya! Agad naman niyang binaling yung tingin niya sa mga kaibigan niya.
Ang cute talaga nung mahal ko! Gusto ko lagi siyang nasa tabi ko. Masyado ko na talagang mahal yung babaeng yon.
Marianne's Pov
Gago talaga yon si Taehyung. Halikan ba naman ako sa harap ng maraming tao kanina. Pero hindi ako magsisinungaling, kinilig ako don. Pinapakita niya sa lahat ng tao na mahal niya ako, hindi siya nahihiyang ipakita yung nararamdaman niya sakin.
"Hoy ikaw babae, pagsabihan mo nga yang si Taehyung, masyado nang malandi eh." Maarteng saad sakin ni Mae.
"Same girl, nasa public place kaya tayo!"
At tiningnan nila ako ng Sangayon-kami-sakanila-look. Oo na! Kasalanan ko bang ganon kasweet si Taehyung?!
"Yo girls, ito na yung mga pagkain niyo." Isa-isa sa kanilang inabot yung mga pagkain nila.
Puta mukhang gago naman tong mga to. Mukha kasi silang first time makakita ng pagkain.
"Stop it guys, mukha kayong mga ulol." Sabay-sabay nila akong tiningnan ng masama. Totoo naman kasi eh!
"Watch your language babe." Panenermon sakin ni Taehyung. Bakit ba pinag-kakaisahan nila ako?!
Nagpout ako. "Wag kang gumanyan, baka halikan kila diyan." Sabay smirk niya sakin. Tama bang sinagot ko siya? Puro kalandian ang alam eh.
Inirapan ko lang siya at sinimulang kainin yung pagkain.
"Saan tayo next na pupunta?" Out of the blue na tanong ni Jimin. Kanina pa tahimik yan, nakakapanibago.
"Ewan, kung saan tayo dadalhin ng mga paa natin." Nagkibit-balikat lang ako.
"Chim ba't ang tahimik mo?"
"Wala lang ako sa mood Ianne." Sagot niya pero hindi nakatingin sakin.
"Weh? Nabasted ka ba ng mga chicks mo kaya ka nagkakaganyan?"
Tumingin siya sakin. "Hindi no, wala pang bumabasted sakin."
Kumuha siya ng tissue at ipinunas ka gilid ng labi ko. Lah! Nakita kong napakunot-noo si Taehyung.
"Ako na paps." Kinuha niya ang tissue kay Jimin at siya na ang nagpatuloy.
Hinawakan ni Taehyung yung bewang ko para mas lalo akong makalapit sakanya. Ang laki-laki naman ng upuan pero bakit kailangan ganon kalapit sakanya?
"Dito ka lang sa tabi ko. Wag kang titingin kung kani-kanino, sakin lang dapat ang atensyon mo. Alright?" Tumango lang ako sakanya. Napaka-possessive naman nitong boyfriend ko.
Taehyung's Pov
Andito kami ngayon sa palaruan nitong mall. Andon sila naglalaro, pero ako nagbabantay lang sa bawat galaw ni Marianne. Parang feeling ko kasi kapag nalingat ako baka mawala nalang siya sa tabi. Possessive na kung possessive, ganon ko kamahal si Marianne.
At isa pa kanina ko pa binabantayan yung mga galaw ni Jimin, may napapansin kasi ako sakanya eh. Kasi this past few days nagiging sweet siya kay Marianne, lagi siyang clingy, sobra siyang mag-alala na akala mo siya yung boyfriend. Ayoko naman na paghinalaan siya, pero ganon kasi talaga yung nararamdaman ko eh. Parang may gusto siya sa girlfriend ko. Ayokong mag-away kami dahil lang sa babae, kaibigan ko parin siya.
Papunta na sana ako kay Marianne para punasan sana yung pawis niya pero naunahan ako ni Jimin.
Bumalik nalang uli ako sa pwesto ko. Hinayaan ko nalang siya, baka ayaw niya lang na magkasakit si Marianne.
Habang tumatagal mas lalo siyang nagiging clingy, yung tipong naka-akbay na siya sa girlfriend ko.
Sinasamantala ba niya yung girlfriend ko habang wala ako sa tabi niya?
***
Omyghad dito na magsisimula! Team ano ba kayo? Team Taehyung o Team Jimin?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top