68

Taehyung's Pov

Andito ako ngayon sa tapat ng bahay nila Marianne. Susunduin ko kasi siya para sa date naming dalawa. Kanina pa ako nakatambay dito kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kakatok ba ako? Isisigaw ko yung pangalan niya? Batuhin ko ng bato yung bintana nila? Papasok nalang ako sa bahay nila at kikidnapin si Marianne? Basta hindi ko na alam yung gagawin ko! Bahala na si Heart!

Lumapit ako sa pinto nila at kakatok na ako. "Marianne? Marianne! Andito na ako!" Bakit walang sumasagot? Wala bang tao?

"Marianne! Marianne buksan mo yung pinto!" Sakto namang bumukas ang pinto pero hindi si Marianne ang lumabas, kundi si Faye.

Anong ginagawa niya sa bahay ni Marianne?! Live-in ba sila?!

"Asan si Marianne?! Ilabas mo siya!"

"Tangina ka ba? Hindi to bahay nila! Ayon sa kabilang gate!" Turo niya sa gilid ng bahay nila. Ay weh? Yun pala. Sabi kasi niya sa red na gate daw eh, halos kasi ng gate dito puro pula!

"Istorbo to! Dun ka na nga!" Tinulak-tulak niya ako at tinaboy na.

"Tae!" Lumingon ako kung saan nagmula ang boses. Nakita ko si Marianne na nakasilip sa veranda nila.
She's so beautiful in my eyes~ you're my Mona Lisa~

Puta napakanta pa ako. Lumakad lang ako ng kaunti para makapunta kay Marianne.

"H-hi?" Bati niya saakin. Shit! Hindi ko alam kung pano ko to sisimulan.

"Ahmm hi din." Hindi ako makatingin sa mata niya. Parang anytime matutunaw ako sa titig niya. Pangbakla naman tong pinagsasabi ko! Wala eh, tinamaan ako ng malupet.

"So Tae, saan tayo?"

"Basta, tara." Hinawakan ko siya sa kamay at pumara na ako ng taxi.

Pulubi ako eh, wala akong kotse. Gusto ko nga sanang maglakad lang kami para maraming oras na makakasama ko siya.

"Tae san tayo pupunta?" Basag ni Marianne sa katahimikan.

"Kung saang lugar tayo liligaya." Sabay kindat ko sakanya.

De joke, may respeto ako no.

"Yaah~!" Sabay hampas niya sakin ng malakas.

"Joke lang, basta." Nagkibit-balikat lang siya.

After 30 minutes na biyahe ay nakarating narin kami sa paroroonan namin.

"Wow! Carnival!" Kitang-kita ko sa mga mata niya na masaya siya. Kumikislap-kislap yung mata niya, yung tipong first time makakita ng perya.

"Gusto mo ba dito? Kung ayaw mo pwede tayong lumipat." Nahihiyang tanong ko sakanya. Hindi kasi kaya ng ipon ko yung mga expensive na bagay-bagay. Hindi ko kayang ibigay yung mga date na nasa restaurant, yung mga bongga. Ito lang yung makakaya ko.

Hinawakan niya ako sa magkabilang-pisngi. "Hey don't be sad, okay lang sakin to. Maganda nga eh, ganito yung mga gusto ko." Nabuhayan naman ako sa mga sinabi niya. Atleast nagustuhan niya yung date namin.

"Kung ganon, tara na!" Hinila ko siya don sa may kailangan kang putukin na lobo gamit ang dart pin.

"Anong gusto mo diyan Marianne?" Turo ko sa mga prizes.

"Gusto ko yung stuff toy na pizza!"

"Okay sige. Kuya bigyan mo nga ako ng tatlong pin na yan. Kukunin ko lang yung gusto ng soon-to-be-girlfriend ko." Nakatanggap naman ako ng malakas na hampas kay Marianne. Hindi ko nalang ininda ang sakit at kinindatan siya bago maglaro.

Kapag nakatama ka kasi ng isa ay makukuha mo kaagad yung gusto mong prize. Oh diba, yung iba kasi kailangan pang tatlo para makuha yung gusto mo.

"Good luck po sir." Nakita kong ngumisi siya sakin. Aba't nangaasar ba to?! Papakitaan ko nga siya, huh.

Pumwesto na ako at ibinato ang isa.

Okay hindi natamaan. May dalawa pa naman eh. Kaya ko to, para kay Marianne.

Pumwesto na uli ako.

As expected, wala parin. Mukhang hindi ko ata makukuha yung gusto niya. Wala naman kasi akong galing pagdating dito.

Narinig kong natawa ng mahina ang lalaki. Kanina pa ako naiinis sa lalaki na to eh, kanina pa kasi chine-check out si Marianne. Akala niya hindi ko siya napapansin? Ulul niya, sarap bangasan eh. Akala mo napaka-bihasa pagdating dito. Kabadtrip.

Di bale, may isa pa naman. Baka may katiting pang pag-asa na makuha ko yon.

Pumwesto uli ako na akala mo professional.

Para kay Marianne. Para sa taong mahal ko.

*plok*

"Kyaaa! Tae natamaan mo!" Sa sobrang saya niya napayakap siya sakin. Yieee kilig si aq! Pambakla amp!

"So amin na yung prize namin." Mayabang na sabi ko sa kupal na to. Batuhin ko siya ng mga dart pin eh. Okay ang sama ko na masyado.

Ibinigay niya na rin yung prize. Iniabot ko naman ito kaagad kay Marianne.

"Waaa pizza! Gusto ko tuloy kumain ng pizza." Nagpaparinig ba 'to o ano?

"Gusto mo na muna kumain? Hapon narin naman eh." Siyempre ayoko namang magutom yung taong mahal ko. Pati rin kasi ako nagugutom na rin.

"Sige! Gusto ko yan!" Sabi ni Marianne na may kasamang palakpak. Parang batang hindi nakakain ng 10 taon kung umasta!

Sasagot palang sana ako sakanya ng makita ko siya sa harap ng bilihan ng pizza. Mukhang patay gutom amp. Buti nalang may dala akong pera ngayon. Kundi parehas kaming namimilipit sa gutom.

Lumapit ako don sa nagtitinda. "Kuya isang box nga po." Iniabot ko yung bayad at naghintay ng ilang minuto para sa pizza. Shet! Natatakam na ako! Baka mag-away pa kami ni Marianne dahil sa pizza na 'to. Lalo na't parehas pa kaming gutom.

"Ito na po sir." Kinuha ko ang box at hinila si Marianne sa bench dito.

"Go lafang!" Nagunahan na kami ni Marianne na makakuha. Nakuha niya yung pinakamalaki! Sige na nga, mahal ko naman tong babae na to eh. Magpapaubaya nalang ako.

Pagkatapos ng ilang minuto ay naubos na rin ang pizza. Siyang nga lang halos umubos ng pizza. Siguro kung mga kaibigan ko yung kasama ko, baka nabugbog ko na sila. Pero si Marianne to, wala akong palag. Wawa naman ako, under kay bae!

Napansin ko na may ketchup sa gilid ng labi si Marianne. Tiningnan ko yung box baka may tissue, tss wala. Patayo na sana ako para manghingi ng tissue sa nagbebenta pero wala na siya sa pwesto niya. Kinapa ko nalang ang bulsa para tingnan kung may panyo ako. Putcha wala din! Anong gagawi  ko? Bahala na nga.

Lumapit ako sa labi niya at pinunasan ito gamit ang aking bibig. (A/E: Ang hirap niya eexplain! Jusko!) Parang nahalikan ko na tuloy siya.

Pagkahiwalay ko sakanya ay gulat na gulat ang expression niya.

"Sorry, may ketchup ka kasi sa gilid ng labi mo eh."

"O-okay lang." Ang awkward tuloy! Ano ba naman kasi yung ginawa mo Taehyung! Huli ko na kasi naiisip na punasan nalang yon gamit yung kamay ko. Aish!

Para hindi masyadong awkward ay hinila ko na siya papunta sa mga kalahi ni Hope-hyung.

"Tae! Wag diyan, pambata naman yan eh." Ayaw niya kasing sumakay sa carousel. Nahihiya daw siya kasi puro bata yung nakasakay.

"Okay lang yan, sige ka magtatampo ako." Nagpout ako sakanya. Puta baka nagmukha akong aso sa ginawa ko!

"Ilan bang ikot gusto mo? Kahit ilan, ano?" Pumunta na kaagad siya sa operator para patigilin yon at makasakay na siya. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao.

She's so adorable...

I find it cute. Lalo tuloy akong naiinlove. Tangna! Ganito ba epekto ng pagiging inlove?! Kung ano-ano na yung mga pinagsasabi ko!

"Tae!" Nabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Marianne.

Kumaway-kaway pa siya sakin. Ang cute talaga niya, gusto ko siyang iuwi sa bahay at don na siya forever.

Inilabas ko ang cellphone ko at pinagkukuhan ko siya ng picture. Kuha lang ako ng kuha sakanya ng picture. Wala akong paki kung mapuno yung phone ko. Si Marianne naman ang laman, yung taong sobrang mahal ko..

Matapos ang ilang minuto niyang pag
ikot-ikot sa carousel ay bumaba na rin siya. Sobrang nahihilo na daw kasi siya. Pinanindigan talaga niya yung kahit ilang ikot!

"Ayos ka pa ba?" Natatawang tanong ko sakanya.

"Okay pa naman." Lumapit ako sakanya at inilagay ang mga ilang hibla ng buhok niya at inilagay sa likod ng kanyang tenga.

Kawawa naman tong mahal ko, mukhang napagod ng husto.

"Gusto mo makalanghap ng sariwang hangin?"

"Oh sige ba!" Jusko akala ko pagod na! Hindi parin nawawalan ng energy!

"Tara na at don tayo sa ferris wheel." Pumunta kami sa deriksyon kung nasaan yung ferris wheel. Buti nalang at walang masyadong nakapili kaya nakasakay kaagad kami.

Patagal ng patagal ay papunta na kami sa pinakatuktok. Wow. Ang ganda dito sa taas. Pero wala paring mas gaganda sa babaeng tinititigan ko ngayon.

"Ang ganda dito Tae."

"Sobrang ganda.." Nakatingin parin ako sa deriksyon niya.

Napayuko siya ng konti, hindi ata siya sanay na sinasabihan ng maganda.

Hayaan niya, kapag naging kami na. Ipaparamdam ko sakanya na siya lang ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.

"Marianne may tanong ako sayo."

"Ano yon Tae?"

"May pag-asa ba ako sayo?" Diretsong tanong ko sakanya.

Sandali siyang napatigil sa tanong ko.
Muli siyang tumingin sakin at ngumiti ng matamis.

"Oo Taehyung. May pag-asa ka sakin."

Parang bumagal ang ikot mundo ko sa sinabi niya.

So may pag-asa ako? So mahal niya na ako?!

***

Yaaaa Marianne! Ito na yung pinakahihintay mong chapter! I hope na magustuhan mo!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top