52

Marianne's Pov

Nang makarating ako sa korean restau kung nasaan sila Taehyung, siyempre hindi muna ako papasok kasi nakakahiya sa mga hyung niya. Baka isipin ng mga hyung niya na fc ako. Maliban na nga lang kay Seokjin kasi kaclose ko talaga yon. Nameet ko na rin naman si Taehyung, pero iba parin kapag yung mga kaibigan niya.

So chinat ko siya na nandito na nga ako. Sinabi ko na andito na ako sa kabilang kalsada. Papunta naman na daw siya, pero ayun pinagalitan ko si gago. Magchat ba naman habang tumatawid! Kung hindi ba naman siya baliw!

"Marianne!" Bungad niya saakin.

"So ano na?"

"Tara na!" Nagulat ako kasi hinila niya yung kamay ko para hawakan. At take note mga kababayan, nakainterwined pa! Siyempre kinilig si ate girl niyo! Sino ba naman kasing hangal ang hindi kikiligin?!

Pagkapasok namin sa restau ay hindi parin niya binibitawan yung kamay ko.

O-okay? Awkward.

Kasi halos lahat sila nakatingin sa kamay namin ni Taehyung. Parang yung ibig sabihin ng mga pagmumukha nila ay 'ano-meron-sainyo-bakit-ganyan-yung-kamay-niyo-face' nakakailang kaya. Parang kinikilatis nila ako ng mabuti. Okay, nagsisisi na ako na pumunta ako dito.

"Bakit holding hands kayo?" Inosenteng sabi ni Jungkook. Sigurado akong siya si Jungkook kasi malaki ang ilong niya. Hehe yun ang pakilala sakin ni Tae sa kanya eh.

Mukhang wala namang balak sumagot tong katabi ko kaya ako na ang sasagot.

"Okay, itigil niyo na yang mga tingin na yan kasi walang kami ni Taehyung."

"Talaga ba? Pero bakit kailangan holding hands?" Mapang-asar na sabi ni Namjoon. Kilala ko na to, lagi ko kasi siyang nakikitang kinukilit si Faye sa Bakery.

Pasalita na sana ako pero pinutol ito ni Taehyung. "Kasi hyung tatawid kami, malay mo hindi marunong to tumawid. Kalahating-tanga pa naman to." Kinurot ko siya ng mahina na bewang. Kailangan bang sabihin yon?!

Kung hindi lang kasi talaga epal yung waitress na lumalandi kay Taehyung hindi ako pupunta dito. Nung sinabi niya sakin yon biglang nag-init bigla yung dugo ko. Gusto ko siyang sabunutan hanggang sa makalbo diya! Hindi naman ako papayag sa ganon mga brad. Ang akin ay akin.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng restau para tingnan kung sino ang lumalandi kay Taehyung. May nahuli ako isang waitress na sobrang sama ng tingin sakin. Dukutin ko mata niya eh! Baka hindi ako makapag-pigil dito at makagawa ako ng iskandalo.

"Maupo na nga kayong dalawa. Ikaw naman Taehyung, tanungin mo kung anong gusto niyang kainin." Sabi sakanya ni Seokjin. Kung magsalita talaga yan parang nanay

"Okay hyung, Marianne anong gusto mong kainin?"

"Kahit ano nalang, libre mo naman eh." Tumango lang siya sakin at pumunta na sa counter para umorder.

Habang wala pa si Taehyung ay nakikipag-kwentuhan lang ako kay Jimin. Mabait naman siya sa personal, pero kung titingnan mo sa picture para siyang maniac na rapist na kahit ano man. Nageenjoy ako sa company niya.

Hindi ko namalayan na dumating na pala si Taehyung, masyado kasi akong busy sa pakikipag-usap kay Jimin.

Nagsimula na rin kaming kumain. Habang kumakain kami ay si Jimin lang ang kinakausap ko. Ayaw naman akong kausapin ni Taehyung eh, kanina pa siya nagkakaganyan. Hindi ko nalang din siya pinansin.

"Taehyung ba't ang tahimik mo? Nakakapanibago ah." Asar ni Namjoon.

"Wala lang akong gana." Nagkibit-balikat nalang ako at ibinaling ko uli ang atensyon ko kay Jimin.

Mga ilang minuto narin kaming nag-uusap ni Jimin pero hindi parin namamansin si Taehyung. Bahala nga siya diyan.

Nasa kaligitnaan ako ng pakikipag-tawanan kay Jimin ng may nagdabog sa ibabaw ng lamesa. Nakuha tuloy namin ang atensyon ng nga taong kumakain din. Agad naman akong napatingin kay Taehyung na mukhang badtrip. Problema nito?

"Taehyung! Bakit ka nagdadabog?! Nakakahiya sa mga tao dito." Mahinang bulyaw sakanya ni Eomma.

"Sorry, Marianne halika nga. May pag-uusapan tayo."

Hinawakan ako ni Taehyung sa braso at hinila sa lugar na walang tao. Wag muna kayo mag-isip ng kung ano-ano diyan. Nasa isang park kami na walang tao.

"Taehyung bitaw nga!" Saktong pagkakasabi ko non ay binitawan niya ako.

"Bakit mo ba ako dinala dito?" Bulyaw ko sakanya. Ang ganda-ganda ng kwentuhan namin ni Jimin don eh.

"Sabihin mo nga sakin Marianne. Sino ba talaga yung pinunta mo don?! Ako o Jimin?!"

"What?!"

"Sagutin mo nalang ako!"

"For Pete's Sake, of course you jerk!" Bakit naman bigla niyang natanong yan?!

"Ako naman pala eh! Bakit sakanya lang nakabaling yung atensyon mo?! Bakit hindi mo ako kinakausap?!"

"Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan! Bakit hindi mo ako kinakausap!"

"Eh kasi nahihiya ako sayo!"

"Bakit mo ba ako sinisigawan?!"

"Ewan ko din!" Napahawak nalang ako sa sintido ko. Wala talaga akong maintindihan sa mga nangyayari.

"Okay calm down. Bakit ganyan ka nalang kung umakto ngayon? May gusto ka bang sabihin?"

"Fuck, nagseselos ako. I hate this feeling." Bahagya akong nagulat dahil sa sinabi niya.

"Nagseselos? Ikaw?!"

"Oo nagseselos. Nagseselos ako kasi si Jimin yung kinakausap mo, nagseselos ako kasi akala mo napakatagal niyo nang magkakilala, nagseselos ako kasi nakikipagtawan ka sakanya, nagseselos ako kasi hindi ako ang dahilan kung bakit ka masaya!" Im so confuse right now. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

Tiningnan ko siya ng naguguluhan.

"Bullshit, because I like you! Damn it."

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Look Marianne, gusto kita kaya ako nagkakaganito. Kaya ako tumigil sa usapan namin ni  Bogum kasi ayoko nang paglaruan ka. Natalo ako sa usapan namin. Kasi minahal na kita."

How to react? Ano ba talagang nangyayari?! Hindi ko pa madigest yung lahat ng sinabi niya.

Kim Taehyung, you really driving me crazy huh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top