30

Marianne's Pov

Nakasilip ako dito sa bintana ng kwarto ko. Hinihintay ko na dumating si Taehyung. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso siya sa sinabi niya. Hindi ko alam kung naeexcite o natatakot yung nararamdaman ko. Naeexcite kasi mali ang naisip ko na gagawin ni Taehyung, na ipaglalaban niya ako. Natatakot kasi baka kung anong magawa sakanya ni papa. Nabalik ako sa realidad nang nakarinig ako ng katok sa gate.

"Omygad seryoso nga siya. Tsk, Taehyung naman eh." Kinakabahan kong sabi. Hindi na ako nagsayang ng oras at pinuntahan siya sa labas. Uunahan ko na si Papa, pipigilan ko si Taehyung sa mga pwede niyang gawin.

Pagkabukas ko ng gate bumungad sakin ang lalaking mugto ang mata na halatang kakagaling lang sa iyak.

"T-tae—.." Hindi natuloy ang sasabihin ko dahil niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"Oh god I miss this! I miss you so much darling.." Isinubsob niya ang kanyang mukha sa leeg ko.

"I miss your scent baby.." Sabi niya habang inaamoy-amoy ako. Gash, hindi ba siya naaw-awkwardan?

"I-I can't breathe Tae." Bago pa ako mawalan ng hininga ay humiwalay na siya saakin.

"I-im s-sorry l-love. Sobrang namiss lang talaga kita. But, pwede ba kitang yakapin uli?" Nginitian ko siya habang dahan-dahang tumango. Namiss ko din tong tarandatadong lalaking 'to. I miss him so fucking much.

"I want to stay like this forever." Bulong niya sa tenga ko. Hindi ko mapigilang hindi kilabutan. Lalo na't sobrang lapit niya sakin.

"I love you so much Marianne." Hinalikan niya ako sa noo.

"I love yo—.." Hindi ko na nasabi ang balak kong sabihin ng may marahang humila saakin palayo sa yakap ni Taehyung.

"P-papa?" Galit itong tumingin saakin.

"Marianne pumunta ka sa Mama mo." Madiin na sabi nito.

"P-pero p-papa.."

"SABI NANG PUMASOK KA SA LOOB!" Napalayo ako sakanya dahil sa sobrang lakas niyang sigaw.

"Mawalang galang na ho, alam niyo naman pong pwedeng makasama sa anak niyo yang ginagawa niyo?!" Tumingin ako kay Taehyung at umiling. Sana maintindihan niya ang ibig kong sabihin.

"Ikaw na lalaki ka wag ka ngang makialam dito. Bakit ka pa pumunta dito, huh? Diba nga hindi ako payag sa gusto mong mangyari!"

"Kaya nga po ako pumunta dito para mapatunayan ang sarili ko sainyo, papatunayan ko na hindi ko na muling sasaktan si Marianne..."

"... Papatunayan ko po sainyo kung gaano ko siya kamahal."

Tinawanan siya ni Papa. "Hindi sasaktan? Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sayo?! Nasaktan mo na siya kaya hindi imposibleng gawin mo ulit yon!"

Yumuko si Taehyung. "Pasensya po kung nasaktan ko ang anak niyo.. Nagpadala po ako sa sobrang selos.. Patawad po." Sabi niya habang nagpipigil ng luha.

"A-ano po bang pwede kong gawin para po mapatunayan ko sainyo na hindi ko na muling sasaktan ang anak niyo? Kahit ano po, gagawin ko. Basta hayaan niyo lang ako sa tabi ng babaeng pinakamamahal ko.."

Hinila ni Papa si Taehyung sa pamamagitan ng paghila sa kwelyo. Gusto ko silang lapitan pero sobrang higpit saakin ni Mama.

"Tinatanong mo ako kung ano pwede mong gawin? Pwes, ang gusto ko ay lumayo ka sakanya. Hayaan mo na siya sa piling ni Jimin. Mas napatunayan ng batang iyon na mahal niya ang anak ko. Ikaw? Lagi mong pinapaiyak si Marianne! Walang araw na hindi siya umiyak dahil sa katarantaduhang pinaggagawa mo! Ikaw ang dahilan kung bakit lumala ang sakit niya!"

"Walang ng saysay ang paghingi mo ng tawad! Nangyari na! Nasaktan mo na yung anak ko! Ikaw yung dahilan kung bakit naging mabilis na lumala ang sakit niya. Alam mo ba ang pakiramdam kapag nakikita ang anak mong nasasaktan, umiiyak?! Hangga't sa pagtulog niya ikaw ang binabanggit. Nanghihingi siya ng tawad sa ginawa niya sayo! Alam namin na ayaw niyang sabihin sayo yung sakit niya. Alam mo kung bakit? Kasi baka daw masaktan ka kapag nalaman mo, kapag nawala siya sa piling mo. Kaya minabuti niya na hindi sabihin sayo. Pero hindi namin inasahan na sasaktan mo siya emotionally. Mahal na mahal ka ng anak ko Taehyung. Wala siyang ginawa kundi mahalin ka. Pero anong ginawa mo? Nagpadala ka sa damdamin mo. Kaya kahit kailan man ay hindi na ako magtitiwala sa isang katulad mo. At lalo ikaw ang dahilan kung bakit muntik na siyang mawala saamin." Sinuntok niya sa sikmura si Taehyung.

"Patawad po.."

Hagulgol na akong umiiyak ngayon. Hindi ko kayang makita ang lalaking pinakamamahal ko dahil sakin. "M-ma, please.. B-bitawan mo na ako, n-nasasaktan na si T-taehyung."

"Stop crying anak, baka atakihin ka na naman." Sabi ni Mama habang pinupunasan ang luha ko na walang tigil sa pag-agos.

"No Ma, kokontrolin ko yung emosyon ko just let me go." Dahan-dahang binitawan ni Mama ang braso ko sa pagkakahawak niya.

Agad akong lumapit kay Papa para pigilan siya. "Papa tama na! Nasasaktan na si Taehyung!"

"Wala akong paki!"

"I-it's okay l-love, kaya kong tiisin lahat ng sakit para s-sayo. D-diba sabi ko sayo ipaglalaban kita kahit patayan man? Pwes ginagawa ko na ngayon. Just close your eyes babe para hindi mo makita ang mga nangyayari." Pilit niyang inabot ang mata ko para ipikit.

Sinuntok niya ng pagkakalakas-lakas si Taehyung.

Hindi ko na talaga kaya. Sobra na ang ginagawa ni Papa.

"Pa! Ano ba?! Balak mo ba siyang patayin?!" Hawak ko ang magkabilang braso ni Papa.

"Bitawan mo ako Marianne. Nararapat lang sakaya 'to, sa totoo lang kulang pa yan sa lahat ng sakit na dinala niya sayo!"

"Papa please stop. Para sakin.." Akma na akong luluhod pero pinigilan kaagad ako ni Taehyung.

"Don't, I'm the one who has to kneel down." Dahan-dahan siyang lumuhod sa harap ni Papa. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang mga hikbi ko na lumabas.

"S-sir, tatanggapin ko po lahat ng pangbubugbog niyo saakin basta wag niyo lang po hahayaang umiyak si Marianne. Mas masakit saakin na m-makitang umiiyak ang babaeng mahal ko, kesa sa pagbubugbog niyo saakin." Nanghihina itong tumingin saakin.

"I l-love you so much M-marianne. Ipaglalaban kita hanggang sa k-kamatayan.." Ngumiti siya saakin kasabay ng pagkabagsak niya sa lupa.

"TAEHYUNG!" Nilapitan ko siya.

"Papa, I swear kapag may nangyaring masama kay Taehyung hindi ko po kayo mapapatawad." Itinayo naming dalawa ni Mama si Taehyung at dinala sa kwarto ko.

***

Ginamot ko na ang mga sugat na natamo ni Taehyung kay Papa. Hanggang ngayon ay hindi parin siya gumigising. Nag-aalala na ako ng sobra sakanya.

Unti-unti akong nanlumo sa nangyari kay Taehyung. Puro sugat ang gwapo niyang mukha, namumutla din ang dati niyang mapupulang labi.

Unti-unti siyang dumilat. "M-marianne?" Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.

"Y-yes l-love? Andito lang ako sa tabi mo." Umupo siya at niyakap ako ng sobrang higpit.

"I-I had a bad dream love. Iniwan mo daw ako." Saad niya habang nakayakap parin saakin.

"Sshh that won't happen. Hindi kita iiwan Tae. Lagi lang ako sa tabi mo." Tinapik-tapik ko siya sa likod para kumalma ng kaonti.

Humiwalay siya saakin. "Promise? Hindi mo ako iiwan?"

"Promise, mamatay man ako kahit ngayon na."

Pinitik niya ako sa noo. "Yah! Hindi ka pwedeng mamatay, okay? Papakasalan pa kita at aanakan ng isang dosena!" Masigla nitong sabi. Bahagya naman akong nalungkot. Tanggap ko na ang pwedeng mangyari sa kasalukuyan.

"Hey wag kang malungkot, love. Don't be pessimistic, okay. Always think positive." Pagpapalakas ng loob niya saakin.

Tinitigan niya ako ng sobrang seryoso. "Bakit hindi mo sinabi sakin yung totoo Marianne?"

Yumuko ako. "Sorry Tae.."

Inangat niya ang mukha ko sa pagkakayuko. "Don't say sorry, gusto ko lang malaman. Iintindihin ko kung ano man yung naging dahilan mo."

"Tae kasi ayaw sa lahat ay kinaawaan tsaka baka kapag nalaman mo mag-iba ang tingin mo sakin. Tsa—.."

"What? Bakit naman magbabago ang tingin ko sayo? Ano bang mali sa may sakit? Mahina lang ang katawan nila pero yung pagmamahal hindi mawawala. Ewan ko nalang sayo kung mahal mo pa ako." Tumalikod siya saakin.

"Tae naman eh, you know how much I love you."

"Then prove it." Ngumisi siya saakin ng nakakaloko.

"H-how?" Mas lalong lumaki ang ngiti sa kanyang labi.

"Kiss me on my lips baby.." He look at me in seductive way. Aish, I hate when he like this.

"Yah next time."

"Tss hindi mo na ako mahal, si Jimin na nga ata." Mabilis ko siyang hinalikan sa labi.

"Ano? Magdududa ka pa ba sa pagmamahal ko sayo?"

He giggle at me. "Hihi alam ko naman na baliw na baliw ka sakin. Gusto ko lang makascore sayo." Kinindatan niya ako. Umakyat lahat ng dugo ko aking mukha. Hindi parin talaga siya nagbabago!

"Haha joke, sige tuloy mo na yung paliwanag mo."

Bumuntong-hininga ako. "Nag-isip ako ng dahilan para magbreak tayo. Sakto namang nagkaron tayo ng misunderstanding dahil nga sa pinapalayo mo ako kay Jimin. Kaya ang sabi ko ay hindi ako lalayo sakanya kasi siya ang unang nakaalam ng sakit ko. Hindi ko siya maiwanan kasi baka sabihin niya sa barkada. Ayokong ipasabi kasi ayokong dumagdag pa ako sa mga iniisip nila. Kaya nagpanggap kami ni Jimin na mag-on. So ayon araw-araw kaming magkasama maliban nga lang sa mga ibang subject. Ano pa bang gusto mong malaman?"

"Wala na, hindi ko na aalamin yung mga iba niyo pang ginawa ni Jimin, gusto kong bigyan ka ng privacy. Tsk nasaan pala yung gagong yon? Magpapasalamat lang ako kasi siyang yung nasa tabi mo nung mga araw na s-sinaktan kita." Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa mukha niya.

"Huy Tae, ano na namang kaartehan yan?!" Pilit kong tinatanggal yung kamay niya sa mukha niya. Nang natanggal ko na, basa yung kamay niya!

"Taehyungggg! Bakit ka umiiyak?"

"K-kasi s-sinabihan k-kita n-na m-matutuwa ako kapag n-namatay ka. Tsaka hindi ako m-magmamakaawa sayong sumama sayo kapag n-namatay k-ka.."

"Hindi ko gustong sabihin sayo yun. Handa ako, handa akong sumama sayo. Hindi ko kayang hindi kita makakasama.."

Niyakap ko siya. "Love, kapag namatay ako wag mong hahayaang umiyak yung barkada, huh? Maghanap ka ng papalit sakin. Ayokong nakikita kang umiiyak. Magmahal ka ng babaeng kaya kang mahalin ng higit pa sa pagmamahal ko sayo, tsaka maghanap ka ng babaeng kaya kang bigyan ng isang dosenang anak." Narinig ko ang hikbi niya.

Hinawakan ko ang pisngi niya. "No, no. Stop crying, pinapaalalahanan lang kita habang nabubuhay pa ako! Kasi alam mo na, hin—.." Hindi na niya ako pinatapos at agad na inangkin ang labi ko.

Bumitaw siya. At ako naman si tanga hinabol ang labi niya.

"Pfft~ hindi naman halata na namiss mo yung halik ko. Alam ko na kung paano kita patatahimikin." Ngumisi siya ng pilyo sakin. Hinampas ko siya sa braso. Napahiya na nga ako eh!

"Aish, I have a brutal girlfriend. Tch, wag kang magsalita ng ganon. Hindi ka pwedeng mamamatay, papagamot ka namin."

Muli niyang inangkin ang aking labi. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa pamamagitan ng paghalik niya saakin.

I wish we could stay like this forever.

---

Walang forever uyyy! Puahahahaha!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top