Balikbuhay Box


Naglakad si Paula sa harap ng malaking salamin sa loob ng kanyang kwarto habang suot ang isang pulang ruffled blouse na balak niyang irampa sa Misa de Gallo mamaya.

"Parang may kulang?" Nakasimangot niyang saad habang pinagmamasdan ang repleksyon sa salamin.

Mamayang gabi na ang last chance niya para magpapansin kay Jace, isa sa mga sakristan na nagsisilbi sa misa, kaya naman talagang ibubuhos na niya ang lahat ng effort para lang makuha ang atensyon nito. Sa huling walong Simbang Gabi kasi ay deadma lang ito sa beauty niya kahit na sa unahan siya nakaupo.

"Paula!"

Napapitlag si Paula nang tawagin ng inang si Rowena mula sa kusina. Mabilis pa sa alas-kwatrong nagpalit siya ng pambahay at kinabog pa si The Flash sa bilis niyang pumanaog dahil paniguradong makukurot siya nito sa singit kapag nalamang inuuna pa niya ang kalandian kaysa ang tulungan ito sa pagluluto ng ihahanda nila para sa Noche Buena.

"Yes, Ma?" Habol ang hiningang tanong ni Paula nang marating ang hamba ng kusina.

Sandaling inalis ng kanyang Nanay Rowena ang atensyon nito sa hinahalong fruit salad at pinukol siya ng isang matalim na tingin. "Kanina pa may nagdo-door bell, hindi mo ba narinig?"

Napakamot na lang sa ulo si Paula at nakabusangot na tinungo ang main door para tingnan kung sino ang istorbo. Pagkabukas ng pinto ay bumulaga sa kanya ang may kalakihang balikbayan box.

"Delivery po kay Ma'am Rowena?" Nakangiting bungad ng delivery boy nang sumilip sa gilid ng kahon. "Galing po kay Johnny Smith."

The who?

Bagama't hindi niya kilala ang sender ay tinanggap na lang din ni Paula ang package at dinala iyon sa kusina para usisain ang ina.

"Ma, sino 'tong Johnny?" Tanong niya rito matapos ipatong ang kahon sa kitchen counter. "Bago mong manliligaw?"

"Hindi ah! Baka bumangon sa hukay ang papa mo!" Mariing tanggi ng kanyang Nanay Rowena habang naghuhugas ng kamay. "'Yan yata 'yong bagong boyfriend ni Rochelle." Tukoy nito sa nakababatang kapatid na sa US na nakabase.

"Ay, goals naman pala si Tita! Sana all may sugar dad—" Hindi na naituloy ni Paula ang sasabihin dahil winisikan siya nito ng tubig.

"Paula Mikaela, puro ka kalokohan!" Nanlalaki ang matang sita ng kanyang ina. "Kunin mo na lang 'yong cutter at nang mabuksan na natin ito."

Napalabi na lang si Paula at mabilis na kinuha ang cutter sa kitchen drawer. Magkatulong nilang inalis ang mga tape at nang tuluyang mabuksan ang kahon ay kapwa sila napakunot-noo dahil malayo ang laman niyon sa inaasahan nilang Spam, Irish Spring, at imported chocolates. Sa halip ay may tatlong misteryosong bagay sa loob.

"Ano 'to?" Puno ng kuryosidad na saad ni Paula matapos damputin ang isa. "Shake Rattle Casserole?" Pagbasa niya sa label ng kahon niyon.

"Parang pang-horror movie naman 'yan, 'nak!" Komento ng kanyang ina at inagaw sa kanya ang hawak. Isinuot nito ang antipara na nakasabit sa kwelyo at binasa ang instructions sa gilid ng box. "Place an image of your preferred dish inside the casserole and shake for a minute to materialize. Consume immediately as it disappears after 24 hours."

"Eh?" Paula snorted. "Scam 'to, Ma! Sure na!"

"Baka ganoon na sila ka-high tech sa US?" Tila hindi rin siguradong wika nito. "Wala namang mawawala. Mag-print ka ng Spaghetti at wala pa tayong pasta mamayang gabi."

"Ang corny naman!" Reklamo ni Paula. "Bakit hindi na lang 'yong Beef Wellington ni Chef Ramsay para medyo sosyal?"

"Spaghetti." May pinalidad na wika ng kanyang ina.

Napabuga na lang ng hangin si Paula at sinunod ang kagustuhan nito pero siyempre, Baked Penne ang kinuha niya para level up kahit papaano. Pagkatapos mai-print ang larawan ay inilagay niya ang bond paper sa loob ng kaserola at marahang inalog.

Duda pa si Paula noong una ngunit habang lumilipas ang bawat segundo ay unti-unti niyang naramdaman ang pagbigat ng kaserola at ang pag-init ng ilalim niyon. Maya-maya pa'y nagsimula na ring humalo sa hangin ang nakahahalinang amoy ng samu't saring pampalasa. 

Nang silipin ni Paula ang kaserola ay hindi niya napigilan ang mapasighap dahil nandoon nga ang Baked Penne kagaya sa larawan. Bumubula pa ang tunaw na keso sa ibabaw na tila bagong luto at may garnish pang chopped parsley na animo'y hinango sa isang five-star restaurant. Hindi na nga nakatiis ang kanyang Nanay Rowena at agad itong sumandok ng isang kutsara para tikman iyon.

So, legit nga?

Binalikan ni Paula ang natitirang items sa balikbayan box—Christmas in Our Farts at Beauty in a Vest.

"Ma, 'wag niyong gagalawin 'to ah!" Iwinagayway ni Paula sa harap nito ang mason jar na may lamang utot. Hindi siya sigurado kung paano niyon gagawing 'festive' ang loob ng kanilang bahay kapag pinakawalan pero hindi na rin naman kailangan dahil simula nang pumanaw ang kanyang Tatay Felix ay hindi na sila nagsabit pa ng kahit anong dekorasyon tuwing Pasko. Isa pa, pangalan pa lang niyon ay mabantot na kaya wala siyang tiwala.

Mas interesado si Paula sa kulay itim na vest. Ayon sa manual na hawak ay kaya niyong mag-transform sa kahit anong damit na isipin niya. Tamang-tama dahil wala pa siyang napipiling isuot para sa Simbang Gabi mamaya. Nagtungo siya sa sariling kwarto para subukan iyon.

Paula excitedly wore the vest and pictured in her mind this gorgeous red wrap dress that she saw on Pinterest once. In a split second, the vest emitted a blinding light then slowly transfigured into the exact dress she envisioned.

Bongga!

The dress hugged Paula's body in all the right places and accentuated her natural curves. Its bright red color also complemented her pale skin. She went straight to the dresser to look for accessories to match her outfit but got interrupted by a knock on the door.

"Yes, Ma?" Tanong niya nang mapagbuksan ito ng pinto.

"'Nak, ano kasi," may tabinging ngiting bungad nito. "Sinubukan ko lang na ilagay 'yong picture ni Felix sa kaserola baka kasi alam mo na, bumalik siya."

"Ano po?!" Parang nabingi si Paula sa narinig. "Ma, hindi pagkain si Papa—"

Paula's jaw dropped when a familiar figure suddenly appeared behind her mother.

"Masarap din naman siya kaya siguro gumana." Tears started to fall in her mother's eyes as she wrapped her arm around her father's waist.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top