• Ang Anito, Ang Lawin, At Ang Binhi

Katapusan ng Kababalaghan

Ang Anito, Ang Lawin, at Ang Binhi

"Promise, babe. Ikaw lang talaga at wala ng iba."

"Sure na sure na ba, babe?"

"Oo. Masasabi kong nahanap ko na talaga ang para sa akin."

"Hanggang kailan?"

"Habangbuhay. Magpakailanman."

"Sige. Sinasagot na kita, babe."

"Talaga?"

"Oo, babe. Oo."

Mahigpit na nagyapos ang magkasintahan at pinagdikit ang mga labi. Sabay pang nagpikit ng mga mata para mas maramdamang mabuti ang kanilang pagmamahalan.

"How sweet."

Nagulat ang dalawa sa narinig nilang iyon. Napalingon sila sa tabi ng inuupuan nilang bench sa gilid ng Luneta Park. Hatinggabi at walang poste ng ilaw sa dakong iyon kaya nahirapan pa silang aninagin ang taong 'di nila napansing nakaupo pala sa tabi nila.

"S-sino ka? P-paano ka napunta rito?" takot na takot na tanong ng lalaking mas mahigpit pa ang yakap kaysa sa kaniyang kasintahan.

"Excuse me, Sir. Nauna 'ko rito," sagot ng mahiwagang lalaki. Matikas ang pagkakaupo nito at tuwid ang magarang suot na tuxedo. Natatakpan ng dilim ang mukha nito.

"Kahit pa. Privacy naman po," katwiran ng babae.

"Look. I respect you both. Masarap magmahal. Matamis ang mga pambungad na salita pero 'di maglaon ay pumapait din paglipas ng panahon."

"We're not asking for your advice. Mabuti pa'y humanap ka ng sarili mong pwesto."

"Okay. Chill. I'm not planning to stay longer either."

Wshwshwsh. Napatahimik sila sa narinig na kaluskos sa kanilang likuran, sa tabi ng ilang puno at palumpong na nakalinya sa gilid ng parke.

Isang higanteng may malaking ulo na gawa sa inukit na kahoy ang bumungad sa kanila. Mas mataas pa ito sa mga puno roon at natatakluban ng makapal na banakal ang buong katawan. Nakalabas lamang ang isang kamay na may hawak na malaking tungkod.

Nanlaki ang mga mata ng magkasintahan at napanganga. Nanigas ang kanilang mga katawan at 'di makapaniwala sa nakikita.

"Uwinan Sana. Nariyan ka na pala," bati ng misteryosong lalaki.

Humakbang ang anito papalapit at hinarap ang bench. Bawat yapak nito'y nagpapayanig sa lupa. Nagsiliparan pa ang mga ibong natutulog na kanina sa sanga ng mga puno roon. Dahil sa dilim, tila walang ibang namamasyal ang nakakakita sa higanteng anito kundi ang magkasintahan.

"HINDI MO SINABING MAY HAIN KA PALA SA'KING HAPUNAN. TAMANG-TAMA, GUTOM NA ANG NGA ALAGA KONG LAMANG-LUPA."

Nanghilakbot ang magkasintahan sa takot at nang makatiyempo ay lakas-loob at pasuray-suray pang nagtatakbo palayo.

"GANOON NA BA AKO KAPANGIT?" Malalim ang tinig ng anito.

"Sinabi ko naman sa'yo, Uwinan. Matuto kang magbalatkayo at makihalubilo sa mga timawa. Nang sa gayon ay mas malaya tayong makakakilos."

"NAPAKABILIS MO NAMANG BUMAGAY SA KALUPAAN, AMIHAN. O MAS TAMA BANG TAWAGIN KITANG MANAUL?"

"I missed being called by those names. Mr. M na lang for short."

"IYAN BA BA ANG GAMIT MONG NGALAN NGAYON?"

"Ang dami mong tanong. Dala mo na ba ang hinihingi ko?"

Nataranta pa ang anito sa pagpasok ng kamay sa mahiwaga niyang kasuotan at may hinanap. Paglabas ay iniabot niya sa nakaupong lalaki ang isang binhing nagliliwanag.

"Magaling." Gumuhit ang ngiti sa bibig ni Mr. M. Agad na kinuha sa malaking palad ng anito ang binhi at itinago.

"TULAD NG IYONG SABI, GINABAYAN KO ANG TAGAPAG-INGAT NA MAKAPASOK SA BALETE. MAHIRAP KAUSAP ANG SANTELMO NGUNIT NAPASUNOD KO NAMAN NA IBALIK ANG DATU SA DATI NITONG TUNGKULIN. NAPASAKAMAY RIN NG ENGKANTADA ANG DATING MAHARLIKA. BUTI NA LAMANG AY SUMUNOD SA PLANO ANG BATANG TAGAPAG-INGAT. MASIYADONG MAPUSOK ANG ENGKANTADA KAYA NATAGALAN ANG PAGPAPALAYA SA KANIYA."

"Well, there will always be unexpected things to happen bago natin makamit ang ating hinahangad. Ang mahalaga, nasa atin na ang binhi ni Anagolay."

"SUNDIN MO ANG IPINANGAKO MO, MANAUL. SA HULING ARAW NI MAPULON, AKO DAPAT ANG MAPAGSASALINAN NG KAPANGYARIHAN NIYA SA KAPANAHUNAN."

"Be patient. Sa takdang panahon."

"HINDI SA PAKIKIALAM NGUNIT MAAARI KO BANG MATANONG KUNG PARA SAAN MO GAGAMITIN ANG BINHI?"

Hindi sumagot ang lalaki. Tumayo ito at humakbang ng kaunti. Hinarap nito ang direksyon ng lawa ng Maynila, 'di kalayuan sa parkeng kanilang kinaroroonan. "Isa 'kong ibon, Uwinan. Ang ibon ay dapat na malayang nakalilipad. Pataas at hindi pababa."

"HINDI BA'T PINALAYAS KA SA KALUWALHATIAN? BAKIT HINDI MO SUBUKANG PUMANHIK MULI?"

"Isinumpa nila akong lumipad sa kawalan. Nagawa ko na dating pababain ang kalangitan. Bakit ko pa hihilinging bumalik roon kung kaya ko namang pabagsakin ang kabuuan nito?"

"AT PAANO MO NAMAN IYON GAGAWIN?"

"Sa tulong ng binhi, malalaman na natin ang kinaroroonan ng mga bagay na matagal nang nawawala, bagay na itinago sa ating paningin."

"ANONG HANAP MO, MANAUL?"

"Isang dating kaibigan, Uwinan. At ang tungko ng langit na pinaghimlayan nito. Oras na para siya'y magising."

*************************************************************

Congratz! ( ˘ ³˘)♥

Unang Aklat has finally ended. Pero dito pa lang nagsisimula ang journey natin.

I need your help, guyz, for the revision process before ko ipasa ang manuscript sa publishing houses. Awit. Hahahaha.

I'll create another survey siguro about sa pwedeng baguhin for the editing phase.

Also, baka maglagay rin ako ng talahulugan for quick reference.

AND, a special part for BOOK 2 teaser!

Stay tune also sa PodCast adaptation by HilakbotTV. Nagre-record na daw sila.

Maraming salamat, mga Maharlika.
ಥ‿ಥ

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top