34 Ang Nuno
Ika-Tatlumpu't Apat na Kababalaghan
Ang Nuno
IT DID WORK.
Nung una'y hindi pa sang-ayon si Maggie sa kanilang plano na basta-basta na lang lumusob. Pero sa takbo ng mga pangyayari, mukhang maganda naman ang kinalabasan. Lumabas sa lungga ang mga naglalakihang bantay habang sina Yana at Rigel naman ang papatay sa oras para maisagawa ni Mike ang nararapat.
Dahil sa sa saya at pananabik, halos 'di na maramdaman ni Maggie ang hapdi ng mga sugat at sakit ng kaniyang lamog na kalamnan. Nakangiti niyang pinasok ang madilim na siwang ng puno, kasunuran ni Mike.
Ni hindi na nila nagawang makipagkamustahan ng ayos sa kapatid nilang si Mart pero alam niyang parehas silang umaapaw sa saya nang malamang buhay at maayos ang kaniyang kalagayan.
Saka lamang nila naalala na may isang bagay pa nga pa lang kailangan bago makapasok sa Balete.
"Duroy!" tawag ni Mike. Nage-echo ang kaniyang boses sa pader na kahoy. Isang batok ang nakuha nito sa kaniyang ate.
"Tae, wala naman dito si Duroy."
"Alam ko naman. 'Di ko lang alam kung sinong mag-iimbita sa'tin." Napahaplos ito sa ulo.
"There should be someone in here. Hello?"
"Mga lapastangan!"
Napaurong silang dalawa sa malalim na sigaw na iyon na hawig ng sa tambol.
"Bawal ang trespassers dito," sigaw pa ng isa.
"Mga walang galang. Hindi nagpapasintabi po."
Nagpalinga-linga ang dalawa para hanapin ang pinanggalingan ng mga ingay. Alam nilang hindi lang nag-iisa ang nilalang.
"S-sino kayo?" tanong ni Maggie. Iniharap niya ang kaliwang palad na naglabas ng mapanglaw na liwanag. Nagmistula siyang human flashlight.
Lumiwanag ang kinatatapatan nila ngunit mga baging lamang ng Balete ang kanilang nasilayan.
"Dito, panget."
"Ibaba mo."
"Dito sa baba."
Sinunod na lamang ni Maggie ang kaniyang narinig. Dahan-dahan niyang ibinaba ang mga kamay at bumungad ang nasa limang matatandang nakasuot ng salakot, pango ang mga ilong at malalaki ang bilugang tainga. Mahahaba ang puting balbas ng mga ito at tila nakaupong-palaka sa tumbon ng lupa- mga nuno sa punso.
"Kayo lang?" yabang na tanong ni Mike. "I mean, wala na bang ibang bantay?"
"Hoy, bata. Kami ga'y kinukutya mo?" banta ng nasa gitnang kulay pula ang suot na bahag. Kung susumahin, halos ga-baywang lang ni Mike ang tangkad ng mga ito. Nakatuntong pa nga sila sa punso.
"Mike," tawag ni Maggie. "Ako na bahala. Mag-concentrate ka lang sa paggamit ng agimat mo. I can handle this." Hinigpitan niya ang paghawak sa buntot-pagi.
Nagtaka man, hinayaan lang ni Mike ang kaniyang ate at umurong.
"Look. We don't want to harm you, guys. At kung magpapakabit kayo't iimbitahin kaming makapasok, hahayaan lang namin kayo sa gusto niyo."
"Nagpapatawa ka ba?" Sabay-sabay na humalakhak ang mga nuno.
"Saglit. Natatandaan kita. Ikaw 'yung Maginoong nang-tresspass din n'on sa liwasan," sabi ng nakapula na tila lider ng grupong iyon. "Natatandaan ko pa kung paano mo ako itinaboy nung araw na 'yon."
"I don't even remember you."
"Boss, papayag ka ba sa gay-an? Hindi ka na ginalang," tukso ng isa sa mga kasama nito.
"Miss, kung ako sa inyo mabuti pa'y tumakbo na kayo paalis. Sakop ng kapangyarihan ni Reyna Ana ang teritoryong ito."
"Na-try niyo na bang lumabas ng lungga niyo. Natatalo na ang inyong hukbo," pagmamayabang ni Maggie.
"Wala akong pakialam, binibining mukhang kawayan."
"Anong sinabi mo?"
"Isang sumpa lang, mamamaga na ang anumang parte ng katawan mo."
"Aba't sinusubukan mo talaga ako." Pinadaloy ni Maggie ang init sa kaniyang latigo hanggang sa manigas at maging matulis na espada.
"Ate," tawag ni Mike
"'Wag mo 'kong pigilan, Maki. Makakatikim 'to sa'kin."
"Aba, palaban talaga, ah."
"Sumpain mo na 'yan, boss."
"Oo nga, mukhang wala namang binatbat," gatong ng mga kasama nito.
Hindi inasahan ni Maggie ang sunod nitong ginawa. Dumura ang nakapulang nuno ng malapot na laway at saktong dumikit sa kamay ni Maggie. Kulay maitim na berde itong may halo pang nginuyang nganga at tinga.
"Ew!" Halos mahimatay siya sa pandidiri. Nabitawan niya ang buntot-pagi at pilit na ipinunas ang kamay sa suot niyang leather jacket. "Bakit ka nanunura?"
Tawa lamang ang sinagot ng kaniyang mga kalaban. Parang mga batang tuwang-tuwa sa natamo ng inaaway nilang kalaro. Napahawak pa ang lider-lideran sa kaniyang mahabang balbas.
"What the-" Saka lamang naramdaman ni Maggie ang hapdi. Tinignan niya ang kamay na naduraan. Namumula na ito't mabilis na namaga. Lumaki ang kaniyang palad at mga daliri na nagmukhang matatabang luya. "What did you do?"
"Sabi naman sayo, eh. Hindi magagamot ang sumpa ng isang nuno." Nagsimula na ring dumura ang iba pa.
Walang ibang nagawa si Maggie kung hindi ang magtatatalon para iwasan ang kanilang mga kadiring laway. Ramdam niya ang pagbigat at pamamanas ng kaniyang namamagang kamay.
"Ahm, Ate."
"No. I said, I can handle this," inis niyang sabi kay Mike.
"Alam mo, Miss, magpaubaya ka na sa kapatid mo," tutya ng nuno. "Halata namang walang binatbat 'yang mukha mong puro paganda laang."
"Hindi nga kagandahan."
"Ala'y mas pakakasalan ko pa ang punso kong ire."
"Ah, ganon." Umusok ang butas ng ilong ni Maggie. Hindi na siya nakapagtimpi pa at itinapat ang kaliwang palad sa isa sa mga nuno sabay palabas ng kaniyang sinag. Saglit pang lumiwanag ang dakong iyon. Nang bumalik ang dilim, natumba ang nunong kaniyang pinatamaan. Nangitim ito sa pagkakatusta't wala nang malay.
Biglang nanahimik ang mga kasama nito't lumagpak ang mga baba sa ibabaw ng punso dahil sa sindak.
Maging si Mike ay napasinghap mula sa likuran.
"Takbo!" sigaw ng mga nunong mabilisang bumaba sa kanilang punso para makatakas.
"At saan kayo pupunta, mga inggiterang trolls." Mabilis niyang hinablot ang buntot-pagi sa lupa at inaya si Mike na habulin ang mga nuno, papasok sa mas madilim pang dako.
Iniangat pang muli ni Maggie ang palad at nagpalabas ng sinag. Sapul ang isa sa mga lamang-lupa. Nagkandarapa ang tatlong natira pa.
"Huli ka!" bulalas ni Maggie nang mahawakan ang balbas ng nakapulang nuno. Hinila niya ito't iniangat.
"A-ar-aray ko po!" sigaw nito sa sakit ng pagkakasabunot sa kaniyang ubaning balbas.
"Hindi mo ba talaga kami papapasukin?"
"Oo na. Ito na. Ito na."
"Pero, boss," pigil ng isa ngunit nahawakan na rin naman ito ni Mike at nahuli rin ang isa pang sumusubok magbungkal ng lupa para makatakas.
"Mga kapatid, masaya akong nakilala kayo," paalam nito sa nga kasama.
Napaismid si Maggie. "No. I won't kill you. Isang sambit mo lang ng pag-imbita, patatakasin na namin kayo. Pangako 'yan."
"Boss, mahal ko pa ang buhay ko," pagmamakaawa ng kasama nito.
"Alang-alang sa sangkanunoan, kayo'y aming iniimbita sa loob ng Balete."
"Thank you." Agad na binitawan ni Maggie ang pinandidirihan niyang maligno. Tinignan niya si Mike nang nakangiti. Mabilis silang hinila ng hangin, mga katawa'y tila sumabay sa pagdaan ng pwersang singtulin ng tren.
Pagkamulat ay inatake sila ng hilo.
Saglit na napahawak si Maggie sa mga sintido ngunit ang naihawak niya'y ang namamaga niyang kamay kaya napahiyaw pa siya sa sakit.
"Okay ka lang, ate?" pag-aalala ni Mike.
"Okay lang. We're here na." Itinuro niya ang harapan nila. Matayog pa ring nakatayo ang malaking pintuan ng liwasan. Matamlay na ang mga imaheng nakaukit dito.
"Lead the way," utos niya sa kapatid. Itinulak ni Mike ang malalaking pinto at bumungad ang madilim na liwasan.
Dahan-dahan silang pumasok nang nakahanda pa rin ang mga sandata. Wala na ang dating liwanag ng lugar na 'yon, 'di tulad ng huli nilang punta rito. Abandonado ang bawat stalls at nagkalat ang mga sirang paninda. Nangangamoy ang alimuom ng basang kahoy. Tanging ang espadang kidlat lamang ni Mike ang nagbibigay sa kanila ng tanglaw. Hindi rinig ang labanan sa labas kaya bawat hakbang nila'y lumilikha ng maingay na kaluskos.
"Saan kaya sila?" tanong ni Mike.
"Shhh. Ibulong mo lang," saway ni Maggie. "Baka nasa may dambana sila ng nga diwata, doon sa pinagdalhan ni Maria kay Mike."
"Feeling ko, hindi."
"At bakit mo naman nasabi?"
"Kung totoong malaya na si Ana, hindi ba mas pipiliin niyang maghanap ng lungga na mas mainam kaysa rito? Pero mas pinili niya pa ring manatili sa Baleteng ito na kita mo naman ay nabubulok na."
Napataas si Maggie ng kilay. "And what's your point?"
"Dahil hindi naman nawala ang sumpa sa kaniya. Isa pa rin siyang engkantada hanggang ngayon. Tingin ko, nakatali pa rin ang kaniyang kapangyarihan sa isang lugar."
"Saan?"
"Sa bulwagan ng mga engkanto."
"Wow! Marunong ka rin pa lang mag-isip. Napahanga mo ako, mga 2 grams."
"Thanks."
"Pero paano tayo makakarating doon?"
"Easy Peasy. Nanggaling na 'ko r'on dati. Sunod ka lang sa akin."
Nagdalawang-isip man, sumunod na lamang si Maggie. Hindi pa siya makapaniwalang siya na ngayon ang nakikinig sa plano ng kaniyang nakababatang kapatid . Mukhang tama nga ang tinuran ng sirenang si Larina, kahit pa gaano ka kabugnot sa kanila, ang kapatid ay kapatid for life. Matututunan ring tanggapin ang mga ugaling hindi gusto sa isa't-isa.
Binaybay nila ang kaliwang bahagi ng liwasan hanggang sa makarating sa isang madilim na lungga.
"Ahm. Tingin ko, oras na para sa sinag mo," suhestiyon ni Mike.
Pero bago pa nakataas si Maggie ng mga palad ay hinarap sila ng nga naglalarong anino. Nasa sampu sigurong nilalang ang biglang lumitaw, pawang mga nakasuot ng puting damit at lumulutang ang mga paa sa lupa.
Otomakitang napahawak si Maggie sa kaniyang buntot-pagi at pinatigas muli, tiniis ang hapdi ng pamamaga ng kaniyang kamay. "Sino kayo?"
"Ang lakas ng loob niyong magbalik," matapang na sabi ng isa sa mga nilalang na 'yon. Garalgal ang boses nitong tila hindi nakakapagmumog sa umaga. Inangat nito ang ulong nakokoronahan ng kulay pilak na buhok at bumungad ang mukhang hindi inakala ni Maggie na kasing gwapo ng mga napapanood niyang Korean idols.
"Anak ng kimchi," tanging nasabi niya sa makinis at maputi nitong balat, matangos na ilong at singkit na mga mata. Saka niya lamang napansin na kabigha-bighani rin ang iba pa nitong kasamahang engkanto.
"Katawa-tawang mga bata lamang ang kakalaban kay Reyna Ana."
Hindi maalis ni Maggie ang titig sa manipis at mapulang labi nito. Kumikinang ang mapuputi nitong ngipin. Ang tanging bagay lang na nakapagpa-turnoff sa kaniya ay ang kawalan nito ng philtrum, ang guhit na makikita sa ilalim ng ilong at ibabaw ng labi.
"Tama na ang dakdak," banta ni Mike. "Magsilapit kayo kung gusto niyong matikman ang kidlat ko."
Nagsimulang lumusob ang mga engkanto. Sinubukan ni Mike na ihampas ang kaniyang espada ngunit tumatagos lamang ito sa mala-espiritung katawan ng kalaban. Hindi niya akalaing marunong pala ang mga ito ng ganoong kakayahan.
Lumapit ang isa kay Maggie. Ramdam niya ang paghinga nito sa kaniyang harapan. Sandali pa siyang naakit sa makulay nitong balintataw.
"Hi, baby."
"Ate!" tawag ni Mike na nagpabalik sa kaniya sa reyalidad.
Agad na hinawakan ng engkanto ang braso ni Maggie na may hawak na buntot-pagi. At ang isang kamay ay isinakal sa leeg niya. Nahirapan siyang huminga. Ipinilipit nito ang kaniyang braso. Sa hapdi, kusa niyang binitawan ang hawak na espadang buntot-pagi. Nanikip ang kaniyang dibdib. Ramdam niya ang higpit ng pananakal at hindi siya makahagilap ng hanging ihihinga.
Inilapit ng engkanto ang bibig sa kaniyang tainga at bumulong, "Tipo mo'y mabilis mahulog ang loob. Kaya ka nasasaktan, eh."
Hindi alam ni Maggie kung bakit sa gitna ng pag-aagaw-buhay niya ay mas naalala niya ña ang ultimate crush niya sa school na inagaw ng kaniyang bestfriend. Matagal na panahon na 'yon at pilit niyang kinalimutan dahil alam niyang napakababaw pa niyang tao noon. Pero dahil sa mga sinabi sa kaniya ng engkanto, muling nagbalik ang init ng kaniyang poot at pighati, init na unti-unting gumapang mula sa kaniyang puso palabas sa kabuuan ng kaniyang katawan.
Namilog ang mga mata ng engkanto nang maramdaman ang biglang pag-apoy ng balat ni Maggie. Napabitaw siya dahil sa pagkapaso.
Nakahinga muli ng maayos si Maggie nangingilid ang kaniyang luha. "'Wag na 'wag niyo 'kong paglalaruan." Nanggigigil siya't ipinatong ang palad sa artistahing mukha ng engkanto. Literal niyang pinalamon ito ng sinag. Ang kawawang puting nilalang ay tuluyan nang naging usok.
Huminto ang iba sa pakikipaglaban kay Mike, bawat isa'y nakangangang tinignan si Maggie.
"'Yan ang ate ko!" pagmamayabang ng kapatid niya.
Tinapangan ng mga natirang engkanto ang kanilang loob at nagsimulang magpalit ng anyo. Nangitim ang mga balat nila't nagmukhang mga inaagnas na bangkay. Sabay-sabay silang sumugod.
Ikinuyom ni Maggie ang mga kamay at mabilis ring inilahad sa kaniyang kanan at kaliwa. Ibinuka niya ang mga daliri at naglabas nang nakasisilaw na liwanag. Napahinto ang mga kalaban at nagtakip ng mga mata. Alam niyang takot sa liwanag ng araw ang mga maligno. Maging si Mike ay napayuko sa tindi ng sinag.
Ngunit hindi naapektuhan si Maggie. Sa katunayan, mas malinaw pa niyang nakikita ang kapaligiran. Naglalaro ang mga alon ng kulay, kita niya ang bawat wavelength ng electromagnetic spectrum.
"Bilisan mo, Mike!" sigaw niya sa kapatid.
"Ano? Ano na namang gagawin mo?"
"We're running out of time. Puntahan mo na si Maria."
"P-pero-"
"I'll try my best to guard. Go! Tuparin mo ang nakatakda." Mariin niyang tinitigan ang kapatid.
Kahit nasisilaw ay tumango lamang si Mike sabay sipol. Biglang lumabas ang isang mahiwagang kabaong at kaniyang inupuan.
"'Wag kang masiyadong mag-enjoy sa powers mo," ngiti nito sa kaniya. "Pagbalik ko, mag-sparring pa tayo." 'Yun lamang at ang ataul na kinasasakyan nito'y mabilis na umusad pasulong, papasok ng lungga at patungo sa bulwagan.
Unti-unti nang nakabawi ng paningin ang mga engkanto. Hindi na sinayang ng mga ito ang oras at parang mga zombie na sumalakay kay Maggie.
Napangiti si Maggie, "It's Showtime!"
*************************************************************
One of my favorite chapter. This is Maggie's last POV chapter for the first book. Nakakatuwa na nakakaiyak kasi nasaksihan ko kung paano siya nag-grow as a character simula noong na-meet natin siya sa second chapter (Ang Tiyanak). She still has a lot of room to grow pero unti-unti na siyang natututo.
Also, Balete Chronicles just hit 80,000 words with this one.
So, congratz! 🥳💕
Last 4 chapters to go!
Up Next: Ang Engkantada
Keep on reading! You my vote and comment any suggestions and/or reactions.
Love y'all! ( ˘ ³˘)♥
-- Catam, B.C.A. of Klab Maharlika
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top