32 Ang Sirena
Ika-Tatlumpu't Dalawang Kababalaghan
Ang Sirena
"ATE, GISING." Halos hindi magrehistro ang mga tinig na 'yon sa tainga ni Maggie, singlabo at singlalim ng tubig ng lawa.
"M-Mike?" pilit niyang sabi kahit naglalasang lumot at putik ang kaniyang bibig. Iminulat niya ang mga mata at bumungad ang uhuging mukha ng kaniyang kapatid.
"Gising na, Ate. 'Wag mo 'kong pilitin."
Sinubukan ni Maggie na igalaw ang nanghihina pa ring mga braso at hawakan ang basang uniform ni Mike. "P-pilitin ang alin?"
Pak! Malakas na sampal mula sa kapatid ang nagpagising kay Maggie.
"Aray!" Napahawak siyang bigla sa mga pisngi, nangingilo ang mga ngipin. "Walang'ya ka. Gising ako."
"Hindi kaya. Naglalaway ka na nga, eh. Kinakabahan na 'ko."
Mas luminaw na ang tingin niya sa paligid. Kinaya na niyang makaupo sa itim na buhangin. Malamig pa rin ang simoy ng hangin. Malalaki't mabababa ang mga itim na ulap na nakabitin sa langit, takip ang haring araw. Tumatampisaw sa pwesto nila ang alon ng lawa. "Nas'an tayo?
"Nasa isla na."
"Totoo ba?" Nilingon ni Maggie ang kaniyang likuran na puno ng matatayog at naglalakihang punong-kahoy. Halos mangitim ang dahon ng mga ito na nagbibigay ng nakatatakot at nakalulumbay na atmospera sa kapaligiran.
Nakapa niya pa rin ang buntot-pagi na nakakapit sa kaniyang braso. Nalamog 'ata ang katawan niya't medyo nananakit ang kaniyang lalamunan. Kahit basa pa ay tinanggal niya sa pagkakatali sa beywang ang kaniyang leather jacket at sinuot. Baka sakaling magbigay init.
"Where's Rigel?" Nilinga ni Maggie ang direksyong itinuro ni Mike. Inaalo ni Yana ang likod ni Rigel habang sumusuka sa tabi ng isang puno. Hindi na siguro nakayanan ang hilo sa mga nangyari sa kanila.
Napasinghap si Maggie nang maalala ang ginawa ni Yana kanina. Hindi pa rin siya makapaniwalang kinalaban nito ang halimaw sa pamamagitan ng pagkontrol ng alon ng lawa.
"Na'san na ang buwaya?" tanong niya kay Mike ba hindi rin mawala ang tingin kay Yana.
"Hindi ko rin alam. Baka bumalik na sa lungga niya."
"S-siya ba ang nagligtas sa atin? Si Yana?"
"Ah. Hindi. Nauna pa nga akong nagising diyan, eh."
"Edi, sino?"
"Si Larina."
"Sino?"
"Ang malditang sirena."
"Alam mo, ramdam ko pa rin 'yung sampal mo, ha. Kung 'di ako pagod, nakatikim ka na."
"Aba, totoo nga sinasabi ko."
Naagaw ang tingin ni Maggie sa bagay na kumikinang, ilang dipa mula sa pwesto nila ni Mike.
"Tumabi ka nga," hawi niya sa kapatid. Tinitigan niyang mabuti ang nilalang na 'yon. Iba't-ibang kulay ang ibinibigay na repleksyon nito sa tuwing tumatama ang liwanag, mga liwanag na parang kaleidoscope ang disenyo.
"Is this for real?" Napatakip sa bibig si Maggie nang maintindihan ang nakikitang imahe— isang buhay na sirena. Magandang dilag na may kulay gintong buhok at sa isda naman ang beywang hanggang buntot. Matiwasay iyong naka-upo sa dalampasigan, nakatanghod sa isa lang lalaking walang malay.
"'Tay? Si Tatay ba 'yon? OMG!" Napatayo bigla si Maggie at nagtatakbo palapit sa nakahiga niyang amang katabi ng sirena.
Agad na sumunod sa kaniya si Mike.
"Hoy! Anong ginagawa mo sa tatay ko?" sigaw niya sa mahiwagang babae. Agad siyang lumuhod at kinumpirmang si Tatay Miguel nga iyon. Punit-punit ang pang-gwardiyang uniporme nito na basa ng dugo. Bakas pa ang malaking sugat nito sa leeg na unti-unting naghihilom. Wala itong malay. Agad na siniyasat ni Maggie kung humihinga pa ito at umusal ng pasasalamat nang madama ang kaniyang hininga.
"Malaki ang natamo ng inyong ama," sabi ng nagliliwanag na sirena. "Tinry ko ang katas ng butil ng halamang-tubig pero mas mainam kung ito'y iinumin kaya very good kung siya'y magising."
Hindi maiwasan ni Maggie na mapatitig sa blandina nitong buhok, nakalugay at tumatakip sa katawan nitong walang saplot.
"P-paano siya nakarating dito? 'Di ko maintindihan," pagtataka pa rin ni Maggie. Sa pagkakaalala niya'y naka-duty ito sa kaniyang trabaho noong umalis sila mula sa Maynila. Ni hindi na nga nila nagawa pang makapagpaalam dahil ang sabi ni Lola Nimpa ay siya na ang bahala.
"Aba'y malay ko rin. Ngayon lamang uli may nag-visit na mga tao sa pulo. Nang makita ko kayong nalulunod sa lawa, ako'y nagpatulong sa iba ko pang mga kasama at nahabag dahil minsan rin akong naging tao."
"S-sino ka nga?"
"Ay, anak ng talangka. Ako si Larina, the most beautiful and most gorgeous bantay-tubig of the bay. 'Wag mo 'kong masino-sino. Kayo ang dayo rito. Hmm."
"Sorry po, Miss," singit ni Mike. "Nadadala lang ng emosyon itong si Ate. Hehe."
"I still don't understand. Nas'an na ang ibon?" tanong ni Maggie.
"Ate, si Tatay ang ibon."
"Ano 'ka mo?"
"Kasamang iniligtas ng mga bantay-tubig ang tigmamanukan. At nakita ng dalawang mata ko nung nag-transform siya at tada, si Tatay."
Naningkit ang mga mata ni Maggie. Pinagmasdan niyang muli ang nakahimlay nilang ama at unti-unting naglaho ang kaniyang pagdududa. Kaya siguro sa kanilang magkakapatid ito agad lumapit nang makita sila sa may talampas. Kaya pala pamilyar ang mga titig nito. Siguro'y nagpumilit itong sundan sila nang malamang papunta sila sa Bundok Makiling.
"Kung gan'on," napatingin si Maggie sa kaniyang katawan," kaya rin nating magbagong-anyo at maging higanteng ibon?"
"'Wag kang feeling, beshie. Walang kinalaman sa pagiging Maginoo niyo ang nangyari sa inyong ama," paliwanag ng sirena. "Look, oh." Itinuro nito ang kakaibang marka sa noo ng kanilang tatay. "May makapangyarihang tao o malamang ay anito na nagpabago sa kaniya ng anyo. I know dahil ako mismo, naka-experience."
Sabay na nagulat sina Maggie at Mike nang biglang luminga-linga ang sirena at ipinungay ang mga mata, tila may sinusulyapang hindi naman nakikita at nagpapa-cute sa harapan nila. Bumuntong-hininga ito. "Naalala ko pa noon, isa lang akong simpleng dalaginding. Balita sa buong town ang aking kagandahan kaya't isang inggiterang diwata ang nagsumpa sa aking maging kalahating isda." Ipinagpag nito ang kumikislap na buntot.
"Wait, natatandaan ko na ang kwento," bulalas ni Maggie. Nabasa niya sa isang lumang libro sa may library ang kwentong-bayan tungkol sa magkakapatid na Mangita at Larina. "Hindi ba nagpanggap na matandang babae ang diwata. At dahil hinayaan mo lang na magkasakit ang kapatid mo kaya ka pinarusahang tumira sa ilalim ng lawa habangbuhay."
"Ugh! 'Wag mo ngang ipaalala sa akin si Mangita. Isa siyang plastic at magpapanggap. Kung anu-ano na ang naipakalat niyang fake news. Ngunit matagal ko na siyang napatawad dahil siya'y aking sister for life. Kung totoo silang mahabagin ng matandang iyon, hindi nila lilisanin ang pulong ito dahil lamang sa unti-unting pagrumi ng lawa mula sa mga taong walang-awang inabuso ang ating likas-yaman. Ako. Ako ang tunay na may habag sa natitira pang mga fishes and other water creatures na saganang naninirahan dito kasama ko." Hinawakan ng sirena ang mga pisngi't nagpanggap na umiiyak.
"Sabi mo, eh."
Nakataas lamang ang kilay ni Mike sa sagutan ng dalawang babae sa kaniyang harapan.
"Ano na nga pa lang nangyari sa buwaya? Baka nasa paligid pa siya," pag-aalala ni Maggie at nakaramdam muli ng takot.
"Malamang, andito pa 'yon," sagot ni Larina. "Isa rin siyang bantay-tubig. Kayo nga ang pumasok sa aming lugar ng walang pahintulot."
"What do you mean?" Mataas ang tono ni Maggie. "Halos mamatay na kami kanina. Nakita mo ba ang ginawa ng halimaw na 'yon sa tatay namin? Kung mataas lang ang sikat ng araw, ako mismo ang papatay sa kaniya."
Tinawanan lamang siya ng sirena. "Alam mo, marunong ka rin pa lang magbiro. Ang buwayang tinutukoy mo ay isang nóno, isang matandang anito ng kamatayan. 'Di mo sila mapapatay dahil sila mismo ang naghahatid ng mga kaluluwa sakay ng kabaong sa kaniyang likuran papunta sa kabilang ibayo."
"Totoo ang sinasabi niya," pag-sangayon ni Yana. Lumapit ito sa kanila, kasunuran si Rigel.
"Oy, okay na ba kayo?" tanong ni Mike na akma sanang lalapit.
"Yah. I'm okay. No need to touch me. Rigel's fine."
Sa batang Maharlika na lamang umakbay si Mike at kinamusta ito.
Ipinagpatuloy ni Yana ang pagpapaliwanag. "Si nóno ay isa sa mga alagad ni Apung Iru, ang anito ng katubigan ng mga Kapampangan. Kaya sinubukan ko ang aking makakaya na kausapin ito ngunit hindi kami agad nagkaintindihan.
"Ow. Isa ka rin pa lang hinlog ni Amanikable tulad ng kapatid kong si Mangita. Likas sa inyo ang pagiging mahusay sa pangingisda. I hate you."
Napangiti lamang si Yana sa tugon ng sirena. Mukhang sanay na sa mga natatanggap na reaksiyon sa tuwing nababanggit ang anitong kaniyang pinanggalingan.
"Ama nino?" singit ni Mike.
"Nevermind," mabilis na sagot ng dalagita. "Maraming salamat pa rin sa iyo, sirena, sa pagligtas sa amin. Bumalik na sa kaniyang lungga ang buwaya."
"Don't mention it," ismid ni Larina.
"M-Maggie?" Naagaw ang atensyon nila ni Miguel na ngayo'y gising na.
"Tay? Okay na po ba kayo?"
Napahawak bigla ang kaniyang ama sa leeg nang maramdaman ang hapdi ng sugat nito. "Medyo nahihilo pa ng kaunti." Sinubukan nitong bumangon.
"Wait. Hinay-hinay lang po." Inalalayan ni Maggie ang kaniyang tatay hanggang sa makaupo.
"Lamog pa ang mga binti ko. Pero nagagalaw ko na ang mga daliri ko sa paa."
"Inumin mo ang mga butong ito nang ika'y lubusang gumaling," alok ng sirena. Isinuklay nito ang mga daliri sa mahabang buhok at sumama ang ilang binhi ng halaman. Iniabot niya ito kay Miguel na 'di nagdalawang-isip na isinubo ang mga buto't nilunok.
"'Tay, paano niyo po kami nahanap?" Kamusta po sina Lola at Mak-Mak? Paanong po kayo naging... ibon?" sunod-sunod na katanungan ni Maggie.
"Maayos naman nang iwan ko ang lola't kapatid mo. Saka ko na ikukwento kung paano ako naging tigmamanukan. Ang mahalaga ay magtagumpay kayo sa inyong misyon laban sa engkantada."
Napaurong si Maggie sa pagtataka.
"OMG," bulalas ng sirena. "Kilala niyo ang mga bagong salta rito sa isla?"
"Shh. 'Wag ka muna umepal. Nag-uusap pa kami," saway ni Maggie.
Inirapan lamang siya ni Larina.
"Paaano niyo po nalaman?" Hindi maiwasan ni Maggie ang magtanong dahil ang alam niya hindi ito naniniwala sa mga maligno't diwata. Minsan pa nga'y pinagsasabihan nito ang kanilang lola sa tuwing nagkukwento ng tungkol sa mga kababalaghan.
"Nanumbalik ang aking paningin, ang aking paniniwala. Tulad niyo, nagsilbi rin ako bilang Maharlika. Sadiyang tuso si Ana. Kaya kayo'y palaging mag-ingat. Nas'an si Mike?"
Nilingon ni Maggie ang kapatid na kanina pa nananahimik sa tabi. Alam niyang natutuwa rin itong malaman na ligtas ang kanilang ama. Ngunit sadyang hindi sila malapít sa isa't-isa.
"Maki," tawag niya sabay tango, senyas na okay lang ang lahat.
Dahan-dahan itong lumapit sa kanila at agad na niyakap ni Miguel. Naliligo ang mga mata ni Mike sa pagkabigla.
"Patawarin mo 'ko, anak." Hinimas-himas nito ang buhok ng kaniyang panganay na lalaki. "Sana'y nakinig ako sa inyong mabuti noon pa man." Bumitaw ito sa pagkakayapos at mahigpit na hinawakan si Mike sa balikat. "May tiwala ako sa inyo, sa iyo, Mike. Gamitin mong husay ang iyong agimat para magtagumpay. May mensahe ang inyong Lolong si Mapulon mula kay Mak-Mak." Huminto ito saglit sa pagsasalita.
Nagabang sina Mike at Maggie sa sasabihin nitong mukhang napakahalaga.
"Hanapin ang katotohanan. Sa kinang, 'wag palilinlang."
"Ano po ibig sabihin non?" tanong ni Mike.
"Hindi ko rin alam. Pero itatak mo 'yan sa isip mo habang nakikipaglaban. Mabuti pa'y humayo na kayo. Iligtas niyo sina Mart, si Lolo Isko at si Maria."
"P-paano—?"
"Narinig kong nagpaplano kayo habang sakay ko kayo kanina. Gabayan mong mabuti ang kapatid mong si Mart."
"Tara na po, Tay. Sama po kayo," aya ni Maggie na tumayo na't tinignan ang kondisyon ng kaniyang latigo.
"Hindi na, mga anak. Wala pa 'ko sa tamang kondisyon."
"Don't you worry. Babantayan ko siya hanggang sa maging okay. Kailangan niya pa ng ilang oras para magpagaling," sabi ni Larina.
"Thank you so much po," pasasalamat ni Mike dito.
"Welcome. Isa pa, mas tatahimik na ang isipan ko kapag napaalis niyo na ang mga malignong nanggugulo sa islang ito. Win. Win," ngiti ng sirena.
Naghanda na silang apat na Maginoo at inayos ang mga dalang sandata. Tinalikuran nila ang dalampasigan at hinarap ang mga nagtataasang puno ng kagubatan.
"Are we ready, guys?" tanong ni Mike. Nagpalabas ito sa mga kamay ng kuryenteng naging hugis espada.
"Ready." Si Rigel ang sumagot.
Gumuhit ang kidlat sa maitim na langit kasunod ang isang dumadagundong na kulog. Ang kaninang ambon ay tuluyan nang naging ulan.
Nagkatinginan sina Maggie at Mike. Alam nilang parehas na may bentahe at disbentahe ang biglang buhos ng ulan. Hindi gaanong masusuportahan ang sinag ni Maggie ngunit ito naman ang lakas ni Mike.
Tumango sila sa isa't-isa, tanda na handa na nilang suungin ang pagsubok. Pinangunahan nila ang paglalakad papasok ng gubat kasunuran nina Yana at Rigel na nakatutok na ang mga hawak na sandata sa anumang kapahamakang maaari nilang kaharapin.
Pinagmasdan lamang sila ni Miguel at hinayaang kainin ng kakahuyan.
*************************************************************
Mangita and Larina was an old folktale (almost our own version of fairytale) set in Laguna de Bay but since forgotten. Originally, they will meet Mangita as the bay's bantay-tubig but I kinda liked Larina's character more. She's the villain of the story and I chose to have her redemption here since one of the themes of this book is redemption and accepting mistakes. Also, the story didn't mention any mermaids (bantay-tubig only). I just made Larina one of them. And also because the concept of mermaids in Filipino mythology is not quite strong.
One of the redemption arc I included was of Miguel, the siblings' father, which wasn't existing originally on my first draft. When I rewrite his POV chapter (Ang Kapre), that's when I realized that he needed to have a small role on the story. I just don't know if the twist was surprising enough.
Also, Yana's mysterious lineage has been revealed.
Anyway, the real battle is coming. It's Showtime!
Up Next: Ang Batúgan
Keep on reading! You my vote and comment any suggestions and/or reactions.
Love y'all! ( ˘ ³˘)♥
-- Catam, B.C.A. of Klab Maharlika
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top