Chapter 8

Morriah woke up with a headache. She tried not to move her head swiftly and collect her thoughts for a few moments. Later on, she found a glass of water and an Advil on her bedside table. She didn't wonder who might left it there for her just as she knew it would help her get her mind so dizzy. Nanatili pa ito nang kaunting minuto hangga't sa maramdaman niyang gumagaan na ang pakiramdam nito.

Agad namang tumungo palabas ng kwarto si Morriah. Nang tingnan niya ang oras ay pasado alas nueve na. The panic quickly sets in her. Dali-dali rin naman siyang tumungo sa front desk kung saan niya chineck ang staff na naroon. 

"I'm sorry! I slept too much," anito. "Is everything good? May reports ba or anything?"

"Ma'am, kalma ka lang po. . . Everything is good naman," sagot naman ng empleyado nito. Matawa-tawa ito dahil sa pagpanic nito.

Napasapo na lamang sa ulo si Morriah at napailing. "I shouldn't have drink last night. That was a bad idea."

"Mukhang nag-enjoy ka nga kagabi, Ma'am, e," komento pa ng staff nito. "At saka bumalik na po pala si Kuya Rik? Kayo na po ba ulit?" Natigilan naman si Morriah sa tanong nito. "Ay, pasensya na po, Ma'am, na-curious lang ako." Napangiwi pa ito.

Hindi na namang nagbigay ng respond si Morriah at in-excuse ang sarili para i-check ang ibang pasilidad ng hotel. Sinilip naman nito ang dining area kung saan may free breakfast para sa mga guest. When she ensured that everything was smooth sailing as ship, someone caught her attention. Tumapon ang atensyon niya sa grupo ng magkakaibigan.

Ngiti naman ang ibinungad nito at saka siya naglakad papunta sa table nila.

"Good morning, everyone!" pagbati pa nito. Napansin naman ni Alleah na suot pa rin nito ang dami niya kagabi. Nakita rin ni Morriah ang pagtingin ng dalaga sa kanya. "Pasensya na if I haven't changed yet. Kakagising ko lang. I felt so bad pagkagising. I shouldn't have drink last night. . . But did you guys have fun naman?"

"Naman!" sabay-sabay nilang tugon. 

"I actually had fun! Super," ani Cara. "It wasn't part of the itinerary, but I think it was one of the best yet."

"I'm happy to know that, Cara," Morriah said, smiling. "I hope you all had a good sleep because I almost didn't want to get up on my bed. Hangover sucks."

"You should get a cup of coffee," Dominique suggested. 

"I think I should," Morriah replied, nodding her head.

"Kenny saw Rik sleeping in the bar area earlier," Alleah said, pointing at Rik.

Umangat naman ang kilay ni Morriah matapos marinig ang pangalan ng ex-fiance. Halos pumintig ang tainga niya nang banggitin pa lamang ito. She was trying to remember exactly what happened last night, but it was all still a blur for her. 

"Nagising lang ako kaninang six. Naalimpungatan lang ata ako," kwento pa ni Kenny. "Magpapahangin lang naman ako tapos napansin ko na may natutulog do'n sa mahabang kahoy na upuan. Akala ko pa nga kung sino 'yon. Pagkalapit ko si Rik lang pala tapos nagising na siya."

"Nando'n pa ba siya?" tanong pa ni Morriah.

"Umalis na rin siya pagkagising niya," sagot ni Kenny. "Hindi ko nga sigurado kung bakit naka-topless 'yon, e. Ang aga-aga pa."

Napalunok na lamang ng laway si Morriah dahil feeling niya ay may kinalaman siya kung bakit walang suot na damit si Rik. Agad din naman itong in-excuse ang sarili para magpatuloy na mag-check sa paligid ng hotel. At the back of her mind, she wanted to check the bar area kung nando'n pa si Rik, pero nadatnan niyang walang tao ro'n. Dali-dali na rin naman itong bumalik sa kwarto niya at tumungo sa banyo kung saan niya nakita ang t-shirt na may amoy. When she realized it was all covered in vomit, she washed it off and found out that it was Rik's shirt all along.

Now it was answered where his shirt went, but knowing how it ended up in her bathroom could possibly happen that Rik did too.

On the other hand, patuloy pa rin namang kumakain ang magkakaibigan. Daia was looking around to ensure that Willimar wouldn't see them at all. 

"Bwisit 'yong Willimar na 'yon. Sinundan pa talaga tayo rito," sabi pa ni Daia. "Bakit niyo naman kasi sinabi kung saan tayo nag-stay?"

"Hindi naman namin alam na mag-stay rin siya rito," sagot ni Dominique. "Saka pansin niyo ba 'yong tingin niya kay Ley kagabi?"

"Sa akin?" takang tanong ni Alleah. "Ako talaga?"

"Napansin ko 'yon," sabi pa ni Cara. "Nahuli ko siya one time na nakatingin sa 'yo. Something someone who would fall in love with you. Gano'n 'yong tingin niya sa akin. It was weird. Nalaman niya lang no'ng isang gabi na single ka, mukhang kukunin naman niya 'yong chance to do it."

"Mag-ingat ka, girl," babala naman ni Daia. "I was just saying that."

"Hindi mo naman kilala 'yong tao, e," sabi pa ni Dominque.

"Kagabi naman nagpakilala siya, a?" sagot ni Daia. "Tapos no'ng isang gabi rin. Buti nga na-knock out siya ni Rik. I'm Rik all the way here. Sa tingin niyo magkakabalikan ba si Rik at Morriah?"

"Wait. Wait. Ang daming topic. Ano ba pinag-uusapan natin?" tanong ni Cara na may halong pag-angal. "Nalilito na kasi ako."

"We all talk about a lot of things. You just have to keep up, Car," sabi pa ni Kenny. "Pero MorRik all the way rin ako, but we shouldn't get on their way. They need to resolve what they had together and we should keep that out from ourselves. Kaya minsan we should know our limits and boundaries."

"That's my fucking boyfriend," Daia proudly said. "I definitely agree with Kenny. Hayaan na natin sila ro'n. Buhay nila 'yon. Guest lang nila tayo, okay? We all have our problems to deal with."

"We have problems, babe?" takang tanong ni Kenny sa girlfriend niya. He was genuinely wondering why she mentioned that.

Daia only smiled as if those smiles had something in secret.

"Pucha, nandiyan na siya," mahinang sabi Dom. Nang mapatingin silang lahat sa direksyon kung saan nakatingin si Dom ay nakita nila si Willimar na paparating at patungo sa table namin.

"Hello, everybody!" masiglang pagbati ni Willimar.

"Tapos na ba kayo? Ubusin niyo na mga pagkain niyo," pagmamadali pa ni Daia sa kanilang lahat.

Nang makalapit si Willimar sa kanila ay bumunot ito ng upuan sa kabilang table at isingit ang sarili sa table ng magkakaibigan.

"Did you guys enjoy last night? I think that was one of the best nights yet I had in Baler," pagmamayabang pa ni Willimar. "Mag-eextend pa ako ng ilang linggo. I don't want to end this vacation yet when I've got my new friends around!"

Hindi nag-react ang lima, pero pilit na ngiti na lang din ang lumabas sa mukha nila para hindi isipin ni Willimar na pinagkakaisihan nila ito.

"How are you, Alleah?" tanong pa ni Willimar sa kanya.

Before Alleah could even answer him, Daia started coughing. "Ley, samahan mo nga muna ako sa restroom. Kailangan ko ng taga-hawak ng panty ko."

Halos mabuga naman ni Dominique ang iniinom na tubig, pero mabuti na lang ay napigilan niya. Tumayo naman sina Daia at Alleah, sumama rin naman si Cara sa kanila. Nang makalabas ang tatlo ng dining area ay nagtawanan na lamang sila sa naging palusot ni Daia.

"Kaloka ka naman, Daia. Nagulat ako ro'n," ani Cara.

"E, ano namang sasabihin ko? Ginigigil ako no'n ni Willimar, e. Kung kasama niyo siguro ako no'ng nakilala niyo 'yan, e, sana hindi natin iniiwasan 'yan. Anyway, what do you have for our itinerary today? Meron ba tayong big adventure?"

"That'll happen in the next coming days," sabi pa ni Cara. "For today, pwede lang tayo mag-chill sa beach side. Do whatever you want. Mag-surfing kayo o kung ano man."

"Oh, thank God," Daia said, feeling relieved. "Pero alam mo Car, you don't need to stress yourself out. I think mas maganda kung mag-go with the flow na lang tayo sa mga gagawin natin. Just like what Ley and Mando did before. Tama naman ako, Ley, 'di ba?"

Tumango naman si Alleah. "Yes. Naka-lista naman 'yong mga activity na pwede nating gawin. We were just picking the days kung saan gusto ng lahat gawin 'yon so we won't have to force ourselves na gawin 'yon."

"Yeah, for example, last time no'n sa Elyu, we had surfing all day. Ang sakit sa katawan tapos the next day ang sakit ng katawan ko tapos puros sugat pa ako," kwento ni Daia. "Baka lamunin na ako ng lupa kung tuloy-tuloy ang activities."

"Kayong bahala," ani Cara. "I just did the itinerary dahil sinabi niyo, e. Okay from now on, hindi ko na aalalahanin no'n. Let's just all be carefee."

Daia cheered. "Yay! I love it. Now, ang agenda natin today ay hanapan ng foreigner si Ley."

"Ako na naman nakita mo," angal ni Alleah.

"E, ikaw lang naman single rito," sagot ni Daia. "Dali na! Try natin. What do you think?" Napabuntonghininga na lamang si Alleah. Tinusok pa ni Daia at Cara si Alleah sa tagiliran. "Uy! Gusto rin!"

Umirap naman ito. "Kayo talaga! Kung ano-ano talagang tumatakbo sa isipan niyo. Bahala  kayo riyan."

Kumapit naman ang dalawang magkaibigan sa mga braso niya.

"Let's go for a walk sa beach side," sabi ni Daia. "Keri lang siguro kahit hindi pa tayo naliligo. Mag-act ka na lang na nalulunod ka."

"Grabe naman 'yon?!" ani Alleah.

"Syempre, i-timing natin may makikita tayong foreigner."

"Ano ba 'yan. Kalokohan niyo talaga," ani Alleah. "Hindi ba natin hihintayin 'yong boys?"

"Hindi na muna. Hayaan na muna natin sila kay Willimar. Magtiis sila," sabi ni Daia. "Hindi naman siguro nila tayo hahanapin."

Tumungo naman ang tatlo papunta sa dalampasigan. One thing that they loved about staying at Casa Casillas is that it has an easy access to the beach side. Hindi na sila mahihirapang maghanap ng beach side na mapagliliguan dahil may kalapit na sa kanila. 

Hindi naman nagkamali si Daia na pagkarating pa lamang nila sa beach side ay may natanaw na silang mga lalaking foreigner na naglalaro ng volleyball. Kahit ayaw naman ni Alleah ay lumapit sila sa kanila at nanood. They were just watching them until Daia started cheering for them.

Nabigla naman sina Cara at Alleah sa ginawa nito dahilan din para makuha niya ang atensyon ng mga binatang foreigner.

"Would you guys like to join in?" one of them asked.

"Her!" Pagturo pa ni Daia kay Alleah. "She likes playing volleyball! Go for it, Ley! Ipakita mo sa kanila kung gaano kalakas pumalo ang Pinay!"

"Gaga ka talaga, Day," tawa pa ni Cara.

Wala namang choice si Alleah kung hindi ang lumapit sa apat na lalaking foreigner na naglalaro. Nagpakilala naman siya at kinamayan pa sila isa-isa. She thought they all looked good at may accent sila lahat. When they mentioned na they've come all the way from Bristol, she figured that the lads came from England.

"Girl, galingan mo naman pumalo!" sigaw pa ni Daia. "Masyado ka namang pabebe, e!"

 Hindi naman na inintindi ni Alleah ang mga sinisigaw ni Daia. She wasn't really go at volleyball at napilitan lang din, but the guys thought she was good enough. When they took a break, one of them named Kyle grabbed his phone and handed it over to Alleah. Nakangiti naman ang lalaki nang iabot ni Alleah ang phone nito.

Nang bumalik si Alleah sa mga kaibigan nito ay pinipigilan lamang nila ang kilig dahil sa nasaksihan nila.

"Mga loko-loko talaga kayo, 'no?!" sabi pa ni Alleah. Agad naman siyang kinapitan ng mga kaibigan.

"Wait! Ano 'yong ginawa mo? Binigay mo ba number mo?"

"Hininga lang IG account ko," sagot ni Alleah. "Tapos tinanong din kung nag-stay ba tayo sa Casa Casillas kasi gusto raw nilang i-try. I tol them what we did last night and they might transfer there next week."

"Oh, ha! Nakuha mo pang tulungan si Morriah makakuha ng guests, ah!" Tawa pa ni Daia. "I'm so happy for you, girl! Maybe this time ito na talaga ang chance mo for true love!"

Napangisi at iling naman si Alleah. "Let's all dream for that. Imposibleng mangyari 'yon. We should take a swim. . . Init na init na ako, e."

Hinubad naman ni Alleah ang suot na shirt at naiwan na lamang ang suot na pangloob. Nagulat pa sina Daia at Cara sa ginawa nito, but they didn't mind it and did what she did. At this time, they were just all carefree as they believe this was the time to be themselves and get all the fun stuff together, especially in Baler.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top