Chapter 28

Dom and Daia slept in the girl's bedroom while Cara and Kenny stayed in the boy's bedroom. All night, Mando looked for Alleah and couldn't find her anywhere else. He asked Morriah and Rik if they had seen her. Hindi sinagot ni Morriah ang lalaki, pero binanggit ni Rik na nakita nila ang taong hinahanap niya kagabi. He didn't sleep worrying about her all night, especially about what happened to everyone at the club.

Sinubukang puntahan ni Mando ang kwarto ng mga kaibigan nito para tanungin kung nakita nila si Alleah. Una nitong pinuntahan ang kwarto ng mga lalaki at pagkabukas ng pinto ay bumungad sa kanya si Kenny na may pasa ang mukha.

"Ayos ka lang ba, Kenny?" nag-aalala pa nitong tanong.

Napangisi si Kenny at tinuro ang mga pasa sa mukha. "Sa tingin mo ba ayos lang 'to, Mando? Hindi, 'di ba? Kaya 'wag ka na magtanong kung okay lang ako o hindi. Gago talaga 'yong kaibigan mo, e, 'no?"

"Kaibigan mo rin naman si Dom."

"Gusto mo rin bang maupakan, Mando?" pananakot pa ni Kenny.

"Kenny! Magtigil ka riyan!" sigaw ni Cara sa loob. "Anong kailangan mo, Mando? Wala kang mahahanap dito."

"I was actually looking for Ley. Nandito ba siya?"

"Ba't mo hinahanap?" sagot pa ni Cara. Bumangon ito mula sa pagkakahiga sa kama at lumapit sa pinto para harapin ang kaibigan. Itinaas nito ang kilay habang tiningnan mula ulo hanggang paa ang lalaki. "Ano namang kailangan mo kay Ley? 'Di ba, kasama mo naman siya? Hindi naman kayo kasama sa away kagabi, ha?"

Napailing naman si Mando. "Hindi niyo ako kaaway, Cara, ha? I just want you to know. I didn't come here para magsimula ng gulo. Gusto ko lang tanungin kung nakita niyo ba si Ley. Answering yes or no would be helpful. Hindi naman gano'n kahirap 'yon."

"Pa'no kapag sinabi namin kung nasaan siya?" ani Cara.

"I would go to her."

"May ginawa ka 'no? Mahal na mahal ka no'ng kaibigan natin. Hindi ka no'n papahirapan maghanap sa kanya. If you were looking for right now, may ginawa ka na. Did you had sex with anyone?"

Biglang nagsalubong ang kilay ni Mando sa akusasyon ng kaibigang babae at bilang depensa ay umiling ito. "Ano ba naman kayo? Ang lala niyo naman mag-isip. I was just looking for her. Kung ano-ano namang sinabi niyo sa akin. Kung wala at hindi niyo alam, just say it!"

"E 'di, wala," matabang na sagot ni Cara. "Sorry," sarkastiko pa nitong sagot. Agad ding isinara ng babaeng kaibigan ang pinto sa harapan niya kaya mas lalong ikinais iyon ni Mando. He wanted to punch the door for doing that to him, but he resisted and moved on.

Sinubukan naman nitong puntahan ang kabilang kwarto dahil alam niyang nando'n ang magkapatid. Kinatok nito ang pinto at makailang minuto pa bago siya pinagbuksan nito. Nakataas ang kilay na ibinungad ni Daia, pero agad din naman iyong lumipas nang mapagtanto niyang si Mando lamang iyon.

"What's up?" bungad ni Daia.

"How are you and Dom?"

"We're fine," tipid na sagot ni Daia. "May kailangan ka ba?"

"Yeah, I was looking for Alleah. I went to the other room, pero pinagtabuyan lang nila ako."

Napangisi si Daia. "See, kuya?" Ibinuka ni Daia ang pinto para makita si Dom nang tuluyan. Nakahiga pa ito sa kama. "Narinig mo 'yon? Pinagtabuyan daw siya no'ng dalawa? Ang kakapal talaga nila, 'no? Nakakainit ng dugo. Ang aga-aga. Thanks for bringing that news to us, Mando, ha?"

Bumagsak ang balikat ni Mando at sabay napabitaw nang buntonghininga. "Look. I didn't come here fight anyone else. Gusto ko lang malaman kung nasaan si Ley. I've looked everywhere. Hindi ko siya makita. Kagabi ko pa siya hindi makita."

"Baka umuwi na," hinuha pa ni Daia.

"Iniwan mo kasi 'yon. 'Yan, karma ka tuloy, Mando. Iniwan ka naman." Natatawa pang banat ni Dom.

"So, wala siya rito sa kwarto niyo?"

"Nakikita mo ba? Wala naman, 'di ba? We've been here since last nght. Wala si Ley," pagpapaintindi pa ng kaibigang babae nito. "Kung nandito siya, hindi naman namin siya itatago sa 'yo, 'no? Bakit naman namin itatago si Ley sa 'yo? Kaloka."

"Okay. Thanks for your help."

"Baka umuwi na nga 'yon," muli pang sabi ni Daia. "Matapos no'ng nangyari kagabi? I guess, she doesn't want to be friends with us anymore. Ang toxic kasi natin."

Hindi na nagbigay pa ng komento si Mando at napili na lamang umalis. Bago pa isara ni Daia ang pinto ay may pahabol pang sigaw ang babae habang naglalakad ito paalis.

"Umuwi ka na lang din! Hindi ka naman talaga belong dito!" sigaw pa nito.

Napangisi at iling na lamang si Mando. Nang tumuloy siya sa bar area ay um-order ito ng isang beer habang nanginglid na ang mga luha sa mata. He didn't want to blame himself while he couldn't Alleah find anywhere. But hopefully, drinking beer would numb his emotions for the meantime.

"Nakakainis din minsan si Mando, 'no?" sabi ni Daia nang bumalik ito sa pagkakahga sa kama.

Napakibit balikat naman si Dom. "Siya naman ang humiwalay sa 'tin, e. Wala naman tayong magagawa kung ayaw na niya tayong kasama."

"Tapos ngayon hahanap-hanapin niya si Ley?" Daia laughed. "Parang tanga rin naman kasi 'tong si Ley. "Hirap na hirap maka-move on sa gagong lalaking 'yon. Dreams before her? Hindi ba pwedeng you can achieve your dreams while he was with her? Nabababawan pa rin ako sa rason niya."

"Baka may ibang rason," sabi ni Dom. "Ayaw lang umamin."

"Possibly. Kunyari good boy, pero may tinatago pa lang dark secrets."

"That's why you should end things with Kenny," Dominique said. "Bukod kay Cara, si Kenny lang din madalas gumawa ng gulo, e. If Cara wanted to end things with me, then I'll be fine. I'll move on with my life."

"Hindi ko pa alam. . ." sabi ni Daia. "Kailangan ko lang muna ng space from him. He shouldn't have done that to you. Pero umamin ka nga sa akin, did you cheat on Cara? Tama nga ba ang sinasabi ni Kenny?"

Dom was in silence.

"Putang ina mo, kuya," usal ni Daia. "Ikaw pala talaga may kasalanan, e. Deserve kang i-break ni Cara."

"Then I'll be fine," sagot nito na para bang walang pakialam.

"Guys. . ." Napaigtad ang dalawa sa gulat nang biglang bumulaga si Alleah sa sulok.

"What the fuck, Ley?! Anong ginagawa mo riyan?!" tanong ni Daia.

"Nandiyan ka lang ba simula kagabi?" dagdag na tanong ni Dom.

Tumango naman si Alleah at saka ito pumwesto sa kamay niya. "Pa'no tayo uuwi? Sasakyan ni Kenny ang ginamit natin papunta rito."

"Pwede kang sumabay sa kanila," sabi pa ni Daia. "Wala ka namang problema sa kanila. Bakit? Gusto mo na bang umuwi?"

Hindi kumibo si Alleah.

"May ilang araw pa tayo," sabi ni Dom. "Sulitin na lang natin 'to."

"Pa'no pa masusulit kung ang gulo-gulo ng lahat?"

"Sorry, ha? Nadamay pa ang enjoyment mo," pabalang na sagot ni Daia. "Bakit hindi na lang kayo magsama ni Mando ha? Hinahanap ka naman niya. Bakit dito ka rin nagpalipas ng gabi? Bakit hindi natulog sa kwarto niya? Akala ba namin okay na kayong dalawa? Ang gulo mo rin, Ley, ha? Huwag kanang dumagdag pa."

Napayuko si Alleah. Pinigilan lamang nito na pumatak ang luha, pero hindi na nito napigilan ang umiyak. Nagkatinginan sina Dom at Daia kaya dali-dali nilang nilapitan ang kaibigang babae para i-comfort ito.

"Wait. Ano bang nangyayari?" nag-aalalang tanong ni Daia. "Did someone die?"

"Is this something about you? Mando? Or both of you?" Dom questioned.

"H-He. . ." she couldn't say those words out loud.

"He what?" Daia queried. "Si Mando ba 'to? Tingnan mo ako. . ." Iniangat ni Daia ang mukha ng kaibigan at ipinaharap sa kanya saka tumango si Alleah habang patuloy ang pag-agos ng luha sa mata nito. "Anong ginawa sa 'yo no'ng gagong 'yon, ha? Sinaktan ka na naman?"

"Sabi ko na nga ba may kalokohang ginawa 'yon, e." Ngisi pa ni Dom. "Ano 'yon, Ley? Gugulpihin ko lang."

Hinampas ni Daia ang braso ng kapatid. "Manahimik ka! Tama na pagiging basagulero mo."

"I was just trying to help, Ley!" depensa pa ni Dom.

"Then it doesn't help her!" Daia exclaimed. "Okay, tell us what happened. Kung hindi mo sasabihin ay iiwanan ka namin dito sa kwarto at ilo-lock namin 'to para hindi ka na makalabas forever. Come on, Ley. Anong ginawa ni Mando?"

"H-He lied. . ." she stuttered.

"Of course, he did," disappointed na tugon ni Daia. "What did he say? Huh? Huminga ka muna nang malalim. Kalma. Papakinggan ka naman namin. . ."

Hinintay muna nina Dom at Daia na huminahon si Alleah mula sa pag-iyak at ikinuwento nito ang narinig niyang plano ni Mando. As expected, hindi na bago iyon para kina Dom at Daia dahil wala namang balak na mag-stay si Mando sa friendship nila. He let them go first kaya bakit pa siya mag-stay?

"Huwag mo nang isipin 'yon, okay? Nandito naman kami. Always naman! You didn't even need her in your life anymore. Kung puro pasakit na lang din ang ibibigay niya sa 'yo, you should made up your mind. 'Wag kang magbulag-bulagan. You are only hurting yourself in this drama habang siya ay nagpapakasaya sa buhay niya tapos nandito ka nagluluksa. Kalokohan 'yon."

"Stop thinking about him, Ley," Dom said. "Hindi mo dapat hayaan na sa kanya lang umiikot ang mundo mo. Maraming lalaki sa buong mundo. 'Wag mong aksayahin ang oras mo sa kanya. I know how much you love him, pero kung hindi ka na rin mahal ng mahal mo, why would you still hold on? Niloloko ka na, pero kapit na kapit ka pa rin? Ginagawa mo lang tanga ang sarili mo. You're getting blinded by his actions and words. You're forgetting to be who you are, Ley."

Gustong iproseso ni Alleah ang mga sinabi ng kaibigan, pero parang tumatagos lamang iyon sa magkabilang tainga niya. Nang mapagdesisyonan niyang umalis ay nagtangka pang pigilan ng dalawa si Alleah dahil baka puntahan lamang nito si Mando at gumawa ng katangahan.

"Promise. Hindi ko siya pupuntahan," sabi pa nito sa mga kaibigan. "Ayoko rin naman siyang makita. Dapat ng umuwi na lang din siya."

"Saan ka naman pupunta?" tanong ni Daia. Gusto mo bang sumama kami?"

Umiling ang babae. "Hindi na. . . Matanda na ako para samahan niyo ba. Malaki na ako para gumawa ng sarili kong desisyon. As you guys said, hindi ko naman kailangan si Mando sa buhay ko. For the past years, I've depended myself on him."

"Okay, okay. Good. . . But we're also helping you, Ley, ha? Hindi mo kami kaaway rito. We only want the good thing for you."

"Then thank you kung 'yon ang pinaparating niyo." Pilit na ngiti pani Alleah. "Hayaan niyo muna akong mag-isa. Hayaan niyo muna akong mag-isip."

"Kung gusto mo na umuwi, magsabi ka lang. Sasabay na lang kami ni Dom sa 'yo," sabi pa ni Daia. "Halos pa-walang kwenta na rin naman 'tong bakasyon natin dito sa Baler. It should be one of the best, but here we are, watak-watak na."

"And thanks to every one of us," Alleah said. "We just ended all our friendship. . ."

Tumalikod na si Alleah sa kanila at naglakad palayo. Hindi na nila napigilan ang kaibigan. They wanted to give her some space, pero nag-aalala rin naman ito sa kanila. Dinibdib iyon ni Alleah dahil mukhang walang balak sabihin ni Mando sakanya ang pagpunta nito sa Amerika. Base sa pakikipag-uspa nito sa Nanay niya kagabi, Alleah knew for a fact na matagal na rin itong pinaplano ni Mando, and possibly one of the reasons why kung bakit siya nakipag-break sa kanya.

Nang matanaw ni Alleah si Mando sa bar area ay palihim itong dumaan para hindi siya masilayan ng lalaki. Nang magawa niya iyon ay tumuloy siya papunta sa beach side. She was taking all the moment in taking her steps towards the beach. Leaving her foot prints on the sands and looking back all those she made along the way, she took a deep breath.

As she reached the beachside, it was quiet and serene. The only noise she could hear was the waves that came crashing to the shore. She closed her eyes, let her arms wide open, and took a deep breath while tipping her toes on the sand. It was as if she was ready to let them take her away.

Nang imulat niya ang mga mata niya ay muli itong dahan-dahang naglakad papunta sa dalampasigan kung saan ay unti-unti nang binabati ng alon ang mga paa siya. The waves weren't that strong, but was enough to sway her body back to the shore, but she persisted on walking towards the deeper level.

She wasn't thinking clearly. She let all the waves crash at her and as she slowly reached the part where she couldn't reach the sand floor, she didn't try to get herself afloat, but let herself get greeted by the incoming waves. She was doing fine. It was like she was swimming, not until her legs cramped and another raging wave came to her losing her concentration to anything.

At that moment, Alleah realized what was happening and started waving her hands up on the surface, but she was slowly sinking. She tried holding her breath for quite a while and tried to swim back up to the surface, but she had no energy to do so. Her emotions began to overwhelm her and everything went black.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top